Saturday, September 29, 2018

Criminals or Persecuted?

No! You cannot silence them. We have seen how vicious you are in attacking those who exposed your Executive Minister's alleged love of earthly wealth that even his own siblings and mom were expelled from the church their grandfather has founded. You must be ashamed of yourselves for calling your group "Christians" because in all of Biblical stories, NONE of the prophets, sages and holy men and women have broken one of God's commandment ~ to love, respect and obey their parents (Ex. 20:12; Eph. 6:1), and none of them loved earthly wealth and power!

You can't fool the Canadian government. Those videos which proves their lives were under threat from your group are all available in public domain for anyone to see, and these videos were shot and videotaped by credible news sources in the Philippines and they all say otherwise.

CRIMINALS IN RP, CRIMINALS IN NORTH AMERICA

By. Don Orozco

Source: Philippine News 
Lowell Menorca II and Rovic Canono, expelled former members of the Iglesia Ni Cristo (INC) presently enjoying “asylum” in Canada after claiming political persecution in the Philippines, now literally “cash in” on their completely fictitious victim status. 
After being granted political protection on the basis of fantastic and unverified claims of threats to their safety and security, Menorca and Canono lost no time in doing what they planned to accomplish in Canada in the first place – to make the liberal, permissive and benevolent country a base for their money laundering activities and continued campaign to discredit the INC... 
...Menorca and Canono enjoy zero credibility and legitimacy in the Philippines. Before they fled the country secretly in 2016, they were both facing multiple charges of rape, domestic violence against spouse and children, adultery and other heavy criminal offenses....









Thursday, September 27, 2018

Ina at Kapatid sa Laman ng Punong Ministro ng INC™-1914, ginigipit ng Iglesia Ni Cristo®!

Hindi katanggap-tanggap na ang isang tinatawag na namumuno ng isang relihiyon ay kumakalaban mismo sa kanyang sariling magulang at ang nanggigipit sa kanyang ina at mga kapatid ay mismong ang kanilang kapatid sa laman na si Ginoong Eduardo V. Manalo, Executive Minister ng samahang Iglesia Ni Cristo® - 1914 na tatag ni Ginoong Felix Manalo. Ang INC™-1914 ay nagpapanggap na  tunay na Iglesia ni Cristo ngunit wala namang ibang TUNAY na Iglesiang tatag si Cristo kundi ang Iglesia Katolika ayon sa kanilang opisyal na magasing PASUGO Abril 1966, p. 46.

Ex. 20:12 “Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos."

Efeso 6:1 "Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat. “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong “Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa.”

Saturday, September 1, 2018

Mas Mapalad ang Kaanib sa Tunay na Iglesiang Tatag ni Cristo

Ipinagmamalaki ng mga kaanib ng INC™ - 1914 na sila'y "mapalad" raw sapagkat sila ay "Iglesia Ni Cristo"


Ngunit NAKAPAKAPALAD talaga ng mga taong kaanib sa TUNAY na IGLESIA NI CRISTO sapagkat garantisado ang kaligtasang pangako sa kanila ng Diyos Ama sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak na ating Diyos at Panginoong Hesukristo kaisa ng Banal na Espiritu. Ang pagtalima sa mga Utos ng Diyos na nasusulat sa Biblia na ipinangangaral ng mga KAHALILI ng mga Apostol ~ ang ating mga kaparian na ang kanilang mga ORDINASYON ay WALANG PUTOL mula sa otoridad at kapangyarihang itinakda sa kanila ni Hesus na ating Panginoon at Diyos ay siyang gabay natin tungo sa ating kaligtasan!


At bilang pangwakas ating hanguin ang mga nakatitik sa opisyal na magasin ng INC™-1914, ang PASUGO!

Tanong: Totoo ba o hindi na si Felix Manalo ang siyang nagtatag ng INK -1914?
Sagot: PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

Tanong: Mayroon bang karapatan na magtayo ng Iglesia ang isang tao, na katulad ni Felix Manalong tao?
Sagot: PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."

Tanong: Ilan ba ang Iglesiang itinayo ni Cristo, at saang dako ng daigdig niya itinayo?
Sagot: PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"

O mga kapatid namin sa Iglesiang tatag ni Ginoong Felix Manalo, tinatawag na kayo ng Diyos Ama na bumalik sa Iglesiang tatag ng Kanyang Anak ~ ang Iglesia Katolika "na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." (PASUGO Abril 1966, p. 46)