Wednesday, March 13, 2013

HABEMUS PAPAM!

Papa Francisco - ika 266 Santo Papa ng Iglesia ni Cristo
Nagitla ang buong mundo noong ipagbigay-alam ni Pope Emeritus Benedict XVI ang kanyang pagbibitiw bilang pinuno ng 1.2 bilyong Katoliko sa buong mundo.

Ayon kay Pope Emeritus, ang kanyang pagbitiw ay sanhi ng kanyang pagtanda. Kung matatandaan sa kanyang walong taong panunungkulan ay nagsulputan ang maraming mga iskandalo sa Santa Iglesia. Ang karamihan dito ay ang mga tiwaling pari na lumapastangan sa mga kabataan natin. Mabigat ang pasanin ng Santo Papa at panalangin niyang ang susunod na papa ay may sapat na lakas upang itawid mula ang Iglesia ng Dios sa susunod na siglo.

At ngayong ika-23 ng Marso 2013, pinagkalooban ang Iglesia ni Cristo ng bagong Papa sa katauhan ni Jorge Mario Cardinal Bergoglio ng Argentina-- kauna-unahang Santo Papa na hinirang mula sa Latin America at kauna-unahang gumamit ng pangalang FRANCIS.

Si Cardinal Bergoglio ay mas kilala ngayon sa pangalang PAPA FRANCSISCO (Pope Francis).

Mabuhay ang SANTO PAPA! Mabuhay ang IGLESIA NI CRISTO!