Pages

Tuesday, June 19, 2012

Synod 2012 ng Iglesia ni Cristo: Para sa Bagong Pagpapalaganap ng Pananampalatayang Kristiano

VATICAN NEWS - Ang Vatican ay naglathala ng Instrumentum Laboris -- isang dokumento na maglalayon ng pang-uusap ng mga Synod Fathers tungkol sa New Evangelization for the Transmission of Christian Faith. Ito ay gaganapin sa ika-7 ng Oktubre hanggang ika-28 ng Oktubre sa taong kasalukuyan.

Ang Ordinary Assembly of the Synod of Bishops ay may apat na kapitulong dapat pag-uusapan na maglalayon ng malalim na pagmumuni at diskusyon sa loob ng tatlong linggo.

Bukod sa mga Obispo, maraming mga experts sa usapin ito at iba pang mga panauhin ang inaasahang dadalo rito at makikibahagi.

Ipagdasal natin ang ating mga Obispo.  Nawa'y sa pamamagitan gn Synod na ito ay magkakaroon pa ng maraming mga ordinaryong Misyonerong Katoliko ang magbabahagi at magtatanggol sa Inang Santa Iglesia- ang Iglesia Katolika na siyang tunay na Iglesia ni Cristo.

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.