Thursday, October 25, 2018

Ambag-Katoliko: Templo Central ng INC™ Disenyo ng Katoliko?

Nothing originally theirs ika nga!

Alam niyo ba na ang Central Temple ng Iglesia Ni Cristo®-1914 ay disenyo ng isang DEBOTONG KATOLIKO? Siya po ay si Ginoong Carlos Antonio Santos-Viola ~ isang batikang arkitekto!

Ilan sa mga gusaling dinisenyo ni G. Santos-Viola ay ang INC™-1914 temple sa Cubao (Quezon City), Francisco Del Monte (Quezon City), Bago-bantay (Quezon City), templo sa Bautista Makati, Tondo at Punta Sta. Ana (Manila) ayon sa History of Architecture



AMBAG-KATOLIKO

Bagama't ang rehistradong Iglesia Ni  Cristo® 1914 ay nasusuklam sa mga Katoliko at sa Iglesia Katolika, MALAKI ang AMBAG ng IGLESIA KATOLIKA at ng mga Katoliko sa kanila.

Halimbawa na lamang ang GREGORIAN CALENDAR na ipinakilala ni PAPA GREGORIO XIII  taong 1582 sa kanyang Papal Bull na Inter Gravissimas.

Ang pagpapakilala ng Iglesia Katolika sa Gregorian Calendar ay hindi nabuo ayon lamang sa kagustuhan ng Santo Papa kundi upang GANAP na MAILUKLOK at MAITAMPOK ang PASKO NG PAGKABUHAY o EASTER SUNDAY at matuldukan sa tamang petsa sa pinakadakilang kapistahang ito. Sa ngayon, isa ang samahan ni G. Felix Manalo sa mga NAKIKINABANG sa AMBAG ng Katoliko sa mundo.

Maging sa pelikulang "Felix Manalo" (kwentong-buhay ng kanilang tagapagtatag) halos mga Katolikong artista rin ang mga gumanap [Basahin: How Dennis Trillo got the role of Felix Manalo...]. Maging sa kanilang mga anibersaryo, mga Katolikong artista rin ang mga imbitadong nagpasinaya sa kanilang okasyon para  magbigay-aliw sa kanilang mga kaanib.

At maging sa BIBLIA o Salita ng Diyos, wala silang magawa kundi ang gamitin ang SIPI NG SALITA NG DIYOS na ININGATAN ng IGLESIA KATOLIKA mula nang NABUO ang KUMPLETONG CANON nito sa COUNCIL OF ROME (382 A.D.) at sa COUNCIL OF CARTHAGE (419 A.D.)

The Council of Rome was a meeting of Catholic Church officials and theologians which took place in 382 under the authority of Pope Damasus I, the current bishop of Rome. It was one of the fourth century councils that "gave a complete list of the canonical books of both the Old Testament and the New Testament."
Hindi ang Iglesia Protestante ang naglimbag ng listahan ng Biblia kundi ang Iglesia Katolika sa Council of Rome, dito ipinakilala ng TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO ~ ang IGLESIA KATOLIKA ang mga Aklat ng Biblia (Lumang Tipan at Bagong Tipan) na karapat-dapat na basahin sa lahat ng Simbahan ng tunay na Iglesia ni Cristo!

It is likewise decreed: Now, indeed, we must treat of the divine Scriptures: what the universal Catholic Church accepts and what she must shun. The list of the Old Testament begins: Genesis,one book; Exodus, one book: Leviticus, one book; Numbers, one book; Deuteronomy, one book; Jesus Nave, one book; of Judges, one book; Ruth, one book; of Kings, four books [First and Second Books of Kings, Third and Fourth Books of Kings]; Paralipomenon, two books; One Hundred and Fifty Psalms, one book; of Solomon, three books: Proverbs, one book; Ecclesiastes, one book; Canticle of Canticles, one book; likewise, Wisdom, one book; Ecclesiasticus (Sirach), one book; Likewise, the list of the Prophets: Isaiah, one book; Jeremias, one book; along with Cinoth, that is, his Lamentations; Ezechiel, one book; Daniel, one book; Osee, one book; Amos, one book; Micheas, one book; Joel, one book; Abdias, one book; Jonas, one book; Nahum, one book; Habacuc, one book; Sophonias, one book; Aggeus, one book; Zacharias, one book; Malachias, one book.  
Likewise, the list of histories: Job, one book; Tobias, one book; Esdras, two books; Esther, one book; Judith, one book; of Maccabees, two books.  
Likewise, the list of the Scriptures of the New and Eternal Testament, which the holy and Catholic Church receives: of the Gospels, one book according to Matthew, one book according to Mark, one book according to Luke, one book according to John. The Epistles of the Apostle Paul, fourteen in number: one to the Romans, two to the Corinthians [First Epistle to the Corinthians and Second Epistle to the Corinthians], one to the Ephesians, two to the Thessalonians [First Epistle to the Thessalonians and Second Epistle to the Thessalonians], one to the Galatians, one to the Philippians, one to the Colossians, two to Timothy [First Epistle to Timothy and Second Epistle to Timothy], one to Titus, one to Philemon, one to the Hebrews. Likewise, one book of the Apocalypse of John. And the Acts of the Apostles, one book. 
Likewise, the canonical Epistles, seven in number: of the Apostle Peter, two Epistles [First Epistle of Peter and Second Epistle of Peter]; of the Apostle James, one Epistle; of the Apostle John, one Epistle; of the other John, a Presbyter, two Epistles [Second Epistle of John and Third Epistle of John]; of the Apostle Jude the Zealot, one Epistle. Thus concludes the canon of the New Testament. Likewise it is decreed: After the announcement of all of these prophetic and evangelic or as well as apostolic writings which we have listed above as Scriptures, on which, by the grace of God, the Catholic Church is founded, we have considered that it ought to be announced that although all the Catholic Churches spread abroad through the world comprise but one bridal chamber of Christ, nevertheless, the holy Roman Church has been placed at the forefront not by the conciliar decisions of other Churches, but has received the primacy by the evangelic voice of our Lord and Savior, who says: "You are Peter, and upon this rock I will build My Church, and the gates of hell will not prevail against it; and I will give to you the keys of the kingdom of heaven, and whatever you shall have bound on earth will be bound in heaven, and whatever you shall have loosed on earth shall be loosed in heaven."
Kaya't malaking utang na loob ng buong ka-Kristiyanuhan sa Iglesia Katolika ang kanilang mga Biblia, iyon lamang, ang kanilang mga sipi ay kulang-kulang sapagkat inalis ito ng mga Protestante noong 1549. Ang mga salita ay nalihis na sa tunay na kapakahulugan nito kaya't nagkanya-kanya ang mga Kristiano sa kanilang unawa at nagdulot ito ng kanilang pagkakawatak-watak.


Sa kasaysayan ng ating kaligtasan tanging ang IGLESIA KATOLIKA lamang ang TUNAY na iglesiang TATAG NI CRISTO at wala nang iba.  Lisanin na ang mga pekeng iglesia at mga mapagpanggap na mga mangangaral nito at bumalik sa tunay na Iglesia ni Cristo sapagkat ang kaligtasan ay masusumpungan lamang sa tamang daan na nasa loob ng tunay na iglesia.

No comments: