Nagsisisigaw ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristong tatag ni Felix Manalo noong 1914 sa harap ng DOJ sa Maynila nitong nakaraang araw na naging source of news naman ng ating mga mamamahayag.
Tiba-tiba ang ABS-CBN, GMA7, ABC5, PTV4 at iba pang mga international news services sa balitang #IglesiaNiCristo pero ang NET25 na pag-aari ng Iglesia Ni Manalo ay halos papuri at pagmamayabang lamang ang naririnig sa kanila.
Dahil sa taas ng tensiyon, ang mga lumahok sa rally nila ay nanakit ng mamamahayag ng ABS-CBN na ang sigaw pa ay "Bias! Bias"!
ABS-CBN cameraman assaulted at Iglesia ni Cristo EDSA protest – report
August 29, 2015 3:15am
Unidentified assailants reportedly mauled ABS-CBN cameraman Melchor Pinlac while he was filming the Iglesia ni Cristo protest at the EDSA Shrine.
Pinlac said that he was grabbed by the neck, then he was punched on the jaw, the body, and the back of the neck, according to a dzMM radio report. All the while, the crowd around him was chanting “biased, biased.”
According to Super Radyo dzBB, their reporter Olan Bola was shoved around during the encounter while trying to appease protesters. Bola was not injured. — GMA News
Pero sa totoo lang, sino kaya ang BIAS? Ang ABS-CBN or ang NET25 na pag-aari ng INC™?
Sa natatandaan ko, WALA man sa kanilang mga journalist ang nag-COVER sa PAPAL VISIT noong buwan ng Enero sa kabila ng pagparito ng maraming mga international journalist tulad ng CNN ng US, BBC ng UK, PressTV ng Iran, Al-Jazeera ng Qatar, France24 ng France, RT ng Russia at marami pang iba.
Pero ang lokal na lokal na TV Station na NET25, para silang hindi na natira sa Pilipinas at nagbobolahan silang pumuri sa kani-kanilang mga balita na wala namang relevance noong panahong iyon.
Tama nga ang sabi ni. G.
Philip Lustre Jr., na ang Iglesia Ni Cristo raw ay
"epitome of religious bigotry and ethnocentrism; its
xenophobia..."