Saturday, January 11, 2025

Bakit kaya "Inutos" ng Diyos Ama na Sambahin din si Cristo tulad Niya kahit, para sa INC1914 ay isang Tao lamang si Cristo?

Malimit na pinaghuhugutan ng mga kaanib sa INC ni Felix Y. Manalo ang Exodo 20:3 kung saan INUUTOS ng Diyos ang MAHIGPIT na BILIN niyang WALANG IBANG SASAMBAHIN kundi SIYA LAMANG!

Pero sa ibang banda, inuutos din sa mga kaanib ng INC ni Felix Y. Manalo na si CRISTO ay DAPAT din daw SAMBAHIN, sapagkat UTOS din daw ito ng AMA.

Samakatuwid baga'y SINASALUNGAT na ng Diyos Ama ang KANYANG UTOS na SIYA LAMANG ang DIYOS at SIYA LAMANG ang DAPAT SAMBAHIN?

Ngunit alam naman natin na HINDING-HINDI maaaring salungatin ng Diyos Ama ang kanyang sarili. Kaya ang pinakamamalapit na kasagutan sa mga kaanib ng INC na tatag ni Felix Y. Manalo noong 1914 ay, ang sabihin sa kanila na MALING-MALI ang kanilang pagkaunawa. SILA ANG MALI. Hindi ang Diyos Ama.


FILIPOS 2:5-11


Ang kanilang tinutukoy na INUTOS daw ng DIYOS AMA na SAMBAHIN si HESUS ay hango sa Sulat ni Apostol Pablo sa mga taga-Filipos 2:5-11 na ganito ang sabi:

"Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. 
Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siya bilang tao. 
At nang siya'y maging tao, nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus 
Dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. 
Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. 
At ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.


[Ang pagdidiin ay nagmula lamang sa atin.] 


ANONG MGA DAHILAN KUNG BAKIT SI CRISTO AY PANGINOON DIN NA DAPAT SAMBAHIN AYON SA FILIPOS 2?

  • UNA, SIYA AY DIYOS! Ganyan ang kanyang kalagayan!
  • PANGALAWA, Siya ay nagpakumbaba (humble). Hinubad niya ang pagka-Diyos, NAPARITO sa LAMAN (Tao) at NAMUHAY na daig pa ang isang ALIPING walang karapatan at walang halaga.
  • PANGATLO, naging MASUNURIN (obidient), sa Ama. Inalay niya ang Kanyang sarili bilang BAYAD sa ating mga kasalanan. NIYAKAP niya ang KAMATAYAN na dapat sana ay kaparusahan sa kasalanan ng tao-- at ang Kanyang kamatayan ay hindi basta-basta ordinaryong kamatayan kundi ISANG KAMATAYAN bilang kaparusahan ng isang taong nagkasala-- ang KAMATAYAN SA KRUS.
DAHIL DITO sa mga binanggit ni Apostol San Pablo, DINADAKILA ng Diyos Ama ang ANAK. Na sa Kanyang PANGALAN, ang lahat ay maninikluhod sa kanya bilang pagsamba, at ang lahat ng wika ay MAGPAPAHAYAG na si CRISTO AY PANGINOON sa kaluwalhatian ng IISANG DIYOS AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO!

TANONG: BAKIT HINDI PINAPAHAYAG NG MGA KAANIB SA INC NI FELIX MANALO ANG FILIPOS 2:5-8?

SAGOT: Sapagkat malinaw na sinasabi sa mga talatang nabanggit na si Cristo ay nasa anyo ng kalikasan ng Diyos. Sa madaling salita, Siya ay Diyos na nagkatawang-tao, kaya't nakikita natin siya sa kanyang anyong Tao!

TANONG: BAKIT PINASASAMBA SI CRISTO TULAD NG SA DIYOS AMA?

SAGOT: Sapagkat ang utos ng Diyos sa Exodu 20:3 na tanging Diyos lamang ang dapat sambahin. At kung si Cristo ay Panginoon din tulad ng Diyos Ama; at Siya ay Diyos din tulad ng Ama (Ako at ang Ama ay Iisa (Juan 14:9), marapat lamang na sambahin din si Cristo!

TANONG: NGAYON AT ALAM NA NG MGA INC ANG DAHILAN KUNG BAKIT SINASAMBA SI CRISTO, ANONG MANGYAYARI SA KANILA KUNG AYAW PA RIN NILANG TANGGAPIN SI CRISTO BILANG DIYOS NGUNIT SINASAMBA PA RIN BILANG TAO?

SAGOT: Sila'y mananagot sa kanilang katigasan ng ulo. Sila ay masusunog sa dagat-dagatang apoy sapagkat tahasan nilang tinalikuran ang katotohanan tungkol sa Anak ng Diyos na si Cristo na ating Panginoon.

TANONG: MAY KAHIHINATNAN BA ANG KANILANG PAGSUWAY? SILA BA AY MAITUTURING NA MGA TAGA-SUNOD NI CRISTO?

SAGOT: Hindi sila maituturing na tagasunod ni Cristo. Sa kanilang tahasang pagsuway sa katotohanan, sila ay mga kaaway ni Cristo - o mga anti-Cristo.

TANONG: NAPAKARAHAS NAMAN YATA NG PARATANG. ANO PO BA ANG ATING SALIGAN PARA SABIHING HINDI SILA MGA KAIBIGAN NI CRISTO?

SAGOT: Pasasagutin natin ang Sulat ni Apostol San Juan (2 Jn 1:7-8a), ganito ang sabi; 

"Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y naparito sa lamang bilang tao. Ang ganoong tao ay mandaraya at kaaway ni Cristo. Mag-ingat nga kayo upang huwag mawalang saysay ang aming pinagpaguran..."

 

Kaya't ang paalala ni Apostol San Juan ay ang mag-ingat sa kanila. Sila ay mg tuso. Gumagamit ng Bibliang hindi naman nila pinaghirapan, at lalong wala silang ambag rito. Sila ay nakikibasa lamang sa aklat ng mga Katoliko ngunit ipapangaral nilang mas sila pa ang nakakaunawa kaysa sa mga Katoliko na silang nagbigay ng Biblia sa sangkakristianuhan!

 



Saturday, July 27, 2024

110 TAON NG PAGKAKATATAG NG IGLESIA NI CRISTO INCORPORATED


Ang bilis ng panahon. Parang kailan lamang itinatag ng Ka Felix Y. Manalo ang kanyang Iglesia Ni Cristo sa Sitio Punta, Santa Ana, Lungsod ng Maynila, pero ngayon ay umabot na pala ito sa kanyang ika-110 taon.

Ano nga ba ang mga mahahalagang pangyayari sa loob ng iglesiang tatag ng Ka Felix Manalo sa loob ng 110 taon?

Una, hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin nagpapalabas ng opisyal na datos ang pamunuan ng INC-1914 kung ilan na nga ba ang kanilang mga kaanib mula ng itatag ito ng may-ari.

Sa datos noong 2020 sila ay mayroon lamang na na 2.8 milyong kaanib sa Pilipinas. Sa pangkalahatan, tinatayang hindi pa rin lumalagpas sa 3 milyon, may mga nagsasabi na sila'y umaabot na sa 10 milyon ngunit hindi ito tugma sa census ng Pilipinas. 

Sa kabuuang populasyon ng mga Pilipino, 2.6% lamang ang kaanib. Sa ibang bansa, ay hindi rin naman sila nakakahigit sapagkat ang mga Overseas Filipino Workers halos lahat ang laman ng kanilang mga kapilya o lokales.

Pangalawa, hindi pa rin malinaw kung binawi na ba ng Ka Eduardo V. Manalo ang kanyang pagtitiwalag sa kaniyang ina at kapatid sa laman. 

Matatandaan na noong Hulyo ng taong 2015, itiniwalag ng kasalukuyang Executive Minister ang sarili niyang ina at mga kapatid sa laman, sa INC 1914, hudyat na ang kanyang pamilya ay masusunog sa dagat-dagatang apoy ayon sa kanilang aral at doktrina.

Sa talaan ng mga propeta at mga sinugo ng Diyos na nasusulat sa Biblia, wala ni isa sa kanila ang nagtakwil sa kanilang mga magulang-- tanging si Ginoong Eduardo V. Manalo pa lamang ang gumawa nito. Hudyat ba ito na hindi nga tunay na sugo ang pinagmulang ninuno ni Ginoong EVM?

Pangatlo: kahit na makailang beses pang ituro at ipangaral ng mga ministro ng INC 1914, maging ng kanilang mga kaanib na si Cristo RAW ang NAGTATAG ng kanilang INC, lumalabas sa mga pahayagan sa twing sumasapit ang ika-27 ng Hulyo bawat taon na si Felix Manalo ang may-ari at nagtatag ng INC sa Pilipinas, tulad ng balitang nitong Huly 27 2024 mula sa The Manila Times

The Manila Times

Ang sabi ng pahayagang ito ay si Ginoong Felix Y. Manalo ang nagtatag nito bilang isang SOLE RELIGIOUS CORPORATION noong 1914. Sa pagbibilang natin hanggang sa kasalukuyan, TUNAY nga na SUMULPOT lamang itong iglesiang ito, taong 1914 kaya't sila ay 110 taon pa lamang sa kasalukuyan.

Kaya't binabati namin ng Maligayang 110 Taon ng Pagkakatatag ni Felix Manalo sa Iglesia Ni Cristo!


Saturday, July 10, 2021

LIMANG TANDA RAW UPANG MATUKOY NA TUNAY RAW NA RELIHIYON ANG IGLESIANG TATAG NI G. FELIX Y. MANALO NOONG 1914?

1. DAPAT TAGLAY RAW NITO ANG PANGALAN NI CRISTO

NAME - dapat ay nakapangalan sunod sa pangalan ng nagtayo - Mat. 16:18, sunod sa pangalan ng ulo - Col. 1:18. Kaya kung ang nagtayo at ang ulo ay si Cristo, dapat lamang na tawagin ito sa pangalang, "Iglesia Ni Cristo"! - Roma 16:16 (NPV) Dapat ay mababasa sa Biblia, kapag HINDI nakasulat ang pangalan, peke ang relihiyong iyan. Kung baga sa tao, dapat nakasulat sa Bureau of Census ang pangalan, if not, "putok sa buho" iyan, hindi kilala ang magulang.
HINDI porke't nakapangalan kay CRISTO, sa Kanya na!

Halimbawa ang JOSE RIZAL UNIVERSITY sa Mandaluyong, HINDI PO SI GAT JOSE RIZAL ang NAGTATAG nito kundi si GINOONG VICENTE FABELLA.

At kahit IPILIT pa nating ipangaral na si Gat. Jose Rizal ang nagtatag nito sapagkat BITBIT NITO ang kanyang pangalan, ay HINDI pa rin ito tumpak sapagkat nakatitik sa kasaysayan na si Ginoong Vicente Fabella ang NAGTATAG nito noong 1919.

Ganoon din sa 'IGLESIA NI CRISTO®', bagama't TAGLAY ang PANGALANG 'CRISTO' ngunit ALAM NG LAHAT na si Ginoong FELIX Y. MANALO ang NAGTATAG nito.

At kahit anong pilit nilang ipangaral na si Cristo ang nagtatag ng INC™, HINDI pa rin tumpak sapagkat nakatitik na sa aklat ng kasaysayan na si Ginoong Felix Y. Manalo ang TAGAPAGTATAG nito noong 1914.

MATEO 16:18 - "AKING IGLESIA"
WALANG DUDA na ang UNANG IGLESIA ay KAY CRISTO. At ang UNANG IGLESIANG ITO ay WALANG IBA kundi ang IGLESIA KATOLIKA, ayon sa kasaysayan at ayon na rin sa Pasugo. Kaya't ang TINUKOY ni CRISTO na "AKING IGLESIA" sa MATEO 16:18 ay HINDI ang INC™ kundi ang IGLESIA KATOLIKA NA SA PASIMULA AY SIYANG IGLESIA NI CRISTO (PASUGO ABRIL 1966, P.46)

ANG IGLESIA NI CRISTO® AY PAGMAMAY-ARI NI GINOONG FELIX Y. MANALO. SIYA ANG ULO AT TAGAPAGTATAG!

PASUGO May-June 1986 sinulat ni Kapatid na Isabelo T. Crisostomo
A Protestant author, Dr. Arthur Leonard Tuggy, attributes the Iglesia ni Cristo's fantastic growth to, among other factors, dedicated laymen eager to spread their message and an effective deployment of ministers. "And behind all this," he notes, "was the continuing charismatic leadership of its founder-head, Felix Manalo, now firmly anchored to a doctrinal base as Gods messenger for the Philippines...
ANG IGLESIA NI CRISTO® AYON KAY GINOONG FELIX Y. MANALO AY KANIYA 'MY CHURCH'!

FREEPRESS, FEBRUARY 11, 1950
“Why, who is Quirino? He is a man just the same as I am. I am not afraid of him. Show fear to no man-- that is the best way to defend your rights. Members of my church were beaten up, some killed because they refused to vote for Quirino...”
Sa logic ng INC™1914, lalabas na ang dapat IPANGALAN sa INC™1914 ay IGLESIA NI MANALO o IGLESIA NI FELIX sapagkat ayon sa KASAYSAYAN at sa PASUGO, si FELIX Y. MANALO ANG NAGTATAG NITO (ang lahat ng pagdidiin ay amin lamang). At AYON kay Ginoong Felix Y. Manalo, ito ay 'AKING IGLESIA'!
PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na SI KAPATID NA F. MANALO ANG NAGTATAG NG INK."
REPUBLIC ACT NO. 9645
July 27 of every year is hereby declared as a special national working holiday in commemoration of the FOUNDING ANNIVERSARY OF THE IGLESIA NI CRISTO in the Philippines.
BRITANNICA ENCYCLOPEDIA
Iglesia ni Cristo (INC), (Tagalog: “Church of Christ”) Cristo also spelled Kristo, international Christian religious movement that constitutes the largest indigenous Christian church in the Philippines. It was ESTABLISHED BY FELIX YSAGUN MANALO IN 1914.
2. DAPAT MAY ADDRESS DAW, KUNG SAAN DAKO NG MUNDO LUMITAW ANG RELIHIYON
ADDRESS - dapat ito ay lumitaw sa dako kung saan isinasaad ng hula. Dapat bumangon sa Mga Pulo ng Dagat - Isa. 24:15 sa Malayong Silangan - Isa. 43:5 (Moffatt) o Dulong Silangan Isa. 43:5 (MBB) na sa katuparan ay ang bansang Pilpinas!
Hindi ba't MISMONG ang mga INC™1914 ang NAGSASABING kung HINDI LITERAL NA NAKASULAT sa BIBLIA ay HINDI DAPAT PANIWALAAN.

Saan mababasa ang PILIPINAS sa ISAIAS 43:5? WALANG PILIPINAS na MABABASA sa Biblia kaya't MALAYONG ang INC™ ang tinutukoy rito, lalong malayong si G. Manalo ang hinulaan dito.
Bagkus, ang TINUTUKOY sa ISAIAS 43:5 ay hindi PILIPINAS kundi sa BANSANG ISRAEL na BAYANG KANYANG HINIRANG, hindi ang PILIPINAS!

3. DAPAT, MAY PETSA RAW ANG KANYANG PAGSULPOT - JULY 27, 1914
DATE OF BIRTH - dapat ito ay lumitaw sa bisa ng petsa sa Biblia na, "Mga Wakas ng Lupa" - Isa. 42 :10 (Wala pang kalendaryo noong panahon ng mga propeta) na sa petsa ng kalendaryo sibiko ay July 27, 1914, kapanabay ng digmaang pandaigdig - Mat. 24:6 sa panahong malapit na ang pagliligtas.
Heto po ang nakasulat sa ISAIAS 42:10
Sing to the LORD a new song, his praise from the ends of the earth: Let the sea and what fills it resound, the coastlands, and those who dwell in them.
PAANO NAGING PILIPINAS AGAD ang 'ENDS OF THE EARTH' sa Isaias? At anong KONEKSYION nito sa JULY 27, 1914? Ang hilig MAGTAGPI-TAGPI ng INC™ ng mga bagay-bagay para palabasing sila ang tinutukoy sa Biblia.

Ang MAS MALINAW ay ang PATOTOO ng PASUGO na kung SINONG BAGONG SULPOT, sila ang HUWAD.

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
Ang MALINAW na katotohanan (fact) ay ganito:
  • Noong July 27, 1914, ipinarehistro ni Felix Y. Manalo ang kanyang Iglesia sa Securities and Exchange Commision, tulad ng iba pang mga establisimentong pang-negosyo ay dapat na irehistro.
  • Ang Iglesia Ni Cristo® na rehistrado noong July 27, 1914 ay isang 'corporation'.
  • Ang lahat ng lokal ng INC™ na nakarehistro sa buong mundo ay corporation.
  • Ang nagtatag ng INC™ noong 1914 ay si Ginoon Felix Y. Manalo, hindi si Cristo.

4. SUGO - dapat ang organisasyong sa Dios at kay Cristo ay pangungunahan ng Sugo na may karapatang mangaral - Roma 10:15. Kapag walang turo ang relihiyon sa kahalagahan ng sugo, iyan mismo ang tanda ng Pekeng relihiyon!

WALANG IBANG SINUGO ang DIYOS AMA sa mga HULING ARAW kundi ang KANYANG BUGTONG na ANAK, ang ATING PANGINOONG JESUCRISTO. MALIBAN KAY CRISTO, ang mga DARATING ay mga BULAANG PROPETA!

Kaya't ang HINDI SINUGO ng DIYOS na LUMITAW na lamang nitong mga HULING ARAW ay WALANG KARAPATANG MANGARAL!

1 JUAN 2:18-19
Munting mga anak, huling oras na! Tulad ng inyong narinig, ang anti-Cristo ay darating. At ngayon, marami na ngang anti-Cristo ang dumating. Kaya't alam natin na huling oras na. Sila ay humiwalay sa atin, bagama't hindi naman talaga sila naging bahagi natin. Sapagkat kung sila'y naging bahagi natin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ang kanilang pag-alis ay naghahayag lamang na walang sinuman sa kanila ang kabilang sa atin.
MGA KATANGIAN NG ANTI CRISTO
  • Sila ay darating sa mga huling araw
  • Sila ay nagmula sa atin (tunay na Iglesia, "ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo" [Pasugo Abril 1966, p46])
  • Sila ay TITIWALAG sa atin.
  • Sila ay mangangaral laban kay Cristo
  • Sila ay magtuturo na si Cristo ay tao lamang, hindi Diyos na nagkatawang-tao (Sapagkat maraming mandaraya ang kumalat sa sanlibutan. Hindi nila kinikilala na dumating si Jesu-Cristo [Diyos] na naparito sa laman [bilang tao]. Ang mga ito ang mandaraya at ang anti-Cristo! -2 Juan 1:7)

5. ARAL - dapat ang mga aral na sinusunod ay nakasalig at HINDI sumasalungat sa Biblia. Kung ang mga aral ng relihiyon ay pawang mga Imbento, iyan ang katunayang peke ang iglesia.

Ang mga ARAL ng IGLESIA NI CRISTO® na PAGMAMAY-ARI ni Ginoong Felix Y. Manalo ay katha at MULA LAMANG sa KANYANG SARILI.

PASUGO Mayo 1952, p. 4
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."
PASUGO Nobyembre 1960, p. 26:
“Kaya't papaano makikilala ang sugo ng Dios at ang hindi sugo ng Dios: Sa aral makikilala ayon kay Jesus. Ang aral ng mga sugo ng Dios ay mula sa Dios, ang mg aral ng hindi sugo ng Dios, ay mula lamang sa kanyang sarili. (Juan 7: 16-18)
PASUGO May 1961, p.4
“At sino nga ba ang gumagawa ng mga leksiyong itinuturo ng mga ministro, maging sa mga pagsamba, mga doktrina o mga Propaganda? Ang Kapatid na Felix Manalo.”
PASUGO Mayo 1963, p. 27:
“Kaya’t sa katuparan ng hula, ang lahat ng mga itinuturo ng mga Ministro ng INK sa mga pagsamba, sa mga doktrina, sa mga pamamahayag sa gitna ng baya, ay si Kapatid na Felix Manalo lamang ang bumabalangkas at nagtuturo sa kanila.”
MAYROON PA BA TAYONG DAPAT PANG PATUNAYAN KUNG TUNAY NGA BANG RELIHIYON ANG INC™1914? Kayo na ang humusga!

MGA KATANGIAN NG TUNAY NA IGLESIA

Sa kasaysayan ng IGLESIANG TATAG ni CRISTO, may APAT na KATANGIANG TAGLAY ito upang MASURI kung ITO nga ay TUNAY o HUWAD. Ito ay mga TANDA (MARKS) na HINDI NABUBURA ng panahon!

ONE - ANG IGLESIA ay IISA, bagama't MARAMING sanga ay IISA. Bagama't maraming lahi, wika, kultura, bansa at rituwal nugnit IISA ang katawagan, IISANG PANGINOON, HINDI DALAWA, tulad ng INC™1914 na may dalawang Panginoon, IISANG DIYOS (hindi tatlo, tulad ng ipinangangaral ng INC™1914, IISANG PANANAMPALATAYA, IISANG BINYAG (hindi maraming binyag tulad ng pagbibinyag muli ng mga INC™ sa kanilang mga bagong kaanib kahit na sila ay binyagang Kristiano na (bitbit ang pangalang ibinigay sa kanila ng Iglesia Katolika).
"There is one body and one Spirit just as you were called to the one hope that belongs to your call, one Lord, one faith, one baptism, one God and Father of all, who is over all and through all and in all." (Efeso 4:5-6)
HOLY - ANG IGLESIA AY BANAL sapagkat ang KANYANG TAGAPAG-TATAG ay BANAL - DIYOS na NAGKATAWANG-TAO.

CATHOLIC - ANG IGLESIA AY PANGKALAHATAN, hindi lang para sa mga Pilipino. Lahat ng lahi, wika, bayan ay BUMABATI sa IGLESIA SA ROMA (Roma 16:16), hindi sa CENTRAL Avenue, Pilipinas.

APOSTOLIC - ANG IGLESIA AY APOSTOLIKA sapagkat ito ay ITINAYO sa PUNDASYON ng mga APOSTOL ng PANGINOONG DIYOS; MAKASAYSAYAN at NAPAPATUNAYAN na UMIRAL ito MULA NOON pang PANAHON ng mga ALAGAD ni Cristo, hindi 1914.
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.” -PASUGO JULY AUGUST 1988 PP. 6.
SA MGA NAGSUSURI, DUMITO NA KAYO SA TUNAY NA IGLESIANG TATAG NI CRISTO, ANG IGLESIA KATOLIKA!

Sunday, June 27, 2021

ITINUTURO NG IGLESIA KATOLIKA NA IISA ANG DIYOS! ITINUTURO NG INC™1914 NA TATLO ANG DIYOS!

GANYAN DIN ANG TURO TUNGKOL SA SANTISIMA TRINIDAD!

SINO NGAYON ANG NAGSASABING "TATLO" ANG DIYOS?!

Paulit-ulit. Nakakasawa.

Ito ang PAULIT-ULIT at NAKAKASAWANG argumento ng mga kaanib sa Iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo - ang Iglesia Ni Cristo® 1914 - sapagkat IPINAGPIPILITAN nilang TATLO raw ang DIYOS ng mga KATOLIKO?! At ito raw ang TURO ng IGLESIA KATOLIKA (TATLONG PERSONA ng DIYOS)?! Of course, hindi po totoo ito. Isang PANLILINLANG na naman para makadaya ng mga tao at aanib sa iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo.

Sabi ni kapatid na Anthony Aspe na kaanib sa INC™1914:
Iisa lamang ang bilang ng tunay na Dios ayon sa Biblia, siya lamang ang Ama ng ating Panginoong Jesucristo. Wala pong nakasulat sa Biblia na marami ang bilang ng tunay na Dios gaya sa paniniwala ng ADD/MCGI. Wala ring nakasulat na ang tunay na Dios ay binubuo ng tatlong persona o trinity gaya sa paniniwala ng Katoliko. Mas lalong walang naksulat na ang Ama ay persona o bahagi ng isang Dios na tunay. Ang mga ganitong paniniwala ay guni-guni lamang ng mga trinitarians at ng ADD/MCGI.
Sangguniin natin ang OPISYAL na TURO ng IGLESIA KATOLIKA §233:
"Christians are baptized in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit: not in their names, [Cf. Profession of faith of Pope Vigilius I (552): DS 415.] for there is only one God, the almighty Father, his only Son and the Holy Spirit: the Most Holy Trinity."
Sa TAGALOG ay ganito:

"Ang mga Kristiyano ay nabinyagan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu: hindi sa kanilang mga pangalan, [Cf. Profession of Faith ni Papa Vigilius I (552): DS 415.] sapagkat iisa lamang ang Diyos, ang makapangyarihang Ama, ang kanyang nag-iisang Anak at ang Banal na Espiritu: ang Pinakabanal na Trinidad. "Ayon po, IISA LAMANG daw po ang DIYOS - ang AMA, ANAK at ang BANAL NA ESPIRITU."

Itinuturo po ng SIMBAHANG KATOLIKA mula pa noong UNA, tulad ng TURO ng mga ALAGAD na ang DIYOS ay IISA ~ ang AMA, ANAK at BANAL NA ESPIRITU.

SINASANG-AYUNAN rin ito ng PANGINOONG JESUS:
"THE FATHER AND I ARE ONE." The Jews again picked up rocks to stone him. Jesus answered them, “I have shown you many good works from my Father. For which of these are you trying to stone me?” The Jews answered him, “WE ARE NOT STONING YOU FOR A GOOD WORK BUT FOR BLASPHEMY. YOU, A MAN, ARE MAKING YOURSELF GOD."
MALINAW na SINASABI ng PAGINOONG JESUS na SIYA at ang AMA ay IISA!

Ito ang dahilan kaya't ninais siyang PATAYIN ng mga HUDYO sapagkat si CRISTO (sa anyong TAO) ay GINAGAWANG KAPANTAY ang IISANG DIYOS.
"HINDI KA NAMIN NAIS NA BATUHIN DAHIL SA MABUBUTING GAWA KUNDI DAHIL SA PANG-AALIPUSTA SA DIYOS. IKAW, TAO, PINALALAGAY ANG SARILI BILANG DIYOS."
Malinaw na IISA ANG DIYOS kahit na ANGKININ ni CRISTO ang PAGIGING DIYOS, sapagkat SIYA at ang AMA ay IISA!
Hindi natin maaaring sisihin ang mga Hudyo sa kanilang paniniwala, sapagkat MALINAW NA MALINAW sa kanilang SHEMA ~ na IISA ANG PANGINOON, ANG DIYOS (Ama). Kaya sa PAG-AANGKIN ni Cristo na KAPANTAY NIYA ANG AMA, nangangahulugang DALAWA na ang Diyos na SIYANG TINUTUTULAN ng mga HUDYO! Bagay na KALAPASTANGANAN sa DIYOS. Christ deserves to die because of that blasphemy!

Heto nga ang MISMONG si APOSTOL SAN PABLO ang NAGSASABING SI CRISTO AY NASA ANYONG DIYOS (sa mga taga-FILIPOS 2:5-6):
"Taglayin ninyo ang pag-iisip na tulad ng kay CRISTO JESUS; kahit SIYA'Y NASA KALIKASAN NG DIYOS, ay hindi niya itinuring na isang bagay na dapat panghawakan ang pagiging kapantay ng Diyos..."
Dapat GANITO RIN ang TAGLAYIN ugali ni GINOONG FELIX MANALO, ang HUWAG IPANTAY ang SARILI sa pagiging SUGO ng Diyos sapagkat HINDI SIYA ISINUGO ng DIYOS! Ito ay PINAPATUNAYAN ng BIBLIA sapagkat WALANG FELIX Y. MANALO na NABABANGGIT at WALANG GANAP (TOTAL) NA PAGTALIKOD ng IGLESIANG TATAG ni CRISTO na NASUSULAT sa BIBLIA kundi ang TATALIKOD ay TAO, tulad ni GINOONG MANALO na DATING KAANIB ngunit TUMALIKOD at hanggang sa NAGTAYO ng KANYANG SARILING IGLESIA at pinarehistro bilang "Iglesia Ni Kristo" noong 1914.

PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Anong sabi ni Apostol San Juan sa mga taong DATING KAANIB SA IGLESIANG TATAG NI CRISTO ngunit NGAYON AY LABAN SA ATIN ay GANITO:
1 JUAN 2:18-19
Munting mga anak, huling oras na! Tulad ng inyong narinig, ANG ANTI-CRISTO AY DARATING. At ngayon, marami na ngang anti-Cristo ang dumating. Kaya't alam natin na huling oras na. SILA AY HUMIWALAY SA ATIN, bagama't hindi naman talaga sila naging bahagi natin. Sapagkat kung sila'y naging bahagi natin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ANG KANILANG PAG-ALIS AY NAGHAHAYAG LAMANG NA WALANG SINUMAN SA KANILA ANG KABILANG SA ATIN.
Ang PAG-ALIS ni Ginoong Felix Y. Manalo sa tunay na Iglesia ay NAGHAHAYAG lamang na LAHAT SILA sa KANYANG IGLESIA ay HINDI KABILANG kay CRISTO sapagkat NAGTUTURO sila ng LABAN KAY CRISTO!

MGA KAAWAY ni CRISTO o mga ANTI-CRISTO, ayon kay Apostol San JUAN!


At sa KATULAD nilang UMALIS sa TUNAY NA IGLESIANG TATAG NI CRISTO, AT NAGTUTURONG si CRISTO AY TAO LAMANG ~ HINDI MATANGGAP na si CRISTO ay DIYOS na NAPARITO sa LAMAN, ang tawag ni Apostol San Juan sa kanila ay mga ANTI-CRISTO o KAAWAY ni CRISTO.

2 JUAN 2:7
Sapagkat maraming mandaraya ang kumalat sa sanlibutan. HINDI NILA KINIKILALA NA DUMATING SI JESU-CRISTO [Diyos] BILANG TAO [naparito sa laman]. ANG MGA ITO ANG MANDARAYA AT ANG ANTI-CRISTO!
At sa mga KATULAD nilang ANTI-CRISTO, HINDI sila dapat PATULUYIN sa INYONG MGA TAHANAN, kundi ITUTURO nila ang kanilang ANTI-CRISTONG ARAL!
2 JUAN 1:10-11
Ang sinumang dumating sa inyo na hindi taglay ang katuruang ito ay huwag tanggapin sa inyong tahanan, at huwag din ninyo siyang batiin. Sapagkat ang tumatanggap sa taong ito ay nakikibahagi sa kanyang masasamang gawa.
ALIN nga ba ang TUNAY na IGLESIANG TATAG ni CRISTO na INALISAN ni Ginoong Manalo?
Ayon sa PASUGO, ang OPISYAL na magasin ng INC™1914, ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO raw ay ang IGLESIA KATOLIKA, hindi ang IGLESIANG TATAG niy!
PASUGO ABRIL 1966, p. 46:
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
PASUGO JULY AUGUST 1988 p. 6.
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.”
PASUGO MARCH-APRIL 1992, p. 22
"The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century..."
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
Sa mga NAGSUSURI, ito sana ay MAGSILBING ILAW sa inyo tungo sa KATOTOHANAN na IISA ANG DIYOS ~ AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO ~ at si CRISTO ay DIYOS na NAPARITO SA LAMAN!