Pages

Sunday, October 28, 2012

Magbunyi ka Iglesia ni Cristo sa Pilipinas dahil hinirang ka ng Dios upang maging dakila!

Napakagalak nga naman ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas nitong buwan ng Oktubre 2012.  Dalawang magkasunod ng malalaking balita ang nagpahayag sa buong mundo na ang Pilipinas ay bansang buhay ang pananampalatayang Kristiano.

Matapos ang mahabang panahon ng panalangin at paghihintay, ipinagbubunyi ngayon ng buong Santa Iglesia ang pagpaparangal kay PEDRO CALUNGSOD bilang Santo.

Ika-21 ng Oktubre 2012 ipinahayag ng Santo Papa Benedicto XVI sa Vatican City, kasama ng pito pang mga bagong santo at santa ng Iglesia ni Cristo.

Ika-24 ng Oktubre, isang surpresa ang pagpahayag ng Santo Papa na ang Arsobispo ng Manila ay isa nang Cardinal, si Cardinal Luis Tagle.

At dahil siya'y ganap ng isang Cardinal, siya'y kabilang sa mga hahalal sa bagong Santo Papa kung sakaling pumanaw na si Papa Benedicto XVI-- at maaari rin siyang maging isang Santo Papa.

Purihin ang Dios sa kanyang Iglesia sa Pilipinas at lalo niyang pinapatatag ang pananampalataya ng buong Iglesia ni Cristo, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong Asya at sa buong mundo.

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.