Larawan mula sa Stve Karga net |
Ang Cathedral po ng Iglesia ni Cristo sa Salt Lake City, USA ay magdiriwang ng ika-100 taon sa linggong ito.
Tinawag nilang "Cathedral Week" ang linggong ito bilang paggunita sa simpleng paglago ng Iglesia ni Cristo sa Salt Lake City. Magkakaroon ng pagdiriwang ng Banal na Misa, pagsasaya, lectures at mga tugtugan sa linggong ito. Kabilang si Cardinal William J. Levada sa mga dadalong panauhin sa nasabing pagganap.
Ang kasaysayan ng Iglesia ni Cristo sa Salt Lake ay parangal sa mga misyonerong Franciscans. Sila ang kauna-unahang mga Kristianong bumisita sa lugar na ito na tinawag di kalaunan sa pangalang Salt Lake. Ito ay noong 1776 ayon sa Diocese ng Salt Lake City.
Ang Salt Lake ay lugay kung saan ang samahang Mormons ay unang sumibol. Kilala rin ang mga Mormons sa pangalang The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints. Ayon sa samahang ito, si Joseph Smith ay ang "Huling Propeta" at siya'y sinugo upang itatag muli ang Iglesia.
Sila'y naniniwala na ang Iglesia Katolika ay siyang tunay na Iglesia ngunit ito'y natalikod na ganap.
Si Bishop John C. Wester, obispo ng Salt Lake City ang siyang mangunguna sa pagdiriwang kasama ang kapitapitagang adult choirs na umaawit ng English at Spanish na mga kanta.
Sa iba pang mga kaganapan, mangyari pong ipagpatuloy ang pagbabasa rito...
No comments:
Post a Comment
Comments are posted only when you properly identify yourselves.