Pages

Saturday, August 4, 2012

Ipanalangin natin ang Iglesia ni Cristo sa Syria!

Patriarch Gregorios III Laham
Damascus, Syria - Patuloy ang kaguluhan ngayon sa bansang Syria. Itong nakaraang linggo, pinalawig pa ng mga rebeldeng militar ang kanilang pakikidigma sa mga kakampi ni Bashar Asad sa Aleppo kung saan maraming mga Kristiano ang naninirahan doon.

Dahil sa tumitinding girian ng mga rebelde at militar, nanawagan si Melkite Greek Catholic Church Patriarch Gergorios III sa mga Eastern Catholics ng Syria na ialay ang kanilang pag-aayuno ayon sa kanilang nakaugalian sa tuwing sumasapit ang kapistahan ng Dormotion (Assumtion of the Blessed Virgin Mary) sa darating na ika-15 ng Agosto.

Isang magandang pagkakataon sapagkat ang mga Muslim ay nasa panahon ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.

Aniya sa kanyang sulat, sinabi ng Patriarka: “Once again Christians and Muslims are fasting and praying at the same time. That is one of the most beautiful marks and signs of their living together in solidarity.”

Isang nakakalungkot na pangyayari sa Iglesia sa Syria ang sigalot kung saan ang mga Kristiano ay nanganganib sa mga kamay ng mga rebelde na kinabibilangan ng mga Islamists.

Wika ng butihing Patriarka: “We pray too during this period for the return of charity, friendship, fellowship and compassion among all citizens... (Syrians) are still capable of loving and forgiving each other, being reconciled and showing tolerance to one another … United together, they can rebuild what has been destroyed and work for development and prosperity, for a better future for all citizens.”

Halina't samahan natin ang Iglesia sa Syria sa kanilang panalangin “O Lord, save thy people and bless thine inheritance. Grant peace to thy world! Grant peace to Syria! By thy Cross, preserve thy people!”

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.