May libo-libong taga-sunod ang Iglesia ni Cristo sa Canada, ngunit ilang de-boto sa Pilipinas ay naakusahan ng kidnapping at pag-patay. Ito ay istorya ng isang Canadian na may naka-engkwentrong miyembro ng nasabing simbahan at namatay.
By Timothy Sawa, Lynette Fortune and Bob McKeown
CBSNews November 11, 2018
Halos 8 ng gabi at tahimik na tahimik sa isang karaniwang maalinsangang gabi malapit sa komunidad ng baybayin ng Batangas City sa Pilipinas.
Hanggang nasira ang katahimikan ng huni at kalantog ng isang lumalapit na motorsiklo.
Ito ay Hunyo nitong nakalipas na tag-init at si Luzie Gammon ay nasa kusina ng bahay ng kanyang napanaginipang itinayo niya kasama ang kanyang asawa na si Barry Gammon, nang ang huni ay napalitan ng nakakatuhog at hindi mapag-aalinlangang tunog ng baril na pumuputok na paulit-ulit.
Tumakbo siya sa harap na balkonahe nang nakita ang kanyang asawa, 66, nagpupunyaging isara ang kanilang gate sa isang nanghihimasok.
"Patuloy kaming nagtutulak at patuloy siya bumabaril," sabi niya sa isang kamakailang interbyu sa The Fifth Estate.
|
Si Barry at Luzie Gammon ay may bahay sa Batangas City, Philippines. (Luzie Gammon) |
At pagkatapos "bumagsak ang aking asawa." Tumigil si Gammon habang sinikap niyang pagsasaalaala ang mga detalye. At pagkatapos siya ay nagpatuloy.
“Ang kanyang mukha, ang kanyang dugo ay nasa sahig at … siya’y dumudugo. Sa oras na iyon ito ay parang, ito ay hindi totoo, ano ang nangyayari? Ako ay kumikilos at gumagawa nguni’t hindi ito nagrerehistro sa aking isip. Totoo ba ito?”
Biglang bumalik siya sa katotohanan nang natanto niya na ang kanilang pitong taong gulang na anak, si JJ, ay nakatayo sa likod niya, lubos na walang galaw.
"Dinaklot ko ang aking anak at itinulak siya ... sa loob ng bahay," patuloy niya.
"Dito ka lang at kukuha ako ng tulong, '" naalala ang kaniyang sinabi kay JJ. "Nguni’t hindi niya gusto ... ito ay talagang ... nakakasakit ng damdamin. Sinabi niya sa akin, 'Kailangan natin tulungan ang tatay.' "
Sinabi niya sa kanya na maghintay.
"'Hindi, Mommy. Sasama ako sa iyo," sabi niya. "Tayong lahat ay magkasabay na mamatay."
|
Si Luzie at Barry Gammon at kanilang anak na si JJ sa kanilang bahay sa Pilipinas. (Luzie Gammon) |
Namatay si Barry Gammon noong Hunyo 24 ng gabi sa Pilipinas. Nakaligtas si Luzie at JJ. Limang linggo matapos ang nakakasawing pagbaril, umalis sila ng Pilipinas papuntang Canada.
Habang siya ay lumuluhang sariwaing sa alaala ang mga pangyayari noong gabing iyon sa The Fifth Estate, lumapit si JJ at inilagay ang kanyang ulo sa kanyang dibdib. Sila ay nagyakapan.
“Siya ay talagang malakas, talagang malakas para sa akin,” ang sabi niya.
Sila ay ligtas sa Vancouver ngayon. Subali't, ang ipinakita ng isang pagsisiyasat ng Fifth Estate, ang kanilang mga buhay ay tuluyang nasira malamang dahil sa isang bagay na walang kabuluhan gaya ng isang alitan ng ari-arian sa kanilang mga kapitbahay. Nguni't noong panahong iyon, wala silang ideya kung gaano agresibo at mapanganib ang mga kapitbahay na iyon.
Ang kanilang mga kapitbahay ay mga miyembro ng isang malakas at mayamang simbahan, na may milyun-milyong tagasunod sa buong mundo, kabilang ang Canada, na kinikilala na Iglesia Ni Cristo.
|
Ang sentral na templo ng INC ay namumukod laban sa kalangitan ng Metro Manila. (Max and Hetty) |
II.
Ang punong-tanggapan ng INC, na kinikilala, ay nasa isang maringal parang kastilyo na templo sa Metro Manila. Ang matayog na luntiang taluktok nito ay tumatagos sa kalangitan sa pinaka-populasyong lunsod ng Pilipinas.
Ang Tagalog para sa Church of Christ, ang Iglesia Ni Cristo, ay mahigit sa 100 taong gulang. Ito ay mayroong halos 7,000 mga kongregasyon sa buong mundo, kabilang ang higit sa 80 sa Canada, mula sa maliliit na bayan tulad ng Durham, Ont., at Abbotsford, B.C., sa pinakakaunting isa sa halos bawa't pangunahing sentro ng Canada.
Libu-libong mga Canadiano ang dumadalo sa mga simbahang iyon, sumasamba at nakikibahagi sa mga kawanggawang kapakanan.
Noong 2009, si Eduardo Manalo, ang apo ng tagapagtatag ng INC at tinutukoy bilang ehekutibong ministro, ay naging tagapamahala ng INC.
Ang imbestigasyon ng Fifth Estate ay nagpapakita ng pagbabago ng simbahan sa ilalim ng pamumuno ni Manalo.
Nirepaso namin ang daan-daang pahina ng mga dokumento ng korte, mga ulat ng pulisya at mga artikulo ng media at nakipag-usap sa mga dose-dosenang dating mga miyembro ng simbahan pati na rin ang mga pinagkukunan ng pulisya, legal at pampinansyal na mga eksperto at mga lokal na journalist. Ang imbestigasyon ay nagpapakita ng isang tularan, na ang mga miyembro ng simbahan sa Pilipinas ay nagiging mas agresibo, mapanganib, nasusuhulan at handang magkidnap at kahit patayin ang sinuman na nakahadlang sa kanilang paraan.
Isinasaalang-alang din ng imbestigasyon ang tanong: Kilala ba ng mga Canadiano na dumadalo o sumusuporta sa INC ang kanilang simbahan at kung ano ang maaaring mangyari kapag pinili ng mga tao na magsalita?
Ang mga miyembro ng INC sa Regina ay pinawalang-saysay ang pintas sa simbahan noong 2016, sa isang video na nakapaskil sa online ng simbahan.
"Tuwing nagsasalita ang mga tao ng mga masamang bagay o sumubok na magsalita ng masama tungkol sa aming pangangasiwa ng simbahan ... ito ay tiyak na ang gawain ng kaaway," sabi ng isang miyembro.
"Mula sa umpisa, ang Diyos ay nagpalakas sa aking pananampalataya," ang sabi ng isa pa. "Kaya hindi ko na lang pinahihintulutang makinig sa mga taong iyon [na pumipintas sa simbahan]."
|
Si Eduardo Manalo, na nasa sentro na ipinapakita rito noong 2014, ay naging pinuno ng INC limang taon nang nakararaan. (Mark Fredesjed R. Cristino/Pacific Press/LightRocket via Getty Images) |
Sa isang liham mula sa mga abugado na kumikilos para sa simbahan, pinagkaila nito ang mga natuklasan ng imbestigasyon ng The Fifth Estate at tumangging magbigay ng tiyak na impormasyon, sinasabing nangangailangan ito ng higit pang mga detalye.
Gayunpaman, kamakailan ang INC ay nakatawag-pansin sa Immigration and Refugee Board ng Canada.
Tatlong dating miyembro ng simbahan na tumakas sa Pilipinas sa Canada, ay nagsasabi na ang kanilang buhay ay nasa panganib mula sa simbahan.
Sa tatlong hiwalay na desisyon sa 2017 at 2018, tinanggap ng lupon ang testimonyo ng lahat ng tatlong dating miyembro at binigyan sila ng katayuan ng refugee (takas).
Ayon sa isang desisyon, ang buhay ng naghahabol ay nasa panganib mula sa isang simbahan na may parehong "paraan at pagganyak" upang pumatay.
Sa isa pang desisyon, ang lupon ay nagpasiya na ang pulisya sa Pilipinas ay handang protektahan ang INC, nagpapahiwatig pa man ng iba't ibang mga paraan na maaaring patayin ang mga kritiko ng simbahan.
"May iba't ibang mga senaryo kung saan maaaring mapatay ang [naghahabol]," isinulat ng lupon sa isang desisyon noong Marso ng nakaraang taon, "mula sa mga itinanghal na sagupaan ng pulis sa pagkamatay sa billanguan sa kontrata pagpatay sa isang bansa kung saan ang mga nagpapatay ay marami at mura."
Ang mga desisyon ay patuloy na nagsasabi na ang mga utos ng simbahan ay may kapangyarihan sa Pilipinas, sa bahaging dahil ang mga miyembro nito ay bumoto bilang isang bloke, na nagbibigay ng impluwensya kung sino ang ihalal.
Ang pinuno nito, si Manalo, na hinirang kamakailan ng isang espesyal na sugo para sa mga pag-aalala sa ibang bansa ng Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte at makikita sa mga ulat ng balita na nakikipagkamay sa pangulo.
Ang INC ay isang simbahan na "tulad ng kulto", isinulat ng Immigration and Refugee Board ng Canada, na binabanggit ang isang ikatlong naghahabol na nagsabi na ang INC ay “hindi maaaring mahawakan ng gobyerno ng Pilipinas, hudikatura ng tagapagpatupad ng batas o maging ang pangulo mismo.”
|
Tumakas si Lowell Menorca sa Canada mahigit nang dalawang taong nakalipas mula sa Pilipinas. (CBC) |
III.
Si Lowell Menorca ay nagaalsa ng mga kahon na nakasalansang mataas na may mga isang araw na lumang mga cake at tinapay mula sa pagkargang pantalan ng isang mamahaling groseri sa kanyang may tapas na puting minivan. Sinara niya ng malakas ang baul ng awto at nagmaneho sa mga okupadong mga kalye ng Burnaby, B.C.