Saturday, April 25, 2020

Ang Kasinungalingan ng Isang Bagong Kaanib ng INC™ 1914


"Wala naman sigurong KATO-LIKO na magsasabi na fake ito", ang sabi po ni Wayne Dotor sa kanyang komento sa YouTube video ng INC™-1914.

Tunay nga pong "dating" seminarista ang bagong kaanib ng INC™ na tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo noong 1914. Ang hindi lamang po makatotohanan ay ang sabihin niyang siya'y lumabas ng seminaryo sapagkat napagtanto niya na mali ang aral ng Iglesia Katolika.  Ang KATOTOHANAN sa likod ng kanyang pag-anib sa Iglesia Ni Cristo® 1914 ay sapagkat natagpuan niya, ayon sa ating kapatid na Charles Patrick, ang kanyang kasalukuyang asawa. Siya po ay lumabas sa seminaryo mahigit 4 na taon na bago pa siya nagpasyang umanib sa iglesia ni G. Felix Manalo. Hindi raw po niya tinapos ang 4-na taon ng Pilosopiya at nag-aral at nagtapos bilang isang guro.  Noong siya'y naging guro ay doon pa lamang niya nakilala ang kanyang kasintahang kaanib ng INC™. At dahil inibig  niya ng lubos ang kanyang kasintahan kaya't pinagpasyahan niyang IPAGPALIT ang kanyang BIRTHRIGHT bilang Katoliko sa kanyang asawa.  Pinagpalit niya ang tunay na iglesia sa isang peke.

Marami pong mga kwentong katulad ng kay Ginoong Joebert Gavieta. Dating Katoliko, umanig sa INC™ alinsunod sa kagustuhan ng kanilang mga minamahal. At para sa isang debotong INC™ ang pag-aasawa ng isang Katoliko ay isang paraan upang hikayatin sila sa iglesiang tatag ni G. Felix Manalo. At para sa kanila, ang gawaing ito ay kalugud-lugod sa Ama upang maligtas sa dagat-dagatang apoy ang mga Katoliko na "sumasamba sa mga inanyuhang kahoy at bato."

Ngunit para sa mga TUNAY na KAANIB sa TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ~ ang Iglesia Katolika na "sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo" (Pasugo Abril 1966, p. 46) ang PAGSISINUNGLING ay isang uri ng PANLILINLANG. At ang PANLILINLANG ay hindi katangian ng isang taong maka-Diyos sapagkat ang Diyos ay HINDI manlilinlang kundi ang DIABLO! Ang Diyos ay DAAN, KATOTOHANAN at ang BUHAY.  

Kaya't sa ating pagsisiyasat, hindi po tayo dapat umanib sa mga iglesiang MINAMALI ang aral ng iba, NAGSISINUNGLING sa kanilang mga turo at NANLILINLANG sa kanilang mga aral. Iwasan po sila at itakwil ang gayong mga paniniwala. Dito po tayo DAPAT sa TUNAY na Iglesia ni Cristo ~ itong Iglesiang tatag mismo ni Cristo noong 33AD at hindi ang tatag lamang ng tao nitong 1914!
 



No comments: