Sunday, November 29, 2020

Totoo bang si Cristo ang Nagtatag ng INC™ sa Pilipinas?



"Ang haka-haka ng iba na si Kapatid na Felix Manalo ang nagtatag ng Iglesia Ni Cristo ay bunga ng kawalang kabatiran nila sa mga katotohanang nakasulat sa Biblia." -Pasugo God's Message May 2019, p. 41, (sa panulat ni Ervin M. Almedina)

Ang PAGKAKATATAG ng INC™ sa Pilipinas ay NAKASULAT sa mga PAHINA ng KASAYSAYAN kaya't HINDI NAAANGKOP na SANGGUNIIN ang Biblia ukol rito sapagkat WALANG KINALAMAN ang DIYOS at si CRISTO sa pagkakatatag nito!

At HINDI po totoong HAKA-HAKA lamang ito na dala ng kawalang kabatiran sa katotohanan! 

ITO ANG KATOTOHANAN!


Ang PAGKAKATATAG ng Iglesia Ni Cristo® ay NAKATALA at NAKATITIK po sa mga PAHINA ng AKLAT KASAYSAYAN saan man sa mundo tulad ng PAGKAKATITIK at PAGKAKATALA kung kailan, sino at paano BINUO ng IGLESIA KATOLIKA ang KUMPLETONG LISTAHAN ng mga AKLAT na nasa BIBLIA. noong taong 382 AD sa ROMA. At ang nagkumpleto nito ay ang IGLESIA KATOLIKA na "sa simula ay siyang Iglesia ni Cristo." (Pasugo Abril 1966, p. 46)

Hindi rin pahuhuli ang BRITANNICA ENCYCLOPEDIA tungkol sa pagkakatatag ng INC™!

Sa Pilipinas, halos LAHAT ng tao alam kung SINO ang NAGTATAG ng INC™. Sa ABS-CBN 'Fast Facts Iglesia Ni Cristo', sinasabi nito na ang Iglesia Ni Cristo® "WAS FOUNDED BY FELIX MANALO, ITS FIRST EXECUTIVE MINISTER."



ALAM NG LAHAT NA SI GINOONG FELIX MANALO ANG NAGTATAG NG INC™ SA PILIPINAS!

Ang PAGKAKATATAG ng INC™ sa Pilipinas ay hindi sikreto. Ito ay isang KATOTOHANAN ng KASAYSAYAN! Ito ay NASUSULAT sa mga DOKUMENTO sa Securities and Exchange Commission. Ayon sa kanilang dokumento, ang Iglesia Ni Cristo® ay ITINATAG ni FELIX MANALO at HINDI si CRISTO?


Sa SIMULA pa lamang ng INC™ sa Pilipinas, NAKASAAD na sa mga DOKUMENTO ng gobyreno na si Ginong FELIX MANALO NGA ang MISMONG 'FOUNDER' at ang "PRESENT HEAD"  ng 'IGLESIA NI KRISTO'! At SIYA ang NAGMAMAY-ARI ng nasabing iglesia! (UNIPERSONAL CORPORATION  o Corporation Sole). Ano pa ba ang mahirap unawain dito?

Kaya't sa kanilang PASUGO (Agosto-Setyembre 1964, p. 5), PINATUTUNAYAN nila kung anong mga NAKASULAT sa kanilang REGISTRATION DOCUMENTS.

“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

At dahil si FELIX MANALO ang MAY-ARI ng Iglesia Ni Cristo® na SUMULPOT sa Pilipinas noong 1914, marapat na SA KANYA rin MANGGAGALING LAHAT ng mga aral, doktrina at propaganda ng KANYANG INC™!

PASUGO Mayo 1952, p. 4 
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."

PASUGO May 1961, p.4 
“At sino nga ba ang gumagawa ng mga leksiyong itinuturo ng mga ministro, maging sa mga pagsamba, mga doktrina o mga Propaganda? Ang Kapatid na Felix Manalo.” 

PASUGO Mayo 1963, p. 27: 
“Kaya’t sa katuparan ng hula, ang lahat ng mga itinuturo ng mga Ministro ng INK sa mga pagsamba, sa mga doktrina, sa mga pamamahayag sa gitna ng baya, ay si Kapatid na Felix Manalo lamang ang bumabalangkas at nagtuturo sa kanila.”

Iglesia ni Cristo 33 AD vs Iglesia Ni Cristo® 1914

TALAMAK ang KASINUNGALINGAN sa mga aral ng INC™. Kahit sa tanghaling tapat, KAYA nilang TUMINGALA sa araw na NAGSISINUNGALING nang HINDI KUMUKURAP!

[Source: https://www.pasugo.com.ph/the-founder-of-the-iglesia-ni-cristo/]

Isang KAHIBANGAN ang SASABIHIN nilang si CRISTO ang NAGTATAG ng Iglesia Ni Cristo® sa Pilipinas! 

Isang KAMANGMANGAN ang SASABIHIN nilang ang Iglesia Ni  Cristo® na SUMULPOT na parang kabute sa Pilipinas noong 1914 ay siya ring IGLESIANG TINUTUKOY sa ROMA 16:16!

Ayon sa KASAYSAYAN ang Iglesia ni Cristo ay nagsimula pa noong Unang Siglo sa panahon ng Panginoong Hesus at ng mga Apostol.

At ang Iglesia Ni Cristo® ay nagsimula noong 1914 lamang sa panahon ng pagdating mga Protestanteng misyonerong galing sa Estados Unidos. At ito ay ITINATAG ni Felix Y. Manalo ayon sa archives ng SEC na PINATUTUNAYAN ng TIMELINE OF CHRISTIANITY!

Wikipedia/Timeline of Christianity

  • 1914 Iglesia ni Cristo incorporated in the Philippines by its founder Felix Y. Manalo

Kaya't kung IPAGPIPILITAN nilang ANGKININ na 'SI CRISTO ANG NAGTATAG NG INC™ sa PILIPINAS' ay isang malinaw na KASINUNGALINGAN at walang dudang PANLILINLANG ito sa mga TAO. 

NILILITO nila ang kanilang mga KAANIB at NILILINLANG nila ang kanilang mga tagasubaybay kung AARIIN nila na sila ang TINUTUKOY na mga 'iglesia ni Cristo' sa  Roma 16:16.

KASINUNGALINGAN!

Ang 'mga iglesia ni Cristo' na nabanggit sa Biblia (Roma 16:16) ay HINDI ang Iglesia Ni Cristo® (INC) sa Pilipinas! Ito ay ang IGLESIA KATOLIKA kung saan ang kanyang pamamahala ay NASA ROMA (VATICAN CITY)! Siguro naman malinaw sa aklat pa lamang kung KANINO pinatutungkol ni Apostol San Pablo ang kanyang sulat ~ SA MGA TAGA-ROMA (16:16) at HINDI ang mga kaanib ng INC™ ni Manalo sa PILIPINAS!

Kung sino ang DAPAT na MAGTATAG ng TUNAY na IGLESIA na PARA sa DIYOS at si CRISTO, ang PASUGO na rin ang MAGLALAHAD nito!

PASUGO Nobyembre 1940, p. 23: 

Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..." 

Kaya't WALANG KARAPATAN si G. FELIX Y. MANALO, ayon na rin sa kanila, isang TAO, na MAGTATAG ng IGLESIANG PARA SA DIYOS at papangalanan niyang KAY CIRSTO kung HINDI naman si Cristo ang nagtatag nito!!

WALANG KARAPATAN si G. FELIX MANALO, isang TAO na MAGTATAG ng Iglesiang para kay Cristo sapagkat MAYROONG IGLESIANG TATAG si CRISTO NOONG UNANG SIGLO. At KUNG may mga SUSULPOT na mga "IGLESIA" rin PAGKATAPOS ng PAGKAKATATAG ng Panginoong HESUKRISTO sa KANYANG IGLESIA, ang LAHAT ng mga ito ay HUWAD!!

PASUGO Mayo 1968, p. 7: 

“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"

HUWAD ang INC™ sa Pilipinas sapagat ito ay KAILAN LAMANG SUMULPOT! Samantalang ang IGLESIA KATOLIKA ay ang NAG-IISANG TUNAY na IGLESIA NI CRISTO, ayon na rin sa PATOTOO ng PASUGO at ng KASAYSAYAN!

PASUGO Abril 1966, p. 46: 
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." 

PASUGO July August 1988 p. 6.  
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.” 

PASUGO March-April 1992, p. 22 
"The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century..."

BBC (British Broadcasting Corporation)
"The Catholic Church is the oldest institution in the western world. It can trace its history back almost 2000 years."

Patheos
"Roman Catholicism is a worldwide religious tradition of some 1.1 billion members. It traces its history to Jesus of Nazareth, an itinerant preacher in the area around Jerusalem during the period of Roman occupation, in the early 30s of the Common Era."

Wikipedia/History of the Catholic Church
"...the history of the Catholic Church begins with Jesus Christ and his teachings (c. 4 BC – c. AD 30) and the Catholic Church is a continuation of the early Christian community established by the Disciples of Jesus." 

Britannica Encyclopedia
"As a branch of Christianity, Roman Catholicism can be traced to the life and teachings of Jesus Christ in Roman-occupied Jewish Palestine about 30 CE.

TOTOO BANG NATALIKOD NA GANAP ANG IGLESIANG TATAG NI CRISTO?

HINDI po totoong NATALIKOD ang UNANG IGLESIA NI CRISTO. Ang mga nagtuturong NATALIKOD ang ORIHINAL na  IGLESIA NI CRISTO ay "bunga ng kawalang kabatiran nila sa mga katotohanang nakasulat sa Biblia." 

Katulad ng mga MORMONS (The Church of Jesus Christ of the Latter-day Saints) na tatag ni JOSEPTH SMITH noong 1820 (Timeline of Christianity) na siyang original na NAGTURO ng "GREAT APOSTASY", ang Iglesia Ni Cristo® ni Ginoong Manalo ay halos MAGKATULAD na MAGKATULAD ang kanilang konsepto. 

Ang PAGTALIKOD daw ay naganap noong namatay na ang mga alagad ni Cristo.  At dahil sa NATALIKOD na nga raw ito, KINAKAILANGAN ng Diyos na MAGSUGO ng isang HULING PROPETA o HULING SUGO/ANGHEL upang ITAYONG MULI ang NATALIKOD na IGLESIA.

Kaya't noong 1820 PINANGARAL ni JOSEPH SMITH na siya raw ay ang HULING PROPETA at SUMULPOT ang MORMONISM.

Noong 1914 SUMULPOT naman ang INC™. At noong 1922, saka lamang itinuro ni FELIX Y. MANALO na siya raw ang HULING SUGO o ANGHEL sa mga HULING ARAW kuno!

"In the first-century, the Church Of Christ spread and grew in membership (Acts 8:4-5; 6:7). However, it apostatized after the apostolic period as false prophets led its turning away from the true faith (Matt. 24:11, 4; Acts 20:29-30: II Tim. 4:6)." -Pasugo Online [https://www.pasugo.com.ph/the-founder-of-the-iglesia-ni-cristo/]

Sapagkat kung HINDI NATALIKOD ang Unang Iglesia, LALABAS na ang Iglesia ng Mormons at Iglesia ni Felix Y. Manalo ay mga HUWAD.  Kinakailangang MATALIKOD ang una para palabasin niyang LEHITIMO ang BAGONG SULPOT na iglesia. 

Ngunit sa mga SERYOSONG NAGSUSURI ng mga ARAL ni FELIX MANALO, naitanong na ba ninyo kung KAILAN, ANONG PETSA at ANONG PANAHON NATALIKOD na GANAP ang UNANG IGLESIA?

NAWALA ANG orig na IGLESIA TAONG c.100 A.D.?

Ang PAGTALIKOD raw ay NAGANAP SIMULA noong NAMATAY ang HULING APOSTOL ayon sa kanilang Pasugo Online: 'However, it apostatized after the apostolic period...'

PASUGO Mayo 1961, p.21

“Maliwanag sa pag-aaral nating ginagawa sa unahan nito na ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo ay natalikod o ganap na nawala sa ibabaw ng lupa. Inagaw nila sa pagsunod sa hulihan ni Cristo." 

Sa isang paksa naman sa kanilang opisyal na magasing Pasugo, sinabi naman doon na NALIPOL NA LAHAT daw ang Unang Iglesia!

PASUGO Enero 1964, p. 2

“Sa isang paksang mababasa sa nakaraang labas nitong Pasugo (Disyembre) ay ipinaliwanag kung saan naroon ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo as Jerusalem. Ito ay natalikod. Nalipol na lahat."

Kung ang PAGBABATAYAN natin ukol sa 'PAGTALIKOD NA GANAP' daw ng unang Iglesia ay noong HULING NABUHAY ang mga APOSTOL, LALABAS na SIMULA c. 100 AD hanggang 1914 AD nawalan ng taga sunod si Cristo?! WALANG NAILIGTAS ang Panginoong Hesus!

UTANG NA LOOB pa pala ni Cristo ay FELIX MANALO ang PAGLILIGTAS niya. Sapagkat kung WALANG FELIX MANALO noong 1914 na NAGTATAG ng INC™ WALANG SAYSAY ang PAGKAMATAY NIYA sa KRUS. At WALANG SAYSAY ang Kanyang pagiging CRISTO (MANUNUBOS)!

Kung TATANGGAPIN natin ang ARAL ng INC™, LALABAS na si CRISTO ay MANDARAYA! Isa Siyang SINUNGALING. Sapagkat NANAIG ang kapangyarihan ng HADES sa Kanyang tatag na Iglesia!

Kahindik-hindik na aral ano po!

Ang hirap isipin na yung kay CRISTO, NATALIKOD! HINDI man lang UMABOT sa CENTENNIAL. 

Samantalang yung HUWAD, UMABOT pa sa CENTENNIAL noong 2014 AD at ngayon ay nasa ika-106 TAON na!?

At dahil ALAM NATIN na ang PANGINOONG HESUS ay HINDI SINUNGALING at HINDI MANDARAYA, NAKAKASIGURO tayo na yung NANGARAL ng PAGTALIKOD ang SIYANG SINUNGALING at MANDARAYA: si Ginoong FELIX Y. MANALO!

PASUGO Agosto 1971, p.22: 
“Tinitindigan namin na ang Iglesiang itinatag ni Cristo ay talagang iisa lamang. Nang magkaroon ng INK sa Pilipinas ay wala na ang Iglesia ni Cristo sa Jerusalem.” 

Noong SUMULPOT ang INK o INC™ sa Pilipinas, DOON LAMANG NAWALA ang Iglesiang tatag ni Cristo sa Jerusalem noong Unang Siglo!?

Isang magic na aral ng BULAANG PROPETA!

At HINDI pa NATATAPOS diyan ang KALITUHAN nila KUNG KAILAN talaga NATALIKOD ang UNANG IGLESIA.  

Sapagkat sa kanila ring PASUGO, Abril 1966, p. 46, INAMIN nila roon na HINDI pa pala NATALIKOD na GANAP ang UNANG IGLESIA (o ang ORIGINAL na IGLESIA NI CRISTO) sapagkat 1966 AD ay PATULOY pa raw na NAGPAPAPASOK ng MALING ARAL si SATANAS sa IGLESIA KATOLIKA NA 'SA PASIMULA'Y SIYANG IGLESIA NI CRISTO.' 

“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo." 

NATALIKOD NA GANAP ang UNANG IGLESIA 

  • 100 A.D. (Pasugo Online)
  • 1914 A.D. (Pasugo Agosto 1971)
  • 1966 A.D. (Pasugo Abril 1966)
SALUSALUNGATANG ARAL ng mga MANDARAYA!  Kung may NAPATUNAYAN man sila sa kanilang mga aral, ito ay ang mga sumusunod: 

  • HINDI natalikod ang Unang Iglesiang tatag ni Cristo! (Pasugo Abril 1966)
  • Ang Unang Iglesiang tatag ni Cristo ay ang Iglesia Katolika (Pasugo March-April 1992)
  • Ang Iglesia Ni Cristo™ na sumulpot sa Pilipinas noong 1914 ay HUWAD! (Pasugo Mayo 1968)
  • Ang Iglesia Katolika hanggang sa kasalukuyan ay siyang TUNAY at NAG-IISANG Iglesia ni Cristo! (Pasugo Abril 1966)

No comments: