Sunday, February 25, 2018

Isaiah 60:3 - Patunay na ang Iglesia Katolika ay Siyang Tunay na Iglesia ni Cristo!

Kahabag-habag ang pag-aangkin na naman ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo® de Manalo 1914 ukol sa mga hula raw ng Biblia na natutupad raw patungkol sa kanilang sekta. Dahil raw sa nasasaad sa Isaiah 60:3 (Facebook post) ay sila raw ang "totoong" iglesia.

"WHAT IS WRITTEN IN ISAIAH 60:3 TRULY FULFILLS AS LEADERS OF DIFFERENT NATIONS RECOGNIZE THE CHURCH OF CHRIST -- "NATIONS WILL COME TO YOUR LIGHT, AND KINGS TO THE BRIGHTNESS OF YOUR DAWN."
"Ang mga bansa ay lalapit sa iyong liwanag, ang mga hari ay pupunta sa ningning ng iyong pagsikat."
Hindi naman INC™ ang pinapatungkulan ng Isaiah 60:3. Malabo! Kundi ito ang JERUSALEM, ang bayan ng Diyos. Sa pamamagitan nito, dadaloy ang biyaya ng Diyos at dadakilain ang Zion ng mga bansa.
Sa Liturhiya ng Santa Iglesia, BINABASA ang Isaiah 60:3 sa lahat ng mga Simbahan sa Kapistahan ng Epiphany. Ang  kapistahan ng Epiphaniya ay ang pagpapakita ni Cristo sa mga Gentil na kinakatawan ng Mago. Na ang DIYOS na nagkatawang-TAO ay ay NAIHAYAG na sa lahat ng tao!

Kung batayan lang pala ng PAGKA-TUNAY ng isang IGLESIA ay ang kung gaano KARAMING mga lider ng bansa ang dumadalaw, lumalapit at KUMIKILALA  sa NINGNING ng pagsikat nito, eh hindi ang INC™ - 1914 ni Manalo ang akma rito kundi ang nag-iisa, pangkalahatan, banal at apostolikong IGLESIA KATOLIKA na "sa pasimula ay siyang [tunay] na Iglesia ni Cristo." (Pasugo Abril 1966, p. 46)


Bakit kaniyo?  Umpisahan natin sa PAMUNUAN ng Iglesia Katolika - Ang VATICAN CITY STATE.

Ang Vatican City ay isang INDEPENDENT STATE  na KINIKILALA sa buong mundo. Lahat ng mga bansang kasapi sa UNITED NATIONS ay kinikilala ito.

Tulad ng lahat ng mga bansa, ang Vatican ay pinamumunuan ng isang leader. Sa kasalukuyan, ang head of state ng Vatican City o ng Holy See ay si Papa Francisco, ang ika-266 na Santo Papa simula pa noong panahon ni San Pedro Apostol. [See List of Popes]. Siya rin ang leader ng mahigit 1.2 bilyong KATOLIKONG KRISTIANO sa buong mundo (1/6 of the worlds total population are Catholics.)

Kaya't sa tuwing dumadalaw siya sa ibang bansa bilang isang State Visit, siya ay binibigyan ng FULL MILITARY HONORS.  Tanging ang Vatican at Holy See lamang ang bansang ganap na malaya (independent) ngunit piniling HINDI kasapi sa United Nations.

Papa Francisco

Ang Papa po ng Vatican ay HINDI PO NAMAMANA tulad ng sa Iglesia Ni Cristo® - 1914. And leadership po nito ay hindi naipapasa sa anak, apo, at apo sa tuhod.

The politics of Vatican City take place in a framework of an absolute theocratic elective monarchy, in which the head of the Catholic Church, the
Pope, exercises ex officio supreme legislative, executive, and judicial power over the State of the Vatican City (an entity distinct from the Holy See), a rare case of non-hereditary monarchy. - Wikipedia
Kaya't malinaw, HINDI PO NAIPAMAMANA ang leadership ng Vatican! Hindi iyan tulad ng ibang sekta na naipamamana ang pamunuan sa anak at apo.

Para malinaw kung paano nagkakaroon ng isang Papa, panoorin ang video sa ibaba.


At dahil dito, halos araw araw ay dinadalaw ang Santo Papa at Vatican City ng iba't ibang lider ng bansa. Sa panahon ng bagong Santo Papa Francisco, pila na ang mga leader ng mga bansa para dalawin siya sa Vatican.

Ang Santo Papa Francisco at si G. Ban Ki Mon, UN Secretary-General
 (Google Public Domain)

Ang Santo Papa Francisco at ang lider ng Muslim World League (Google Public Domain)

Ang Santo Papa Francisco at ang si Reyna Elizabeth II ng UK (Google Public Domain)
Sa katunayan, ang Santo Papa ay binigyan pa ng standing ovation sa United Nations assembly sa pagdalaw niya noong 2015.


Kaya't kung gagamitin nating BATAYAN ang PAMANTAYAN ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo® de Manalo 1914, lalabas na PEKE ang INC™ at ang IGLESIA KATOLIKA na "sa pasimula ay siyang [tunay] na Iglesia ni Cristo." (Pasugo Abril 1966, p. 46)

No comments: