Pages

Sunday, June 24, 2012

Nag-iisa lamang ang Iglesia ni Cristo

Banal na sambahan ng Iglesia ni Cristo sa Vailankanni, Sumatra, Indonesia. Ito ay ang Annai Velankanni o Our Lady of Good Health (Source: Elisasjourney)
May mga nagsusulputan pong mga ibang iglesia at nagpapakilalang mga "Iglesia ni Cristo" raw sila o "Church of Christ", ano pa man ang wikang gamit sa pagpaparehistro, mapa-Ingles o Tagalog o ibang wika, hindi po sila maaaring Iglesia ni Cristo sapagkat IISA lamang po ang itinatag ni Cristo na Iglesiang para sa kanya.

Ang sabi po ng nagtatag sa Mateo 16:18:

"Ikaw ay Pedro at sa ibabaw ng batong ito itatayo ko ang aking iglesia at ang pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig sa kaniya."
Sa mga pahayag ng nagtatag na si Cristo, malinaw at tahasan niyang sinabing HINDI ITO MATATALIKOD dahil hindi magsisipanaig ang kapangyarihan ng Hades dito.

Samakatuwid ang lahat ng mga nagsusulputang mga Iglesia rin daw sila ay hindi mga tunay kundi mga huwad o peke.

Narito ang ilang sa mga nagsisulputang parang mga kabute na nagpapanggap na Iglesia ni Cristo:

  • The Church of Jesus Christ of the Latter-day Saints (Mormonism) itinatag noong 1820 ni Joseph Smith  at sinabi niyang siya ay "Huling Propeta" ng Dios.
  • Iglesia ni Cristo (INC o INK) itinatag ni Felix Y. Manalo noong 1913 at nirehistro sa Pilipinas noong 1914. Ipinangaral ni F. Manalo na siya'y "Huling Sugo" noon lamang 1922.
  • Kabanalbanalang Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus itinatag ni Teofilo D. Ora noong 1922 na dating kaanib ng INC ni F. Manalo.
  • Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus, Haligi at Suhay ng Katotohanan itinatag ni Nicolas Perez na dating mga kaanib ng INC tatag ni F. Manalo at dati ring kaanib ng iglesiang tatag ni T. Ora. Nirehistro niya ang kanyang iglesia noong 1936
  • Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan na tatag naman ni Eliseo Soriano ng "Ang Dating Daan"
  • Ang mga Kaanib sa Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas, Incorporated tatag ni Eliseo Soriano noong 1979
  • Bayan ng Katotohanan Incorporated tatag ulit ni Eliseo Soriano noong 1993
  • Iglesia ni YHWH at ni YHWSA HMSYH, Inc. tatag ulit ni Eliseo Soriano noong 1994
  • Members Church of God International o ang mas kilala sa pangalang "Ang Dating Daan" ay kay Eliseo Soriano rin, itinatag noong Enero 13, 2004
Ngunit ang Iglesiang tatag ni Cristo ay nanatiling NAG-IISA at tumatawid na po ito sa IKATLONG SIGLO!  At ang mga TUMALIKOD ay siyang mga nagsipagtatag ng kanilang mga iglesia gamit ang pangalan ni Cristo o ang Dios na ngayon ay UMAANGKING sila raw ang orig.

Ang IGLESIA po ni CRISTO ay maaring tawagin sa ano mang sinasalita ng tao, mapa-Tagalog, Ilocano, Bisaya, Ingles, Intsik, Koreano, Arabic, Pranses, Niponggo, etc, ng wala pong pagbabago sa kanyng pagkakakilanlan.

Hindi po mahirap ang pagkakakilanlan nito dahil laganap po ang Iglesia ni Cristo sa buong mundo. Ang kanyang pagpapakilala ay may KRUS sa kanyang mga bahay sambahan (maliban sa Gitnang Silangan na kinokontrol ng mga Muslim).

IGLESIA KATOLIKA - tangi at nag-iisang IGLESIA NI CRISTO at kailanman ay HINDI mananaig ang kapangyarihan ng Hades sa kanya.

    7 comments:

    1. Tunay nga ang sinabi ni kristo... sa huling araw darating ang maraming bulaang propeta na manglilinlang sa marami.. kahit si satanas ay magpapanggap bilang anghel ng liwanag

      May God bless the owner of this blog. Amen

      ReplyDelete
    2. Tunay nga ang sinabi ni kristo... sa huling araw darating ang maraming bulaang propeta na manglilinlang sa marami.. kahit si satanas ay magpapanggap bilang anghel ng liwanag

      May God bless the owner of this blog. Amen

      ReplyDelete
    3. Sumasang-ayon ako sa iyo kapatid na Pio, sapagkat hindi maaaring may dalawang Iglesia ni Cristo. Ang nauna ang siyang orig at ang mga sumunod ay mga huwad.

      Ang bulaang propeta ay dumating na, hudyat ng malapit na pagdating ni Cristo. Kapag sinabi nating "malapit" ay hindi pa rin natin tukoy kung ito'y bukas, sa makalawa, isang taon, isang dekada, isang siglo. Ang tanging dalangin lamang natin ay madatnan tayo ni Cristo na HANDA sa kanyang pagbabalik.

      Halina Hesus Halina Mara-natha!

      ReplyDelete
    4. ha!!!totoo ba ito...nagpalit na po ba ang One Holy Roman Catholic Church ng pangalan?????naging Iglesia Ni Cristo na?????marami nga talaga ang mga bulaang propeta na magsisilitaw sa mga huling araw....ano ang katunyan? ang nakasulat sa II Corinto 11:3-4 na sinasabi 4"Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain. 5"Sapagka't kung yaong paririto ay MANGARAL NG IBANG JESUS, NA HINDI NAMIN IPINANGARAL, o kung kayo'y magsisitanggap ng ibang espiritu na na hindi ninyo tinaggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinggap, ay mabuting pagtiisan ninyo" Bakit ano ba ang ipinangaral na JESUS ng mga APOSTOL?
      sa II Timoteo 2:5 ang sabi ni Apostol PAblo ay ganito 5"Sapagka't may ISANG DIOS at may ISANG TAGAPAMAGITAN SA DIOS at sa mga tao, ang TAONG SI CRISTO JESUS". Samakatuwid ang ipingaral ng mga Apostol na Jesus ay Tao na TAGAPAMAGITAN SA DIOS at sa mga tao. Hindi ipinangaral ng mga Apostol na si CRISTO ay DIOS na TAGAPAMAGITAN sa isa pang DIOS at sa mga tao.....lilitaw kung si Cristo ay Dios at iba pa yung Dios na pinamamagitanan ni Cristo ay dalawa silang Dios at yung naman ay lalabag sa isa pang aral ng Biblia na IISA lang ang tunay na Dios....at mismong ang ating Panginoong Jesucristo na rin mismo ang nagpahayag tungkol sa kaniyang likas na kalagayan gaya ng nakasulat sa Juan 8:40 na sinasabing 40"Datapuwa't nagyo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham". Ang nagsasalita sa talata ay ang sting Panginoong Jesucristo at ang sabi niya siya'y TAO na nagsaysay ng katoothanan na aking narinig sa Dios.....at dito masasabi antin na iba ang ating Panginoong Jesucristo sa na nakarinig ng katotohanan kaysa sa ating PAnginoong Dios na kinarinngan ng katotohanan....kaya ang pagkakilala ng mga tunay na tupa ni Cristo sa ating Panginoong Jesuscristo ay TAO at sila ang nakakakilala sa ating Panginoong Jesucristo kaya sila lang ang kinikila ng ating Panginoong Jesucristo na KAniyang tupa sapagkat sabi ng ating Panginoong Jesucristo sa Juan 10:14 14"Ako ang mabuting pastor; at NAKIKILALA KO ANG SARILING AKIN, at ang SARILING AKIN AY NAKIKILALA AKO". Kaya dito ay makikita natin upang tayo ay kilalanin ng ating Panginoong Jesucristo ay kinakailangang makilala muna natin Siya...Ano ba ang pagpapakilala ni Jesus sa kaniyang sarili? Ayon nga sa talatang binasa ang sabi ng ating Panginoong Jesucristo ay"ako'y taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan" Kaya ang mga tunay na kumikilala kay Cristo ay yung mga taong ang pagkakilala sa kanya ay tao at iyon ang kinikilala ng ating Panginoong Jesucristo na sa Kanya.:)

      ReplyDelete
    5. nga pala...di ba ang mga simbahan niyo ang tanda ay krus....at kapag nagpupunta po kayo sa mga simbahan o nasa harap ng mga rebulto o larawan ay nag-aantanda kayo sa kanang kamay.....ang sabi sa Apocalipsis 14:9-10 9"At ang ibang angel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinuman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng TANDA SA NOO, o sa kaniyang KAMAY." !0"Ay iinom din naman siya ng alak ng KAGALITAN NG DIOS, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan: at siya'y PAHIHIRAPAN NG APOY AT ASUPRE sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero:"
      Hindi ba't kayong mga katoliko ang gumagawa niyan......ewan ko lang kung aaminin niyo:) yan po kasi galing yan sa Biblia at ang totoo marami pang mga hula ng Biblia patungkol sa pagtalikod ng Iglesiang itinayo ng ating Panginoong Jesucristo at marami pa ring aral ng Biblia ang nilalabag ng Catholic Church ngayon, kung gusto malaman tanong niyo lang:)

      ReplyDelete
    6. Sabi ng pasugo, "ANG IGLESIA KATOLIKA NA SA PASIMULA AY ANG IGLESIA NI CRISTO." - Pasugo Abril 196, p 46

      Kayo na po ang nangusap noon at opisyal po yon. Kaya pasensiya na po ginoong Anonymous kung masakit tanggapin ang katotohanan.

      ReplyDelete

    Comments are posted only when you properly identify yourselves.