Monday, December 12, 2016

TEMA NG IGLESIA NI CRISTO SA TAONG 2017

Una sa lahat, alam niyo ba na ang sinusunod na Kalendaryo ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo® - na TATAG ni FELIX MANALO noong 1914 bilang pamantayan sa kanilang pagbibilang ng anibersaryo, kaarawan at mga gawain ay ang Gregorian Calendar na ipinakilala ni Papa Gregorio XIII noong taong 1582 A.D., LIBONG TAON bago pa man nagkaroon ng INC™ sa bansang Pilipinas?

Heto at nasa ika-2,017 taon na po TANDA ng TUNAY na Iglesia ni Cristo mula nang ito ay itinatag, ITINAKDA po ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas sa pamamatigan ng CBCP ang taong 2017 bilang 'YEAR OF THE PARISH AS COMMUNION OF COMMUNITIES'.

Sa 'Taon ng mga Parokya' ang TEMA po ng taon ay 'Forming BECs that are agents of communion, participation and mission' na NAGLALAYONG pag-ibayuhin pa lalo ang KAISAHAN ng ating mga komunidad sa bawat parokya, PALAKASIN ang pananampalataya ng BAWAT KATOLIKONG KRISTIANO at AKAYIN sila tungo sa PAGDRIRIWANG ng BANAL NA EUKARISTIA bilang isang SAMBAYANAN ng MANANAMPALATAYA tungo sa KABANALAN sa ilalimng KAHARIAN NG DIYOS -- na may HUSTISYA, KAPAYAPAAN, KAISAHAN, AT KALAYAAN.

Dalangin nating mga tunay na kaanib ng nag-iisang Iglesia ng Panginoon at Diyos na si Hesu-Kristo na ito ay maging MAKATOTOHANAN sa ating mga buhay.

--------------------------------------------------------------------------------

On the contrary, ang nagpapanggap ng 'Iglesia' ni Cristo ay nagtakda ng kanilang TEMA sa ika-2,017 taon ng Iglesia Katolika bilang “Ikinararangal ko na Ako ay Iglesia Ni Cristo (INC)".  Nilalayon ng samahang ito na gunitain daw nila ang kanilang KASAYSAYAN mula sa kanilang hamak na simulain (Manila Bulettin).

Bagamat hinihimok nilang gunitain ang kasaysayan ng INC™ (Iglesia Ni Cristo®) simula lamang nitong 1914 A.D. nakakaligtaan naman nilang ALALAHANIN ang KABUUANG KASAYSAYAN NG TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO.  Di nila alintana na ang PAGGAMIT nila ng KALENDARYONG KATOLIKO ay PAGYAKAP na rin nila ng KATOTOHANANG ang TUNAY na Iglesia ni Cristo ay 2,017 taon na po at HINDI 103.

Samakatuwid, ang TUNAY ay 2,017 taon nang umiiral at ang PEKE ay 103 taon pa lamang ito mula ng itinatag noong 1914 sa Punta, Santa Ana, Maynila.

No comments: