Kahabag-habag ang pag-aangkin na naman ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo® de Manalo 1914 ukol sa mga hula raw ng Biblia na natutupad raw patungkol sa kanilang sekta. Dahil raw sa nasasaad sa Isaiah 60:3 (Facebook post) ay sila raw ang "totoong" iglesia.
"WHAT IS WRITTEN IN ISAIAH 60:3 TRULY FULFILLS AS LEADERS OF DIFFERENT NATIONS RECOGNIZE THE CHURCH OF CHRIST -- "NATIONS WILL COME TO YOUR LIGHT, AND KINGS TO THE BRIGHTNESS OF YOUR DAWN.""Ang mga bansa ay lalapit sa iyong liwanag, ang mga hari ay pupunta sa ningning ng iyong pagsikat."
Hindi naman INC™ ang pinapatungkulan ng Isaiah 60:3. Malabo! Kundi ito ang JERUSALEM, ang bayan ng Diyos. Sa pamamagitan nito, dadaloy ang biyaya ng Diyos at dadakilain ang Zion ng mga bansa.
Sa Liturhiya ng Santa Iglesia, BINABASA ang Isaiah 60:3 sa lahat ng mga Simbahan sa Kapistahan ng Epiphany. Ang kapistahan ng Epiphaniya ay ang pagpapakita ni Cristo sa mga Gentil na kinakatawan ng Mago. Na ang DIYOS na nagkatawang-TAO ay ay NAIHAYAG na sa lahat ng tao!
Kung batayan lang pala ng PAGKA-TUNAY ng isang IGLESIA ay ang kung gaano KARAMING mga lider ng bansa ang dumadalaw, lumalapit at KUMIKILALA sa NINGNING ng pagsikat nito, eh hindi ang INC™ - 1914 ni Manalo ang akma rito kundi ang nag-iisa, pangkalahatan, banal at apostolikong IGLESIA KATOLIKA na "sa pasimula ay siyang [tunay] na Iglesia ni Cristo." (Pasugo Abril 1966, p. 46)

Bakit kaniyo? Umpisahan natin sa PAMUNUAN ng Iglesia Katolika - Ang VATICAN CITY STATE.