Ang Simbahan ng Immaculate Conception sa Baku, Azerbaijan bago 1917 (Source: Wikipedia) |
Rome, Italy, Jul 7, 2011 - Magadang Balita!
Nagkaroon ng makasaysayang paglagda ng isang kasunduan sa pagitan ng Iglesia Katolika at ang bansang Azerbaijan, isang bansang halos 99% na Muslim.
Sa katunayan, halos hindi pa aabot sa isang-libo (1,000) ang mga kaanib ng Iglesia sa Azerbaijan. Ang kabutihan ng Azerbaijan sa mga kaanib ng Santa Iglesia ay napasimuno ng yumaong Santo Papa Juan Pablo II na ngayon ay malapit nang ganap na santo. Dumalaw si Blessed John Paul II sa Azerbaijan noong
"Isang nakapahalagang araw," bulalas ni Arsobispo Glaudio Gugerotti, Papal Nuncio sa Azerbaijan.
“Naging mabuti ang pakikutungo ng Azerbaijan sa Iglesia lalo na ngayon at mayroon na tayong kasiguraduhang pangangalaga mula sa gobyerno ng Azerbaijan" dugtong pa ng butihing Arsobispo.
Bagamat kokonti lamang ang Iglesia Katolika sa bansa, ay binigyan pa rin tayo ng kasuguruhan na mamuhay ang ating mga kapatid sa Azerbaijan ng payapa at may kalayaan.
Ang Azerbaijan ay pinakamalaking bansa sa CAucasus region ng Eurasia. Nakamit nila ang kalayaan mula sa mga Ruso noong 1991.
Dahil dito, ang Iglesia Katolika ay magkakaroon ng ganap na pagkakilala at proteksion na naaayon sa kanilang batas. Mapapadali ang apgkuha ng mga visa para sa mga pari at madre na gustong magpalaganap ng pananampalataya roon.
Malaking pasasalamat natin sa Dios sapagkat ang gobyerno ay nagbigay ng lote upang maitayo roon ang isang parokya, kauna-unahan sa loob ng 70 taon. Natapos ang simbahan noon lamang 2007 at binuksan ito ni Vatican Secretary of State, Cardinal Tacisio Bertone.
No comments:
Post a Comment
Comments are posted only when you properly identify yourselves.