Saturday, September 1, 2018

Mas Mapalad ang Kaanib sa Tunay na Iglesiang Tatag ni Cristo

Ipinagmamalaki ng mga kaanib ng INC™ - 1914 na sila'y "mapalad" raw sapagkat sila ay "Iglesia Ni Cristo"


Ngunit NAKAPAKAPALAD talaga ng mga taong kaanib sa TUNAY na IGLESIA NI CRISTO sapagkat garantisado ang kaligtasang pangako sa kanila ng Diyos Ama sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak na ating Diyos at Panginoong Hesukristo kaisa ng Banal na Espiritu. Ang pagtalima sa mga Utos ng Diyos na nasusulat sa Biblia na ipinangangaral ng mga KAHALILI ng mga Apostol ~ ang ating mga kaparian na ang kanilang mga ORDINASYON ay WALANG PUTOL mula sa otoridad at kapangyarihang itinakda sa kanila ni Hesus na ating Panginoon at Diyos ay siyang gabay natin tungo sa ating kaligtasan!


At bilang pangwakas ating hanguin ang mga nakatitik sa opisyal na magasin ng INC™-1914, ang PASUGO!

Tanong: Totoo ba o hindi na si Felix Manalo ang siyang nagtatag ng INK -1914?
Sagot: PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

Tanong: Mayroon bang karapatan na magtayo ng Iglesia ang isang tao, na katulad ni Felix Manalong tao?
Sagot: PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."

Tanong: Ilan ba ang Iglesiang itinayo ni Cristo, at saang dako ng daigdig niya itinayo?
Sagot: PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"

O mga kapatid namin sa Iglesiang tatag ni Ginoong Felix Manalo, tinatawag na kayo ng Diyos Ama na bumalik sa Iglesiang tatag ng Kanyang Anak ~ ang Iglesia Katolika "na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." (PASUGO Abril 1966, p. 46)

No comments: