IGLESIA sa ROMA “Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." -PASUGO Abril 1966, p. 46: |
Isang INC member ang pilit sinasaksak ang kasinungalingang natanggap niya mula sa kanilang "sugo" raw. Heto ang pagkasabi:
milzir said (kaanib ng INC-1914)... --galing yan sa Bibliya translated in Tagalog version yan para sayo. So saan Ba dyan ang sinasabi mong nahanap mo na sa bibliya na ang katolika ay ang tunay na relihiyon? ang dami mong binigay na verse ni kahit isa e wala yung sinasabi mong tunay na relihiyon..Galing pa yan sa bibliya ha..Yang source na ibinigay mo gawa-gawa lang yan. Tingnan mo yan sa bibliya............ Kung gusto mo talagang makita ang tunay na relihiyon, kung pwede lang e basahin mo ang mga sumusunod: Efeso 4:4-6 "May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo; 5Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, 6Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.
Efeso 5:27 "Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan.
Colosas 1:18 "At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan. Colosas 1:24- 25 "Ngayo'y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa kaniyang katawan, na siyang iglesia; 25Na ako'y ginawang ministro nito, ayon sa pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios, Buhat 20:28 "ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo. Roma 16:16 "Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo. Syanga pala, paki intindi lang po ito ninyo ng maigi ng sa gayon eh malaman nyo talaga ang tunay na relihiyon. |
At dahil mapilit itong kaanib ng Iglesia ni Cristo Manalo na SILA RAW ang tinutukoy sa Banal na Kasulatan, balikan natin kung aling Iglesia ba ang BINABATI sa Biblia. Ang Iglesiang nasa Roma o Iglesia raw na itinatag sa Pilipinas ni Felix Manalo?
Isa sa mga pilit INAANGKIN ng INC ay ang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-ROMA (16:16) "Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo."
Ano raw?
Mula sa SULAT ni Apostol San Pablo sa mga Kristiano sa ROMA at hindi sa Pinas. Sino ang mga Kristianong binabanggit sa ROMA? Mga PINOY ba o mga ROMANO? Natural mga ROMANO dahil taga-ROMA nga eh. Kung sulat ito sa mga Pinoy dapat eh "sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Pilipinas. Mga INC ba ang mga nasa ROMA? Hindi po maaari. At lalong di tatanggpin ng mga taga-ROMA na sila'y babansaging mga "Iglesia" sapagkat sila'y mga Kristiano Katoliko at hindi "Iglesia."
Ayon kay Apostol San Pablo, ang LAHAT daw ng IGLESIA NI CRISTO ay bumabati sa IGLESIANG nasa ROMA "Binabati kayo lahat ng mga iglesia ni Cristo." Kung LAHAT pala ng IGLESIA ni CRISTO ay bumabati sa IGLESIA sa ROMA, bakit may NAG-IISANG "iglesia" (raw) sa Pilipinas ang AYAW bumati sa IGLESIA sa ROMA?
Hindi ba't mismong ROMA 16:16 ang nagsasabing "lahat ng mga iglesia ni Cristo ay bumabati" sa IGLESIA sa ROMA, bakit naman ang INC sa Pilipinas ay ayaw talagang bumati? Dahil ba sa HINDI naman sila TUNAY na iglesia?
Kaya't kung suma-total, ang mga "iglesia" na AYAW bumati sa IGLESIA sa ROMA, bagama't sinasabi ni Apostol San Pablo na LAHAT daw ng mga iglesia ay bumabati, ang HINDI bumabati sa IGLESIA sa ROMA ay hindi dapat itinuturing na tunay na "iglesia" sapagkat NILALABAG nila ang sinasaad sa Roma 16:16 na "lahat ng mga iglesia ni Cristo ay bumabati sa inyo". Bakit ba ayaw nilang bumati sa IGLESIA sa ROMA tulad ng pagbati ng lahat ng iglesia para sa ROMA?
Sa katunayan, halos lahat ng mga iglesiang kay Cristo sa mundo (pakitingnang ang mapa sa ibaba) ay bumabati nga naman sa IGLESIA sa ROMA.
At upang hindi tayo malito kung alin nga ba ang tunay na Iglesia ni Cristo mula pa sa pasimula? Ating hahanguin mula sa kanilang OPISYAL na pahayag ng PASUGO Abril 1966, p. 46:
PASUGO Mayo 1968, p. 5:
PASUGO Hunyo 1940, p. 27:
PASUGO, Abril 1966, p. 46:
At bagamat "patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling araw sa Iglesi Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo" ano ang pangako ni CRISTO sa Mateo 16:18?
Kaya't anong kapalaran ang maryoon sa INC na tatag ni Felix Manalo sa Pilipinas? At dahil sila alng ang "iglesa" (raw" na HINDI BUMABATI sa IGLESIA sa ROMA, hindi sila dapat pag-aksayahan ng panahon dahil ayon na rin sa kanlang PASUGO ay hindi sila tunay kung hindi HUWAD LAMANG.
PASUGO Mayo 1968, p. 7:Sa katunayan, halos lahat ng mga iglesiang kay Cristo sa mundo (pakitingnang ang mapa sa ibaba) ay bumabati nga naman sa IGLESIA sa ROMA.
VATICAN RELATIONS in GREEN COLOR (Source: Wikipedia) |
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."Ang "Iglesia" bang ito ay natalikod ba ayon sa kanilang malimit na paratang? HINDI PO. Pasugo rin po ang NAGPAPATUNAY na HINDI po ito NATALIKOD!
PASUGO Mayo 1968, p. 5:
"Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man."
PASUGO Hunyo 1940, p. 27:
"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."
PASUGO, Abril 1966, p. 46:
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."Nakita niyo ba? Ayon sa OPISYAL na pahayag nila sa PASUGO, ang Iglesia Katolika na sa pasimula pa ay siyang tunay na Iglesia ni Cristo ay hindi natalikod. "KAILANMA'Y DI SILA MALILIPOL". Ang Iglesiang ito ay "NANATILI SA MGA ARAL NG DIOS" na siyang iminumungkahi nilang DAPAT GAWIN. At "HANGGANG SA KASALUKUYAN" pilit pa rin daw pinapasukan ng maling aral ni Satanas ang TUNAY na IGLESIA ni CRISTO-- ang Iglesia Katolika.
At bagamat "patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling araw sa Iglesi Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo" ano ang pangako ni CRISTO sa Mateo 16:18?
At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng impiyerno ay hindi magtatagumpay laban sa kanya."TUMPAK! Wala na tayong dapat pang pagtatalunan. Biblia na ang nangusap at Pasugo nila ang nagpapatunay!
Kaya't anong kapalaran ang maryoon sa INC na tatag ni Felix Manalo sa Pilipinas? At dahil sila alng ang "iglesa" (raw" na HINDI BUMABATI sa IGLESIA sa ROMA, hindi sila dapat pag-aksayahan ng panahon dahil ayon na rin sa kanlang PASUGO ay hindi sila tunay kung hindi HUWAD LAMANG.
Kaya anong IGLESIA nga ulit ang tinutukoy sa Banal na Kasulatan na binabati ng lahat ng mga iglesia ni Cristo? Iglesia sa ROMA o Iglesiang itinatag ni Felix Manalo sa Pilipinas?“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."
IGLESIA sa ROMA!
At alin ang IGLESIANG nasa ROMA na sinasabi ng banal na kasulatang at Pasugo na "HINDI MALILIPOL"?
IGLESIA KATOLIKA!
No comments:
Post a Comment