Friday, August 23, 2013

Alam niyo ba? Ang Iglesia ni Cristo (Registered Trademark)

Ang larawang ito ay printscreen mula sa website na RAPLER.com

Alam niyo bang may isang 'iglesiang' nagpapanggap na tunay daw pero ito'y itinatag lamang kamakailan.

Ang tinutukoy po natin ay ang 'Iglesia ni Cristo' (Registered Trademark) o mas kilala sa pangalang INC na tatag ng isang dating Katoliko-- ni yumaong Felix Manalo isinilang at bininyagan sa Iglesiang tatag ni Cristo-- ang Iglesia Katolika.

Ang pangalang FELIX ay ipinangalan sa kanya ng kanyang mga magulang hango sa mga santong may pangalang SAN FELIX.  Nakaugalian na kasi ng mga Katoliko noong una na ang kanilang mga anak ay binibigyan ng pangalan sa Sakramento ng Binyag mula sa mga santo at santa.

Ang mga magulang ni Felix Manalo ay binyagan, namuhay at namatay na mga debotong Katoliko.

Ang INC™ ay itinatag ni Felix Manalo noong 1913 ngunit ipinarehistro ito sa Gobyerno ng Pilipinas noong Hulyo 27, 1914 kung kaya't ang pagdiriwang ng kanilang anibersaryo ay mas higit pa sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ng Kapanganakan ni Cristo (Disyembre 25).

Ayon sa Rappler.com ang INC™ ay halos 2.5 milyon lamang, taliwas sa 10 milyong binabanggit ng kanilang mga kaanib.  Ito rin ang pagpapatunay ng kilalang 'broadsheet' newspaper sa Pilipinas -- ang The Philippine Daily Inquirer:
A total of 2.25 million Filipinos were members of Iglesia ni Cristo (INC) in 2010, up from 1.76 million in 2000, data from the latest census by the National Statistics Office (NSO) showed.

The number of voting-age INC members at the time was estimated at 1.37 million, as 61 percent of the country’s population was 18 and above.

Of some 92 million Filipinos in 2010, 56.5 million were of voting age.

Ang INC™ ay may sariling pagkaunawa sa tunay na Iglesia ni Cristo -- ang Iglesia Katolika.

Ayon sa kanilang opisyal na magasin Pasugo (lathala bilang Hulyo-Agost0 1988 pp. 6 at Abril 1966, p. 46), ang Iglesia Katolika ay siyang TUNAY na Iglesia ni Cristo. Ang nagtatag nito ay walang iba kundi ang ating Panginoong Hesukristo.  Kung bakit nagkaroon ng isa pang 'Iglesia ni Cristo' sa Pilipinas ay sapagkat 'natalikod na ganap' daw ang orihinal na Iglesia ni Cristo.

Ito'y taliwas sa mga aral mula sa Biblia.  Ang sabi ng Biblia ay TAO ang tatalikod at HINDI ang IGLESIA. Ito'y naganap kay Felix Manalo nang siya'y TUMALIKOD mula sa tunay na Iglesia at nagtayo ng sariling kanya.

Ang mga kaanib ng INC™ ay nagsasamba lamang sa araw ng Huebes at Linggo.  Ang kanilang pagsamba o attendance ay nakatala sa isang attendance slip at sarado ang kanilang kapilya pagkasimula ng kanilang seremonya.

Sarado sa publiko ang mga sambahan ng INC™. Nagbubukas lamang ito sa tuwing araw ng kanilang pagsamba.

Naniniwala silang iisa ang Dios katulad ng paniwala ng buong Santa Iglesia Katolika na siyang tunay na Iglesia ni Cristo.  Ngunit hindi sila naniniwala na ang NAG-IISANG DIOS ay may TATLONG PERSONA-- ang BANAL na TRINIDAD.

Dahil dito pinalalagay nilang TAO LAMANG si Jesus.

Bagamat malimit nilang pinaparatangang mga 'pagano' ang mga Katoliko at inaakusahang 'sumasamba sa mga rebulto' hindi nila maipaliwanag kung bakit sila'y SUMASAMBA sa TAONG si JESUS. Labag sa kautusan ng Biblia ang sumamba sa kahit sinong tao maliban sa Dios.

Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay sumasamba kay Jesus sapagkat SIYA ay DIOS na tunay. Kaya't ang pagsasamba ng tunay ng mga Kristiano kay Jesus ay alinsunod sa mga turo ng mga Apostoles na namuhay at nakapiling ng ating Panginoong Jesus (1 Chronicles 16:25; Psalm 48:1; Psalm 96:4-5; Psalm 145:3; 2 Samuel 22:4; John 4:23; Philippians 2:11; Matthew 2:11; Matthew 14:33; John 20:28; Matthew 28:16-17; John 9:35-38; Philippians 2:9-11; Hebrews 1:6; Revelation 5:8-14Psalm 103:20; Isaiah 6:1-4; etc. etc.).

Sa kabuuan, ang INC™ ay isang kulto-- nagpapanggap lamang na tunay ngunit huwad. Ito ay mula sa pagpapatotoo ng kanilang sariling opisyal na magasing Pasugo Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."

2 comments:

Unknown said...

LOL. kainin mo yang pag kakatoliko mo. Kasi masusunog ka din sa araw ng Pag huhukom. Mga NAGMAMARUNONG sa kabilay MANGMANG. Aba GINOONG MARIA? kelan pa naging GINOO si Maria. Sumasamba ka sa KAHOY? REBULTO? na iniihian lang ng ASO, at pinang-gagatong lang para may apoy pang luto. Mga kumakain ng DINUGUAN, na syang DUGO ng HAYOP! what the heck, make up your mind. Or just SHUT UP! :)

CD2000 said...

Estepani,

Maraming salamat sa mga litanya mo pero nabenta na po 'yan. Bago ka pa man isinilang o kahit sino sa mga ninuno mo, maging ang inyong tagapagligtas na si Felix Manalo ay NASAGOT na po ang litanya ng mga accusations mo.

Ang problema sa inyong mga peke ay nagagalit kayo sa mga Katoliko sa mga bagay bagay na AKALA niyo ay gawain ng mga Katoliko. Pero HINDI niyo talaga binibigyan ng pansin kung ano talaga ang TUNAY na katuruan ng Santa Iglesia.

O kaya'y sadyang malalim o kinakailangan ng masusing pag-iisip ang mga katuruan namin kaya't di mo maarok and the easiest way to dubunk it is to deny it.

Di na po bago sa amin ang mga "pagano" blah-blah niyo. Over-rated na po yan.

May iba pa ba kayong pulot na aral? Well, wala naman kayong ORIGINAL na inyo. Lahat COPIED lang.

Kaya't bago ka mag-shut up diyan, manahimik kayo sa INC at mamuhay kayo ng walang inaapakang aral-- o insecure lang kayo!

Mabuhay ang TUNAY at NAG-IISANG IGLESIA NI CRISTO-- ANG IGLESIA KATOLIKA!