MAY 16, 2016 REHISTRADO NA RAW ANG IGLESIA NI CRISTO® SA IRELAND!
Buong pagmamalaking binabalita ng mga kaanib ng INC™ na ang TATAG ni FELIX MANALO na KANYANG IGLESIA ay NAIPAREHISTRO na raw po nila sa bansang IRELAND.
Kung PAPANSININ niyo, eh PILIPINO po LAHAT halos ang nasa larawan nila. Wala pong native Irish. Sila po eh 'yung mga OFW (Oversease Filipino Workers) na kasalukuyang nagtatrabaho sa Ireland kaya't mayroong Iglesia Ni Cristo® ni Manalo roon.
Ano po kaya ang mangyari kung sakaling WALA NANG OFW sa Ireland? Eh di MAWAWALANG parang bula na lamang ang REGISTERED CHURCH po ni Manalo?
Hindi po 'yan isang katangian ng tunay na Iglesia.
Ang tunay na Iglesia po ay NARON na po sa Ireland noon pang ika-400 A.D. sa pamamagitan ni SAINT PATRICK.
Sa kasalukuyan, may 73% ng mga Irish ay TUNAY na kaanib ng TUNAY na Iglesia-- ang Iglesia Katolika.
Malalim po ang KASAYSAYAN ng KRISTIANISMO sa IRELAND. Hindi po ito kayang tapatan ng mga OFW na mga INC™.
Nakikita niyo naman, WALA SILANG KAHIRAP-HIRAP na makipamuhay sa Ireland sapagkat BAGO pa sila nagparehistro ng kanilang INC™, libong taon na pong KRISTIANO ang bansang Ireland. Sa katunayan MAS NAUNA PA NILANG NAKILALA SI CRISTO kaysa sa mga INC™ sa bansang nabanggit.
Sa madaling-salita, KILALA na ng mga IRISH si CRISTO at ng kanyang TUNAY NA IGLESIA bago pa man IREHISTRO ng INC™ ang Iglesia ni Manalo ngayon lamang 2016.
Sumatotal, ang rehistro ng INC™ sa Ireland ay isang pormal lamang na proseso upang hindi pagdudahan ang kanilang samahan bilang mga kolorum.
No comments:
Post a Comment