Sala na naman sa katotohanan ang mga INC™1914 dito sa screenshot natin sa kanan.
Ang KONTEKSTO nito kung bakit GINAMIT ng Catholic Faith Defender ang Confraternity Bible para PATUNAYAN na may NAKASULAT (alinmang salin) sa Biblia na 'HOLY CATHOLIC APOSTOLIC ROMAN CHURCH' ay sapagkat may CHALLENGE question mula sa INC™1914 kung NASA BIBLIA BA ANG PANGALANG 'IGLESIA KATOLIKA APOSTOLICA ROMANA'?
Ang sagot ng Catholic apologist ay, 'MERON'. At BINASA nga nito ang NASUSULAT sa CONFRATERNITY BIBLE. Ang punto rito ay MERON ngang nakasulat sa Biblia.
KATULAD ng PAGGAMIT, EXCLUSIVELY, ng INC™1914 sa LAMSA para lamang patunayan na ang salitang 'iglesia ni Cristo' ay naroon sa Biblia. Yun nga lang, sa ORIHINAL na TEKSTO ng BIBLIA ay 'iglesia ng Diyos' o God's Church (church of God) at HINDI 'iglesia ni Cristo'.
Sa nasabing LAMSA TRANSLATIONS, hindi matanggap ni George Lamsa na ang DIYOS AY MAY DUGO! Kaya't para kay Lamsa, MALI ang nakasulat sa original na Biblia. Sapagkat HINDI DAPAT na MAY DUGO ang Diyos. Dahil para sa kaniya, ang DIYOS ay ESPIRITU at WALA siyang dugo. Kaya BINAGO ni Lamsa. Inalis ang 'iglesia ng Diyos' at pinalitan ng 'iglesia ni Cristo' sapagkat si Cristo raw yung may Dugo at hindi ang Diyos (Ama).
Ang ganitong LIKONG PANANAW kay CRISTO ay BUMENTA sa INC™. Kaya't sa TUWING ginagamit nila ang argumento na ang 'Iglesia Ni Cristo'® raw ay NAKASULAT sa BIBLIA, ginagamit nila ang MGA GAWA 20:28 (Acts 20:28) LAMSA bukod sa ROMA 16:16, kahit alam nilang ang Lamsa ay hindi tinatanggap na batayan ng halos lahat ng Kristiano.
Attendite vobis, et universo gregi, in quo vos Spiritus Sanctus posuit episcopos regere ecclesiam Dei, quam acquisivit sanguine suo.
ENGLISH
Keep watch, then, over yourselves, and over the church of God, in which the Holy Spirit has made you bishops; you are to be the shepherds of that flock which he won for himself at the price of his own blood.
TAGALOG
Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Diyos na binili niya ng kaniyang sariling dugo.
HINDI rin MATANGGAP ng Iglesiang TATAG ni Ginoong FELIX Y. MANALO na ang IGLESIA KATOLIKA, HANGGANG sa KASALUKUYAN ay SIYA pa ring TUNAY na IGLESIA NI CRISTO!
PASUGO, Abril 1966, p. 46:
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
Kung HANGGANG sa KASALUKUYAN, ang IGLESIA KATOLIKA PA RIN ang SIYANG IGLESIA NI CRISTO MULA sa PASIMULA pa, ANO ang KAHIHINATNAN ng IGLESIA NI CRISTO® 1914?
Ang sabi ng PASUGO, ang INC™ na TATAG LAMANG nitong 1914 ay HUWAD o PEKE!
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
Bakit naman HUWAD o PEKE ang INC™?
Sapagkat, ayon sa Pasugo, ang mga NAGSISIBANGON daw NGAYON na mga IGLESIA at sila rin ay NAGSASABING mga 'IGLESIA NI KRISTO' (INK), ang mga ito ay HINDI RAW TUNAY kundi mga HUWAD LAMANG!
Malimit nating maririnig sa mga kaanib saIglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo na ang ILILIGTAS lang raw ng Diyos sa huling mga araw ay ang 'Iglesia Ni Cristo'. At ang kanilang sitas sa Biblia ay mula saEFESO 5:23na nagsasabi ng ganito:
“Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, TULAD NI CRISTO NA SIYANG ULO NG IGLESYA, NA KANYANG KATAWAN, AT SIYANG TAGAPAGLIGTAS NITO.”
At dahil ang 'IGLESIA' raw ay ang KANYANG KATAWAN, kaya't ITO raw ang Kanyang ililigtas.
Ang Iglesia Ni Cristo® ba na TATAG ni Ginoong Felix Manalo noong 1914 ang TINUTUKOY na KATAWAN ni CRISTO?
HINDI PO!
Ang IGLESIANG tinutukoy na KATAWAN ni CRISTO ay ang IGLESIANG TATAG MISMO ni CRISTO at hindi ni Ginoong Manalo.
Sa dinami-rami ng mga NAGPAPANGGAP na Iglesia raw ni Cristo, alin sa mga ito ang TUNAY at ORIG na IGLESIA NI CRISTO?
Matutulungan tayo ng INC™1914! Ang sabi ng INC™1914 sa pamamagitan ng kanilang OPISYAL na MAGASING PASUGO ay ganito:
PASUGO Abril 1966, p. 46:
"Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
PASUGO July-August 1988 p. 6.
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.”
PASUGO March-April 1992, p. 22
"The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century..."
Mula sa PASUGO, pinatutunayan lamang nila na ang IGLESIANG TATAG NI CRISTO ay WALANG IBA kundi ang IGLESIA KATOLIKA. Ito ang IGLESIA NI CRISTO na KANYANG KATAWAN na KANYANG ILILIGTAS!
Kaya't IPAGDAMOT niyo na lamang po ang inyong 'KALIGTASAN' sapagkat KAYO na rin mismo ang NAGPATUNAY na ang KALIGTASAN ay NASA TUNAY NA IGLESIA na si CRISTO MISMO ang NAGTATAG at MAY-ARI. Wala pong NAGHAHANGAD sa HUWAD na KALIGTASAN mula sa IGLESIANG TATAG ng TAO!
At kahit na ano pang pagpupumilit ng mga MINISTRO ng INC™1914 na ang IGLESIA NI GINOONG FELIX Y. MANALO ang TUNAY, hindi pa rin ito tumpak sapagkat MISMONG PASUGO ang tumukoy kung ANONG URI ng IGLESIA ang ITINATAG noon lamang 1914.
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
Na GANITO rin naman ang SINASABI ng KASAYSAYAN at ng mga ENCYCLOPEDIA
Iglesia ni Cristo (INC), (Tagalog: “Church of Christ”) Cristo also spelled Kristo ... was established by Félix Ysagun Manalo in 1914. -BRITANNICA ENCYCLOPEDIA
The brainchild of one Felix Y. Manalo, the INC came into being in 1914 with Manalo as the church’s executive minister. INC teaching exalts Manalo as God’s last messenger, and that only members of the Church will be saved come the Rapture, for (in the INC’s view) all other Christian denominations have watered down Christ’s teachings. -ASIA BY AFRICA
Iglesia ni Cristo (Tagalog pronunciation: [ɪˈglɛ̝ʃɐ ni ˈkɾisto̞], abbreviated as INC ... founded and registered by Felix Y. Manalo in 1914 as a unipersonal religious corporation to the United States administration of the Philippines. -WIKIPEDIA
GANITO rin ang FACTUAL REPORTING ng mga MAMAMAHAYAG sa buong mundo. Sabi nila si FELIX MANALO raw po ang NAGTATAG ng INC™ noong 1914!
INC’s festivities today commemorate the official establishment of the church as its founder, Felix Y. Manalo, registered Iglesia Ni Cristo with the Government of the Philippine Islands, through the Bureau of Commerce, as a corporate sole on July 27, 1914.
Founded by Felix Manalo in 1914, Iglesia ni Cristo exerts huge political influence in the Philippines, despite being outnumbered by the country’s more than 75 million Catholics.
Founded by Felix Manalo in 1914, Iglesia ni Cristo exerts huge political influence in the Philippines, despite being outnumbered by the country's more than 75 million Catholics.
[Eduardo] Manalo’s grandfather, Felix, founded the Iglesia in 1914 after being dissatisfied with the teachings of the Roman Catholic Church. He went into seclusion with religious literature and emerged with the idea of the Iglesia as “the one true church” with all other religions, including the Catholic Church, as apostates. Calling himself the last messenger of God...
INC was established in 1914 in Manila by Felix Manalo, a charismatic man who was raised a Catholic, became a Protestant preacher then founded his own religion.
INC was established in 1914 in Manila by Felix Manalo, a charismatic man who was raised a Catholic, became a Protestant preacher then founded his own religion in which he proclaimed himself the last messenger of God.
Ang Iglesia ni Felix Y. Manalo ~ ang Iglesia Ni Cristo® ay iglesiang puno ng panlilinlang. Niyuyurakan ang Panginoong Hesus samakatuwid ay mga kaaway ni Cristo (2 Juan 1:7)
Sa kanilang Online Pasugo, hinati sa TATLO ang kanilang artikulo LABAN sa PAGKA-DIYOS ng ating Panginoong HESUS. Pinamimilit nila na si HESUS ay TAO LAMANG at ang AMA ang TANGING DIYOS. Inaaway nila ang kanilang sariling mga MALING UNAWA sa DOKTRINA ng TRINIDAD. Para sa kanila ang 'Banal na Santatlo' ay nagtuturong TATLO ang DIYOS.
Sa kanilang 'Is Christ God' part1 of 3 series [https://www.pasugo.com.ph/is-christ-god-part-i/] bagamat si CRISTO raw ay tinatawag na ANAK NG DIYOS, hindi pa rin Siya Diyos sapagkat HINDI raw niya TAHASANG (o literal) inamin na Siya ay DIYOS.
Totoo kaya?
Kapansin-pansin na SADYANG PINUTOL nila ang KARUGTONG ng SITAS: "After Jesus said this, he looked toward heaven and prayed: 'Father, the time has come. GLORIFY YOUR SON, that YOUR SON may GLORIFY YOU... Now this is eternal life: that they may KNOW YOU, the ONLY TRUE GOD, and JESUS CHRIST, whom you have sent."
Heto yung SADYANG PINUTOL na karugtong ng kanilang sitas: I GLORIFY YOU ON EARTH by finishing the work that you gave to do. So now, FATHER, GLORIFY ME in your own presence WITHTHE GLORY THAT I HAD IN YOUR PRESENCE BEFORE THE WORLD EXISTED."
SAPUL! Sadyang HINDI nila SINIPI ang kasunod na talata upang MAKAPANLINLANG!
Kung TAO LAMANG ang ATING PANGINOONG HESUS, bakit SIYA'Y NAROON na KASAMA ng DIYOS AMA BAGO pa LALANGIN ang MUNDO?
Sapagkat SIYA AY DIYOS!
"But now you seek to kill Me, a MAN who has told you the truth which I heard from God..." (John 8:40)
May PINUTOL na naman ang mga MANDARAYANG MANGANGARAL na AYAW nilang MAKITA natin. Narito ang KABUUAN ng JUAN 8:40-58 (New King James Version):
"You do the deeds of your father.”
Then they said to Him, “We were not born of fornication; we have one Father—God.”
Jesus said to them, “If God were your Father, you would love Me, for I proceeded forth and came from God; nor have I come of Myself, but He sent Me.
Why do you not understand My speech? Because you are not able to listen to My word. You are of your father the devil, and the desires of your father you want to do. He was a murderer from the beginning, and does not stand in the truth, because there is no truth in him. When he speaks a lie, he speaks from his own resources, for he is a liar and the father of it. But because I tell the truth, you do not believe Me. Which of you convicts Me of sin? And if I tell the truth, why do you not believe Me? He who is of God hears God’s words; therefore you do not hear, because you are not of God.”
Then the Jews answered and said to Him, “Do we not say rightly that You are a Samaritan and have a demon?”
Jesus answered, “I do not have a demon; but I honor My Father, and you dishonor Me.
And I do not seek My own glory; there is One who seeks and judges. Most assuredly, I say to you, if anyone keeps My word he shall never see death.”
Then the Jews said to Him, “Now we know that You have a demon! Abraham is dead, and the prophets; and You say, ‘If anyone keeps My word he shall never taste death.’
Are You greater than our father Abraham, who is dead? And the prophets are dead. Who do You make Yourself out to be?”
Jesus answered, “If I honor Myself, My honor is nothing. It is My Father who honors Me, of whom you say that He is [o]your God. Yet you have not known Him, but I know Him. And if I say, ‘I do not know Him,’ I shall be a liar like you; but I do know Him and keep His word.
Your father Abraham rejoiced to see My day, and he saw it and was glad.”
Then the Jews said to Him, “You are not yet fifty years old, and have You seen Abraham?”
Jesus said to them, “Most assuredly, I say to you, before Abraham was, I AM.”
Nagtatalo ang mga Hudyo at si Cristo tungkol sa KUNG SINO nga ba SIYA? Sapagkat NALILITO ang mga Hudyo sa Kanyang aral. PINAPAHIWATIG kasi ng Panginoong Hesus na SIYA RIN AY DIYOS KATULAD NG AMA.
At sa mga katulad nilang AYAW MANIWALA sa Kanyang pagka-Diyos ay mga KAMPON ng DIABLO!
Kaya't sa KATIGASAN ng kanilang mga ulo, tulad ng katigasan ng ulo ng Iglesia Ni Cristo® na tatag ni G. Felix Y. Manalo, isang PASABOG na parang MALAKING BOMBA ang PAG-AMIN niyang 'BAGO PA (umiral o isinilang si Abraham) ay'I AM' (Ako ay Ako Nga).
Simplehan natin.
Ang PAGKAUNAWA ng mga HUDYO sa SALAYSAY ni HESUS ay PINALALAGAY NIYANG SIYA'Y DIYOS KATULAD NG AMA sapagkat NAROON na Siya BAGO PA LALANGIN ang mundo; at NAROON na Siya BAGO PA UMIRAL si ABRAHAM na halos 2,000 taon ang kasing-tanda niya kay Cristo (bilang tao). Ang PAG-IRAL na ito ni Cristo bago pa lalangin ang mundo ay NANGANGAHULUGANG SIYA AY DIYOS ETERNALLY CO- EXISTED WITH THE FATHER na HINDI MATANGGAP ng mga Hudyo noong kapanahunan Niya at HINDI rin MATANGGAP ng mga KAANIB sa Iglesiang tatag ni Felix Y. Manalo!
At ang paggamit ni Cristo ng salitang 'I AM' na Siya rin ang PAGPAPAKILALA ng Diyos Ama kay Moises sa Bundok ng Horeb (Exodo 3:14) PARA SA MGA HUDYO ay ISANG KALAPASTANGANAN sa Diyos sapagkat para sa kanila, ang Diyos Ama lamang ang tanging Diyos (sounds familiar ba?).
Isa lang ang kayang patunayan ng Iglesiang tatag ni Felix Manalo: na si CRISTO AY TAO.
Ngunit pinatutunayan ng Biblia na si CRISTO ay TOTOONG DIYOS na NAGKATAWANG-TAO kaya't Siya ay may BUTO, Siya ay may DUGO at Siya ay MAY-ANYO. At ang mga di-tumatanggap na si CRISTO (DIYOS) na NAPARITO sa LAMAN (naging tao) ay mga kaaway ni Cristo, kampon ng Diablo at mga ANTI-CRISTO (2 Juan 1:7)!
Kung mayroon mang doktrinang GAWA-GAWA lamang ay ang doktrinang si FELIX Y. MANALO ay ang 'Huling Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw'! Sapagkat WALANG NABANGGIT sa Biblia na FELIX Y. MANALO at wala ring sinabing may HULING SUGO sa katauhan ni Felix Manalo!
Narito na naman ang isang video ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na pinamagatang "Bakit Kailangan Ang Tunay na Iglesia?"
Mahaba ang nasabing episode ngunit ating tatalakayin lamang nating ang mga unang ilang minuto ng kanilang episode. Ipapaliwanag natin kung bakit KAILANGAN natin unawain ang kahalagahan ng PAG-ANIB sa TUNAY na Iglesiang TATAG MISMO ng ating PANGINOONG HESUS at HINDI ang HUWAD na iglesiang TATAG ni taong katulad ni GINOONG FELIX Y. MANALO sa PILIPINAS noong 1914
HUWAD NA IGLESIA
Sa pambungad na salaysay ni Ginoong Leonardo Pidlaoan Jr., [1:30] sinasabi niyang may ilan daw na umanib na sa Iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo, ang INC™, at naging "ganap" na raw ang kanilang pananampalataya matapos raw na "marinig ang mga aral ng ating Panginoong Diyos" sa pamamagitan ng kanilang mga bayarang ministro.
Linawin lamang po natin. HINDI PO ARAL ng ating PANGINOONG DIYOS ang ipinangangaral ng kanilang mga bayarang ministro kundi ARAL po ito ni Ginoong FELIX Y. MANALO ayon na rin sa PAG-AMIN ng kanilang magasing PASUGO.
PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
PASUGO May 1961, p.4:“At sino nga ba ang gumagawa ng mga leksiyong itinuturo ng mga ministro, maging sa mga pagsamba, mga doktrina o mga Propaganda? Ang Kapatid na Felix Manalo.”
PASUGO Mayo 1963, p. 27:“Kaya’t sa katuparan ng hula, ang lahat ng mga itinuturo ng mga Ministro ng INK sa mga pagsamba, sa mga doktrina, sa mga pamamahayag sa gitna ng bayan, ay si Kapatid na Felix Manalo lamang ang bumabalangkas at nagtuturo sa kanila.”
Malinaw po ang kanilang mga pahayag., na ang INC™ ay si kapatid na Felix Manalo ang NAGTATAG.
Walang aral na galing sa Diyos na masusumpungan sa kanilang mga doktrina sapagkat ang mga ITINUTURO nilang LAHAT ay BINALANGKAS mula sa mga KATHA at sa SARILING UNAWA ni Ginong Felix Y. Manalo na siyang NAGTATAG at NAGREHISTRO ng "Iglesia Ni Cristo®" sa Pilipinas!
At dahil SIYA ANG NAGTATAG ng INC™, SIYA rin ang GUMAGAWA ng mga leksiyonng ITINUTURO ng mga ministro.
Si G. FELIX Y. MANALO rin ang gumawa ng leksiyon sa PAGSAMBA.
Si G. FELIX Y. MANALO rin ang GUMAWA ng kanilang DOKTRINA o PROPAGANDA. TANGING si FELIX MANALO lamang LAHAT ang gumawa!
Ang PAGSULPOT ng INC™ sa Pilipinas noong 1914 ay isang "katuparan" daw ng "hula". SANG-AYON po tayo diyan. Ang pagsulpot ng huwad na iglesia (raw) ni Cristo sa Pilipinas ay katuparan ng mga hula sa Biblia.
Bago pa man SUMULPOT ang Iglesia Protestante noong noong 1517, at ng Iglesia Ni Cristo® noong 1914, PINAUNA na ng Biblia ang pagbibigay ng BABALA na darating ang mga BULAANG MANGANGARAL!
Ang sabi ng ating Panginong Hesus ng ganito:
"Mag-ingat sana kayo at huwag padaya kanino man. Sapagkat marami ang magsisiparito sa aking pangalan... At marami ang madadaya... Lilitaw ang maraming huwad na propeta upang iligaw ang mga tao... lilitaw ang mga huwad na Cristo at mga huwad na propeta na magpapakita ng malalaking tanda at mga kababalaghan, upang iligaw, kung maaari lamang, kahit na ang mga hinirang." -Mateo 24:3-12;24
PANAHON pa ng Panginoong Hesus at mga alagad NAPAKALINAW na ng BABALA! Darating ang mga HUWAD na mangangaral at gagamitin ang pangalan ng ating Panginoong HesuKristo para makapanlinlang! Sounds familiar!
Kailan pa itong babalang ito? Mahigit 1,432 TAON bago pa sumulpot ang Protestantismo noong 1517! Mahigit 1,829 TAON bago pa itatag ni G. Felix Manalo ang kanyang INC™ noong 1914!
At nakakapangilabot na SILA pa ang may lakas-loob na gamitin ang mga talata ng Biblia ukol sa pagdating mga mga bulaang propeta samantalang SILA ang katuparan ng mga hulang ito?
Si APOSTOL SAN PABLO, hindi rin nagpahuli sa PAGBIBIGAY ng kaparehong BABALA. Aniya:
"Sapagkat darating ang panahon na hindi na maaatim ng mga tao ang mabuting aral; sa halip, dala ng kanilang mga pithaya at sa pangangati ng kanilang mga tainga ay magbubunton sa kanilang sarili ng mga guro at itatalikod ang tainga sa katotohananat ibabaling naman sa mga alamat." -II Timoteo 4:3-4
Hindi nga ba't ALAMAT lamang ang PAG-AANGKIN ni G. Felix Y. Manalo SIYA AY ANGHEL na hinulaan daw sa Biblia?
Hindi ba't ALAMAT din ang PAG-AANGKIN nila na ang pagsulpot raw ng INC™ sa Pilipinas noong 1914 ay nahulaan din daw sa Biblia?
At ang mga alamat na ito ay siyang kanilang saligan ng mga doktrina at turo nilang galing raw sa Diyos?
Samantalang malinaw nilang INAMIN na si Felix Y. Manalo ang BUMALANGKAS at GUMAWA ng lahat ng TURO, LEKSIYON at DOKTRINA na kanilang ITINUTURO, PINANGANGARAL, PINAPANIWALAAN at SINASAMPALATAYANAN?!
Mas MATANDA pa ang BABALANG ITO kaysa sa PAGKAKATATAG ng INC™. Ang INC™ ay 106 taon pa lamang umiiral. Samantalang ang babalang ito ay mahigit 1,377 - 1,824 taon na! Ngunit may PAKUNSWELO ang ating Panginoong Hesus sa ATING mga tunay na KAANIB sa TUNAY na Iglesia! Mataimtim niyang IPINANGAKO sa ATING mga HINIRANG na SIYA (SI CRISTO) ay SUMASAATIN sa LAHAT ng ARAW HANGGANG sa WAKASng PANAHON! (Mateo 28:20).
Kung SUMASAATIN ang ating Panginoong sa LAHAT NG ARAW, ibig lamang sabihin nito na HINDI NIYA INIWAN ang KANYANG IGLESIA.
TALIWAS sa aral ng INC™ na NATALIKOD na raw na GANAP ang UNANG IGLESIANG TATAG ni Cristo, NANGAKO ang Panginong Hesus na HINDI AALIS, HINDI LILISAN at HINDI TATALIKOD sa KANYANG IGLESIA, kaya't MAKASISIGURADO tayong kailanman HINDI MATATALIKOD ang Kaniyang tatag na Iglesia (Mateo 16:18)
At dahil diyan LALONG NALANTAD ang KASINUNGALINGAN ng mga ARAL at TURO ni G. Felix Y. Manalo ukol sa "TOTAL APOSTACY" o TULUYANG PAGTALIKOD daw ng SINAUNANG IGLESIA NI CRISTO ~ ang IGLESIA KATOLIKA!
At ang pangako niyang HINDI TATALIKOD ay MATUTUPAD, GANAP at HINDI MABABALI: "Lilipas ang langit at lupa ngunit di lilipas ang aking mga salita!" (Mateo 24:35)
Kung MAY TUMALIKOD sa Unang Iglesia, HINDI si Cristo KUNDI si Felix Y. Manalo! Kung may NAGTAKWIL sa Unang Iglesia, hindi si Cristo kundi si G. Felix Y. Manalo!
At sa Kanyang pagparitong muli, ang mga TAPAT at HINDI TUMALIKOD sa TUNAY na IGLESIA, at HINDI NAGPADAYA sa mga BULAANG PROPETA ay MALILIGTAS:
"Ang manatiling tapat hanggang sa wakas ay maliligtas!" -Mateo 24:13
FELIX Y. MANALO ULO AT TAGAPAGTATAG NG ng IGLESIA NI CRISTO® 1914
Ito ang KATOTOHANANG SINASALIGAN ng mga MAMAMAHAYAG na sinusulat nila sa mga pahayagan mula sa mga aklat-kasaysayan at mga encyclopedia: na ang Iglesia Ni Cristo na tatag sa Pilipinas ay opisyal na ITINATAG ni G. Felix Y. Manalo noong Hulyo 27, 1914.
Sa tuwing sumasapit ang Hulyo 27 bawat taon, binabanggit ng mga mamamahayag na ang Iglesia Ni Cristo® na sumulpot sa Pilipinas ay si FELIX MANALO ang NAGTATAG at ULO nito! !
"Iglesia ni Cristo Executive Minister Eduardo Manalo, the church's 3rd leader, follows in the footsteps of Iglesia founder Felix Manalo." -Rappler's article 'Key figures in the 2015 Iglesia ni Cristo controversy: Where are they now?'
"Some Philippine banknotes from 2014 also display the church’s seal in commemoration of the centenary, and July 27th (the day Felix Manalo founded the INC) was designated as a special non-working holiday in 2009." -Asia By Africa article 'Iglesia Ni Cristo: The controversial Filipino sect targeting Africa'
"A Protestant author, Dr. Arthur Leonard Tuggy, attributes the Iglesia Ni Cristo's fantastic grwoth to, among other factors, Dedicate laymen eager to spread their message and an effective deployment of ministers. "And behind all this," he notes, "was the continuing charismatic LEADERSHIP OF ITS FOUNDER-HEAD, FELIX MANALO, [emphasis mine] now firmly anchored to a doctrinal base as God's messenger for the Philippines..." -PASUGO May-June written by Isabelo T. Crisostomo
At kung may umanib man sa iglesiang TATAG ni G. F. Manalo, ito ay HINDI KAGANAPAN ng pananampalataya kundi ito ay KATITISURAN sapagkat WALANG ARAL ang BIBLIA para UMANIB sa isang HUWAD na iglesia, lalo na't ito ay malinaw na ITINATAG ng isang TAONG si G. FELIX MANALO.
Ayon pa kay Ginoong Padlaoan Jr., [1:49] kung malalaman daw lamang ng mga inanyayahan kung GAANO KAHALAGA ang TUNAY na IGLESIA, "AYON SA BIBLIA", tiyak raw niyang marami ang hindi tatanggi.
Wala po tayong pagtatanggi sa KAHALAGAHAN ng TUNAY NA IGLESIA sapagkat ito isang bagay na LIKAS sa tao, ang UMANIB SA TUNAY at ITAKWIL ang HUWAD.
Kung may PAGTATANGGI man sa pag-aanyaya ng mga mangangaral ng INC™ 1914 ay sapagkat ALAM ng TAO, AYON SA KASAYSAYAN na ang Iglesia Ni Cristo® ay HUWAD at ito'y NAGPAPANGGAP LAMANG na tatag ni Cristo, ngunit sa KATOTOHANAN ay SALAT!
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."
Ang TUNAY na Iglesia ni Cristo, AYON SA BIBLIA at KASAYSAYAN ay IISA. Kung anong ITINATAG noong Iglesia ay SIYA PA RING IGLESIA NGAYON. Ang Iglesiang itinatag noon at Iglesia pa rin hanggang sa kasalukuyan ay walang iba kundi ang IGLESIA KATOLIKA!
PASUGO Abril 1966, p. 46: “Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
PASUGO JULY AUGUST 1988 pp. 6.“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.”
PASUGO MARCH-APRIL 1992, p. 22: "The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century..."
At paano ba sasang-ayunan ng Biblia ang PAG-AANGKIN ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na ARAL MULA SA BIBLIA ang itinuturo nila samantlaang NAKADEPENDE sila sa BIBLIA na NANGGALING sa IGLESIA KATOLIKA?!
NAGBUBUNGA BA NG KABANALAN ANG MGA KAANIB SA INC™ 1914?
Tanong ulit ni G. Leonardo Pidlaoan Jr., [1:59] "PAG-ARALAN NATIN, GAANO NGA BA KAHALAGA ANG TUNAY NA IGLESIA? MAYROON BA ITONG MALAKING KINALAMAN PARA ANG ISANG TAO AY MAKAGAWA NG MABUTI PARA SA KANYANG IKABABANAL AT IKALILIGTAS?"
Kung KABANALAN lang naman ang pag-uusapan, HANGGANG sa KASALUKUYAN ay WALA pang namatay na kaanib ng INC™ ang MAITUTURING na "BANAL" sa tradisyonal at modernong pamantayan. WALA pa silang TAONG MAITUTULAD sa kabanalang PINAMALAS NINA Apostol San PEDRO, ni San FRANCISCO de Assisi. WALA pa silang taong katulad ni Mother TERESA ng Calcutta o ni Santo JUAN PABLO IIna kinilala ng buong mundo at binigyan ng parangal sa kanilang huling hantungan bilang pagkilala sa kanilang kabanalan at kabayanihan alang-alang sa pangalan ni Cristo at ng Kanyang iglesia?!
Sa kasaysayan ng PAGKAKATATAG ng Iglesia Ni Cristo® 1914, namatay si Ginoong Felix Y. Manalo na WALANG PALATANDAAN ng KABANALAN. Bagkos SIYA ay NAMATAY na NALAMATAN at NADUNGAISAN ang REPUTASYON dahil sa AKUSASYON ni ROSITA TRILLANES na siya raw di umanoy ay PINAGSAMANTALAHAN ni G. FELIX Y. MANALO.
Ganoon din ang PAGLALAHAD ng isang nagngangalang LESLI WOLFE ukol sa PAGKATAO ni G. Felix Y. Manalo bilang isang mangangaral noon sa nasabing kinaaniban niyang iglesia.
Ayon daw sa salaysay ng kanyang asawa, si G. Felix Y. Manalo raw ay MAPANG-ABUSONG asawa at HINDI TAPAT sa kanilang KASAL. At dahil sa mga PASA na nakita sa kanyang asawa, si Ginoong Felix Y. Manalo ay napatunayang NAGKASALA (guilty) na nagresulta ng PAGKATIWALAG sa kanya.
Ganoon din si G. ERAÑO G. MANALO, HINDI rin siya NAKITAAN ng KABANALAN maliban sa PAGKILALA sa naging AMBAG niya sa PAGPAPALAGO at pagpapalaganap ng iglesiang MINANA niya sa kanyang yumaong amang si G. Felix Y. Manalo, bagay na gagawin ninuman na tumanggap ng isang pamanang pangkabuhayan.
At sa kasalukuyang Executive Minister na si G. EDUARDO V. MANALO, siya ay INAKUSAHAN mismo ng KANYANG PAMILYA ng PAGMAMALABIS at KURAPSIYON. Narito ang ilan sa mga balitang namayagpag sa buong mundo ukol sa di-umano'y korapsyon at pagmamalabis sa pamamahala ng INC™.
Kaya't sa naisin pa nating ipagpatuloy ang pakikinig sa kanilang episode, SAPAT SAPAT na sa ating malaman na sa pasimula pa lamang ng kanilang episode ay punung-puno na ito ng panlilinlang at pandaraya, bagay na hindi akma sa isang institusyon na nagpapakilalang "kay Cristo".
Ang isang bagay na TUNAY NA SA DIYOS ay HINDI NANLILINLANG at HINDI NANDARAYA ng kapwa-tao. Hindi BABALUKTUTIN ang mga TALATA ng Biblia para sumakto sa kanilang mga baluktot na aral; at hindi aangkinin ang bagay na tanging sa Diyos at sa ating Panginoong Hesus lamang. At hindi ipagpapalagay na sa Diyos ang mga bagay na handog at nakalaan sa sanlibutan tulad ng Iglesia Ni Cristo® Incorporated na itinatag at rehistradong pagmamay-ari ni Ginoong Felix Y. Manalo!
PASUGO Mayo 1964, p. 1:
“Inihandog ng Dios ang kanyang sarili sa kanyang huling sugo upang dumiyos sa kanya. Samakatuwid, ang tanging may Dios sa huling araw na ito'y ang huling sugo -- si Kapatid na Felix Manalo."
MAGTATAGUMPAY ANG IGLESIANG TATAG NI CRISTO NOONG UNANG SIGLO AT MAHAHAYAG ANG KASINUNGALINGAN NG HUWAD NA IGLESIANG TATAG NOONG 1914.
Jesus said:"You are Peter and upon this rock I will build MY church and the gates of hell shall not prevail against it." -Mt. 16:18 (emphasis mine)
[The Roman Catholic Church traces its history to Jesus Christ and the Apostles. Over the course of centuries it developed a highly sophisticated theology and an elaborate organizational structure headed by the papacy, the oldest continuing absolute monarchy in the world. -Online Encyclopedia Britannica]
Felix Manalo said:"Why, who is Quirino? He is a man just the same as I am. I am not afraid of him. Show fear to no man -- that is the best way to defend your rights. Members of MY church were beaten up, some killed because they refused to vote for Quirino." -Free Press, February 11, 1950 (emphasis mine)
[Iglesia ni Cristo (INC), (Tagalog: “Church of Christ”) Cristo also spelled Kristo, international Christian religious movement that constitutes the largest indigenous Christian church in the Philippines. It was established by Félix Ysagun Manalo in 1914. -Online Encyclopedia Britannica]
Pasugo explained:"'Note His words "My Church."'My' is a possessive pronoun that denotes possession and ownership.'" - PASUGO January 1974, p. 8 (emphasis mine)
SAMAKATUWID, ang Iglesia noong Unang Siglo ay KAY CRISTO! At ang Iglesiang sumulpot lamang nitong 1914 ay KAY FELIX Y. MANALO!
ANG IGLESIA KATOLIKA ANG TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO!
"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." These four characteristics, inseparably linked with each other, indicate essential features of the Church and her mission. The Church does not possess them of herself; it is Christ who, through the Holy Spirit, makes his Church one, holy, catholic, and apostolic, and it is he who calls her to realize each of these qualities." -Catechism of the Catholic Church (emphasis mine)
"The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century persecuted by the Roman emperors until the fourth century..." -PASUGO March-April 1992, p. 22 (emphasis mine)
PAREHONG OPISYAL na PINAHAHAYAG ng IGLESIA KATOLIKA at ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na ang TUNAY na IGLESIANG KAY CRISTO ay ang IGLESIA KATOLIKA!
At bilang pangwakas, ating pakinggan ang mga pahayag ng isang Muslim Imam ukol sa turo ng Iglesia Ni Cristo® 1914 laban sa Iglesia Katolika.
"Ang Biblia ba ninyo ay gawa ba ninyo yan?" Sabi, "Hindi!"
"San ba nagmula ang biblia ninyo?" Sabi niya, "Sa iglesia, sa Iglesia Katolika Apostolika Romana."
Sabi ko, "Iglesia Ni Cristo kayo, tapos yung Biblia ninyo ay nagmula sa Romana Katolika Apostolika? Hindi sila nakakaintindi sa Biblia nila, aklat ng Katoliko, hindi sila nakakaintindi. At kayong mga Iglesia Ni Cristo, NAGBABASA lamang, sa AKLAT NG MGA KATOLIKO, kayo ang nakakaintindi?
Dahil the HISTORY OF THE BIBLE, we cannot deny, the history of the Bible was compiled, collected by the early Christian Catholics. While the Roman Catholics in this latest century they are reading the Bible, at ang BIBLIA ORIGINAL ay NAGMULA sa ROMANO KATOLIKO!"
"Imposible na ang GUMAWA sa Biblia ng ROMANO KATOLIKO ay maiimpierno. Yung lumikha sa Biblia maiimpierno. Yung NAGBABASA maparaiso? Imposible naman!