"The Catholic Church is a worldwide force that has reigned for centuries. Through European colonialism, its influence can be found on all continents. Missionaries were an essential part of this religious expansion and although most of these countries have since gained their independence, Catholicism still reigns." -World Atlas
Isa sa mga maraming pinaghuhugutang batayan ng mga kaanib ng INC™-1914 sa larangan ng debate ay "KUNG SINO RAW ANG INUUSIG AY SIYANG TUNAY NA IGLESIA" at sila raw 'yun.
Inuusig nga ba ng mundo ang INC™ ni Ginoong Manalo?
Ayon sa mga kaanib ng INC™ ni Ginoong Manalo na itinatag niya sa Punta, Sta. Ana Maynila, Pilipinas noong 1914, galit daw ang mga Katoliko at mga Protestante sa Iglesia Ni Cristo®, patunay raw na "tunay" ang kanilang inaaniban ayon sa Mt. 24:9 ukol sa pag-uusig sa "iglesia" at sila (INC™-1914) nga raw iyong tinutukoy.
Isang kahibangan na naman sapagkat HINDI kailanman tinutukoy ang TATAG na iglesia ni Ginong FELIX MANALO, na inirehistro lamang sa pangalang "Iglesia Ni Cristo" bilang isang TRADEMARK!
Ayon sa Mateo 24:9 ay ganito: "Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan."
Ayon sa Mateo 24:9 ay ganito: "Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan."
Sino na nga ba ang "pinatay" na kaanib ng INC™ ni Manalo dahil kay Cristo?
O di kaya'y INC™ ni Manalo, kinapopootan ng BUONG mundo?
Ayon sa HuffingtonPost HINDI ang Iglesia Ni Cristo® ni Ginoong Manalo ang kinapopootan ng mundo. At wala ni isa sa kanilang mga kaanib ang napatay na dahil sa kanyang pananampalataya sa INC™. Sa kanilang report noong 2013, ang pinaka-inuusig raw ay ang ang KRISTIANISMO sa Iraq, Pakistan, at iba pang mga bansang nasa ilalim ng relihiyong Islam, kasama ang North Korea na nasa ilalim ng komunismo. Sa mga nabanggit na mga bansa sa mundo, WALA PONG INC™ roon. Takot silang mapatay. Ang mga Kristiano roon kaanib sa orihinal at tunay na Iglesia ni Cristo na si Cristo mismo ang nagtatag ~ ang Iglesia Katolika!
Sa report naman ng Pew Research Center noong 2016, may 144 raw na bansang talamak ang pag-uusig sa mga Kristiano ~ tulad ng pagdiskriminasyon, verbal assault, pisikal na atake, pagkakaaresto kahit walang sala o kaya'y ang pagsara o pagsira sa kanilang mga bahay-dalanginan o mga pook na itinuturing na banal sa mga Kristiano. Sa listahang ito makikita ang mga bansang
Muli, wala ni isang kaanib ng INC™ 1914 ang kabilang sa mga inuusig. Kaya't papaano sila ang tinutukoy na inuusig ng mundo?
Kapighatian at kamatayan at kapopootan sasainyo (Mt. 24:9) (Photo Credit: ExpressUK) |
Muli, wala ni isang kaanib ng INC™ 1914 ang kabilang sa mga inuusig. Kaya't papaano sila ang tinutukoy na inuusig ng mundo?
INC™ 1914 and nang-uusig sa tunay na Iglesiang tatag ni Cristo!
Sa kasaysayan ng Iglesia Ni Cristo® mula nang inirehistro at opisyal na itinatag ito ni Ginoong Felix Y. Manalo noong Hulyo 27, 1914, ang kanilang SANGKALAN ay ang Iglesia Katolika.
Tulad ng pag-amin ng kanilang PASUGO Oktubre 1956, p. 1:
“Ang Iglesia ni Cristo ay nagdaos ng pamamahayag sa Lunsod ng Davao. Nagsalita roon si Kapatid na Felix Manalo at ang kasama niyang mga Ministro. Ipinahayag doon ng mga nagsalita na ang Iglesia Katolika Romana ay hindi itinatag ni Cristo kundi itinatag ng Diablo."
Halos sa bawat limbag na kanilang opisyal na magasing Pasugo, ang inuusig nila roon ay ang Iglesia Katolika tulad nitong sinabi nila sa PASUGO Oktubre 1959, p. 5:
“Mga magdaraya at anti-Cristo, ang mga nagtuturong si Cristo ay Dios."
PASUGO Agosto 1962, p. 9:
“Kaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na ampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko.”
Sino ngayon ang lumalabas na INUUSIG? Lalo lamang nilang pinapalitaw na ang IGLESIA KATOLIKA ang TUNAY na Iglesia sapagkat ang Iglesia Katolika nga naman ang kinapopootan, pinapatay at inuusig ng buong mundo at kasama ang INC™ ni ginoong Felix Y. Manalo sa mga nang-uusig sa Iglesia Katolika!
At para matuldukan kung ang Iglesia Ni Cristo® ba ay kanino, kay Cristo o kay Felix Manalo, PASUGO ang sasagot:
PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Sa kanilang ika-100 daang TAON ng PAGKAKATATAG, kanilang inamin ang ganito:
"On July 27, 1914... the Iglesia Ni Cristo was registered with the Philippine government... the Articles of Incorporation were filed with the Office of the Division of Archives, Patented Properties of Literature and Executive Office of Industrial Trade Works..." -PASUGO God's Message Special Centennial Issue, p. 16 (by Nicanor P. Tiosen)Wala na tayong dapat pang pagtatalunan kung sino ang TUNAY na Iglesia! Ito ay ang IGLESIA KATOLIKA!
No comments:
Post a Comment