Pansin naman siguro ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo ang masidhing pagsintasa natin sa KRUS ng ating Panginoong Jesuskristong. Tayong mga TUNAY na KAANIB sa TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ~ ang IGLESIA KATOLIKA ay tumatalima sa mga sinabi ng mga alagad tulad ng itinuro ni Apostol San Pablo sa mga taga Corinto.
"For the message of the cross is foolishness to those who are perishing, but to us who are being saved it is the power of God." -1 Cor. 1:18 (NKJV)
"Sapagkat ang mensahe ng krus ay kahangalan sa mga napapahamak, ngunit para sa ating mga naliligtas, ito ay kapangyarihan ng Diyos."
Ang sabi pa ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia ay ganito:
"But God forbid that I should boast except in the cross of our Lord Jesus Christ, by whom the world has been crucified to me, and I to the world." Gal. 6:14 (NKJV)
"Datapuwa't malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niyao'y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako'y sa sanglibutan."
Ang KRUS pala ng ating Panginoong Jesus ay KAPANGYARIHAN ng Diyos, kahangalan sa mga mapapahamak.
Sa mga kaanib ng INC™ 1914, hindi ba't ang ginagawa nilang pagyurak at pagkamuha sa Krus ng Panginoong Jesus ay siyang kanilang ikapapahamak?
At sa mga tunay na Kristiano ~ mga tunay na kaanig sa iisang iglesia ~ ang Iglesia Katolika, wala tayong dapat ipagmapuri, maging sa ating mga sarili sapagkat tanging ang KRUS ng PANGINOONG JESUS lamang sapagkat sa ating pagmamapuri sa Krus tayo ay natututong magpakumbaba sa harapan ng Diyos. At sa pamamagitan ng pagpasan natin sa ating mga krus, tayo ay nakikiisa sa pasakit Niya at tayo rin ay makikibahagi sa Kanyang pagkabuhay na mag-uli at makikipisan sa Kanyang kaharian sa langit. Iyan ay pangako! Iyan ay turo! Tayo'y tumalima hindi sa mga bulaang propeta at sa kanilang mga anti-Cristong aral na sumulpot lamang noong 1914.
No comments:
Post a Comment