Thursday, June 28, 2012
Monday, June 25, 2012
Dagdag Kaalaman: Ang Iglesia ni Cristo sa Gitnang Silangan
Giga Catholic |
Ang Iglesia ni Cristo ay nagmula sa Gitnang Silangan. Itinatag ito ni Cristo kay Simon Pedro at sinabing hindi ito matatalikod. Narito ang link upang mapagaralan pa natin lugar na pinagmulan ng ating pananampalataya sa gitna ng pagbabanta ng mga Muslim Extremists sa kanila. Buhay na buhay sila sa pamamagitan ng ating mga panalangin.
Sunday, June 24, 2012
Nag-iisa lamang ang Iglesia ni Cristo
Banal na sambahan ng Iglesia ni Cristo sa Vailankanni, Sumatra, Indonesia. Ito ay ang Annai Velankanni o Our Lady of Good Health (Source: Elisasjourney) |
May mga nagsusulputan pong mga ibang iglesia at nagpapakilalang mga "Iglesia ni Cristo" raw sila o "Church of Christ", ano pa man ang wikang gamit sa pagpaparehistro, mapa-Ingles o Tagalog o ibang wika, hindi po sila maaaring Iglesia ni Cristo sapagkat IISA lamang po ang itinatag ni Cristo na Iglesiang para sa kanya.
Ang sabi po ng nagtatag sa Mateo 16:18:
"Ikaw ay Pedro at sa ibabaw ng batong ito itatayo ko ang aking iglesia at ang pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig sa kaniya."
Sa mga pahayag ng nagtatag na si Cristo, malinaw at tahasan niyang sinabing HINDI ITO MATATALIKOD dahil hindi magsisipanaig ang kapangyarihan ng Hades dito.
Samakatuwid ang lahat ng mga nagsusulputang mga Iglesia rin daw sila ay hindi mga tunay kundi mga huwad o peke.
Narito ang ilang sa mga nagsisulputang parang mga kabute na nagpapanggap na Iglesia ni Cristo:
- The Church of Jesus Christ of the Latter-day Saints (Mormonism) itinatag noong 1820 ni Joseph Smith at sinabi niyang siya ay "Huling Propeta" ng Dios.
- Iglesia ni Cristo (INC o INK) itinatag ni Felix Y. Manalo noong 1913 at nirehistro sa Pilipinas noong 1914. Ipinangaral ni F. Manalo na siya'y "Huling Sugo" noon lamang 1922.
- Kabanalbanalang Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus itinatag ni Teofilo D. Ora noong 1922 na dating kaanib ng INC ni F. Manalo.
- Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus, Haligi at Suhay ng Katotohanan itinatag ni Nicolas Perez na dating mga kaanib ng INC tatag ni F. Manalo at dati ring kaanib ng iglesiang tatag ni T. Ora. Nirehistro niya ang kanyang iglesia noong 1936
- Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan na tatag naman ni Eliseo Soriano ng "Ang Dating Daan"
- Ang mga Kaanib sa Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas, Incorporated tatag ni Eliseo Soriano noong 1979
- Bayan ng Katotohanan Incorporated tatag ulit ni Eliseo Soriano noong 1993
- Iglesia ni YHWH at ni YHWSA HMSYH, Inc. tatag ulit ni Eliseo Soriano noong 1994
- Members Church of God International o ang mas kilala sa pangalang "Ang Dating Daan" ay kay Eliseo Soriano rin, itinatag noong Enero 13, 2004
Ngunit ang Iglesiang tatag ni Cristo ay nanatiling NAG-IISA at tumatawid na po ito sa IKATLONG SIGLO! At ang mga TUMALIKOD ay siyang mga nagsipagtatag ng kanilang mga iglesia gamit ang pangalan ni Cristo o ang Dios na ngayon ay UMAANGKING sila raw ang orig.
Ang IGLESIA po ni CRISTO ay maaring tawagin sa ano mang sinasalita ng tao, mapa-Tagalog, Ilocano, Bisaya, Ingles, Intsik, Koreano, Arabic, Pranses, Niponggo, etc, ng wala pong pagbabago sa kanyng pagkakakilanlan.
Hindi po mahirap ang pagkakakilanlan nito dahil laganap po ang Iglesia ni Cristo sa buong mundo. Ang kanyang pagpapakilala ay may KRUS sa kanyang mga bahay sambahan (maliban sa Gitnang Silangan na kinokontrol ng mga Muslim).
Hindi po mahirap ang pagkakakilanlan nito dahil laganap po ang Iglesia ni Cristo sa buong mundo. Ang kanyang pagpapakilala ay may KRUS sa kanyang mga bahay sambahan (maliban sa Gitnang Silangan na kinokontrol ng mga Muslim).
IGLESIA KATOLIKA - tangi at nag-iisang IGLESIA NI CRISTO at kailanman ay HINDI mananaig ang kapangyarihan ng Hades sa kanya.
Friday, June 22, 2012
Religious Freedom ipinaglalaban ng Iglesia sa Wichita, USA
Source: Diocese of Wichita, USA, mga kaanib ng Iglesia ni Cristo lumalaban para sa pangangalaga sa Religious Freedom sa USA!
Munting Kaalaman: Ang mga Vicariates ng Arabian Peninsula
Mga Kaparian ng Apostolic Vicariate of Northern Arabia (Source:GoaBlog) |
Ang dating Vicariate of Kuwait, ngayon ay THE APOSTOLIC VICARIATE OF NORTHERN ARABIA na kinabibilangan ng KUWAIT, QATAR, BAHRAIN at SAUDI ARABIA.
Ang Kanyang Kabunyian Lordship Bishop Camillo Ballin, MCCJ ang siyang Apostolic Vicar po ng Northern Arabia.
Ang dating Vicariate of Arabia, ngayon ay THE APOSTOLIC VICARIATE OF SOUTHERN ARABIA na kinabibilangan ng UAE (United Arab Emirates), OMAN at YEMEN.
Ang Kanyang Kabunyian Lordship Bishop Paul Hinder, OFM Cap. ang Apostolic Vicar ng Southern Arabia.
Ang nasabing mga Vicariato ay ipinamahala sa mga Order of Friars Minor Capuchin (OFM Cap). Bago pa man ito na-reorganized ay halos 58 taon po itong nanatiling nasa pangangalaga ng mga butihing mga misyonerong Franciscano.
[Ipagpatuloy ang pagbabasa rito...]
Mahal na Ina ng Arabia, ipanalangin mo kami!
(Source: Faith and Works: Pastoral Letter 2011-2012 from Bishop Camillo Ballin, MCCJ, Apostolic Vicar of Northern Arabia)
2016 International Eucharistic Congress gaganapin sa Pilipinas!
Isang mabuting balita para sa Iglesia ni Cristo sa Pilipinas!
Ang 51st International Eucharistic Congress ay gaganapin sa Pilipinas. Napili ng Vatican ang Cebu City bilang pagdadausan nito sa taong 2016. Ito'y napag-alaman natin matapos i-announce ng Santo Papa Benedicto XVI sa katatapos pa lamang na 50th International Eucharistic Congress nitong Hunyo 10-17, 2012 na ginanap sa Dublin, Ireland.
Napapanahon ang pagdadaos ng 51st International Eucharistic Congress sa Cebu City dahil ito rin ang ika-495th anibersaryo ng pagiging Kristiano ng buong kapuluan.
Naging Kristiano ang Cebu noong taong 1521.
Papuri at pasasalamat sa Dios sa pagpili ng ating bansa upang dito magaganap ang layuning ipalaganap ang debosyon sa kanyang Banal na Katawan at Dugo sa Eucharistia.
Thursday, June 21, 2012
2012-2013 Taon ng Pananampalataya (Year of Faith)
Nagpahayag ang lider ng 1.2 bilyong kaanib ng Iglesia ni Cristo na si Papa Benedicto XVI ng "Year of Faith" upang lalong mapalalim at maisabuhay ang pananampalatayang Kristiano.
Ang Year of Faith ay opisyal na mag-uumpisa sa Oktuber 11, 2012 kapistahan ni Bl. John XIII at matatapos sa Nobyembre 24, 1913, kapistahan ng Kristong Hari. Ang Kapistahan ng Kristong Hari ang huling araw ng Church Liturgical Calendar bago pumasok sa panahon ng Adviento (paghahanda sa pagdating ni Cristo sa panahon ng Pasko ng Pagsilang).
Narito sa AsiaNews ang mga highlights sa pagbubukas ng Year of Faith.
Wednesday, June 20, 2012
Papal Audience kabilang ang PM ng Latvia at Presidente ng UN General Assembly
Si Papa Benedicto XVI at si Nassir Abdulaziz al-Nasser ng UN |
Pahayag ng Holy See Press:
"The central theme of the cordial discussions was the role of the United Nations Organisation, and especially of the General Assembly, in conflict resolution. Particular consideration was given to the conflicts currently affecting various regions of the world, especially Africa and the Middle East, and to the serious humanitarian emergencies they provoke.
"Attention then turned to the Catholic Church's contribution to peace and development, and to the importance of cooperation between religions and cultures".
Si Valdis Dombrovski, Prime Minister ng Latvia at si Santo Papa Benedicto XVI |
Pahayag ng Holy See Press:
"During their cordial discussions the parties highlighted the good relations that exist between the Holy See and the Republic of Latvia, and the valuable contribution the Catholic Church makes to society, in particular on questions concerning the family and the promotion of a humanism open to spiritual and transcendental values.
"The conversation also focused on questions of mutual interest, with particularly emphasis on the serious economic and financial crisis which is affecting the lives of European peoples".
Tuesday, June 19, 2012
Synod 2012 ng Iglesia ni Cristo: Para sa Bagong Pagpapalaganap ng Pananampalatayang Kristiano
VATICAN NEWS - Ang Vatican ay naglathala ng Instrumentum Laboris -- isang dokumento na maglalayon ng pang-uusap ng mga Synod Fathers tungkol sa New Evangelization for the Transmission of Christian Faith. Ito ay gaganapin sa ika-7 ng Oktubre hanggang ika-28 ng Oktubre sa taong kasalukuyan.
Ang Ordinary Assembly of the Synod of Bishops ay may apat na kapitulong dapat pag-uusapan na maglalayon ng malalim na pagmumuni at diskusyon sa loob ng tatlong linggo.
Bukod sa mga Obispo, maraming mga experts sa usapin ito at iba pang mga panauhin ang inaasahang dadalo rito at makikibahagi.
Ipagdasal natin ang ating mga Obispo. Nawa'y sa pamamagitan gn Synod na ito ay magkakaroon pa ng maraming mga ordinaryong Misyonerong Katoliko ang magbabahagi at magtatanggol sa Inang Santa Iglesia- ang Iglesia Katolika na siyang tunay na Iglesia ni Cristo.
Narito ang mga outlines ng nasabing mga dokumento. Ating ipagpatuloy ang pagbabasa rito...
Sunday, June 17, 2012
Iglesia ni Cristo sa Azerbaijan: Sila'y nanatiling matatag sa kanilang pananampalataya
Balita mula sa Catholic Culture:
Post Stamp ng Santo Papa sa kanyang alaala 1920-2005 |
Dumalaw kamakailan lamang noong Hunyo 10 si Cardinal Fernando Filoni, prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, sa Azerbaijan, isang bansang sakop dati ng Soviet Union.
Sa Azerbaijan, may 9.4 milyon ang kabuuang populasyon at halos dito marami ang mga Muslim.
Ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ay halos pinapatay lahat noong panahon ng Komunista at marami sa kanilang mga pari ay dinala sa Serbia at doon na rin namatay. Matapos ang pagbaksak ng Komunismo sa Eastern Europe nakitaan ng may 450 lamang na mga Katoliko matatag at nanatili sa pananampalataya.
Matatandaan na dinalaw ito ng Banal na Juan Pablo II ang nasabing bansa noong 2002 sa kabila ng kanyang sakit at katandaan.
Sa kanyang pagpapahayag ng katotohanan, sinabi ng butihing Cardinal:
This tiny local Church [was] yet very much in the heart of John Paul II, so much so that, despite his declining health, a few years before his final journey to heaven on April 2, 2005, he came here in May 2002 to acknowledge the heroism of the local Catholics who remained faithful to their baptismal commitments under the brunt of persecution, depriving them for 70 years of priests, thus silencing the proclamation of the Good News of salvation, demolishing church buildings and dispossessing them not only of dignity, but most of all, of access to the Eucharist.
Friday, June 15, 2012
Wednesday, June 13, 2012
Tuloy na tuloy na po ang Santo Papa sa pagbisita sa Lebanon!
LIKE in Facebook |
Napapanahon ang kanyang pagbisita sapagkat maraming mga Kristiano ang lumilisan na sa Gitnang Silangan mula pa noong nag-umpisa ang tinatawag nilang "Arab Spring" kung saan ang kaguluhan ay siyang nagtutulak sa mga Muslim extremists na gawing panakip-butas ang mga kababayan nilang mga Kristiano.
Ipagdasal natin ang darating na okasyong ito at ating aalalahanin ang mga kapatid nating naninirahan sa Syria kung saan sila'y hinahamak dahil sa kanilang pananampalataya.
Sunday, June 10, 2012
Eukaristia: Tunay na Katawan at Dugo ni Cristo
Ang Santo Papa sa harap ng Banal na Eucharistia sa Kapistahan ng Banal na Katawan at Dugo ni Cristo (Larawan mula sa beliefnet) |
Ngayon ay ipinagdiriwang ng Iglesia ni Cristo sa buong mundo ang Kapistahan ng Banal na Katawan at Dugo ng ating Panginoong Hesus sa anyong tinapay at alak.
Tayong mga nananampalataya sa tunay na Iglesia ni Cristo ay naniniwalang ang Tinapay at Alak na inaalay sa Banal na Misa ay siyang Tunay na Katawan at Dugo ni Cristo.
Marahil sasabihin ng ilan na "simbulo" lamang ang tinapay at alak bilang katawan at dugo ng Cristo ngunit sa Banal na Kasulatan ay sinasabi ng Biblia na tunay ngang Katawan at Dugo ni Cristo ang anyong tinapay at alak.
Sabi mismo ni Cristo: "Ito ang Aking Katawan... Ito ang aking Dugo..." (Mt. 26:26-28)
Narito po sa ibaba ang ugat ng ating pananampalatayang pinapaniwalaan pa noong una hanggang sa kasalukuyan. Banal na Kasulatan po ang saksi sa katotohanang sinasampalatayanan natin sa Iglesia ni Cristo.
* * *
Jn 6:51 "I am the living bread which came down from heaven; if any one eats of this bread, he will live for ever; and the bread which I shall give for the life of the world is My Flesh."
Jn 6:52 "How can this man give us his Flesh to eat?"
Jn 6:53 "Unless you eat the Flesh of the Son of man and drink His Blood, you have no life in you; he who eats My Flesh and drinks My Blood has eternal life." The Jews who heard this said,
Jn 6:60 "This is a hard saying; who can listen to it?"
The apostles celebrated the Sacrament of Holy Eucharist. Acts 2:46 "Day by day, attending the Temple together and breaking bread in their homes…"
Acts 20:7 "On the first day of the week, when we were gathered together to break bread, Paul talked with them, intending to depart on the morrow; and he prolonged his speech until midnight."
Acts 20:11 "And when Paul had gone up and had broken bread and eaten, he conversed with them a long while, until daybreak, and so departed."
Acts 27:35 "...he took bread, and giving thanks to God in the presence of all he broke it and began to eat. Then they all were encouraged and ate some food themselves."
1 Cor 10:16 "The cup of blessing which we bless, is it not a participation in the Blood of Christ? The bread which we break, is it not a participation in the Body of Christ?"
1 Cor 11:27 "Whoever, therefore, eats the bread or drinks the cup of the Lord in an unworthy manner will be guilty of profaning the Body and Blood of the Lord."
1 Cor 11:29 "For any one who eats and drinks without discerning the Body eats and drinks judgment upon himself."
Tunay nga po na ang paniniwalang Katawan at Dugo ni Cristo ang anyong Tinapay at Alak ay pananampalatayang Kristiano mula pa sa panahon ng mga Apostoles.
Halina't ating sambahin si Cristo Hesus sa Eukaristia! Halina't tayo'y sama-sama sa iisang Iglesia ni Cristo - Ang Iglesia Katolika!
Thursday, June 7, 2012
Cathedral ng Iglesia ni Cristo sa Salt Lake Centennial na po!
Larawan mula sa Stve Karga net |
Ang Cathedral po ng Iglesia ni Cristo sa Salt Lake City, USA ay magdiriwang ng ika-100 taon sa linggong ito.
Tinawag nilang "Cathedral Week" ang linggong ito bilang paggunita sa simpleng paglago ng Iglesia ni Cristo sa Salt Lake City. Magkakaroon ng pagdiriwang ng Banal na Misa, pagsasaya, lectures at mga tugtugan sa linggong ito. Kabilang si Cardinal William J. Levada sa mga dadalong panauhin sa nasabing pagganap.
Ang kasaysayan ng Iglesia ni Cristo sa Salt Lake ay parangal sa mga misyonerong Franciscans. Sila ang kauna-unahang mga Kristianong bumisita sa lugar na ito na tinawag di kalaunan sa pangalang Salt Lake. Ito ay noong 1776 ayon sa Diocese ng Salt Lake City.
Ang Salt Lake ay lugay kung saan ang samahang Mormons ay unang sumibol. Kilala rin ang mga Mormons sa pangalang The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints. Ayon sa samahang ito, si Joseph Smith ay ang "Huling Propeta" at siya'y sinugo upang itatag muli ang Iglesia.
Sila'y naniniwala na ang Iglesia Katolika ay siyang tunay na Iglesia ngunit ito'y natalikod na ganap.
Si Bishop John C. Wester, obispo ng Salt Lake City ang siyang mangunguna sa pagdiriwang kasama ang kapitapitagang adult choirs na umaawit ng English at Spanish na mga kanta.
Sa iba pang mga kaganapan, mangyari pong ipagpatuloy ang pagbabasa rito...
Tuesday, June 5, 2012
Halos Dalawang Milyon ang dumalo sa ginanap na World Meeting of Families sa Milan, Italya
World Meeting of Families Milan, Italy (Photo Source: Petheos.com) |
Ayon sa mga pahayagan mahigit isang milyon ang mga dumali sa World Meeting of Families na ginanap sa Milan, Italy noong nakaraang linggo.
Ang Santo Papa ay lubong ang kagalakan sapagkat buhay na buhay pa rin ang panawagan ng Inang Iglesia ni Cristo na ang pamilya ang siyang tanging institusyon na pinagbuklod ng Dios upang ibahagi ang kanyang pag-ibig sa tanan.
Heto ang sabi ng vatican news:
The Milan Visit certainly comforted the Pope, as he himself confided to Cardinal Angelo Scola, but the one who saw or heard almost two million people during the three days was also sustained by them in the reflection, common to every human person, and strengthened in the Catholic faith shared above all by a great many families from every part of the world. And many were struck by the compassion and clarity of his words, from those on the people hit by the earthquake and on remarried divorcees whom the Church must guide and support, to the touching remembrance of his childhood and the simple Christian joy of that time – the same as that which is also experienced today, to the point of impelling Benedict XVI i to compare future life with that fullness.
Ang susunod na World Meeting of Families ay gaganapin sa Philadelphia, USA sa taong 2015 AD.
Friday, June 1, 2012
Kwento ni Robert T. Poblete: Isang Convert na ngayon kaanib
ni Robert T. Poblete noong Huebes, Pebrero 9, 2012 at 11:37am ·(Salamat kay P. Abe Arganiosa sa kanyang The Splendor of the Church blog.
Reading: Ruth 1:1-18
Ang Banal na Sakramento |
Sa buhay-katoliko ko po ay mayroon ding mga “Naomi”, mga Katoliko na nagpadamang pagkalinga at pagmamahal sa akin.
Ako po ay. bininyagan sa Simbahang Katoliko noong Dec. 25, 1987. Ang amin pong pamilya ay Katoliko. Pero kinalaunan nagpa-convert sa born-again ang pamilya namin. Una ang aking ate, sunod ang aking tatay at ang pangalawa kong ate at sa huli ay ako, na kasa-kasama na sa simbahan ng born-again noong bata pa lang. Ang nanay ko naman po ay hindi agad lumipat sa born-again dahil na rin sa napasama siya sa mga espiritista. Sa paglaki ko tinuruan ako ng tatay ko at ng mga mga ate ko ng pananampalatayang born-again, kung paanong magbasa ng Biblia, magdasal ng walang kinakabisang panalaningin, kumanta ng mga papuring awit, at mangaral.
Noon aktibo ako sa music ministry, theater arts ministry, evangelism, bible study, prayer meeting at marami pag mga activities sa simbahan ng mga born-again. Sa pagiging aktibo ko halos dito na umiikot ang mundo ko. Noon hindi ko tinuturing na Cristiano ang mga Katoliko dahil sa kinalakihan kong aral na ang mga Katoliko daw ay sumasamba sa mga rebulto, kay Maria, at sa mga santo. At marami pa akong naging maling akala tungkol sa turo ng Simbahan.
Subscribe to:
Posts (Atom)