Showing posts with label Pagkatatag. Show all posts
Showing posts with label Pagkatatag. Show all posts
Monday, July 26, 2021
Thursday, August 13, 2020
FAKE NEWS ALERT: Italian Air Force "Air Show" Inakala ng INC™ 1914 na para sa kanilang anibersaryo ng Pagkakatatag!
Bandilang walang pagkakakilanlan. Iyan ang dahilan kung bakit pati ang mga kulay ng bandila ng bansang ITALYA ay inaangkin na rin ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo® 1914.
Tinukoy na natin ito sa In Defense of the Church blog noong 2011 kung anong opisyal na batayan ng INC™ 1914 at pinili nila ang mga kulay pula, puti at luntian bilang kanilang opisyal na simbulo. At sa kasamaang palad, hanggang ngayon ay wala pa rin silang opisyal na payahag o kahit biblical verse (lahat daw kasi ng kanilang turo ay galing sa Biblia letra por letra) upang ipaliwanag ito.
Sa kanilang 106 taon ng pag-iral, ang kanilang mga kaanib ay nangangapa pa rin kayat sa tuwing sila'y nagpapakilalang mga 'INC™" ang simbulo o bandila ng Italya ang kanilang kinakapitan.
Kaawa-awang mga kaluluwa ngunit ipagdasal na lamang natin silang maliwanagan ang kanilang mga isipan at mapagtanto na ang kanilang kinaaaniban ay tatag ni G. Felix Y. Manalo noong 1914 at hindi ni Cristo!
Thursday, April 30, 2020
HISTORY: Felix Manalo Founded the Iglesia Ni Cristo® in the Philippines in 1914
"Iglesia ni Cristo (INC), (Tagalog: “Church of Christ”) Cristo also spelled Kristo, international Christian religious movement that constitutes the largest indigenous Christian church in the Philippines. It was established by Félix Ysagun Manalo in 1914." -Encyclopedia Britannica Online
Sunday, January 26, 2020
Monday, January 20, 2020
Saturday, October 12, 2019
Pagmamali ng Iglesia Ni Cristo na Tatag ni Felix Manalo noong 1914 Tungkol sa Kasaysayan ng Kristianismo
“ANG IGLESIA NI CRISTO”
I. PAGKAKATATAG SA JERUSALEM
II. PAGKATALIKOD
III. MULING PAGLITAW SA MALAYONG SILANGAN
IV. PAGLAGANAP HANGGANG SA MALAYONG KANLURAN
V. PAGLAGO
VI. PAGKATUPAD NG MGA HULA
VII. PAGKILALA NG IBANG LIDER AT NG MGA BANSA
VIII. PAGTATAGUMPAY
SA PANGINOONG DIYOS ANG KALUWALHATIAN SA PAMAMAGITAN NG PANGINOONG JESUCRISTO
Transcript mula sa video [-49.24 hanggang -39.46]. Ang pagdidiin ay amin.
"Noong unang siglo sa Jerusalem, ay itinayo ng Panginoog Jesucristo ang kanyang Iglesia na tinawag sunod sa kanyang pangalan, iglesya ni Cristo (Roma 16:16) subalit pinagpauna na ng Panginoong Jesukristo na babangon ang maraming mga bulaang o hindi tunay na mgangangaral na magliligaw sa kanyang mga alagad na magbubunga ng pagtalikod sa pananampalataya.
"Ipinagpauna na rin ng Panginoong Jesucristo na ang kanyang mga lingkod na nanindigan sa pananampalataya ay papatayin.
"Bagamat ang iglesia ni Cristo na itinatag noong unang siglo ay natalikod sa pananampalataya magkagayonman ay ipinagpauna na ng Panginoong Jesucristo nay mayroon pa siyang ibang mga tupa o mga alagad (Juan 10:16). At sila’y magiging isang kawan. Ayon sa mga apostol, sila ay magmumula sa malayo. Malayong panahon at dako (Gawa 2:39).
"Ito’y pinagpauna sa aklat ni propeta Isaias na mga anak ng Diyos na magmumula sa malayong silangan sa mga pulo ng dagat (Isaias 24:15).
"Natupad ang mga hulang ito ng Banal na Kasulatan sa bansang Pilipinas na nasa malayong silangan na binubuo ng mga pulo…"
Bigyan diin ang mga sumusunod:
A. Noong unang siglo sa Jerusalem, ay itinayo ng Panginoong Jesucristo ang kanyang Iglesia.
B. Ang iglesia ay sunod sa pangalan ni Cristo.
C. Babangon ang maraming mga bulaang propeta o hindi tunay na mangangaral.
D. Ang kanyang mga lingkod na nanindigan sa pananampalataya ay papatayin.
E. Ang iglesiang itinayo ng Panginoong Jesucristo ay natalikod sa pananampalataya.
F. Mayroon pa siyang ibang tupa o mga alagad na magmumula sa malayo.
G. Bansang Pilipinas ang bansang nagmumula sa malayong silangan.
_________________________________________________________________
Hindi matibay ang pundasyon ng pagkakatatag ng Iglesia Ni Cristo® 1914. Ang kaniyang pundasyon ay NAKABATAY lamang sa kanilang DOKTRINA ng GANAP na PAGTALIKOD (TOTAL APOSTASY) raw ng IGLESIA KATOLIKA na sa 'PASIMULA ay SIYANG [tunay na] IGLESIA NI CRISTO' ayon sa kanilang opisyal na magasin (Pasugo Abril 1966, p. 46).
Kung gagamitin natin ang kanilang lohika, walang INC™ 1914 kung walang pagtalikod ng tunay na Iglesia ni Cristo na tatag ng Panginoong Jesus noong Unang Siglo.
ANG TANONG: KAILAN BA NATALIKOD NA GANAP ANG IGLESIANG TATAG NI CRISTO?
Ayon sa Iglesia Ni Cristo® 1914, ang IGLESIA KATOLIKA raw ang totoong Iglesia ni Cristo na itinatag ng Panginoon sa Jerusalem noong Unang Siglo (PASUGO Abril 1966, p. 46) ngunit NATALIKOD daw ito ng GANAP. Ibig sabhin ng "ganap" ay WALANG NATIRA at "NALIPOL NA LAHAT" (Pasugo Enero 1964, p. 2).
Ang GANAP na PAGTALIKOD ay naganap raw ito noong NAMATAY NA ang lahat ng mga ALAGAD ni Cristo (PASUGO God's Message, February 2012, pp. 27-29). NALIPOL na raw LAHAT ng mga tagasunod ni Cristo na TAPAT sa ARAL ni CRISTO.
AT DAHIL NATALIKOD at NALIPOL na LAHAT ng mga TUNAY na ALAGAD at TAGA-SUNOD ni Cristo kaya't KINAKAILANGAN ng DIYOS ng isang tao upang ITATAG MULI ang "KANIYANG IGLESIA".
Ayon sa kanilang aral, ang PAGTALIKOD daw na GANAP ng BUONG IGLESIA NI CRISTO na tatag ng ating Panginoong Jesus ay 'HINULAAN" raw daw Biblia. Ngunit WALA silang 'unified Bible verse na makakapagpatunay na hinulaan nga sa Biblia ang pagtalikod ng Iglesiang tatag ni Cristo.
Ang sabi ng isang Muslim Imam rito ay "TAGPI-TAGPI" [panoorin dito ang video]. Kuha sa Lumang Tipan, itagpi sa Bagong Tipan. Halimbawa ay Zakarias (13:8-9) at sa Gawa (2:39, 20:28), Roma (16:16) at saka ibuod kay Juan (10:16) upang MAKABUO ng SAKNONG na SASAKTO sa KANILANG nais palabasin [basahin itong paliwanag ng "Ang Pagbubunyag".
Sa kanilang pagnanais na PATUNAYAN na ang INC™ 1914 nga raw ay ang siyang tunay na pagmamay-ari ni Cristo BIBLIA ang kanilang gamit na PANLOKO at marami na silang NALINLANG na kaluluwa, tulad ng pagnanais ni Satanas na linlangin ang Panginoong Jesus gamit ang Banal na Salita ng Diyos (Mateo 4:6).
At ang RESULTA ng kanilang "TAGPI-TAGPING ARAL" ay LILITAW (raw) muli ang "tunay" na IGLESIA at natupad raw ito kay Ginoong Felix Y. Manalo noong itatag niya ang kanyang Iglesia sa Pilipinas noong 1914 (PASUGO February 2012, pp. 27-29)!
HINDI PA NATATALIKOD ANG UNANG IGLESIA NI CRISTO ~ ANG IGLESIA KATOLIKA!
Ito ay ayon na rin sa kanilang magasing PASUGO, Abril 1966, p. 46 (ang pagdidiin ay amin):
A. Noong unang siglo sa Jerusalem, ay itinayo ng Panginoong Jesucristo ang kanyang Iglesia.
B. Ang iglesia ay sunod sa pangalan ni Cristo.
C. Babangon ang maraming mga bulaang propeta o hindi tunay na mangangaral.
D. Ang kanyang mga lingkod na nanindigan sa pananampalataya ay papatayin.
E. Ang iglesiang itinayo ng Panginoong Jesucristo ay natalikod sa pananampalataya.
F. Mayroon pa siyang ibang tupa o mga alagad na magmumula sa malayo.
G. Bansang Pilipinas ang bansang nagmumula sa malayong silangan.
_________________________________________________________________
Hindi matibay ang pundasyon ng pagkakatatag ng Iglesia Ni Cristo® 1914. Ang kaniyang pundasyon ay NAKABATAY lamang sa kanilang DOKTRINA ng GANAP na PAGTALIKOD (TOTAL APOSTASY) raw ng IGLESIA KATOLIKA na sa 'PASIMULA ay SIYANG [tunay na] IGLESIA NI CRISTO' ayon sa kanilang opisyal na magasin (Pasugo Abril 1966, p. 46).
Kung gagamitin natin ang kanilang lohika, walang INC™ 1914 kung walang pagtalikod ng tunay na Iglesia ni Cristo na tatag ng Panginoong Jesus noong Unang Siglo.
ANG TANONG: KAILAN BA NATALIKOD NA GANAP ANG IGLESIANG TATAG NI CRISTO?
Ayon sa Iglesia Ni Cristo® 1914, ang IGLESIA KATOLIKA raw ang totoong Iglesia ni Cristo na itinatag ng Panginoon sa Jerusalem noong Unang Siglo (PASUGO Abril 1966, p. 46) ngunit NATALIKOD daw ito ng GANAP. Ibig sabhin ng "ganap" ay WALANG NATIRA at "NALIPOL NA LAHAT" (Pasugo Enero 1964, p. 2).
Ang GANAP na PAGTALIKOD ay naganap raw ito noong NAMATAY NA ang lahat ng mga ALAGAD ni Cristo (PASUGO God's Message, February 2012, pp. 27-29). NALIPOL na raw LAHAT ng mga tagasunod ni Cristo na TAPAT sa ARAL ni CRISTO.
AT DAHIL NATALIKOD at NALIPOL na LAHAT ng mga TUNAY na ALAGAD at TAGA-SUNOD ni Cristo kaya't KINAKAILANGAN ng DIYOS ng isang tao upang ITATAG MULI ang "KANIYANG IGLESIA".
Ayon sa kanilang aral, ang PAGTALIKOD daw na GANAP ng BUONG IGLESIA NI CRISTO na tatag ng ating Panginoong Jesus ay 'HINULAAN" raw daw Biblia. Ngunit WALA silang 'unified Bible verse na makakapagpatunay na hinulaan nga sa Biblia ang pagtalikod ng Iglesiang tatag ni Cristo.
Ang sabi ng isang Muslim Imam rito ay "TAGPI-TAGPI" [panoorin dito ang video]. Kuha sa Lumang Tipan, itagpi sa Bagong Tipan. Halimbawa ay Zakarias (13:8-9) at sa Gawa (2:39, 20:28), Roma (16:16) at saka ibuod kay Juan (10:16) upang MAKABUO ng SAKNONG na SASAKTO sa KANILANG nais palabasin [basahin itong paliwanag ng "Ang Pagbubunyag".
Sa kanilang pagnanais na PATUNAYAN na ang INC™ 1914 nga raw ay ang siyang tunay na pagmamay-ari ni Cristo BIBLIA ang kanilang gamit na PANLOKO at marami na silang NALINLANG na kaluluwa, tulad ng pagnanais ni Satanas na linlangin ang Panginoong Jesus gamit ang Banal na Salita ng Diyos (Mateo 4:6).
At ang RESULTA ng kanilang "TAGPI-TAGPING ARAL" ay LILITAW (raw) muli ang "tunay" na IGLESIA at natupad raw ito kay Ginoong Felix Y. Manalo noong itatag niya ang kanyang Iglesia sa Pilipinas noong 1914 (PASUGO February 2012, pp. 27-29)!
HINDI PA NATATALIKOD ANG UNANG IGLESIA NI CRISTO ~ ANG IGLESIA KATOLIKA!
Ito ay ayon na rin sa kanilang magasing PASUGO, Abril 1966, p. 46 (ang pagdidiin ay amin):
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."Kabuuan ng kanilang sinabi sa Pasugo:
- Mula noong Unang Siglo hanggang 'ngayon' (1966) ay hindi pa natatalikod ang tunay ang Iglesiang tatag ni Cristo.
- Ang orihinal at tunay na Iglesiang tatag ni Cristo noong una ay ang Iglesia Katolika at hindi ang registered trademark na Iglesia Ni Cristo® 1914
- Kung di pa natatalikod noong 1966 ang tunay na iglesia, lalabas na ang iglesiang tatag ni Felix Manalo noong 1914 ay huwad ~peke~ fake~!
A. ANG PAGKAKATATAG SA JERUSALEM
Taong 33 A.D., ITINATAG ng Panginoong Jesucristo sa Jerusalem ang KANYANG IGLESIA. Ito ay NASUSULAT sa lahat ng AKLAT ng KASAYSAYAN ng tao. Katulad ng Islam na itinatag ni Muhammad noong ika-7 siglo, ay nakatitik din sa aklat ng kasaysayan. Maging ang IGLESIA PROTESTANTE at nang mga nagsulputang mga SEKTA nito na mahigit sa 30,000 na ay nakasulat sa mga aklat ng kasaysayan. Ang kasaysayan ng PAGKAKATATAG ng korporasyong IGLESIA NI CRISTO® ay NAKASULAT po sa aklat ng Kasaysayan.
Bago pa nauso ang pagpaparehistro ng mga tatag na korporasyong iglesia sa kinasasakupang bayan o bansa, ang orihinal na IGLESIA NI CRISTO ay ITINATAG ng PANGINOONG JESUS sa JERUSALEM. Mula noon, WALANG ibang pinapatungkulan ang salitang IGLESIA kundi ang KAY CRISTO. Kaya't by default ang salitang IGLESIA ay walang ibang pinatutungkulan kundi ang NAG-IISANG IGLESIANG KAY CRISTO ~ang "IGLESIA KATOLIKA NA SA PASIMULA AY SIYANG IGLESIA NI CRISTO" (PASUGO Abril 1966, p. 46).
"According to Catholic tradition, the history of the Catholic Church begins with Jesus Christ and his teachings (c. 4 BC – c. AD 30) and the Catholic Church is a continuation of the early Christian community established by the Disciples of Jesus." -Wikipedia
The Roman Catholic Church traces its history to Jesus Christ and the Apostles. Over the course of centuries it developed a highly sophisticated theology and an elaborate organizational structure headed by the papacy, the oldest continuing absolute monarchy in the world. -Online Encyclopedia Britannica
After the ascension of Jesus Christ, as the apostles began to spread the gospel and make disciples, they provided the beginning structure for the early Christian Church. It is difficult, if not impossible, to separate the initial stages of the Roman Catholic Church from that of the early Christian church. -Learn ReligionsAyon sa mga dalubhasang manunulat ng kasaysayan, ang Iglesia Katolika ay siyang may direktang kasaysayan pabalik sa panahon ni Jesus at ng mga alagad. Sa aklat ni James Hitchcock, History of the Catholic Church, ibinuod niya rito kung ano ang Iglesia Katolika ayon sa kasaysayan ng tao.
The Catholic Church is the longest-enduring institution in the world. Beginning with the first Christians and continuing in our present day, the Church has been planted in every nation on earth.
The Catholic Church claims Jesus Christ himself as her founder, and in spite of heresy from within and hostility from without, she remains in the twenty-first century the steadfast guardian of belief in his life, death, and resurrection. The teachings and redemptive works of Jesus as told in the Gospels are expressed by the Church in a coherent and consistent body of doctrine, the likes of which cannot be found in any other Christian body.B. ANG IGLESIA SUNOD SA PANGALAN NI CRISTO
Bagamat ang CRISTO at JESUS ay tumutukoy sa iisang pagkakakilanlan sa Anak ng Diyos na nagkatawang-tao, ang JESUS ay PANGALAN at ang CRISTO ay ang Kanyang tungkulin. Ayon sa Mateo 1:21; Lukas 1:31 JESUS ang ipapangalan sa IPAPANGANAK ng Birheng Maria ayon kay San Gabriel Arkanghel.
Ang Cristo ay MESIAS sa salitang Hebreo o TAGAPAGLIGTAS sa wikang Filipino. Ang literal na pakahulugan nito ay "ang Siyang Pinahiran ~ the Annointed One". Kaya't HINDI po mismong pangalan ang "Cristo" kundi JESUS.
Kung susundin natin ang lohika ng mga INC™, ang iglesiang tatag ng Panginoong Jesus ay IGLESIA NI JESUS ang dapat na ipangalan alinsunod sa pangalan ng nagtatag.
At ganoon din sa INC™, dahil si Ginoong Felix Manalo ang nagtatag ng INC™ sa Pilipinas ay dapat lamang na isunod ito sa pangalan ng nagtatag ~ IGLESIA NI FELIX MANALO o IGLESIA NI MANALO.
At kung ipagpupumilit nila na ang 'Cristo' ay isang pangalan, dapat lamang palang isunod sa titulo ni G. Felix Manalo ang kanyang Iglesia bilang "Iglesia ng Ibong Mandaragit" o kaya'y "Iglesia ng Huling Sugo sa Mga Huling Araw" o "Iglesia ng Anghel".
[BASAHIN: Hindi raw Iglesia Katolika ang tunay na Iglesia ni Cristo?]
C. BABANGON ANG MARAMING BULAANG PROPETA
Pagkatapos malipol daw ng lahat ng mga alagad ni Cristo at TUMALIKOD na ganap na raw ang buong Iglesiang tatag ni Cristo ay nagsilitawan raw ang mga BULAANG PROPETA ayon sa turo ng INC™ 1914.
Gamit ang Banal na Kasulatan, kanilang sipiin ang Mateo 24:11 "At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami."
At dudugtungan nila ng susog mula sa Mateo 24:4 na ganito ang pagkasabi "At sumagot si Jesus at winika sa kanila, 'Mangagingat kayo na huwag maliligaw ninoman."
Ito ang wika ng isang Imam ng Islam ukol sa paggamit ng mga INC™ 1914 sa biblia:
"Ang Biblia ba ninyo ay gawa ba ninyo yan?"
Sabi, "Hindi!"
"San ba nagmula ang biblia ninyo?"
Sabi niya, "Sa iglesia, sa Iglesia Katolika Apostolika Romana."
Sabi ko, "Iglesia Ni Cristo kayo, tapos yung Biblia ninyo ay nagmula sa Romana Katolika Apostolika? Hindi sila nakakaintindi sa Biblia nila, aklat ng Katoliko, hindi sila nakakaintindi. At kayong mga Iglesia Ni Cristo, NAGBABASA lamang, sa AKLAT NG MGA KATOLIKO, kayo ang nakakaintindi? Dahil the HISTORY OF THE BIBLE, we cannot deny, the history of the Bible was compiled, collected by the early Christian Catholics. While the Roman Catholics in this latest century they are reading the Bible, at ang BIBLIA ORIGINAL ay NAGMULA sa ROMANO KATOLIKO!
"Imposible na ang GUMAWA sa Biblia ng ROMANO KATOLIKO ay maiimpierno. Yung lumikha sa Biblia maiimpierno. Yung NAGBABASA maparaiso? Imposible naman!Ang mga INC™ 1914 ay MALING-MALI sa kanilang pagsipi sa Banal na Biblia. OUT OF CONTEXT ika nga. Hindi nila nalalaman na ang tinutukoy sa Mateo na DARATING na mga MARAMING BULAANG PROPETA ay ISA na roon ang kanilang sugong si FELIX MANALO. Sapagkat HINDI NAMAN NATALIKOD ang Iglesia kundi TAO ang tumalikod sa Iglesia at ITONG mga TAONG TUMALIKOD ay kinasangkapan ng Diablo at nagiging mga BULAANG PROPETA.
Sino ang mga BULAANG PROPETA na tinutukoy sa Biblia? Basahin niyo itong BABALA ni Apostol San Juan:
"Mumunting mga anak, sumapit na ang huling oras. Batay sa inyong narinig na dumarating na ang anti-Cristo, marami nang anti-Cristo ang dumating; kung kaya nalalaman nating sumapit na ang huling oras. Sa atin sila nanggaling ngunit hindi sila atin, sapagkat kung sila ay atin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ito ay nangyari upang matanyag na silang lahat ay hindi atin." -1 Juan 1:18-19 (ang pagdidiin ay atin)NAGBABALA si Apostol San Juan ukol sa PAGDATING NG MGA ANTI-CRISTO o ang KALABAN NI CRISTO!
PAANO sila MAKIKILALA? Simple!
Sa 'CHECK LIST' na ibinigay ni Apostol San Juan, ang PALATANDAAN ay ang mga sumusunod:
- Sila'y DATING KAANIB sa Iglesiang tatag ni Cristo noong Unang Siglo
- Sila'y TATALIKOD sa Iglesiang tatag ni Cristo noong Unang Siglo.
- Sila'y HINDI NA ATIN sapagkat kung sila'y sa atin ay mananatili sana sila sa atin (sa tunay na Iglesiang tatag ni Cristo noong Unang Siglo).
- Mahahayag ang kanilang pagka-bulaang propeta sapagkat sila'y TUMALIKOD at ngayon ay KUMAKALABAN sa atin!
Sa kasaysayan ng Santa Iglesia, narito ang mga personalidad na TUMALIKOD sa tunay na Iglesiang tatag ni Cristo noong Unang Siglo at dahilan ng pagkawatak-watak ng Bayan ng Diyos:
- ARIUS ~ [256 A.D. - 336 A.D. Gitnang Silangan at Hilagang Africa] Siya ay isang dating pari ng Iglesia sa Alexandria, Egypt ngunit tumalikod. Siya ay nangaral na si Jesus ay Diyos ngunit mas mababa kaysa sa Diyos Ama. Ang kanyang maling aral ay kinondena ng Iglesia sa Unang Konseho ng Nicea (325 A.D.).
- MARTIN LUTHER ~ [1483 - 1546 Europa at America] Siya ay paring monghe ayon sa disiplina ng OSA (Ordo Sancti Agustini (L), isang propesor ngunit siya ay tumalikod. Siya ay nagnanais na isulong ang reporma sa Iglesia ngunit dala ng kanyang malalim na poot sa mga namumuno sa Iglesia, siya ay nagrebelde (protesta) kaya't sumulpot ang Iglesia Protestante. Mula 1517 nagkawatak-watak ang Kristianismo at mula 1549 nabalahura ang Salita ng Diyos na dahilan upang lalong maraming tumalikod sa tunay na turo ni Cristo.
- FELIX Y. MANALO ~ [1886 - 1963 Pilipinas at Asia] Siya ay binyagan at lumaking Katoliko hanggang siya ay tumalikod noong 1902. Taong 1903 siya ay umanib sa mga kulto sa kabundukan ng Banahaw at San Cristobal (Quezon) hanggang siya ay tuluyang umanib sa mga sekta ng Iglesia Protestante na dala ng mga Amerikano. Una siyang umanib sa mga Methodists. Hindi nasiyahan sa mga Methodists at lumipat sa mga Presbyterians. Hindi nasiyahan sa mga Presbyterians, umanib sa Alliance of Christian Missionaries. Hindi nasiyahan sa mga ACM kaya't lumipat sa Seventh Day Adventists o mga Sabadista. Di nasiyahan sa mga Sabadista kaya't dito niya napagtanto na siya na mismo ang magtatag ng kanyang iglesia at papangalanang "Iglesia Ni Kristo" (INK), pinarehistro noong Hulyo 27, 1914 ngunit di kalauna'y pinalitan ng "Iglesia Ni Cristo" (INC). Noong 1919 siya ay nagtungo sa Estados Unidos upang mag-aral sa Pacific School of Religion isang paaralan ng mga Protestante (Pasugo Hulyo 1964, p. 182) sa paaralang tinuturing niyang mga "kay Satanas o sa demonyo" (Pasugo Agosto 1961, p. 39). Noong 1922 bumalik siya ng Pilipinas at doon nagsimulang mangaral na siya (Felix Y. Manalo) ay ang katuparan daw ng mga hula sa Biblia at inangkin ang titulo bilang "Huling Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw".
Dito tayo nakakasiguro na sa mga katulad nila ay mga ANTI-CRISTO. Silang mga nagsasabi na TUMALIKOD ang Iglesia. Ngunit ang katotohanan ay SILA ANG TUMALIKOD sa Iglesia. "Sa atin sila nanggaling ngunit hindi sila atin, sapagkat kung sila ay atin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ito ay nangyari upang matanyag na silang lahat ay hindi atin." -1 Juan 1:18-19
Ang PAGLILIGAW, PAGSISINUNGALING, PANLILINLANG nila ay tumpak na naging dahilan ng PAGTALIKOD rin ng maraming tao sa Iglesia ay KATUPARAN na nga ng mga HULA sa Biblia ukol sa pagdating ng mga BULAANG PROPETA o mga HUWAD na mga MANGANGARAL!
D. ANG KANYANG MGA LINGKOD NA NANINDIGAN SA PANANAMPALATAYA AY PAPATAYIN
KATHANG-ISIP lamang na sabihin ng INC™ 1914 na WALANG NATIRANG KRISTIANO mula nang MAMATAY ang mga Apostol. Sa mga nagsusuri, isang MALAKING KASINUNGALINGAN. MAPANLINLANG ang sasabihin na "walang natira" sa mga tagasunod ni Cristo mula nang namatay ang mga Apostol (c. 110 A.D.). Tunay nga na NAGANAP na ang mga HULA sa Biblia ukol sa pagdating ng mga BULAANG PROPETA! Gagawin lahat upang mandaya at manlinlang!
Hindi po totoo na 'walang natira' sa mga tagasunod ni Cristo mula nang namatay ang mga Apostol. Sa katunayan, LALONG LUMAGO ang mga mananampalataya habang ang mga UNANG KRISTIANO ay INUUSIG.
Umpisahan natin sa ating Panginoong Jesucristo. Siya ay PINATAY hindi dahil sa siya ay masamang tao. Siya ay PINATAY dahil NANINDIGAN siya sa KATOTOHANAN.
Ano ang katotohanan na pinanindigan ni Cristo?
Na SIYA NGA AY DIYOS na nagkatawang-TAO! Siya ay isinakdal ng mga Punong Saserdote at ng mga Hudyo sa salang "BLASPHEMY" o sa wikang Filipino ay ang PAGLAPASTANGAN SA DIYOS. Siya na nasa kalagayan bilang TAO ay NAGPAPANGGAP RAW na Diyos. At dahil si Cristo ay isang TAPAT at MATUWID na 'TAO' ay hindi niya ito tinatwa kundi NIYAKAP niya ang kamatayan kaysa itakwil ang KATOTOHANANG SIYA NGA AY DIYOS sa kalagayan ng TAO!
"Hindi ka namin binabato dahil sa mabuting gawain kundi ikaw na isang TAO lamang ay nagpapanggap na DIYOS." (Juan 10:33b)Si Cristo nga ay Diyos na nagkatawang tao! Si Jesus ~ VERBO ~ DIYOS ~ nagkatawang-TAO (Juan 1:1-4). At bagama't si JESUS ay NASA ANYONG DIYOS, nagpakababa, INARI ang KATANGIAN ng isang TAO, at NIYAKAP ang KAMATAYAN ~ oo, kamatayan sa KRUS. Kaya't sa Kanyang KALAGAYANG-TAO ay DINARANGAL siya ng DIYOS AMA at ginawa siyang DAKILA sa LAHAT ng bagay na NILALANG. At sa pamamagitan NIYA ang lahat ng tuhod maninikluhod, lahat ng dila idadakila SIYA bilang PANGINOON! (Filipos 2:4-9)
KUNG PINATAY ANG PANGINOON DAHIL SA KATOTOHANAN, HINDI NAKAHIHIGIT ang mga alagad. Kung INUSIG, pinahirapan at pinatay si Cristo alang-alang sa katotohanan, sila rin ay nakaranas nito. Sila ay PINATAY (maliban kay Apostol San Juan na namatay dahil sa katandaan noong c. 110 A.D.).
- San Pedro ~ pinatay sa Roma ng pabaliktad sa Krus
- San Pablo ~ pinugutan ng ulo sa Roma
- San Andres ~ (bandang Russia) pinaslang sa pamamagitan ng pagpapako rin sa krus
- San Tiago ~ (anak ni Zebedee) pinaslang ni Herod Agrippa I
- San Tomas ~ pinatay sa India sa pamamagitan ng sibat
- San Filipe ~ pinatay (Hilagang Afrika)
- San Bartolome ~ pinaslang habang nangangaral
- San Mateo ~ pinaslang habang nangangaral
- San Tiago ~ (anak ni Alpheus) pinaslang sa pamamagitan ng pagbato at hambalos
- San Simon ~ pinaslang sa pagtangging sumamba sa diyos-diyosan ng Persia
- San Matias ~ (kapalit ni Judas Iscariote) pinaslang sa pamamagitan ng pagsunog
- San Judas Thaddeus ~ pinaslang sa Persia
- San Juan ~ tanging alagad na namatay ng hindi pinahirapan
Source: Catholicism.org
Bagamat sila ay PINAHIRAPAN, INUSIG at PINATAY, lalong NAGNINGAS ang PANANAMPALATAYA ng mga KRISTIANO sa Diyos. At ang kanilang mga DUGO bilang mga MARTIR ay naging BINHI ng PANANAMPALATAYA na UMUSBONG hanggang sa kasalukuhan.
Sila'y mga TAPAT na SAKSI sa KATOTOHANAN, magigiting na IPINAGTANGGOL ang katotohanan. Sa kabila ng banta sa kanilang mga buhay, mas pinili nilang IALAY ito alang alang sa kanilang pananampalataya. Hindi nila ipinagkanulo ang Katotohanan ng ating pananampalatayang NATANGGAP mula sa kay CRISTO at sa mga APOSTOL.
Narito ang ilan sa mga PINASLANG na mga TAGASUNOD ni Cristo at ng mga ALAGAD.
Mula kay CRISTO at sa mga APOSTOL ang PAGPUPUTONG ng KAMAY sa kanilang mga KAHALILI ay HINDI NAPUTOL (unbroken line of succession) halimbawa kay Apostol SAN PEDRO, humalili si LINUS, sumunod si ANACLETUS, sumunod si CLEMENT I, sumunod si EVARISTUS. Sila ang unang APAT na humalili kay Apostol San Pablo. At sa kasalukuyan, si PAPA FRANCISCO ang ika-266 na kahalili ni Apostol San Pedro.
Ito naman ang listahan ng mga KAHALILI ni APOSTOL SAN MARCOS. [Basahin ang KASAYSAYAN ng KRISTIANISMO at ng PATRIARCHY]
Katulad ng mga BAYANI ng mga bansa, ang KAMATAYAN ng isang tao ay hindi katapusan kundi ito ay PATUNAY na sa kabila ng kamatayan, ang katotohan ay HINDI mapapatay ninoman.
KATOTOHANAN nga na PINASLANG ang mga NANINDIGAN sa KATOTOHANAN ngunit HINDI namatay ang KATOTOHANAN sa kanilang kamatayan kundi ang katotohanan ay UMUSBONG at naging BINHI ng PANANAMPALATAYANG KRISTIANISMO na PINATUNAYAN ng mga MARTIR at mga SANTO hanggang sa KASALUKUYAN, hanggang sa pagbabalik ng Panginoon!
Ang HAPDI ng PAGHIHIRAP ng mga ALAGAD ay alang-alang sa KATOTOHANAN at ang MAKALANGIT na GANTIMPALA ayon kay APOSTOL SAN PABLO ay KALIGTASAN ng mga HINIRANG (2 Timoteo 2:8-13):
Beloved: Remember Jesus Christ, raised from the dead, a descendant of David: such is my gospel, for which I am suffering, even to the point of chains, like a criminal. But the word of God is not chained. Therefore, I bear with everything for the sake of those who are chosen, so that they too may obtain the salvation that is in Christ Jesus, together with eternal glory.
This saying is trustworthy: If we have died with him we shall also live with him; if we persevere we shall also reign with him. But if we deny him he will deny us. If we are unfaithful he remains faithful, for he cannot deny himself.
E. ANG PAGKATALIKOD
Sa JERUSALEM itinatag ng Panginoong JESUS ang TUNAY na IGLESIA! IPINANGAKO niya sa mga ALAGAD na HINDING-HINDI ito MATATALIKOD kailanman (Mt. 16:16-18).
Kanyang sinabi: "Lilipas ang langit at lupa ngunit di lilipas ang aking mga salita." (Mt. 24:35)!
Itong PANGUNGUSAP ng Panginoon ay TOTOO mula noon hanggang NGAYON! Ni isa sa mga SINALITA ng Panginoong Jesucristo ang HINDI MABABALI.
Dugtong pa ni Jesus na SIYA ay MANANATILI sa kanyang IGLESIA HANGGANG sa KATAPUSAN NG MUNDO: "Tandaan ninyo na ako ay sumasainyo sa lahat ng araw hanggang sa wakas ng daigdig". (Mt. 28). ITO AY ISA ring PANGAKO! At uulitin natin, kapag SI JESUS ang NANGUSAP, HINDI ITO MABABALI (Mt. 24:35)
Ang mga BULAANG PROPETA ay nagpahayag ng SALUNGAT sa mga PANGAKO ni Cristo. Ipinangangaral nila na ang mga WINIKA ng Panginoon ay NABALI ~ DI NATUPAD! At ang kanyang mga PANGAKO ay LUMIPAS at DI NAGKATOTOO.
Pinalalabas ng mga BULAANG PROPETA na si JESUS ay isang SINUNGALING! Na ang kanyang mga SALITA ay WALANG SAYSAY.
PINALALABAS ng mga BULAANG PROPETA na ang Panginoong JESUS ay NAGKAMALI, NAGSINUNGALING at nagwika ng PANLILINLANG. Ngunit alam natin na ang GAWAING PANLILINLANG ay GAWAIN ng DIABLO. Sapagkat ang diablo ay ang AMA ng PANLILINLANG.
Sino ang mga NANLILINLANG, si JESUS ba o ang mga BULAANG PROPETA? Samakatuwid ang mga Bulaang Propeta ay mga KAMPON ni Satanas na ama ng PANLILINLANG!
Ang mga BULAANG PROPETA ay TUSO at mga MANLILINLANG Inaangkin nila na SILA raw ay ang TUNAY na Iglesia. Sila raw ay mga HULING PROPETA tulad ni JOSEPH SMITH, tagapagtatag ng MORMONISM noong Abril 6, 1830 sa New York USA; at ni Ginoong FELIX Y. MANALO na siya raw ang ang HULING SUGO NG DIYOS SA MGA HULING ARAW o isang ANGHEL, si Felix Manalo ang nagtatag ng IGLESIA NI CRISTO noong Hulyo 27, 1914 sa Sitio Punta, Sta. Ana, Maynila, Pilipinas.
Si Ginoong Smith at si Ginoong Manalo ay parehong nangangaral ng TOTAL APOSTASY upang SUMAKTO ang kanilang aral na SILA na ngayon ang tunay. Pingangaral ng mga BULAANG PROPETA na ang IGLESIANG TATAG NI CRISTO ay NATALIKOD na raw na GANAP (Total Apostasy) kaya't KAILANGANG ITATAG ito sa pamamagitan ni Ginoong Smith at ni Ginoong Manalo, dalawang umaangking HULING PROPETA at HULING ANGHEL ngunit hindi magkasundo kung sino sa kanila ang tunay na HULI at di magkasundo kung ang MULING PAGLITAW ba ng TUNAY na Iglesiang tatag ni Cristo na TUMALIKOD ay ang MORMONISM o ang IGLESIA NI CRISTO®! Ngunit iisa ang katotohanan sa kanilang dalawa, PAREHO SILANG MGA HUWAD!
Kung PANIWALAAN natin ang mga PAG-ANGKIN ni Ginoong Joseph SMITH at ni Ginoong Felix Y. MANALO, para na rin nating pinaniniwalaan na SINUNGALING at MANDARAYA ang Panginoong Jesus.
Dahil alam na natin na HINDI MATATALIKOD ang IGLESIANG tatag ni Cristo, lalong luminaw na ang mga NAGSISULPUTANG mga IGLESIA kuno ay HINDI tunay kundi mga HUWAD lamang!
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK [Iglesia ni Kristo] ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang." (ang pagdidiin ay amin lamang)Tumpak!
Ngunit alam naman natin na NAPARITO na ang mga BULAANG PROPETA upang LINLANGIN ang IGLESIA. Naparito sila upang BALIIN ang mga SALITA ng DIYOS upang sumakto sa kanilang aral. Ginagawa nila ito upang MALINLANG ang Iglesia at may mga aanib sa kanila. Naparito sila upang PASINUNGALINGAN ang mga pangako ni Cristo.
NATUPAD na nga ang mga hula sa Biblia. Ang babala ni Cristo sa PAGDATING ng mga ANTI-CRISTO o mga BULAANG PROPETA ~ mga KAAWAY NI CRISTO, ang babala sa atin ay ganito: 'MANGAG-INGAT KAYO NA HUWAG MALILIAGAW NINOMAN." (Mt. 24:4)
[BASAHIN: 'HINDI RAW IGLESIA KATOLIKA ANG TUNAY NA IGLESIA?']
![]() |
[From 1517 onwards these faces of protestants changed the Christian religion and had caused many division among them not agreeing on one thing in the Bible that led them to split, divide and corrupted the Bible. Photo Source: Concordiaseniorliving.com] From 1st Century to 16th Century, "[u]ntil that point, for a person to feel connected to God, the Catholic Church was the only place to turn to hear the scripture or take part in the blessed sacraments from parish priests."
|
F. MULING PAGLITAW SA MALAYONG SILANGAN?
Bilang Iglesiang TATAG ni Cristo, ang IGLESIA KATOLIKA ang KAISA-ISANG IGLESIA may kasaysayang pabalik sa PANAHON ni CRISTO at ng mga APOSTOL. Ito ay NASUSULAT lahat sa mga AKLAT ng KASAYSAYAN.
The Church at Rome, which would later develop into what we know as Roman Catholicism, was started in the apostolic times (circa AD 30-95). -Christianity.comMula sa JERUSALEM hanggang maipangaral ng mga alagad sa buong EMPERO ng ROMA ang KADALISAYAN ng ating pananampalataya, ang IGLESIA po SA ROMA na TINUTUKOY ni Apostol San Pablo na BINABATI ng LAHAT NG MGA IGLESIA NI CRISTO (Roma 16:16) ay siya ring IGLESIANG KINIKILALA sa BUONG MUNDO bilang IGLESIA KATOLIKA
Ang IGLESIA NI CRISTO mula pa noong unang siglo ay NAKATAYO pa HANGGANG sa KASALUKUYAN at HINDI po ito NATALIKOD!
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."
PASUGO Mayo 1954, p. 9:
“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."
Sa kabuuan, kung ang IGLESIA KATOLIKA sa SIMULA AY SIYANG IGLESIA NI CRISTO (Pasugo Abril 1966, p. 46) ay ang MAY PINAKAMATANDANG KASAYSAYAN ng pag-iral na halos UMABOT na sa mahigit-kumulang na 2,000 taon. HINDI NATALIKOD at HINDI MATATALIKOD KAILANMAN! ITO nga ang IGLESIANG TATAG ni CRISTO na "HANGGANG SA KASALUKUYAN" ay patuloy na inaakit ng diablo para tumalikod (Pasugo Abril 1966, p. 46).
KATOTOHANAN ang MAGLILIGTAS sa TAO. Na ang IGLESIA NI CRISTO ay ang IGLESIA KATOLIKA!
The Catholic Church is the oldest institution in the western world. It can trace its history back almost 2000 years. -BBCWALANG PAGTALIKOD kaya't WALANG LILITAW na ibang IGLESIA! Kung mayroon mang MAGSISIBANGON ngayon na iglesia at TATAWAGING mga IGLESIA NI CRISTO rin, ang mga ito ay HUWAD o PEKE! (PASUGO Mayo 1968, p. 7)
[BASAHIN: Iglesia ni Cristo Symbol, nasa Biblia ba ang kahulugan ng kanilang bandila?]
Friday, August 2, 2019
Saturday, July 27, 2019
JULY 27: (FACT) Today in Philippine History, Felix Manalo founded Iglesia ni Cristo in Punta Sta. Ana, Manila
Posted under July history ~ Kahimyang.com
Thursday July 26, 2012 (7 years ago)
On July 27, 1914, Brother Felix Manalo founded Iglesia ni Cristo (INC), largest homegrown Christian Church in the Philippines, in Punta, Sta. Ana, Manila.
Brother Manalo, whom followers and members recognized as God’s messenger, professed to the reestablishment of the original church founded by Jesus and claimed that the original church was apostatized.
The INC began with a handful of followers with Manalo as its head minister propagated his message within his local area, subsequently growing its members and converting members of other religions.
![]() |
| (First Iglesia Ni Cristo Congregation in Punta, Sta. Ana, Manila) |
In 1924, the INC had about 3,000 to 5,000 members in 43 or 45 congregations in Manila and six nearby provinces. By 1936, the INC had 85,000 members. This figure grew to 200,000 by 1954.
A Cebu congregation was built in 1937, the first to be established outside of Luzon, and the first in the Visayas.
The first mission to Mindanao was commissioned in 1946.
Its first concrete chapel was built in Sampaloc, Manila in 1948.
As Manalo's health began to fail in the 1950s, his son, Eraño Manalo started to take leadership of the church. Felix Manalo died on April 12, 1963.
The first overseas INC mission was sent in 1968 on its 54th anniversary and in 1973, the church established a congregation in Honolulu, Hawaii on July 27, and in San Francisco, California.
The Ministerial Institute of Development, currently the New Era University College of Evangelical Ministry, was founded in 1974 in Quiapo, Manila. It moved to its current location in Quezon City in 1978.
In 1995, New Era University had 4,500 students and five extension schools in Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga and Rizal.
In 1971, the INC Central Office building was built in Quezon City. Fifteen years later, the Central Temple was added in the complex. The Tabernacle, a tent-like multipurpose building which can accommodate up to 4,000 persons, was finished in 1989. The complex also includes the New Era University, a higher-education institution run by the INC.
Eraño Manalo died on August 31, 2009. His son, Eduardo V. Manalo, succeeded him as executive minister upon his death.
According to the 2000 census of the Philippine National Statistics Office, 2.3 percent of the population in the Philippines was affiliated with the Iglesia ni Cristo.
Membership in the INC is conferred through baptism. People who wish to be baptized in the INC must first submit to a formal process taking at least six months.
Once someone officially registers with their locale, the person is given the status of Bible Student, as they are called within the Iglesia ni Cristo and taught the 25 lessons concerning fundamental beliefs of the INC.
Thursday and Sunday are its days of worship.
On July 27, 2009, President Gloria Arroyo declared this day of every year as the “Iglesia ni Cristo Day.”
The declaration was in keeping with Republic Act 9645, signed into law by the President on June 12, 2009, which designated the said day as a special working holiday in recognition of the founding anniversary of the INC in the Philippines.
References:
Philippine News Agency
Wikipedia
Photo: Wikipedia Commons
------------------------------------------------------------------------------------------------
![]() |
| Source: On This Day |
![]() |
| Source: Wikipedia |
![]() |
| Source: INC Official Website |
Saturday, December 29, 2018
INC™ Was Founded By Felix Manalo Says Manila Times
"Manalo is the eldest son of the late INC executive minister Eraño Manalo. His grandfather, Felix Manalo, founded the influential religious group in 1914." -Manila Times December 18, 2018
Friday, October 5, 2018
104 Taon ng Pagkakatatag: Paano Sila Naging Tunay?
Tuwang-tuwa at galak na galak ang mga kaanib ng samahang tatag ni Ginoong Felix Manalo ~ang Iglesia Ni Cristo® ~ sa tuwing sumasapit ang ika-27 ng Hulyo. Ito ay sapagkat ipinagdiriwang nila ang taon ng kanilang anibersaryo ng PAGKAKATATAG.
Ayon sa kanilang REHISTRO ang kanilang relihiyon ay itinatag ni G. Felix Manalo noon lamang ika-27 ng Hulyo 1914. Kaya't sa taon ng mga Katoliko na 2018, sila ay isandaan at apat (104) taon pa lamang ng pag-iral.
Sabihin man nila ng paulit-ulit na ang IGLESIA KATOLIKA ay peke, hindi tunay at tatag ng mga pagano, hindi pa rin ito papasa sa simpleng pagsusuri sa kasaysayan sapagkat sila na rin mismo ang umaamin na sila'y KAILAN lamang ITINATAG. Sapagkat ang Iglesia Katolika ay 2,018 taon na samantalang sila ay 104 pa lamang.
At sa Europa, sila ay 50 AÑOS pa lamang samantalang ang Iglesia Katolika ay halos 1,951 taon nang umiiral doon. Kung pagbabatayan natin ang bilang ng taon upang angkinin ang mga katagang "God's promises fulfilled" eh, malamang hindi sila ang tinutukoy kundi ang IGLESIA KATOLIKA na sa "pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." (Pasugo Abril 1966, 9. 46).
Maging ang kanilang PAG-AANGKIN na ang "tunay" raw na Iglesia ay "NAKABALIK NA" sa kanyang "ORIHINAL" na tahanan, malaking katanungan pa rin sa atin kung BAKIT HANGGANG NGAYON AY NASA PILIPINAS PA RIN ANG KANILANG CENTRAL?
Kung ika'y isang kaanib sa INC™-1914 at ipinangaral sa iyo na ang "tunay" raw na Iglesia ay "nakabalik" na nga naman sa kanyang "original home" ayon sa itiniwalag na si Isais Samson Jr, hindi ba't kagalak-galak na balita ito?
At dahil alam mo bilang isang INARALAN ng mga ministro ng INC™-1914 na ang ITINATAG ni G. Felix Manalo sa Pilipinas ay isang LOKAL lamang na kailangang IBALIK sa Jerusalem, hindi ba't NAKAKAPAGTATAKA nga naman na ang CENTRAL na PAMAMAHALA nito ay HINDI NALIPAT sa "original home" nito sa Jerusalem?
Lumalabas na ang INC™-1914 na tatag ni G. Manalo sa Pilipinas ay HINDI TOTOONG LOKAL lamang kundi ito ay isang IGLESIANG pagmamay-ari niya. Kaya't ang SENTRONG PAMAMAHALA nito ay HINDING-HINDI maililipat ito sa ibang bansa kundi sa PILIPINAS lamang. Sa Pilipinas itinatag at sa Pilipinas rin ito magwawakas! Ang pagkakaroon ng Central Offices ng Iglesia Ni Cristo® sa Pilipinas ay hudyat na walang kinalaman si Cristo sa samahang 'yan at lalong wala silang koneksyon sa original na iglesia sa Jerusalem man o sa Roma.
IGLESIA SA ROMA, BINABATI BA NG LAHAT NG IGLESIA NI CRISTO®?
At bilang pang-wakas, ang kanilang paboritong talata sa Biblia, ang ROMA 16:16, wala po itong kinalaman sa kanila. Ang pinatutungkulan nito ay ang IGLESIA KATOLIKA na NASA ROMA.
Bakit kaniyo?
Sapagkat ayon sa talata, "binabati KAYO (Iglesia sa Roma) ng lahat ng mga iglesia ni Cristo".
Bakit? May pagbati ba ang lahat ng "Iglesia Ni Cristo®" sa kanilang lokal sa Roma?
Wala pa akong natatandaan na ang lahat ng kanilang mga lokal sa buong mundo ay nagpapabati sa kanilang lokal sa Roma!
Saang parte ba ng mundo sila nagpapabati?
Sa kanilang CENTRAL sa Pinas.
Kailan?
Sa tuwing sumasapit ang ika-27 ng buwan ng Hulyo, araw ng kanilang pagkakatatag sa Pilipinas!
Kaya't kung kayo ay kaanib sa IGLESIA KATOLIKA, magalak at magpuri kayo sa Panginoong Diyos sapagkat ITO ay ang IGLESIANG INIIBIG ng Diyos, TINAWAG sa kabanalan, biyaya at kapayapaan at ang PANANAMPALATAYANG KATOLISISMO ay BANTOG sa BUONG MUNDO (Universal o καθ' ὅλης Kata Holos (Catholic)!
Ἡ μὲν οὖν ἐκκλησία καθ' ὅλης τῆς Ἰουδαίας καὶ Γαλιλαίας καὶ Σαμαρείας εἶχεν εἰρήνην, οἰκοδομουμένη καὶ πορευομένη τῷ φόβῳ τοῦ κυρίου, καὶ τῇ παρακλήσει τοῦ ἁγίου πνεύματος ἐπληθύνετο. [Acts 9:31]
Saturday, June 2, 2018
IGLESIA NI CRISTO®: Bakit Filipino (Tagalog) Ang Opisyal na Pangalan?
![]() |
| Photo Source: INCDirectory |
MAGSURI! 'Yan po ang malimit nating naririnig na mungkahi ng mga kaanib ng INC™ sa tuwing nag-aanyaya silang makinig sa kanilang mga pamamahayag na ginaganap lamang sa kanilang mga lokal na kapilya. Ang pagsusuri ay nahahaluhan ng pagsisinungaling at panlilinlang upang mahikayat ang mga Katoliko na umanib sa kanilang kulto.
Nais nilang anyayahing makinig ay ang mga Katoliko na kulang o salat sa kaalamang pambibliya o kaalaman sa katuruan ng Iglesia Katolika. Una nilang aatakihin ay ang pangalan na IKAR daw (Iglesia Katolika Apostolica Romana). Ang "IKAR" raw ay wala sa Bibla kaya't hindi raw ito maituturing na tunay. [Basahin: Kung Wala sa Biblia, PEKE?]
Samantalang ang "Iglesia Ni Cristo" raw ay nababasa sa Biblia, kaya't sila raw ang tunay (?). Halimbawa ay ang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-ROMA 16:16 at Mga GAWA 20:28 (at pagdating sa Mga Gawa 20:28, ayaw nila sa ibang salin kundi Lamsa version lamang!)
Nais nilang anyayahing makinig ay ang mga Katoliko na kulang o salat sa kaalamang pambibliya o kaalaman sa katuruan ng Iglesia Katolika. Una nilang aatakihin ay ang pangalan na IKAR daw (Iglesia Katolika Apostolica Romana). Ang "IKAR" raw ay wala sa Bibla kaya't hindi raw ito maituturing na tunay. [Basahin: Kung Wala sa Biblia, PEKE?]
Samantalang ang "Iglesia Ni Cristo" raw ay nababasa sa Biblia, kaya't sila raw ang tunay (?). Halimbawa ay ang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-ROMA 16:16 at Mga GAWA 20:28 (at pagdating sa Mga Gawa 20:28, ayaw nila sa ibang salin kundi Lamsa version lamang!)
Pero ang tunay na pagsusuri ay ang alamin nang malaliman ang mga bagay-bagay na totoo sa hindi totoo. Halimbawa na lamang ng pangalang IGLESIA NI CRISTO® bilang REGISTERED TRADEMARK at kung bakit TAGALOG o FILIPINO ang OPISYAL na PANGALAN bilang Iglesiang TATAG daw ni Cristo? Why it CANNOT STAND ALONE as "Church of Christ"?
Halimbawa, ang larawan sa itaas. Ito ay ang kanilang lokal na kapilya sa Salt Lake City, District of Mount States sa Estados Unidos.
Sa USA, INGLES (English) po ang wika at hindi po sila nakakaunawa ng Tagalog o Filipino. Bagamat Ingles ang pangunahing wika, hindi nila maaaring ipakilala ang INC™ bilang "Church of Christ" sapagkat bago pa 1914 ay may daan-daan nang mga umusbong na grupo ang nagparehistro at tumawag sa kanila bilang "Church of Christ". [Basahin: Ang INC at COC ay pareho ba o iisa?]
Ang isang masusing nagsusuri ay naitanong niya kung bakit permanenteng TAGALOG ang pagkakakilanlan sa iglesiang "tatag" ni Cristo.
Sa USA, INGLES (English) po ang wika at hindi po sila nakakaunawa ng Tagalog o Filipino. Bagamat Ingles ang pangunahing wika, hindi nila maaaring ipakilala ang INC™ bilang "Church of Christ" sapagkat bago pa 1914 ay may daan-daan nang mga umusbong na grupo ang nagparehistro at tumawag sa kanila bilang "Church of Christ". [Basahin: Ang INC at COC ay pareho ba o iisa?]
Ang isang masusing nagsusuri ay naitanong niya kung bakit permanenteng TAGALOG ang pagkakakilanlan sa iglesiang "tatag" ni Cristo.
Halimbawa, sa kanilang World Walk to Fight Poverty, bagamat sa wikang Ingles ang balita pero sa lokal na wika (Filipino) pa rin ipinapakilala ang iglesiang tatag raw ni Cristo kahit na sa wikang Ingles pa ang artikulong sinulat.
At maging sa kanilang iba't ibang lokal sa ibang bansa ay wala pa ring pagkakaiba. Una, pinapakilala sa FILIPINO (Tagalog) kasunod ang salin nito sa lokal na wika ng bansa. Halimbawa nitong mga nasa ibaba:
![]() |
| Africa |
![]() |
| Afrikaans |
![]() |
| Chinese |
![]() |
| French |
![]() |
| Italian |
![]() |
| Japanese |
![]() |
| Korean |
![]() |
| Malay |
![]() |
| Portuguese |
![]() |
| Spanish |
Bakit Filipino (Tagalog)?
Sa pangangaral ng yumaong ERAÑO G. MANALO, ang anak mismo ng tagapag-tatag ng Iglesia Ni Cristo®, pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan, sa kanilang ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag, minsan niyang nasabi ang mga ganito:
Masasabi natin na ang Iglesia Ni Cristo na nagsimula rito sa Pilipinas, at sinimulan ng isang Pilipino, at itinataguyod ng mga angaw-angaw ng mga Pilipino, ay tumayo sa kanyang sariling paa.
Pilipino raw ang NAGSIMULA ng Iglesia Ni Cristo o INC at sa PILIPINAS raw ito nagsimula.
Tama po ang mga pahayag ng yumaong Ka Erdy. Sapagkat ito rin ang pinapatunayan ng kanilang REGISTRATION na ang sabi:
"That this said applicant (Felix Manalo) is the founder and present head of the Society named "Iglesia Ni Kristo" and desires to convert said society into a unipersonal corporation."
Ayon sa REHISTRO, si FELIX Y. MANALO raw po ang aplikante, siya rin daw po ang TAGAPAGTATAG at ULO ng nasabing samahang "Iglesia Ni Kristo", isang Pilipino, at sa Pilipinas po niya ito itinatag noong ika-27 ng Hulyo taong 1914.
Ibig lamang sabihin na ang PAGKAKAREHISTRO ng nasabing samahan ay SA FILIPINO o TAGALOG kaya't ITO ANG MANANATILING PAGKAKAKILANLAN nito, maging sa kanyang pagtawid sa iba pang parte ng mundo, KILALA po siya bilang IGLESIA NI CRISTO.
Wala siyang pagkakaiba sa iba pang mga KORPORASYON na REGISTERED PATENT TRADEMARK. Kung anong REGISTERED NAME nito ay siya rin ang pangalang gagamitin nila sa lahat ng kanilang pagpapakilala sa buong mundo!
Halimbawa na lamang ng samahang "Jehovah's Witnesses". Bagamat INAMIN nilang MALI nga naman ang pangalan ng Diyos bilang JEHOVAH pero dahil ito na ang pagkakakilanlan nito sa buong mundo kaya nagpasya ang pamunuan ng nasabing relihiyon na MANANATILI na lamang na Jehovah's Witnesses ang pangalang gamit nila ayon sa pagkakarehistro nito.
Ito rin ang patotoo ng kanilang opisyal na magasing PASUGO!
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
[Nagsimula po sila sa pangalang "IGLESIA NI KRISTO" (INK) bago pa ito ay binago sa kanyang pagkakakilanlan sa kasalukuyan bilang "IGLESIA NI CRISTO" (INC)]
Ganon din naman ang pagtanggap ng mga kaanib ng Iglesia ni Felix Y. Manalo na siya nga naman ang NAGTATAG ng institusyong kanilang kinaaaniban!
![]() |
| Mula sa Iglesia Ni Cristo blog |
Maging sa mga balita, ang pagpapakilala nila kay Felix Y. Manalo at sa Iglesia Ni Cristo ay iisa. Na si Felix ang NAGTATAG at ang Iglesia Ni Cristo ang KANYANG ITINATAG na iglesia at sa PILIPINAS po niya ito itinatag!
Kaya sa kabuuan, ang Iglesia Ni Cristo® po ay PROUD PHILIPPINE MADE, tatag ng isang Pilipino at sa Pilipinas ito nagsimula.
Kaya't kung sabihin man ng kanilang mga mangangaral na sila ang tunay, kasaysayan at dokumento na lamang po ang magpapatunay tungkol sa katotohanang iyan.
Kaya't kung sabihin man ng kanilang mga mangangaral na sila ang tunay, kasaysayan at dokumento na lamang po ang magpapatunay tungkol sa katotohanang iyan.
Kung Hindi Tunay ang Iglesia Ni Cristo®-1914, alin ang Tunay na Iglesiang Tatag ni Cristo?
Umpisahan natin sa maikling video sa ibaba.
Ayon sa video, ang Iglesia Katolika ay hindi po sumulpot na lamang tulad ng INC™. Ito ay napapatunayan sa kasaysayan ng Kristianismo na ITO NGA ang IGLESIANG TATAG ni CRISTO noong UNANG SIGLO.
Ayon sa Online Britannica Encyclopedia, na ganito ang sabi:
Ayon sa Online Britannica Encyclopedia, na ganito ang sabi:
"The Roman Catholic Church traces its history to Jesus Christ and the Apostles. Over the course of centuries it developed a highly sophisticated theology and an elaborate organizational structure headed by the papacy, the oldest continuing absolute monarchy in the world."
Ito rin naman ang pagpapatotoo ng BBC, ang Iglesia Katolika raw umiral na noon pang mahigit kumulang na 2,000 taon na ang nakakaraan.
"The Catholic Church is the oldest institution in the western world. It can trace its history back almost 2000 years."
Ito naman ang buod ng katotohanan sa kasaysayan ng ating kaligtasan, nasusulat sa Wikipedia ang mga ganito:
"...the history of the Roman Catholic Church is integral to the history of Christianity as a whole. It is also, according to church historian, Mark A. Noll, the "world's oldest continuously functioning international institution." This article covers a period of just under two thousand years."
Ano naman ang pananaw ng Iglesia Ni Cristo® ukol sa Iglesia Katolika?
Ayon sa Iglesia Ni Cristo® na tatag ni Felix Manalo noon lamang 1914, ay ganito:
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.” -PASUGO July-August 1988, p. 6
"The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century..." -PASUGO March-April 1992, p. 22
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." -PASUGO Abril 1966, p. 46
Sa kabuuan, ang IGLESIA KATOLIKA po ay IGLESIA NI CRISTO. Wala pong kaduda-duda ito. Kaya't sa inyong pagsusuri, akayin natin sila pabalik sa Iglesia Katolika para sa kanilang kaligtasan. Tanging ang tatag ni Cristo lamang na iglesia ang makakapagligtas, hindi ang tatag ng tao!
Purihin ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. Purihin ang NAG-IISANG DIYOS!
Purihin ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. Purihin ang NAG-IISANG DIYOS!
* * *
Subscribe to:
Posts (Atom)










































