Napakahalagang malalimang alamin kung ang kinaaaniban ba nating "iglesia" o "church" ay tunay o isang tatag na hanap-buhay lamang ng isang pamilya ng mga nag-aangking pastor, pastora, ministro o iba'y inaangkin ang pagka-sugo o propeta o apostol.
Mula sa Defenders of the Catholic Faith Facebook page, narito ang apat lamang na palatandaan kung ang inyong kinaaaniban ay sa tao at hindi sa Diyos.
1.) Palaging pinapaalala ang kahalagahan ng abuloy
➤Dapat kusang loob lang. Mahalaga ang abuloy sa pagpapatuloy ng gawain ng simbahan, ngunit kung ito'y ginawa nang halos pang-araw-araw na aral aba'y magtaka na kayo.
2.) Palaging pinapaalala ang kahalagahan ng pagsamba
➤Mahalaga ang pagsamba. Pero kung sa pagsamba mismo, puro pagpapahalaga lang dito ang itinuturo at hindi ang mga aral at turo ng ating Panginoong Jesu-Cristo, may problema tayo diyan.
3.) Palaging pinapaalala ang kahalagahan ng membership sa nasabing grupo
➤Muli, ang isang tunay na mananampalataya ay hindi aalis sa isang grupo kung nalalaman niya na pinapangaralan nito ang katotohanan, hindi iyong pagpasok mo ay pinapangaralan ka na na huwag umalis
4.) Tinatakot ang mga miyebro sa pag-alis sa grupo
➤Maraming pangyayari na tinatakot ang mga miyembro na paghuhukom at pagkawasak ang mangyayari sa taong humiwalay sa "church". Tanging ang Diyos lamang ang may kakayahan na maghatol ng kahatulan ng kaluluwa ng isang tao.
No comments:
Post a Comment