Thursday, January 12, 2012

Dagsaang Pag-anib ng mga Anglicans sa Iglesia ni Cristo

Catholic Church Baltimore
Hindi naman linggid sa kaalaman ng nakakarami na dagsaan pong pag-anib ng mga kaanib sa Anglican Church tungo sa Pangkalahatang Iglesia ni Cristo.

Ang akala ng nakakarami ay ngayong panahon lamang ni Papa Benito XVI ang pag-anib ng mga Anglicans ngunit sa katunayan ay panahon pa ni Beato Juan Pablo II ang pagbabalak ng maraming Anglicans tungo sa Roma.

Ngayon at buo na ang Anglicanorum Coetibus, pormal nang kaanib ng Iglesia ni Cristo ang mga lumipat na mga Anglicans. Kaya't sa kauna-unahang pagkakataon sa Estados Unidos, nagkaroon ng parokya sa Mount Calvary Church sa Baltimore ang mga dating Anglicans na ngayon ay kaanib na ng Iglesia.

Salamat sa malaking pang-unawa ng mahal na Santo Papa sapagkat naging mas lumalim ang kahulugan ng pagiging Kristiano sa Iglesia Katolika.

Thursday, January 5, 2012

Ang Kahalili ni San Pedro ng Iglesia ni Cristo ay dadalaw sa Mexico at Cuba

Katedral ng Iglesia ni Cristo sa Havana, Cuba (Larawan mula sa Reuters.com)
Pinal at tuloy na po ang balak ng Santo Papa Benito XVI, ang ika-266 Papa ng Iglesia ni Cristo.

Ayon sa napagkasunduan, ang Santo Papa ay nasa Mexico at Cuba bago pa man ang pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay. Sa nakuhang talaan ng kanyang pagdalaw, si Papa Benito XVI ay nasa Mexico sa ika-23-26 ng Marso, 2012 at tutuloy sa bansang Cuba, isang Komunistang bansa, mula ika 26 ng Marso bago siya tumulak pabalik ng Vatican.

Ipagdasal natin ang kanyang pagdalaw na sana madatnan ng Santo Papa ang Iglesia sa Cuba at Iglesia sa Mexico ng may paghahandang ispiritwal.

Mabuhay po ang Iglesia ni Cristo sa Cuba at Mexico!

Pakistan: Mga kaanib ng Iglesia ni Cristo inaalipusta


Ipagdasal natin sila sa Panginoon!