Pages

Monday, December 24, 2012

Maligayang Pasko po sa inyong lahat

BINABATI KO KAYO LAHAT NG BUMIBISITA SA BLOG NG IGLESIA NI CRISTO ng MALIGAYANG PASKO!

Pagpalain nawa kayo ni Hesus na isinilang ngayon sampu ng inyong mga mahal sa buhay.


Friday, December 14, 2012

Iba't ibang mukha ng Pasko sa Iglesia ni Cristo

Blessed Virgin Mary and the child Jesus
An Iraqi child praying on Christmas eve

Chinese children on Christmas eve

Catholic nuns in Bethlehem on Christmas eve

Chilean children on Christmas eve

Chinese young women praying on Christmas eve

An Iraqi child praying on Christmas eve

In Kashmir, a family praying on Christmas day

Nigerian pilgrims in Bethlehem on Christmas eve

Filipinos on Christmas eve

A Nigerian father and kids from church on Christmas day

Sunday, October 28, 2012

Magbunyi ka Iglesia ni Cristo sa Pilipinas dahil hinirang ka ng Dios upang maging dakila!

Napakagalak nga naman ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas nitong buwan ng Oktubre 2012.  Dalawang magkasunod ng malalaking balita ang nagpahayag sa buong mundo na ang Pilipinas ay bansang buhay ang pananampalatayang Kristiano.

Matapos ang mahabang panahon ng panalangin at paghihintay, ipinagbubunyi ngayon ng buong Santa Iglesia ang pagpaparangal kay PEDRO CALUNGSOD bilang Santo.

Ika-21 ng Oktubre 2012 ipinahayag ng Santo Papa Benedicto XVI sa Vatican City, kasama ng pito pang mga bagong santo at santa ng Iglesia ni Cristo.

Ika-24 ng Oktubre, isang surpresa ang pagpahayag ng Santo Papa na ang Arsobispo ng Manila ay isa nang Cardinal, si Cardinal Luis Tagle.

At dahil siya'y ganap ng isang Cardinal, siya'y kabilang sa mga hahalal sa bagong Santo Papa kung sakaling pumanaw na si Papa Benedicto XVI-- at maaari rin siyang maging isang Santo Papa.

Purihin ang Dios sa kanyang Iglesia sa Pilipinas at lalo niyang pinapatatag ang pananampalataya ng buong Iglesia ni Cristo, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong Asya at sa buong mundo.

Tuesday, August 14, 2012

Iglesia may Diplomatic Ties na sa Azerbaijan

Ang Simbahan ng Immaculate Conception sa Baku, Azerbaijan bago 1917 (Source: Wikipedia)
Rome, Italy, Jul 7, 2011 - Magadang Balita!

Nagkaroon ng makasaysayang paglagda ng isang kasunduan sa pagitan ng Iglesia Katolika at ang bansang Azerbaijan, isang bansang halos 99% na Muslim.

Sa katunayan, halos hindi pa aabot sa isang-libo (1,000) ang mga kaanib ng Iglesia sa Azerbaijan. Ang kabutihan ng Azerbaijan sa mga kaanib ng Santa Iglesia ay napasimuno ng yumaong Santo Papa Juan Pablo II na ngayon ay malapit nang ganap na santo. Dumalaw si Blessed John Paul II sa Azerbaijan noong

"Isang nakapahalagang araw," bulalas ni Arsobispo Glaudio Gugerotti, Papal Nuncio sa Azerbaijan.

“Naging mabuti ang pakikutungo ng Azerbaijan sa Iglesia lalo na ngayon at mayroon na tayong kasiguraduhang pangangalaga mula sa gobyerno ng Azerbaijan" dugtong pa ng butihing Arsobispo.

Bagamat kokonti lamang ang Iglesia Katolika sa bansa, ay binigyan pa rin tayo ng kasuguruhan na mamuhay ang ating mga kapatid sa Azerbaijan ng payapa at may kalayaan.

Ang Azerbaijan ay pinakamalaking bansa sa CAucasus region ng Eurasia. Nakamit nila ang kalayaan mula sa mga Ruso noong 1991.

Dahil dito, ang Iglesia Katolika ay magkakaroon ng ganap na pagkakilala at proteksion na naaayon sa kanilang batas. Mapapadali ang apgkuha ng mga visa para sa mga pari at madre na gustong magpalaganap ng pananampalataya roon.

Malaking pasasalamat natin sa Dios sapagkat ang gobyerno ay nagbigay ng lote upang maitayo roon ang isang parokya, kauna-unahan sa loob ng 70 taon. Natapos ang simbahan noon lamang 2007 at binuksan ito ni Vatican Secretary of State, Cardinal Tacisio Bertone.

Saturday, August 4, 2012

Ipanalangin natin ang Iglesia ni Cristo sa Syria!

Patriarch Gregorios III Laham
Damascus, Syria - Patuloy ang kaguluhan ngayon sa bansang Syria. Itong nakaraang linggo, pinalawig pa ng mga rebeldeng militar ang kanilang pakikidigma sa mga kakampi ni Bashar Asad sa Aleppo kung saan maraming mga Kristiano ang naninirahan doon.

Dahil sa tumitinding girian ng mga rebelde at militar, nanawagan si Melkite Greek Catholic Church Patriarch Gergorios III sa mga Eastern Catholics ng Syria na ialay ang kanilang pag-aayuno ayon sa kanilang nakaugalian sa tuwing sumasapit ang kapistahan ng Dormotion (Assumtion of the Blessed Virgin Mary) sa darating na ika-15 ng Agosto.

Isang magandang pagkakataon sapagkat ang mga Muslim ay nasa panahon ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.

Aniya sa kanyang sulat, sinabi ng Patriarka: “Once again Christians and Muslims are fasting and praying at the same time. That is one of the most beautiful marks and signs of their living together in solidarity.”

Isang nakakalungkot na pangyayari sa Iglesia sa Syria ang sigalot kung saan ang mga Kristiano ay nanganganib sa mga kamay ng mga rebelde na kinabibilangan ng mga Islamists.

Wika ng butihing Patriarka: “We pray too during this period for the return of charity, friendship, fellowship and compassion among all citizens... (Syrians) are still capable of loving and forgiving each other, being reconciled and showing tolerance to one another … United together, they can rebuild what has been destroyed and work for development and prosperity, for a better future for all citizens.”

Halina't samahan natin ang Iglesia sa Syria sa kanilang panalangin “O Lord, save thy people and bless thine inheritance. Grant peace to thy world! Grant peace to Syria! By thy Cross, preserve thy people!”

Saturday, July 14, 2012

Iglesia ni Cristo sa Thailand: Mga Kwento ng Kabayanihan

Narito na naman ang isang kwento ng mga bayani ng ating pananampalatayang Kristiano sa Thailand. Kwentong sumasalamin sa katotohanan ng ating pagka-Katoliko. Mga ordinaryong mananampalataya, handang ihandog ang buhay sa KATOTOHANAN sa Iglesia ni Cristo-- ang nag-iisa, at tanging Iglesia Katolika!

THE STORY OF CATHOLIC MARTYRDOM OF THAILAND

At that time, Wednesday 25 December 1940. A small village without sound silent Songkhon gripped. That day be Christmas day only there is no celebration of the mass in the Church. There are no sacraments whatsoever, and no Christmas drama birth of Jesus as the previous years. It happens because the local police has frequently come up to a community of sisters to ask them to stop everything that smells of teaching Christianity. No other religion in the land of Thailand in addition to Buddhism. But the sisters routinely teach children learn religion ignore and even more eager to testify. Then the day of the historic events that took place.

On the night of the 25th's Sister Agnes and sister Lucia Khambang Philaa have decided to sacrifice myself for the sake of ready-to-death of faith will be Jesus Christ no matter if the authorities want to kill them. That's why they wrote a letter to the police named their intentions to Lue States persisted in the faith though must die berkalang land. The letter they bacakan before the audience assembled. All who hear his passion and agreeing to feel reinvigorated will join the sacrifice.

Friday, July 13, 2012

Katie Holmes: Nagbalik-loob sa Iglesia ni Cristo

Photo Source:DailyMail.co.uk
Matapos ang masakit ng diborsio ng dalawang sikat na aktor at aktress ng Hollywood na sina Tom Cruise at Katie Holmes, nagpasyang magbalik-loob sa Iglesia ni Cristo ang huli.

Si Katie Holmes ay isang Katoliko bago pa man sila ikasal ni Tom Cruise na may mataas na katungkulan sa isang samahang "Scientology"- isang bagong relihiyon na umusbong sa Estados Unidos noong 1952 na tatag ni L. Ron Hubbard (1911–1986).

Ang aktress ay nagpatala ng kanyang pangalan sa St. Francis Xavier Parish sa New York.
Katie Holmes has finally turned her back on the controversial religion of Scientology by registering with a Catholic church in New York, it has been claimed.
According to a new report, the actress has formally confirmed her return to Catholicism by signing up to the Church of St. Francis Xavier.
And Katie's decision to register as a parishioner at the church has been met with excitement by the congregation.
One member of the church choir told the Huffington Post: 'Everyone is thrilled to have Katie join us.
'She has not yet attended a service, but when she does she will be welcomed with open arms.'
On its website, the Church of St. Francis Xavier, which dates back to 1847, 'strives to be a prophetic, welcoming community, inclusive witness to the presence of Christ Jesus in our midst', according to its mission statement.


Read more: DailyMail

Dating adik ngayo'y isang pari na!

Padre Taras Kraychuk
Narito ang isa na namang napakagandang kwento ng isang dating adik ngunit ngayo'y nagsisilbi na bilang ganap na pari ng Iglesia ni Cristo, Ukranian Rite:

From drug dealer to Ukrainian Catholic monk

By Roman Gonzalez
Western Catholic Reporter
LAC STE. ANNE, ALBERTA (CCN)

After years of a life of hedonism and drug addiction, he returned to the faith and for about a dozen years now he has been serving as a hieromonk (pastor-monk) in the Ukrainian Catholic Church.

Father Taras (Terry) Kraychuk, who currently lives the monastic life in the Derwent, Alberta area, gave a partial testimony of his life at the Catholic Family Life Conference at Lac Ste. Anne July 1.

Born and raised in Winnipeg, Father Kraychuk was the child of a devout Ukrainian Catholic family that prayed together and attended Mass together. “I grew up in the faith but I drifted away from those roots,” he told about 2,000 people attending the June 29-July 2 conference. “When I was about 15 or 16 I was into the drug scene.”

Monday, July 9, 2012

Mga Martir ng Iglesia sa China, Inaalala ngayong araw!

Optional Memorial of St. Augustine Zhao Rong, priest and companions, Chinese martyrs

Si Santo Augustine Zhao Rong ay isang Intsik.  Siya ay isang diocesan priest na pinatay ng gobyerno kasama ng may 119 niyang mga kasamahan noong 1815.  Ilan sa mga martir ay isang 18 años na binata, si Chi Zhuzi. Habang tinatapyas ng patalim ang kanyang kanang braso habang siya'y binabalatan ng buhay ay nagwika: "Bawat bahagi ng aking laman, bawat patak ng aking dugo ay mangungusap sa inyo na ako'y Kristiano."  

San Augustin Zhao Rong at mga kasama, ipanalangin niyo kami.


Augustine Zhao Rong and companions
Christianity arrived in China by way of Syria in the 600s. Depending on China's relations with the outside world, Christianity over the centuries was free to grow or was forced to operate secretly.

The 120 martyrs in this group died between 1648 and 1930. Most of them (eighty-seven) were born in China and were children, parents, catechists or laborers, ranging from nine years of age to seventy-two. This group includes four Chinese diocesan priests.

The thirty-three foreign-born martyrs were mostly priests or women religious, especially from the Order of Preachers, the Paris Foreign Mission Society, the Friars Minor, Jesuits, Salesians and Franciscan Missionaries of Mary.

Augustine Zhao Rong was a Chinese soldier who accompanied Bishop John Gabriel Taurin Dufresse (Paris Foreign Mission Society) to his martyrdom in Beijing. Augustine was baptized and not long after was ordained as a diocesan priest. He was martyred in 1815.

Beatified in groups at various times, these 120 martyrs were canonized in Rome on October 1, 2000.

Excerpted from Saint of the Day, Leonard Foley, O.F.M.

Iglesia ni Cristo sa Semarang, Indonesia


Gereja Katolik St. Familia- Paroki Atmodirono, Semarang, Indonesia
Mga Misa sumulat sa email: fbgerejakatolik@yahoo.co.id

Monday, June 25, 2012

Dagdag Kaalaman: Ang Iglesia ni Cristo sa Gitnang Silangan

Giga Catholic
Ang Iglesia ni Cristo ay nagmula sa Gitnang Silangan.  Itinatag ito ni Cristo kay Simon Pedro at sinabing hindi ito matatalikod.  Narito ang link upang mapagaralan pa natin lugar na pinagmulan ng ating pananampalataya sa gitna ng pagbabanta ng mga Muslim Extremists sa kanila. Buhay na buhay sila sa pamamagitan ng ating mga panalangin.

Sunday, June 24, 2012

Nag-iisa lamang ang Iglesia ni Cristo

Banal na sambahan ng Iglesia ni Cristo sa Vailankanni, Sumatra, Indonesia. Ito ay ang Annai Velankanni o Our Lady of Good Health (Source: Elisasjourney)
May mga nagsusulputan pong mga ibang iglesia at nagpapakilalang mga "Iglesia ni Cristo" raw sila o "Church of Christ", ano pa man ang wikang gamit sa pagpaparehistro, mapa-Ingles o Tagalog o ibang wika, hindi po sila maaaring Iglesia ni Cristo sapagkat IISA lamang po ang itinatag ni Cristo na Iglesiang para sa kanya.

Ang sabi po ng nagtatag sa Mateo 16:18:

"Ikaw ay Pedro at sa ibabaw ng batong ito itatayo ko ang aking iglesia at ang pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig sa kaniya."
Sa mga pahayag ng nagtatag na si Cristo, malinaw at tahasan niyang sinabing HINDI ITO MATATALIKOD dahil hindi magsisipanaig ang kapangyarihan ng Hades dito.

Samakatuwid ang lahat ng mga nagsusulputang mga Iglesia rin daw sila ay hindi mga tunay kundi mga huwad o peke.

Narito ang ilang sa mga nagsisulputang parang mga kabute na nagpapanggap na Iglesia ni Cristo:

  • The Church of Jesus Christ of the Latter-day Saints (Mormonism) itinatag noong 1820 ni Joseph Smith  at sinabi niyang siya ay "Huling Propeta" ng Dios.
  • Iglesia ni Cristo (INC o INK) itinatag ni Felix Y. Manalo noong 1913 at nirehistro sa Pilipinas noong 1914. Ipinangaral ni F. Manalo na siya'y "Huling Sugo" noon lamang 1922.
  • Kabanalbanalang Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus itinatag ni Teofilo D. Ora noong 1922 na dating kaanib ng INC ni F. Manalo.
  • Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus, Haligi at Suhay ng Katotohanan itinatag ni Nicolas Perez na dating mga kaanib ng INC tatag ni F. Manalo at dati ring kaanib ng iglesiang tatag ni T. Ora. Nirehistro niya ang kanyang iglesia noong 1936
  • Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan na tatag naman ni Eliseo Soriano ng "Ang Dating Daan"
  • Ang mga Kaanib sa Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas, Incorporated tatag ni Eliseo Soriano noong 1979
  • Bayan ng Katotohanan Incorporated tatag ulit ni Eliseo Soriano noong 1993
  • Iglesia ni YHWH at ni YHWSA HMSYH, Inc. tatag ulit ni Eliseo Soriano noong 1994
  • Members Church of God International o ang mas kilala sa pangalang "Ang Dating Daan" ay kay Eliseo Soriano rin, itinatag noong Enero 13, 2004
Ngunit ang Iglesiang tatag ni Cristo ay nanatiling NAG-IISA at tumatawid na po ito sa IKATLONG SIGLO!  At ang mga TUMALIKOD ay siyang mga nagsipagtatag ng kanilang mga iglesia gamit ang pangalan ni Cristo o ang Dios na ngayon ay UMAANGKING sila raw ang orig.

Ang IGLESIA po ni CRISTO ay maaring tawagin sa ano mang sinasalita ng tao, mapa-Tagalog, Ilocano, Bisaya, Ingles, Intsik, Koreano, Arabic, Pranses, Niponggo, etc, ng wala pong pagbabago sa kanyng pagkakakilanlan.

Hindi po mahirap ang pagkakakilanlan nito dahil laganap po ang Iglesia ni Cristo sa buong mundo. Ang kanyang pagpapakilala ay may KRUS sa kanyang mga bahay sambahan (maliban sa Gitnang Silangan na kinokontrol ng mga Muslim).

IGLESIA KATOLIKA - tangi at nag-iisang IGLESIA NI CRISTO at kailanman ay HINDI mananaig ang kapangyarihan ng Hades sa kanya.

    Friday, June 22, 2012

    Religious Freedom ipinaglalaban ng Iglesia sa Wichita, USA


    Source: Diocese of Wichita, USA, mga kaanib ng Iglesia ni Cristo lumalaban para sa pangangalaga sa Religious Freedom sa USA!

    Munting Kaalaman: Ang mga Vicariates ng Arabian Peninsula

    Mga Kaparian ng Apostolic Vicariate of Northern Arabia (Source:GoaBlog)
    Ang Vicariate of Kuwait at Vicariate of Arabia ay ay na reorganized na po ang mga bagong teritoryo nito at naging epektibo noong Mayo 31, 2011.

    Ang dating Vicariate of Kuwait, ngayon ay THE APOSTOLIC VICARIATE OF NORTHERN ARABIA na kinabibilangan ng KUWAIT, QATAR, BAHRAIN at SAUDI ARABIA.

    Ang Kanyang Kabunyian Lordship Bishop Camillo Ballin, MCCJ ang siyang Apostolic Vicar po ng Northern Arabia.

    Ang dating Vicariate of Arabia, ngayon ay THE APOSTOLIC VICARIATE OF SOUTHERN ARABIA na kinabibilangan ng UAE (United Arab Emirates), OMAN at YEMEN.

    Ang Kanyang Kabunyian Lordship Bishop Paul Hinder, OFM Cap. ang Apostolic Vicar ng Southern Arabia.

    Ang nasabing mga Vicariato ay ipinamahala sa mga Order of Friars Minor Capuchin (OFM Cap).  Bago pa man ito na-reorganized ay halos 58 taon po itong nanatiling nasa pangangalaga ng mga butihing mga misyonerong Franciscano.

    [Ipagpatuloy ang pagbabasa rito...]

    Mahal na Ina ng Arabia, ipanalangin mo kami!

    (Source: Faith and Works: Pastoral Letter 2011-2012 from Bishop Camillo Ballin, MCCJ, Apostolic Vicar of Northern Arabia)

    2016 International Eucharistic Congress gaganapin sa Pilipinas!

    Isang  mabuting balita para sa Iglesia ni Cristo sa Pilipinas!

    Ang 51st International Eucharistic Congress ay gaganapin sa Pilipinas.  Napili ng Vatican ang Cebu City bilang pagdadausan nito sa taong 2016.  Ito'y napag-alaman natin matapos i-announce ng Santo Papa Benedicto XVI sa katatapos pa lamang na 50th International Eucharistic Congress nitong Hunyo 10-17, 2012 na ginanap sa Dublin, Ireland.

    Napapanahon ang pagdadaos ng 51st International Eucharistic Congress sa Cebu City dahil ito rin ang ika-495th anibersaryo ng pagiging Kristiano ng buong kapuluan.

    Naging Kristiano ang Cebu noong taong 1521.

    Papuri at pasasalamat sa Dios sa pagpili ng ating bansa upang dito magaganap ang layuning ipalaganap ang debosyon sa kanyang Banal na Katawan at Dugo sa Eucharistia.

    Thursday, June 21, 2012

    2012-2013 Taon ng Pananampalataya (Year of Faith)

    Nagpahayag ang lider ng 1.2 bilyong kaanib ng Iglesia ni Cristo na si Papa Benedicto XVI ng "Year of Faith" upang lalong mapalalim at maisabuhay ang pananampalatayang Kristiano.

    Ang Year of Faith ay opisyal na mag-uumpisa sa Oktuber 11, 2012 kapistahan ni Bl. John XIII at matatapos sa Nobyembre 24, 1913, kapistahan ng Kristong Hari. Ang Kapistahan ng Kristong Hari ang huling araw ng Church Liturgical Calendar bago pumasok sa panahon ng Adviento (paghahanda sa pagdating ni Cristo sa panahon ng Pasko ng Pagsilang).

    Narito sa AsiaNews ang mga highlights sa pagbubukas ng Year of Faith.

    Wednesday, June 20, 2012

    Papal Audience kabilang ang PM ng Latvia at Presidente ng UN General Assembly

    Si Papa Benedicto XVI at si Nassir Abdulaziz al-Nasser ng UN
    Vatican City, (VIS)- Nagpahayag ng kagalakan ang Holy See Press Office sa pagdalaw sa Vatican ni Nassir Abdulaziz al-Nasser noong Biyernes ika-15 ng Hunyo 2012, presidente ng ika-66 session ng General Assembly ng United Nations. Nakipagpulong din ang panauhin kay Secretary of State Tarcisio Bertone, S.D.B. na sinamahan naman ni Archbishop Dominique Mamberti, secratary ng Relations with States.

    Pahayag ng Holy See Press:
    "The central theme of the cordial discussions was the role of the United Nations Organisation, and especially of the General Assembly, in conflict resolution. Particular consideration was given to the conflicts currently affecting various regions of the world, especially Africa and the Middle East, and to the serious humanitarian emergencies they provoke.


    "Attention then turned to the Catholic Church's contribution to peace and development, and to the importance of cooperation between religions and cultures".

    Si Valdis Dombrovski, Prime Minister ng Latvia at si
    Santo Papa Benedicto XVI
    Ngayon sa balita mula sa VIS, matapos ang lingguhang General Audience tinanggap ng Santo papa Benedicto XVI si Valdis Dombrovskis, Prime Minister ng Republika ng Latvia. At katulad ng protocol, nakipagpulong din ang Prime Minister kay Cardinal Bertone at Archbishop Mamberti.

    Pahayag ng Holy See Press:
    "During their cordial discussions the parties highlighted the good relations that exist between the Holy See and the Republic of Latvia, and the valuable contribution the Catholic Church makes to society, in particular on questions concerning the family and the promotion of a humanism open to spiritual and transcendental values.
    "The conversation also focused on questions of mutual interest, with particularly emphasis on the serious economic and financial crisis which is affecting the lives of European peoples".
    Maaaring ipagpatuloy ang pagbabasa rito...

    Tuesday, June 19, 2012

    Synod 2012 ng Iglesia ni Cristo: Para sa Bagong Pagpapalaganap ng Pananampalatayang Kristiano

    VATICAN NEWS - Ang Vatican ay naglathala ng Instrumentum Laboris -- isang dokumento na maglalayon ng pang-uusap ng mga Synod Fathers tungkol sa New Evangelization for the Transmission of Christian Faith. Ito ay gaganapin sa ika-7 ng Oktubre hanggang ika-28 ng Oktubre sa taong kasalukuyan.

    Ang Ordinary Assembly of the Synod of Bishops ay may apat na kapitulong dapat pag-uusapan na maglalayon ng malalim na pagmumuni at diskusyon sa loob ng tatlong linggo.

    Bukod sa mga Obispo, maraming mga experts sa usapin ito at iba pang mga panauhin ang inaasahang dadalo rito at makikibahagi.

    Ipagdasal natin ang ating mga Obispo.  Nawa'y sa pamamagitan gn Synod na ito ay magkakaroon pa ng maraming mga ordinaryong Misyonerong Katoliko ang magbabahagi at magtatanggol sa Inang Santa Iglesia- ang Iglesia Katolika na siyang tunay na Iglesia ni Cristo.

    Sunday, June 17, 2012

    Iglesia ni Cristo sa Azerbaijan: Sila'y nanatiling matatag sa kanilang pananampalataya

    Balita mula sa Catholic Culture:

    Post Stamp ng Santo Papa sa kanyang alaala 1920-2005
    Dumalaw kamakailan lamang noong Hunyo 10 si Cardinal Fernando Filoni, prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, sa Azerbaijan, isang bansang sakop dati ng Soviet Union.

    Sa Azerbaijan, may 9.4 milyon ang kabuuang populasyon at halos dito marami ang mga Muslim.

    Ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ay halos pinapatay lahat noong panahon ng Komunista at marami sa kanilang mga pari ay dinala sa Serbia at doon na rin namatay. Matapos ang pagbaksak ng Komunismo sa Eastern Europe nakitaan ng may 450 lamang na mga Katoliko matatag at nanatili sa pananampalataya.

    Matatandaan na dinalaw ito ng Banal na Juan Pablo II ang nasabing bansa noong 2002 sa kabila ng kanyang sakit at katandaan.

    Sa kanyang pagpapahayag ng katotohanan, sinabi ng butihing Cardinal:

    This tiny local Church [was] yet very much in the heart of John Paul II, so much so that, despite his declining health, a few years before his final journey to heaven on April 2, 2005, he came here in May 2002 to acknowledge the heroism of the local Catholics who remained faithful to their baptismal commitments under the brunt of persecution, depriving them for 70 years of priests, thus silencing the proclamation of the Good News of salvation, demolishing church buildings and dispossessing them not only of dignity, but most of all, of access to the Eucharist.

    Wednesday, June 13, 2012

    Tuloy na tuloy na po ang Santo Papa sa pagbisita sa Lebanon!

    LIKE in Facebook
    Ang banal na Santo Papa po ng Iglesia ni Cristo ay tuloy na tuloy na po sa kanyang planong pagbisita sa Lebanon ngayon darating na buwan ng Setyembre 14 hanggang 16, 2012.

    Napapanahon ang kanyang pagbisita sapagkat maraming mga Kristiano ang lumilisan na sa Gitnang Silangan mula pa noong nag-umpisa ang tinatawag nilang "Arab Spring" kung saan ang kaguluhan ay siyang nagtutulak sa mga Muslim extremists na gawing panakip-butas ang mga kababayan nilang mga Kristiano.

    Ipagdasal natin ang darating na okasyong ito at ating aalalahanin ang mga kapatid nating naninirahan sa Syria kung saan sila'y hinahamak dahil sa kanilang pananampalataya.


    Sunday, June 10, 2012

    Eukaristia: Tunay na Katawan at Dugo ni Cristo

    Ang Santo Papa sa harap ng Banal na Eucharistia sa Kapistahan ng Banal na Katawan at Dugo ni Cristo
    (Larawan mula sa beliefnet)
    Ngayon ay ipinagdiriwang ng Iglesia ni Cristo sa buong mundo ang Kapistahan ng Banal na Katawan at Dugo ng ating Panginoong Hesus sa anyong tinapay at alak.

    Tayong mga nananampalataya sa tunay na Iglesia ni Cristo ay naniniwalang ang Tinapay at Alak na inaalay sa Banal na Misa ay siyang Tunay na Katawan at Dugo ni Cristo.

    Marahil sasabihin ng ilan na "simbulo" lamang ang tinapay at alak bilang katawan at dugo ng Cristo ngunit sa Banal na Kasulatan ay sinasabi ng Biblia na tunay ngang Katawan at Dugo ni Cristo ang anyong tinapay at alak.

    Sabi mismo ni Cristo: "Ito ang Aking Katawan... Ito ang aking Dugo..."  (Mt. 26:26-28)

    Narito po sa ibaba ang ugat ng ating pananampalatayang pinapaniwalaan pa noong una hanggang sa kasalukuyan.  Banal na Kasulatan po ang saksi sa katotohanang sinasampalatayanan natin sa Iglesia ni Cristo.

    * * *
    Jn 6:51 "I am the living bread which came down from heaven; if any one eats of this bread, he will live for ever; and the bread which I shall give for the life of the world is My Flesh."

    Jn 6:52 "How can this man give us his Flesh to eat?"

    Jn 6:53 "Unless you eat the Flesh of the Son of man and drink His Blood, you have no life in you; he who eats My Flesh and drinks My Blood has eternal life." The Jews who heard this said,

    Jn 6:60 "This is a hard saying; who can listen to it?"

    The apostles celebrated the Sacrament of Holy Eucharist. Acts 2:46 "Day by day, attending the Temple together and breaking bread in their homes…"

    Acts 20:7 "On the first day of the week, when we were gathered together to break bread, Paul talked with them, intending to depart on the morrow; and he prolonged his speech until midnight."  

    Acts 20:11 "And when Paul had gone up and had broken bread and eaten, he conversed with them a long while, until daybreak, and so departed."

    Acts 27:35 "...he took bread, and giving thanks to God in the presence of all he broke it and began to eat. Then they all were encouraged and ate some food themselves."

    1 Cor 10:16 "The cup of blessing which we bless, is it not a participation in the Blood of Christ? The bread which we break, is it not a participation in the Body of Christ?"

    1 Cor 11:27 "Whoever, therefore, eats the bread or drinks the cup of the Lord in an unworthy manner will be guilty of profaning the Body and Blood of the Lord."

    1 Cor 11:29 "For any one who eats and drinks without discerning the Body eats and drinks judgment upon himself."

    Tunay nga po na ang paniniwalang  Katawan at Dugo ni Cristo ang anyong Tinapay at Alak ay pananampalatayang Kristiano mula pa sa panahon ng mga Apostoles.


    Halina't ating sambahin si Cristo Hesus sa Eukaristia!  Halina't tayo'y sama-sama sa iisang Iglesia ni Cristo - Ang Iglesia Katolika!

    Thursday, June 7, 2012

    Cathedral ng Iglesia ni Cristo sa Salt Lake Centennial na po!

    Larawan mula sa Stve Karga net
    Ang Cathedral po ng Iglesia ni Cristo sa Salt Lake City, USA ay magdiriwang ng ika-100 taon sa linggong ito.

    Tinawag nilang "Cathedral Week" ang linggong ito bilang paggunita sa simpleng paglago ng Iglesia ni Cristo sa Salt Lake City. Magkakaroon ng pagdiriwang ng Banal na Misa, pagsasaya, lectures at mga tugtugan sa linggong ito. Kabilang si Cardinal William J. Levada sa mga dadalong panauhin sa nasabing pagganap.

    Ang kasaysayan ng Iglesia ni Cristo sa Salt Lake ay parangal sa mga misyonerong Franciscans. Sila ang kauna-unahang mga Kristianong bumisita sa lugar na ito na tinawag di kalaunan sa pangalang Salt Lake. Ito ay noong 1776 ayon sa Diocese ng Salt Lake City.

    Ang Salt Lake ay lugay kung saan ang samahang Mormons ay unang sumibol. Kilala rin ang mga Mormons sa pangalang The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints. Ayon sa samahang ito, si Joseph Smith ay ang "Huling Propeta" at siya'y sinugo upang itatag muli ang Iglesia.

    Sila'y naniniwala na ang Iglesia Katolika ay siyang tunay na Iglesia ngunit ito'y natalikod na ganap.

    Si Bishop John C. Wester, obispo ng Salt Lake City ang siyang mangunguna sa pagdiriwang kasama ang kapitapitagang adult choirs na umaawit ng English at Spanish na mga kanta.

    Sa iba pang mga kaganapan, mangyari pong ipagpatuloy ang pagbabasa rito...

    Tuesday, June 5, 2012

    Halos Dalawang Milyon ang dumalo sa ginanap na World Meeting of Families sa Milan, Italya

    World Meeting of Families Milan, Italy (Photo Source: Petheos.com)
    Ayon sa mga pahayagan mahigit isang milyon ang mga dumali sa World Meeting of Families na ginanap sa Milan, Italy noong nakaraang linggo.

    Ang Santo Papa ay lubong ang kagalakan sapagkat buhay na buhay pa rin ang panawagan ng Inang Iglesia ni Cristo na ang pamilya ang siyang tanging institusyon na pinagbuklod ng Dios upang ibahagi ang kanyang pag-ibig sa tanan.

    Heto ang sabi ng vatican news:

    The Milan Visit certainly comforted the Pope, as he himself confided to Cardinal Angelo Scola, but the one who saw or heard almost two million people during the three days was also sustained by them in the reflection, common to every human person, and strengthened in the Catholic faith shared above all by a great many families from every part of the world. And many were struck by the compassion and clarity of his words, from those on the people hit by the earthquake and on remarried divorcees whom the Church must guide and support, to the touching remembrance of his childhood and the simple Christian joy of that time – the same as that which is also experienced today, to the point of impelling Benedict XVI i to compare future life with that fullness.

    Ang susunod na World Meeting of Families ay gaganapin sa Philadelphia, USA sa taong 2015 AD.

    Friday, June 1, 2012

    Kwento ni Robert T. Poblete: Isang Convert na ngayon kaanib

    ni  Robert T. Poblete noong Huebes, Pebrero 9, 2012 at 11:37am ·(Salamat kay P. Abe Arganiosa sa kanyang  The Splendor of the Church blog.
    Reading: Ruth 1:1-18

    Ang Banal na Sakramento
    Magandang umaga mga ate at mga kuya. Ako po si kuya Robert. Nagtapos ng PREx class 2 dito sa ating parokya, San Sebastian.

    Sa buhay-katoliko ko po ay mayroon ding mga “Naomi”, mga Katoliko na nagpadamang pagkalinga at pagmamahal sa akin.

    Ako po ay. bininyagan sa Simbahang Katoliko noong Dec. 25, 1987. Ang amin pong pamilya ay Katoliko. Pero kinalaunan nagpa-convert sa born-again ang pamilya namin. Una ang aking ate, sunod ang aking tatay at ang pangalawa kong ate at sa huli ay ako, na kasa-kasama na sa simbahan ng born-again noong bata pa lang. Ang nanay ko naman po ay hindi agad lumipat sa born-again dahil na rin sa napasama siya sa mga espiritista. Sa paglaki ko tinuruan ako ng tatay ko at ng mga mga ate ko ng pananampalatayang born-again, kung paanong magbasa ng Biblia, magdasal ng walang kinakabisang panalaningin, kumanta ng mga papuring awit, at mangaral.

    Noon aktibo ako sa music ministry, theater arts ministry, evangelism, bible study, prayer meeting at marami pag mga activities sa simbahan ng mga born-again. Sa pagiging aktibo ko halos dito na umiikot ang mundo ko. Noon hindi ko tinuturing na Cristiano ang mga Katoliko dahil sa kinalakihan kong aral na ang mga Katoliko daw ay sumasamba sa mga rebulto, kay Maria, at sa mga santo. At marami pa akong naging maling akala tungkol sa turo ng Simbahan.

    Sunday, May 27, 2012

    PENTEKOSTES: Ang Pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo

    Ngayon ay ipinagdiriwang ng buong Santa Iglesia ni Cristo ang kanyang kaarawan -- ang Kapistahan ng Pentekostes o ang pagdating ng Banal na Espiritu Santo sa mga alagad at si Maria, Ina ni Jesus (Gawa 2:1-31).

    Source: CatholicJules

    Friday, May 25, 2012

    Presidente ng Bulgaria at Prime Minister ng Macedonia dumalaw sa Vatican

    Reuters: Mga Bulgarian Orthodox priests ay masayang naglalakas sa courtyard ng Vatican, habang dinadaanan nila ang mga Swiss Guards, bago ang pribadong pakikipagtagpo ng Santo Papa sa Presidente ng Bulgaria na si Rosen Plevneliev, May 24, 2012. (Photo Source: DailyLife)
    Vatican City, 24 May 2012 (VIS) - Sa naging taunang kaugalian pagpupulong, ay tinanggap ng Santo Papa Benedicto XVI ang Presidente ng Bulgaria na si Rosen Plevneliev at ang Prime Minister ng Macedonia na si Nikola Gruevski. Tinanggap sila ng Vatican's Secretary of State na si Cardinal Tarcisio Bertone, SDB na sinamahan naman ni Arsobispo Dominique Mamberty, secretary ng Relations with States.

    Ang nasabing pagdalaw ay nagkataon na kapistahan ni San Cyril at Methodius na naging kasangkapan ng Dios upang maging Kristiano ang malaking bahagi ng Europa.

    Thursday, May 24, 2012

    50 Taon Anibersaryo ng isang Obispo ng Iglesia: Isang Convert!

    Masarap magbasa ng mga kwneto ng mga bagong kaanib ng Iglesia ni Cristo. Si Monsignor James Bridges, ang kauna-unahang inordenahang pari sa Diocese ng San Angelo ay magdiriwang ng kanyang ika-50 anibersaryo ng kanyang pagkapari.

    Monsignor James Bridges

    Si Monsignor James Bridges ay dating Methodist ay umanib sa Iglesia noong siya ay 22 taong gulang. Sa kanyang mga matatamis na alaala, sinariwa ng butihing Monsignor ang kanyang pag-anib sa Santa Iglesia. Si Rev. Vincent Daugintis, isang paring Katoliko ay naging kaibigan niya sa kanilang 'family business' at sa maraming pagkakataon na sila'y nagpapalitan ng kuru-kuro ay humantong sa usapang Katoliko laban sa Protestante.

    Sa kanyang alaala, sinabi sa kanya ni Rev. Vincent Daugintis "Oh Jimmy, si Cristo ay hindi nag-iwan ng aklat. Nag-iwan siya ng salita.

    Dahil sa sagot ng pari, nagkaroon si Monsignor James ng pagka-uhaw sa katotohanan. At ang katotohanang ito ay nasumpungan niya sa Iglesiang tunay na tatag ni Cristo.

    Ituloy ang pagbabara rito

    Monday, May 21, 2012

    Papa, nanawagan sa Tsina na maging tapat sa Iglesia ni Cristo

    Vatican City (AsiaNews) - Sa kanyang panalangin ng Oegina Caeli kahapon, si Papa Benedicto XVI ay nanalangin para sa mga kaanib ng Iglesia sa Tsina. Matatandaan na ang mga Instsik na kaanib ng Iglesia ni Cristo ay nagdiriwang ng kapistahan ng "Mary Help of Christians ng may taimtim na debosyon sa Mahal na Ina.

    Ang nasabing debosyon ay ipinagdiriwang sa Shrine ng Sheshan sa Shanghai.

    Mary, Virgin most faithful, support the path of Chinese Catholics, render their prayer them ever more intense and precious in the eyes of the Lord, and advance the affection and the participation of the universal Church in the journey of the Church in China", panalangin ng Santo Papa.

    Dalangin din ng Santo Papa na ang sa pamamagitan ng kanilang kababaang loob ay maikalat ang kagalakan sa Muling Nabuhay na Panginoon at maging tapat sa kanyang Iglesia at ang kahalili ni San Pedro at mamuhay ng may pakikiisa sa pananampalatayang ating isinasabuhay bilang mga Kristianong Katoliko.

    Binati rin ng Santo Papa ang may 20 libong tao sa St. Peter's Square at sa mga "libong miyembro ng Italian Movement for Life"

    Sunday, April 8, 2012

    Nabuhay Muli si Cristo! Alleluiah! Alleluiah!

    "And if Christ has not been raised, then empty [too] is our preaching; empty, too, your faith." -1 Cor. 15:14

    Nakaugat ang pananampalataya ng Santa Iglesia sa Muling Pagkabuhay ni HesuKristo mula sa kamatayan. Iyan ang pagpapatotoo ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto. Kaya't sa buong ka-Kristianuhan ay ipinagdiriwang ang natatanging araw ng may pinakamataas na pagsinta sa Dios at si Cristo!

    Halina't ipagdiwang ang ARAW na GINAWA ng PANGINOON, tayo'y magsaya at magalak! (Ps. 118:24) Alleluiah!

    Sunday, April 1, 2012

    Linggo ng Palaspas: Halina't ipagdiwang ang Mahal na Araw

    Linggo ng Palaspas, ipinagdiriwang ng laht ng mga Iglesia ni Cristo sa buong mundo ang matagumpay na pagpasok ni Hesu-Kristo sa banal na lungsod ng Jerusalem. (Mt. 21:10)

    Halina't tayo'y maghubad ng ating mga kasalanan at ilaan ang sarili sa kanyang awa at pagpapala.

    Nawa'y ang buong kaanib ng Santa Iglesia ay gabayan ng Banal na Espiritu Santo tungo sa matagumpay na pagdiriwang ng Mahal na Araw at ng Pasko ng Muling Pagkabuhay!

    Pagpalain tayo ng Dios!





    Friday, March 23, 2012

    Magalak ka Mexico at Cuba darating ang kahalili ni San Pedro

    MEXICO - Bukas araw ng Biernes sa Mexico, darating ang Kanyang Kabanalan Papa Benito XVI sa Mexico pagkatapos ay tutungo naman siya sa Cuba.

    Sa kasalukuyan ang bansang Mexico ay may 108,426,000 na bilang ng tao kung saan may 99,635,000 (91.89 percent) ay mga kaanib ng pangkalahatang Iglesia ni Cristo. Ang Cuba naman ay may 11,242,000, kung saan 6,766,000 (60.19 percent) ay mga kaanib ng Katolikong Iglesia ni Cristo (basahin ang kabuuan ng balita rito).

    Bilang paghahanda, ang Mayor ng Leon, Mexico na si Ricardo Sheffield, mayor of Leon ay tumanggap ng pahayagang "exclusive" para i-cover ang buong panahong pagbisita ng Santo Papa.

    Mayor ng Leon, Mexico na si Ricardo Sheffield. (Larawan galing sa CNA)

    Ang mga mamamayan nito ay handang-handa na at humihingi ng panalanging magiging matagumpay ang kanyang pagbisita.

    Sa Cuba naman, bilang paghahanda, pinakawalan ng gobyerno ang may 2,900 na bilanggo buwan bago pa lamang ang pagdalaw ng Santo Papa. Ayon sa Sunday Catholic, malaking tulong ang pagdalaw ng Santo Papa sa mga political prisoners. Ang respetong binibigay ng gobyerno ng Cuba sa Iglesia ay napakalaki't kaya hindi nila mahindian ang panawagan ng Santo Papa na bigyan ng hustisya ang mga nakakulong na mga bilanggo.

    Ang bansang Cuba ay isa sa mga natitirang mga bansang Komunista.

    Ipagdasal natin na maging matagumpay ang pagbisita ng kahalili ni San Pedro sa lupa-- si Papa Benito XVI.