Mula sa Questions & Answer - Christian Apologetics
SABI NI JOSE VENTILACION NG INC, ANG IGLESIA NI CRISTO NI FELIX MANALO DAW ANG TUMUTUPAD NITONG NAKASULAT SA ACTS 2:46.
"Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa Templo at nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan, na masaya at may malinis na kalooban."(Acts 2:46, MBB)
ANG TANONG, SILA NGA BA?
1. Ang nakasulat sa Acts 2:46 ay ARAW-ARAW SILANG NAGKAKATIPON SA TEMPLO. Araw-araw silang nananalangin. Ang INC ay 4 Times a week lamang sumamba at nagkakatipon sa kanilang kapilya. IBIG SABIHIN, HINDI ARAW-ARAW. Ang Catholic Church ay may araw-araw na Misa.
2. Ang nakasulat sa Acts 2:46 ay ARAW-ARAW SILANG NAGPIPIRA-PIRASO NG TINAPAY. Ang Iglesia ni Cristo ay may tinatawag na Santa Cena at ginagawa nila ito Once a Year. Ang tanong meron bang araw-araw na once a year? Sa araw-araw na Misa ay tumatanggap ang mga sumasamba ng katawan ni Cristo.
3. Ang nakasulat sa Acts 2:46, sila ay "MAY MALINIS NA KALOOBAN", halos araw-araw na sinisiraan ng INC ang Catholic Church sa kanilang pagtitipon at pangangaral, paano magkakaroon ng "malinis na kalooban" ang mga taong may galit sa kanilang mga puso?
Sabi nga ni Cristo," Sapagkat sa loob, sa puso ng tao, nagmumula ang masasamang isipang nag-uudyok sa kanya upang makiapid, magnakaw, pumatay, mangalunya, mag-imbot, gumawa ng kasamaan tulad ng pandaraya, kahalayan, pagkainggit, paninirang-puri, pagmamayabang, at kahangalan."(Marcos 7:21-22).
4. Ayon mismo sa Book of Acts ang mga unang kristiyano ay nananalangin ng 3 O'CLOCK PRAYER (Acts 3:1), ang tanong ito ba ay ginagawa ng INC? Ang mga Katoliko ba ay nananalangin ng 3 O'CLOCK? Of course, alam na alam natin iyan na ginagawa ito ng mga Katoliko!
5. Ayon din mismo sa Book of Acts ang mga unang kristiyano ay LUMULUHOD kung sila ay nananalangin, si Apostol Pedro (Acts 9:40) at si Apostol Pablo (Acts 20:36). Ang tanong ang mga member ba ng INC ay lumuluhod sa tuwing nananalangin sila?
No comments:
Post a Comment