Sunday, August 27, 2017

VERBO o LOGOS, Diyos? O Isang Panukala / Plano?

Habang NIYUYURAKAN ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo® na TATAG ni Felix Y. Manalo noong 1914 ang PANGINOONG JESUCRISTO, tayo namang mga TUNAY na kaanib sa TUNAY na IGLESIA ay NAGTATANGOL ukol sa katuruan ng mga Apostol sa PAGKA-DIYOS ni Cristo kahit na siya ay NASA ANYONG LAMAN.

Para sa mga INC™, ang LOGOS o VERBO raw ay ISANG PANUKALA o PLANO na nasa ISIP pa lamang daw ng DIYOS (Ama).


"Ang aral bang ito ng Biblia na magkakaroon ng cristo na sa pasimula'y balak, panukala o plano pa lamang ng Diyos ay sinasang-ayunan maging ng mga nagtuturong si cristo ay Diyos, gaya ng Iglesia Katolika? Ganito ang sinasabi ng isang Aklat Katoliko na pinamagatang: The teaching of Christ: A Catholic Catechism for adults, Page 74

: Si cristo ay sadyang inilalarawan mula pa sa kasaysayan ng pasimula ng tao.'...' Si Cristo na siyang magtitipon sa lahat ng anak ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakaisa sa kaniyang mistikal na katawan, na ito ay ang Iglesia, ay Siyang " Panganay sa lahat ng nilalang" (Colosas 1:15).' '... Si Cristo ang tiyak na una sa banal na plano.!!

Tinatanggap maging ng mga awtoridad Katoliko na si Cristo ay una sa banal na plano o panukala ng Diyos upang maging panganay sa lahat ng nilalang tulad ng isinasaad sa Colosas 1:15. Samakatuwid, wala pang cristo sa pasimula pa lamang kundi plano, balak, o nasa isip pa lamang siya ng Diyos, Kaya sinasabi sa unang sugnay (clause) ng Juan 1:1 na , " Sa pasimula ay ang salita" (NPV)

' At ang salita ay sumasa Diyos.'

Paano ang wastong pag-unawa sa sinasabi ni Apostol Juan sa pangalawang sugnay ng Juan 1:1 na '' At ang salita ay sumasa Diyos''? Ihambing natin ito sa itinuturo ng Biblia na sa pasimula pa lamang o bago pa lalangin ang daigdig, ang Panginoong Jesucristo ay nasa isip na ng panginoong Diyos. Ito ang pinatutunayan ni Apostol Pedro sa kaniyang sulat sa 1 Pedro 1:20:

'Nasa isip na siya ng Diyos bago pa lalangin ang daigdig ngunit ipinakilala siya ngayong huling panahon dahil sa inyo.' (Salin ni Juan Trinidad)"

HINDI po ikinakaila ng Iglesia Katolika na TOTOONG TAO ang Panginoong Jesus. Ngunit ang kanyang KALAGAYAN sa anyong PAGKA-TAO ay HINDI po nangangahulugang HINDI SIYA DIYOS. HINDI po NAGTATAPOS ang pagka-DIYOS niya noong SIYA ay NAGKATAWANG-TAO. Bagkos, ayon sa BIBLIA ang CRISTO ay VERBO at ang VERBO ay DIYOS at angVERBO ay TUMAHAN sa GITNA natin bilang ISANG TAO. HINDI po isang PLANO lamang o PANUKALA ang PANGINOONG JESUS tulad ng BALUKTOT na UNAWA ng mga BULAANG mangangaral na SANAY MANDAYA at MAGSINUNGALING!

Ano ba ang isang PLANO o PANUKALA?

Ayon sa mga INC™ ang plano ay NASA ISIPAN pa lamang. Ibig sabihinm, ang plano ay HINDI PA UMIIRAL at WALA itong kakayahang o kapangyarihan sapagkat ito ay nasa ISIPAN pa lamang ng NAG-IISIP o nang NAGPA-PLANO.

In other words, ang PLANO o PANUKALA ay NON-EXISTENT being. sapagkat HINDI PA ITO NAHAHAYAG labas sa isipan ng nag-iisip o sa wikang Ingles ay it cannot independently exist outside the thoughts of a conscious being.

Kaya't kung susundin lamang natin ang argumento ng mga mangangaral ng INC™, eh malamang mapapaniwala nila tayo PLANO o PANUKALA nga lang naman ang Verbo, Logos o ang Salitang tinutukoy ni Apostol San Juan.

BIBLIA vs BIBLIA (Salin vs Salin)

Sakit na ito ng mga mgangaral na INC™.  Mahilig silang GUMAMIT ng mga TALATA ng BILIA LABAN sa isa pang talata ng Biblia. (Dito niyo makikita ang classical argument ng mga mangangaral na INC™, Biblia laban sa Biblia. Binababoy nila ang Salita ng Diyos.)

Minsan pa nga, ginagamit nila ang iba pang mga heretical versions kapag makita nila roong PABOR sa kanila ang salin (kahit alam nilang ang pagsasalin nito ay hindi na tapat sa orihinal na pakahulugan nito.)

Halimbawa, ang kanilang DOKTRINA na DALAWA ANG PANGINOON. Kapag tinanong sila kung saan sa Biblia NAHAHAYAG na may 'dalawang Panginoon' na DAPAT SAMBAHIN, ang ituturo sa iyong talata ay ang FILIPOS 2:9 na nagsasaad ng PAGDADAKILA sa PANGALAN ni JESUS. 

Saan doon sa Filipos 2:9 ang salitang 'DALAWA ANG PANGINOON"? Wala po tayong mababasa sa Biblia mula sa Lumang Tipan hanggang sa Bagong Tipan na 'Dalawa' ang Panginoon at PAREHONG SINASAMBA.

Ang hindi napapansin ng mga NAG-SUSURI ay mayroon silang PILIT IKINUBLI sa talatang ito. Ang TALATA 6-8 ng Filipos 2.

Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos,
hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.

Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos,
at namuhay na isang alipin.
Ipinanganak siya bilang tao.
At nang siya'y maging tao,

nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan,
maging ito man ay kamatayan sa krus.
Ayon sa FILIPOS 2, si CRISTO AY MAY KATANGIAN NG DIYOS ngunit HINDI niya pinagpilitan ito, bagkos PINILI niya (kanyang sariling desisyon) na IPAPANGANAK BILANG TAO..

Kaya siya DINADAKILA ng DIYOS (Ama).. iyan po ang nasa Talata 9 ng Filipos 2.

 So kung Diyos ang Ama at Diyos din ang VERBO, ibig sabihin eh dalawa ang Diyos sa lagay na 'yan? Sa isang INC™ na halos 1914 lang umiral ang katuruan, mauunawaan natin kung bakit ganito ang kanilang aral.

Ngunit alam natin na TWISTED ang kanilang Theology dahil ALAM nating IISA ANG DIYOS at IISA rin ang PANGINOON.  Sa totoo lang, ang talatang iyan ay NAGPAPATUNAY lamang na ang pagiging-PANGINOON ni Cristo at ng DIYOS AMA ay IISA (Juan 10:30)

"Ako at ang Ama ay IISA."
Di tulad ng mga INC™, hindi ito sinalungat sa anumang aral ninuman sa mga apostol. Bagkus ito ay SINANG-AYUNAN pa ni APOSTOL SAN PABLO sa kanyang sulat sa mga taga-EFESO (4:5-6) noong sinabi niyang may IISANG-DIYOS at IISANG PANGINOON.

"Mayroong IISANG PANGINOON, isang pananampalataya, isang bawtismo. Mayroong IISANG DIYOS at Ama ng lahat..."
Malinaw po. HINDI po sinasang-ayunan ng Bibla ang pagkakaroon ng DALAWANG-PINAPANGINOON. Maliban na kung ang pagka-unawa ng mga mangangaral na INC™ ay IBINIGAY ng Ama ang kaniyang pagka-Panginoon sa Anak (Jesus) para lalabas na wala na sa Ama ang pagka-Panginoon at inilipat na lamang sa Panginoong Jesus para may IISANG PANGINOON. Lalabas kasi na dalawa nga naman ang Panginoon kung isa sa kanila ay hindi nagparaya.

Ganito rin naman ang ITINURO ni MOISES sa BAYAN ng Diyos (Deuteronomio 6:4)

“Pakinggan mo, O Israel: Si Yahweh na ating Diyos ang tanging Yahweh. (Sa ibang salin ay ganito: Si Yahweh…tanging Yahweh: o kaya'y Si Yahweh ang ating Diyos, si Yahweh ay iisa, o Si Yahweh na ating Diyos, si Yahweh ay iisa lang) .
CONSISTENT ang BIBLIA pagdating sa aral ng IISANG DIYOS at IISANG PANGINOON. Nakita niyo? Hindi nagsasalungatan ang mga pahayag ni Moises at ang itinuturo ng mga Apostol sa Bagong Tipan. Ang BUONG BIBLIA ay UMAAYON sa BAWAT TALATA, hindi SUMASALUNGAT laban sa isa pang talata tulad ng ginagawa ng mga kaanib ng INC™.

Ang VERBO ay isang UMIIRAL na CONSCIOUS BEING

HINDI PO TOTOO na ang LOGOS o VERBO ay isang PLANO lamang o isang PANUKALA. Sa katunayan, MISMONG si CRISTO ang NAGPATUNAY na SIYA ay UMIIRAL (EXISTING) na bago pa mang SIYA ay NAGKATAWANG-TAO.


TANDANG-TANDA pa ni CRISTO kung ANONG KALIKASAN MERON SIYA BAGO pa man SIYA NAGKATAWANG-TAO. Mababasa natin ito sa JOHN 8:58

"...Jesus said to them, “Amen, amen, I say to you, before Abraham came to be, I AM."
Sa wikang Tagalog ay ganito naman...

"Sinabi ni Jesus sa kanila: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Bago pa si Abraham ay AKO na."
Ang "AKO" ay nagpapahayag ng CONSCIOUSNESS ng isang naghahayag. Ang NANGUNGUSAP rito ay ang PANGINOONG JESUS sa laman. PINATOTOHANAN niya sa mga Judyo ang KANYANG KALIKASAN (eternal existence) BAGO o BEFORE pa man ISINILANG o UMIRAL (exist) si ABRAHAM na malaking TANDA sa kanyang kapanahunan bilang tao (mahigit 2,000 taon o 55 na henerasyon ang pagitan nila).

Pagkasabi ni Jesus nito, mahalagang PUNTUHIN natin kung ano ang naging REAKSIYON ng mga HUDYO kay JESUS?

Nagsidampot sila ng bato upang siya'y batuhin, ngunit nagtago si Jesus at lumabas ng Templo
Bakit gusto nilang patayin si Jesus sa kanyang mga pahayag?

Sumagot ang mga Judio, “Hindi dahil sa mabubuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos! Sapagkat ipinapantay mo ang iyong sarili sa Diyos, gayong tao ka lamang.” (Juan 10:33)
Sa madaling-salita, TALOS o NAUUNAWAAN ng mga HUDYO ang IBIG SABIHIN ni Cristo sa kanila: na SIYA AY DIYOS.

Ngayon, kung si CRISTO ay isang MABUTI at KATOTOHANAN lamang ang nasa kanya, BAKIT DIYA NIYA SINUWAY ang mga Hudyo sa PAG-IISIP na "SIYA AY DIYOS"?

Madali langang sagot riyan: SAPAGKAT ALAM NI JESUS KUNG SINO SIYA! SIYA ANG DIYOS ANAK!

Sabi nga ng isang dalubhasang PILOSOPO na si Rene Descartes eh "I THINK THEREFORE I AM."

Si Cristo ay ETERNALLY EXISTING with the FATHER ("Sa pasimula" o "in the beginning" signifies ETERNAL EXISTENCE) sapagkat ito ang kanyang PATOTOO sa mga Hudyo: "Before Abraham came to be, I AM!"

ANG VERBO AY DIYOS

Katulad ng nasabi natin, ang BIBLIA ay HINDI salungat sa Biblia tulad ng ginagawa ng mga bulaang mangagnaral ng INC™.

Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2 Sa pasimula ay kasama na ng Diyos ang Salita. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya.... Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan. -Juan 1:1-3;14

Sino ba namang matinong mangangaral ang PILIT MAMALIIN ang isang talata na KASING-LIWANAG ng ARAW sa LINAW?

Sinasabi na ng Biblia na ang VERBO ay NARON NA sa PASIMULA (eternal). Diyos (almighty), Diyos na nasa Diyos (Trinitarian Community), VERBO nagkatawang-tao (Jesus).

At walang DUDA na ang VERBO ay ang DIYOS ANAK na si JESUS sapagkat may patunay.

Sinong NAGPATOTOO na ang VERBO ay ang MANUNUBOS na IPINANGAKO pa noong panayon pa ni Moises?

Si San JUAN BAUTISTA!

Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya, na isinisigaw, “Siya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, ‘Ang dumarating na kasunod ko'y higit kaysa sa akin, sapagkat siya ay naroon na bago pa man ako ipanganak.’”

"Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya, na isinisigaw, “Siya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, ‘Ang dumarating na kasunod ko'y higit kaysa sa akin, sapagkat siya ay naroon na bago pa man ako ipanganak.’”

Mula sa kapuspusan ng kanyang kagandahang-loob, tumanggap tayong lahat ng abut-abot na kagandahang-loob. Ibinigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises; ngunit dumating ang kagandahang-loob at katotohanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.."
-Juan 1:15-18

Totoo ito sapagkat ito ang mga pahayag ni Cristo ukol sa kanyang PAG-IRAL (eternal existence) na KAPILING ang DIYOS AMA.

Ako'y bumabâ mula sa langit, hindi upang gawin ang sarili kong kalooban, kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin. -Juan 6:38
At sa talatang ito ay isang SAMPAL sa mga mangangaral ng INC™. Mababasa natin na GUSTONG MAKITA ni SAN FELIPE ang DIYOS AMA. Ngunit ang sagot ni Jesus ay NAG-AARING SIYA NGA AY ANG AMA "HANGGANG NGAYO'Y HINDI MO PA AKO KILALA, FELIPE?"

Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama at masisiyahan na kami.”

Sumagot si Jesus, “Kay tagal na ninyo akong kasama, hanggang ngayo'y hindi mo pa ako kilala, Felipe? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’? 10 Hindi ka ba naniniwalang ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin? Hindi sa akin galing ang sinasabi ko sa inyo. Ngunit ang Ama na nananatili sa akin ang siyang gumaganap ng kanyang gawain. 11 Maniwala kayo sa akin; ako'y nasa Ama at ang Ama ay nasa akin. -Juan 14:8-11
Kaya't sa mga NAGSUSURI, huwag po tayong mapaniwala sa mga 'JOHNNY COME LATELY' na mga relihiyon sapagkat HINDI KATOTOHANAN ang kanilang dala kundi KASINUNGALINGAN upang MANDAYA at MANLILANG.


Sa mga HINDI raw SUMASAMPALATAYA kay JESUS (na Diyos) na NAPARITO SA LAMAN, SILA raw ay mga ANTI-CRISTO o mga KAAWAY NI CRISTO ayon kay Apostol San Juan (2 Juan 1:7-8)

Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y dumating bilang tao. Ang ganoong tao ay mandaraya at kaaway ni Cristo. Mag-ingat nga kayo upang huwag mawalang saysay ang aming pinagpaguran,[b] sa halip ay lubusan ninyong makamtan ang gantimpala.
At kung ang mga mangangaral na ANTI-CRISTO ay mga MANLILINLANG, MANDARAYA at SINUNGALING, HINDI si Cristo ang kanilang Panginoon kundi si Satanas!

"Ang diyablo ang inyong ama! At ang gusto ninyong gawin ay kung ano ang gusto niya. Sa simula pa lang ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagkat walang puwang sa kanya ang katotohanan. Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, nagsasalita siya ayon sa kanyang kalikasan sapagkat siya'y sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan." -Juan 8:44

Kaya't sa mga nagsusuri at NAGMAMAHAL sa KATOTOHANANG NAKASULAT sa BIBLIA, LISANIN niyo na ang mga mangangaral na mandaraya at magbalik-loob na kayo sa Iglesiang TUNAY na TATAG ni CRISTO - ang NAG-IISA, BANAL, KATOLIKO, at APOSTOLIKONG IGLESIA ni CRISTO!


No comments: