MEXICO - Bukas araw ng Biernes sa Mexico, darating ang Kanyang Kabanalan Papa Benito XVI sa Mexico pagkatapos ay tutungo naman siya sa Cuba.
Sa kasalukuyan ang bansang Mexico ay may 108,426,000 na bilang ng tao kung saan may 99,635,000 (91.89 percent) ay mga kaanib ng pangkalahatang Iglesia ni Cristo. Ang Cuba naman ay may 11,242,000, kung saan 6,766,000 (60.19 percent) ay mga kaanib ng Katolikong Iglesia ni Cristo (basahin ang kabuuan ng balita rito).
Bilang paghahanda, ang Mayor ng Leon, Mexico na si Ricardo Sheffield, mayor of Leon ay tumanggap ng pahayagang "exclusive" para i-cover ang buong panahong pagbisita ng Santo Papa.
Mayor ng Leon, Mexico na si Ricardo Sheffield. (Larawan galing sa CNA) |
Ang mga mamamayan nito ay handang-handa na at humihingi ng panalanging magiging matagumpay ang kanyang pagbisita.
Sa Cuba naman, bilang paghahanda, pinakawalan ng gobyerno ang may 2,900 na bilanggo buwan bago pa lamang ang pagdalaw ng Santo Papa. Ayon sa Sunday Catholic, malaking tulong ang pagdalaw ng Santo Papa sa mga political prisoners. Ang respetong binibigay ng gobyerno ng Cuba sa Iglesia ay napakalaki't kaya hindi nila mahindian ang panawagan ng Santo Papa na bigyan ng hustisya ang mga nakakulong na mga bilanggo.
Ang bansang Cuba ay isa sa mga natitirang mga bansang Komunista.
Ipagdasal natin na maging matagumpay ang pagbisita ng kahalili ni San Pedro sa lupa-- si Papa Benito XVI.
No comments:
Post a Comment
Comments are posted only when you properly identify yourselves.