Showing posts with label INC-Anti Cristo. Show all posts
Showing posts with label INC-Anti Cristo. Show all posts

Saturday, January 11, 2025

Bakit kaya "Inutos" ng Diyos Ama na Sambahin din si Cristo tulad Niya kahit, para sa INC1914 ay isang Tao lamang si Cristo?

Malimit na pinaghuhugutan ng mga kaanib sa INC ni Felix Y. Manalo ang Exodo 20:3 kung saan INUUTOS ng Diyos ang MAHIGPIT na BILIN niyang WALANG IBANG SASAMBAHIN kundi SIYA LAMANG!

Pero sa ibang banda, inuutos din sa mga kaanib ng INC ni Felix Y. Manalo na si CRISTO ay DAPAT din daw SAMBAHIN, sapagkat UTOS din daw ito ng AMA.

Samakatuwid baga'y SINASALUNGAT na ng Diyos Ama ang KANYANG UTOS na SIYA LAMANG ang DIYOS at SIYA LAMANG ang DAPAT SAMBAHIN?

Ngunit alam naman natin na HINDING-HINDI maaaring salungatin ng Diyos Ama ang kanyang sarili. Kaya ang pinakamamalapit na kasagutan sa mga kaanib ng INC na tatag ni Felix Y. Manalo noong 1914 ay, ang sabihin sa kanila na MALING-MALI ang kanilang pagkaunawa. SILA ANG MALI. Hindi ang Diyos Ama.


FILIPOS 2:5-11


Ang kanilang tinutukoy na INUTOS daw ng DIYOS AMA na SAMBAHIN si HESUS ay hango sa Sulat ni Apostol Pablo sa mga taga-Filipos 2:5-11 na ganito ang sabi:

"Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. 
Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siya bilang tao. 
At nang siya'y maging tao, nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.  
Dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. 
Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. 
At ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.


[Ang pagdidiin ay nagmula lamang sa atin.] 


ANONG MGA DAHILAN KUNG BAKIT SI CRISTO AY PANGINOON DIN NA DAPAT SAMBAHIN AYON SA FILIPOS 2?

  • UNA, SIYA AY DIYOS! Ganyan ang kanyang kalagayan!
  • PANGALAWA, Siya ay nagpakumbaba (humble). Hinubad niya ang pagka-Diyos, NAPARITO sa LAMAN (Tao) at NAMUHAY na daig pa ang isang ALIPING walang karapatan at walang halaga.
  • PANGATLO, naging MASUNURIN (obidient), sa Ama. Inalay niya ang Kanyang sarili bilang BAYAD sa ating mga kasalanan. NIYAKAP niya ang KAMATAYAN na dapat sana ay kaparusahan sa kasalanan ng tao-- at ang Kanyang kamatayan ay hindi basta-basta ordinaryong kamatayan kundi ISANG KAMATAYAN bilang kaparusahan ng isang taong nagkasala-- ang KAMATAYAN SA KRUS.
DAHIL DITO sa mga binanggit ni Apostol San Pablo, DINADAKILA ng Diyos Ama ang ANAK. Na sa Kanyang PANGALAN, ang lahat ay maninikluhod sa kanya bilang pagsamba, at ang lahat ng wika ay MAGPAPAHAYAG na si CRISTO AY PANGINOON sa kaluwalhatian ng IISANG DIYOS AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO!

TANONG: BAKIT HINDI PINAPAHAYAG NG MGA KAANIB SA INC NI FELIX MANALO ANG FILIPOS 2:5-8?

SAGOT: Sapagkat malinaw na sinasabi sa mga talatang nabanggit na si Cristo ay nasa anyo ng kalikasan ng Diyos. Sa madaling salita, Siya ay Diyos na nagkatawang-tao, kaya't nakikita natin siya sa kanyang anyong Tao!

TANONG: BAKIT PINASASAMBA SI CRISTO TULAD NG SA DIYOS AMA?

SAGOT: Sapagkat ang utos ng Diyos sa Exodu 20:3 na tanging Diyos lamang ang dapat sambahin. At kung si Cristo ay Panginoon din tulad ng Diyos Ama; at Siya ay Diyos din tulad ng Ama (Ako at ang Ama ay Iisa (Juan 14:9), marapat lamang na sambahin din si Cristo!

TANONG: NGAYON AT ALAM NA NG MGA INC ANG DAHILAN KUNG BAKIT SINASAMBA SI CRISTO, ANONG MANGYAYARI SA KANILA KUNG AYAW PA RIN NILANG TANGGAPIN SI CRISTO BILANG DIYOS NGUNIT SINASAMBA PA RIN BILANG TAO?

SAGOT: Sila'y mananagot sa kanilang katigasan ng ulo. Sila ay masusunog sa dagat-dagatang apoy sapagkat tahasan nilang tinalikuran ang katotohanan tungkol sa Anak ng Diyos na si Cristo na ating Panginoon.

TANONG: MAY KAHIHINATNAN BA ANG KANILANG PAGSUWAY? SILA BA AY MAITUTURING NA MGA TAGA-SUNOD NI CRISTO?

SAGOT: Hindi sila maituturing na tagasunod ni Cristo. Sa kanilang tahasang pagsuway sa katotohanan, sila ay mga kaaway ni Cristo - o mga anti-Cristo.

TANONG: NAPAKARAHAS NAMAN YATA NG PARATANG. ANO PO BA ANG ATING SALIGAN PARA SABIHING HINDI SILA MGA KAIBIGAN NI CRISTO?

SAGOT: Pasasagutin natin ang Sulat ni Apostol San Juan (2 Jn 1:7-8a), ganito ang sabi; 

"Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y naparito sa lamang bilang tao. Ang ganoong tao ay mandaraya at kaaway ni Cristo. Mag-ingat nga kayo upang huwag mawalang saysay ang aming pinagpaguran..."

 

Kaya't ang paalala ni Apostol San Juan ay ang mag-ingat sa kanila. Sila ay mg tuso. Gumagamit ng Bibliang hindi naman nila pinaghirapan, at lalong wala silang ambag rito. Sila ay nakikibasa lamang sa aklat ng mga Katoliko ngunit ipapangaral nilang mas sila pa ang nakakaunawa kaysa sa mga Katoliko na silang nagbigay ng Biblia sa sangkakristianuhan!

 



Sunday, May 16, 2021

DALAWA ang DIYOS? O SINUNGALING lang si G. FELIX Y. MANALO?

 


Ilan ba ang Diyos?

Ang sabi ng BIBLIA, IISA lamang ang Diyos! (Deut. 6:4) "Makinig ka, O Israel! Ang Panginoon nating Diyos ay ang tanging Panginoon!"

Ganito rin ang pag-uulit ng KATOTOHANANG ang DIYOS ay IISA, (sa 1 Cor. 8:6) "...subalit sa atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na pinagmulan ng lahat ng bagay, at tayo'y sa kanya, at iisa ang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya'y nangyayari ang lahat at sa kaparaanan niya tayo ay nabubuhay."

Ano naman ang sabi ng opisyal na KATEKISMO ng Iglesia Katolika ('na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo.' - Pasugo Abril 1966, p. 46)?

CCC §199 - "I believe in One God." [Sumasampalataya ako sa IISANG DIYOS!]

Sino nga ba ang NAGSASABING DALAWA ang DIYOS?

Silang mga di nakakaunawa ng Biblia at  katuruan ng Iglesia Katolika ang NAGSASABI na ang DIYOS ay DALAWA o TATLO.

Isa ang Iglesiang tatag ni G. Felix Y. Manalo sa Pilipinas noong 1914 na NAGPUPUMILIT na 'TATLO' raw ang DIYOS ng mga KATOLIKO: Isang Diyos Ama at isang Diyos Anak at isang Diyos Espiritu?

Sa kanilang MALAKING KAMANGMANGAN sila'y nagtutulak na ang Diyos daw ng mga Katoliko ay TATLO.

Subalit ang KATOTOHANAN, ang DIYOS ay IISA sa TATLONG PERSONA. At ito ang OPISYAL na KATURUAN ng TUNAY na IGLESIANG TATAG ni CRISTO, at ang KATURUANG ito ay MALINAW na NASUSULAT sa BIBLIA.

John 1:1;14

"...the Word was with God ...the Word was God... the Word became flesh, and made his dwelling among us, and we saw his glory, the glory as of the Father’s only Son, full of grace and truth." [Ang Salita ay Diyos. At ang Salita ay NAGKATAWANG-TAO ~ Siya ay NAGING TAO sa katauhan ng ating Panginoong Hesus.]

John 1:18

"No one has ever seen God. The only Son, God, who is at the Father’s side, has revealed him." [May mas lilinaw pa ba sa letra por letrang banggit ng Biblia, ang BUGTONG NA ANAK, DIYOS?]

John 3:13

"No one has gone up to heaven except the one who has come down from heaven, the Son of Man" [Malinaw na sinasabi ng Panginoong Hesus na SIYA ay NAGMULA sa LANGIT... na nagkatawang-tao.]

John 3:31

"The one who comes from above is above all... But the one who comes from heaven [is above all]." [Siya, na galing sa langit. Siya ay bumaba galing langit sa pamamagitan ng paglilihi ng Inang Birheng Maria.]

John 5:17-18

"My Father is at work until now, so I am at work. For this reason the Jews tried all the more to kill him, because he not only broke the sabbath but he also called God his own father, making himself equal to God" [Ninais patayin ng mga Hudyo sapagkat malinaw sa pang-unawa nila na INAAKO ni Cristo ang pagka-Diyos maliban sa Ama na Siyang kinikilala lamang ng mga Hudyo bilang tanging Diyos. Sounds familiar ba mga INC™ 1914?]

John 6:38

"...because I came down from heaven not to do my own will but the will of the one who sent me." [Paulit-ulit na sinasabi ng Panginoong Hesus na Siya ay GALING SA LANGIT. Hindi lang Siya tao lamang!]

John 6:44

"No one can come to me unless the Father who sent me draw him, and I will raise him on the last day." [Diyos lamang ang nagbibigay ng buhay]

John 6:46

"Not that anyone has seen the Father except the one who is from God; he has seen the Father." [Wala pang nakakita sa Diyos Ama kundi si Cristo LAMANG sapagkat Siya'y KASAMA ng Ama mula pa sa pasimula. Siya ay ETERNALLY BEGOTTEN, naroon na Siya BAGO pa lalangin (bago pa si Abraham, AKO NGA) ang lahat ay nalalang sa PAMAMAGITAN niya... Siya na sa pasimula ay Salita, Siya na nasa Diyos at Siya na Diyos tulad ng Ama ay NAPARITO sa LAMAN ~ nagkatawang-tao ~ isinilang na tao ~ kaya't ang DIYOS nagkalaman, may anyo, may dugo, may buto!]

John 8:29

"The one who sent me is with me. He has not left me alone, because I always do what is pleasing to him." [Paulit-ulit niyang sinasabi na Siya at ang Ama ay IISA!]

John 8:58

'You are doing the works of your father!' [So] they said to him, “We are not illegitimate. We have one Father, God'”... (John 8:41) Jesus said to them, “Amen, amen, I say to you, before Abraham came to be, I AM.” [Bilang-TAO sinasabi niya sa mga Hudyo na bago pa (isilang o lalangin) si Abraham Siya'y SIYA NA NGA (katulad ng pagpapakilala ng Diyos kay Moses bilang "I AM sa Exodu 3:14)

John 10:30-31

"The Father and I are one. The Jews again picked up rocks to stone him." [Siya at ang Ama ay IISA!]

John 10:36

"...can you say that the one whom the Father has consecrated and sent into the world blasphemes because I said, ‘I am the Son of God’? [Anak ng Diyos, Diyos Anak]

John 10:38

"...you may realize [and understand] that the Father is in me and I am in the Father." [Ang Ama at si Hesus ay IISA.]

John 11:27

"Yes, Lord. I have come to believe that you are the Messiah, the Son of God, the one who is coming into the world." [Si Hesus, Anak ng Diyos, naparito sa laman ~ ipinanganak,  naging tao, nagkalaman ~ Diyos nagkaroon ng anyo, nagkaroon ng dugo, laman at buto ~ sapagkat Siya ay nagkatawang-tao!]

John 12:44-45

Jesus cried out and said, "Whoever believes in me believes not only in me but also in the one who sent me, and whoever sees me sees the one who sent me." [Makikita ang Diyos Ama kay Hesus sapagkat ang Ama at Anak ay IISA!]

John 13:19

[Jesus said:] "From now on I am telling you before it happens, so that when it happens you may believe that I AM." [God replied to Moses: I am who I am. Then he added: This is what you will tell the Israelites: I AM has sent me to you. -Ex.3:14)]

John 17:5

Jesus said: "Now glorify me, Father, with you, with the glory that I had with you before the world began." [Malinaw na sinasabi ni Hesus na ang KANYANG KALUWALHATIAN ay NAROON na KASAMA ng DIYOS AMA bago pa lalangin ang mundo! Siya nga ay DIYOS!]

John 17:11

"Holy Father, keep them in your name that you have given me, so that they may be one just as we are." [Hangga't hindi pumasok sa mga kukote ng mga Manalo followers ang katotohanan na ang DIYOS AMA at DIYOS ANAK ay IISA!]

John 17:21

"...that they may all be one, as you, Father, are in me and I in you..." [IISA ang DIYOS sa AMA at ANAK (at BANAL NA ESPIRITU)]

John 17:22

"And I have given them the glory you gave me, so that they may be one, as we are one." [Ang kaluwalhatian ni Cristo ay nagmula sa Ama na siya ring kaluwalhatian ng Ama.]

John 18:37

"For this I was born and for this I came into the world, to testify to the truth. Everyone who belongs to the truth listens to my voice." [Ang Diyos ay ISINILANG kaya't Siya'y NAPARITO sa lupa bilang TAO!]

John 20:28

Thomas answered and said to him, "My Lord and my God!" [Kung alam ni Cristo na hindi pala Siya Diyos, marapat lamang, bilang isang matuwid na 'tao' na ITINAMA niya si Tomas sa kanyang maling pananaw. Ngunit HINDI ito itinama ni Hesus sapagkat KATOTOHANAN ang mga IPINAHAYAG ni Tomas, taliwas sa paliwanag ng INC™ 1914 na natural na BULALAS lamang daw ito ng isang taong NAGULAT!]

Philippians 2:5b-6a

  Christ Jesus,Who, though he was in the form of God... [Si Cristo, DIYOS!]

May mas bibigat pa ba sa sinasabi ni HESUS tungkol sa KANYANG PAGKA-DIYOS? 

Lalabas na si FELIX Y. MANALO at ang kanyang mga BAYARANG MANGANGARAL ay mga SINUNGALING, mga MANDARAYA at mga ANTI-CRISTO (kalaban ni Cristo). Sapagkat HINDI NILA TANGGAP si HESUS, DIYOS, na NAPARITO sa LAMAN!

2 John 1:7

Many deceivers have gone out into the world, those who do not acknowledge Jesus Christ as coming in the flesh; such is the deceitful one and the antichrist. [Sampal sa kanilang kahangalan!]

 

Sunday, April 18, 2021

Ang Birheng Maria ba ay Nagdalang-TAO o Nagdalang-DIYOS?


KAMANGMANGAN  DAW ANG SASAGOT NG A: DIYOS 

Sa mga kababayan naming kaanib sa Iglesia Ni Cristo® na TATAG ni Ginoong FELIX Y. MANALO noong 1914, HINDI KAMANGMANGAN ang sagot na ang DINADALA ng INANG BIRHENG MARIA sa kanyang SINAPUPUNAN ay DIYOS sapagkat ito ay sinasang-ayunan ng Biblia. 

Walang ibang dinadala ang Birheng Maria kundi ang ANAK NG DIYOS, ang ating Panginoong JESUS, ang ALPA at OMEGA ~ ang SIMULA at WAKAS; DIYOS na WALANG HANGANG, MAKAPANGYARIHAN, ang SALITA ay DIYOS, na sa PAMAMAGITAN niya ay NALIKHA ang LAHAT ng bagay at NALALANG.

HIMAY-HIMAYIN NATIN para maunawaan ng mga kaanib sa Iglesia ni Ginoong Felix Y. Manalo ~ ang INC™1914.

Ang sabi ni Apostol San Juan (1:1) ay  ganito: na SA PASIMULA ay ANG SALITA, at ANG SALITA ay NASA DIYOS, at ANG SALITA AY DIYOS!

MALINAW na sinasabi ni Apostol Juan na DIYOS ang SALITA mula pa sa PASIMULA.

At anong NANGYARI sa SALITA na SIYANG DIYOS?

Ayon ulit kay Apostol San Juan, ANG SALITA (na DIYOS), ay NAGING TAO, MULA SA sa PAGKA-DIYOS ay NAGING TAO, NAGKAROON ng KATAWANG KATULAD ng sa TAO ~ NAGKATAWANG-TAO! (Juan 1:14)

Kaya't MALINAW na MALINAW pa sa SIKAT ng ARAW na ang NASA sinapupunan ng Birheng Maria ay DIYOS ~ ANG SALITA, NAPARITO sa LAMAN, nagkaroon ng KATAWANG-TAO sa LAMAN naging KATULAD natin!

Kaya't Inang Maria ay DALA-DALA niya sa kanyang SINAPUPUNAN ang SALITA (DIYOS) na NAGKATAWANG-TAO!

Sa mga HINDI TUMATANGGAP ng KATOTOHANANG ito, na ang DIYOS ay NAGKATAWANG-TAO, NARITO ang MALINAW na katotohanan. SILA raw ay mga KAAWAY NI CRISTO! Mula sa mga pahayag ni Apostol San Juan sa 2 JUAN 1:7 na siya ring ginamit nitong kaanib ng INC™1914, out of context, ay ganito:

"Sapagkat maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanlibutan, sa makatuwid ay ang mga HINDI NANGAGPAPAHAYAG na si JESUCRISTO ay NAPARIRITONG NASA LAMAN. Ito ang mga MANDARAYA at ANTICRISTO!"

HIMAY-HIMAYIN NATIN ang 2 Juan 1:7!

May KAISAHAN ang PAHAYAG ni Apostol San Juan.  Sa (Juan 1:1) ANG SALITA AY DIYOS at ang DIYOS ay NAGKATAWANG TAO (Juan 1:14), HINDI  nagbabago ang kanyang posisyon maging sa 2 Juan 1:7.

Sapagkat MARAMING MGA MANDARAYA raw ang SUSULPOT (sounds familiar ba ~ 1914?) Sila ay ang mga IMPOSTER, mga UMAANGKIN ng pagka-PROPETA, ang iba ay mga ANGHEL daw, o mga SUGO ng Diyos kuno, ngunit mga SINUNGALING, mga MANLILINLANG, mga MANDARAYA, sapagkat HINDI nila PINAPAHAYAG sa kanilang mga KATURUAN na ANG ATING PANGINOONG JESUCRISTO ay  ang SALITA ~ DIYOS na NAPARIRITONG NASA LAMAN ~ ay NAGKATAWANG-TAO!

SIYA na HINDI NAGPAPAHAYAG na ang DIYOS (SALITA) ay NAGKATAWANG-TAO at NAPARITO sa LAMAN ay ang mga KALABAN o KAAWAY ni CRISTO o ang ANTICRISTO!

Sino ba ang HINDI NAGPAPAHAYAG na ang DIYOS ay NAGKATAWANG-TAO na NAPARITO sa LAMAN? 

Hindi kami. 

Kami sa IGLESIA KATOLIKA na 'SA PASIMULA AY SIYANG IGLESIA NI CRISTO' (Pasugo Abril 1966, p. 46) ay NAGPAPAHAYAG na ang PANGINOONG JESUS ay DIYOS (SALITA) na NAGKATAWANG-TAO ~ NAPARITO sa LAMAN sa PAMAMAGITAN ng BIRHENG MARIA.

IPINAPAHAYAG namin na ang PANGINOONG JESUS ay DIYOS ~ EMMANUEL (Sumasaatin ang Diyos) na tunukoy sa Isaias 7:14, 8:8 ~ ang EMMANUEL na tunukoy ni apostol San Mateo 1:23 ~ ang batang ipapanganak na tatawaging 'ANAK NG KATAAS-TAASAN' (Lucas 1:32) ~ ang SALITA, DIYOS na NAGKATAWANG-TAO (Juan 1:1,14), TUNAY na DIYOS at TUNAY na TAO! Hindi namin Siya tinuturing na TAO LAMANG kundi SIYA ay DIYOS na NAPARITO SA LAMAN! TOTOONG TAO (100%) at TOTOONG DIYOS (100%) ~ ANAK ng DIYOS AMA!

Paanong DI MATANGGAP ng INC™1914 ang Doktrinang IISA ang Diyos sa TATLONG PERSONA ngunit TANGGAP nilang (Iglesia Ni Cristo® 1914) DALAWA ang PANGINOON ~ isang Diyos (Ama) at isang Tao lamang (Jesus)??? Hindi ba't KAIPOKRITUHAN!

Kumusta naman si Ka FELIX Y. MANALO at ang kanyang Iglesia? SILA na HIND NANGAGPAPAHAYAG na ang PANGINOONG JESUS ay DIYOS ~ ay NAPARIRITO SA LAMAN ~ DIYOS na NAGKATAWANG-TAO!  

Para sa kaniya at ng kanyang mga tagasunod, si CRISTO ay HINDI DIYOS KAILANMAN! Ngunit Siya ay TAO NA NAGKATAWANG-TAO (Pasugo Enero 1964, p. 13) ( kahabag-habag na pag-iisip)! Samantalang si FELIX Y. MANALO ay isang ANGHEL o SUGO ng Diyos?!

Kaya't samakatuwid, MALINAW na kung SINO ang  tinutukoy ni Apostol San Juan na TUNAY na MANDARAYA at ANTICRISTO!

Friday, June 19, 2020

TUNAY NGA NA MAY ANTI-CRISTO!



Pansin naman siguro ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo ang masidhing pagsintasa natin sa KRUS ng ating Panginoong Jesuskristong. Tayong mga TUNAY na KAANIB sa TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ~ ang IGLESIA KATOLIKA ay tumatalima sa mga sinabi ng mga alagad tulad ng itinuro ni Apostol San Pablo sa mga  taga Corinto.

"For the message of the cross is foolishness to those who are perishing, but to us who are being saved it is the power of God." -1 Cor. 1:18 (NKJV)
 "Sapagkat ang mensahe ng krus ay kahangalan sa mga napapahamak, ngunit para sa ating mga naliligtas, ito ay kapangyarihan ng Diyos."
Ang sabi pa ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia ay ganito:

"But God forbid that I should boast except in the cross of our Lord Jesus Christ, by whom the world has been crucified to me, and I to the world." Gal. 6:14 (NKJV) 
"Datapuwa't malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niyao'y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako'y sa sanglibutan."
Ang KRUS pala ng ating Panginoong Jesus ay KAPANGYARIHAN ng Diyos, kahangalan sa mga mapapahamak.

Sa mga kaanib ng INC™ 1914, hindi ba't ang ginagawa nilang pagyurak at pagkamuha sa Krus ng Panginoong Jesus ay siyang kanilang ikapapahamak? 

At sa mga tunay na Kristiano ~ mga tunay na kaanig sa iisang iglesia ~ ang Iglesia Katolika, wala tayong dapat ipagmapuri, maging sa ating mga sarili sapagkat tanging ang KRUS ng PANGINOONG JESUS lamang sapagkat sa ating pagmamapuri sa Krus tayo ay natututong magpakumbaba sa harapan ng Diyos. At sa pamamagitan ng pagpasan natin sa ating mga krus, tayo ay nakikiisa sa pasakit Niya at tayo rin ay makikibahagi sa Kanyang pagkabuhay na mag-uli at makikipisan sa Kanyang kaharian sa langit.  Iyan ay pangako! Iyan ay turo! Tayo'y tumalima hindi sa mga bulaang propeta at sa kanilang mga anti-Cristong aral na sumulpot lamang noong 1914.


Thursday, December 27, 2018

How Judas Iscariot, Arius and Felix Manalo died?


Judas Iscariot

"He bought a parcel of land with the wages of his iniquity, and falling headlong, he burst open in the middle, and all his insides spilled out." (Acts 1:18)

Arius

"Soon after a faintness came over him, and together with the evacuations his bowels protruded, followed by a copious hemorrhage, and the descent of the smaller intestines: moreover portions of his spleen and liver were brought off in the effusion of blood, so that he almost immediately died." -Socrates and Sozomenus Ecclesiastical Histories, Nicene and Post-Nicene Fathers Series II, Volume 2

Felix Y. Manalo

"As a result of his sacrifices, Felix Manalo again felt his health deteriorating rapidly. His ulcer relentlessly seized him with severe pain that medicines procured from drug stores could not assuage. Consequently, he decided to seek treatment in the United States.

After bidding goodbye to his brethren, he enplaned on August 17, 1955 for the United States, accompanied by his son Eraño and nursing aide Librada Enriquez. Legions saw him off at the airport, among them President Ramon Magsaysay. In the United States, they stayed in a hotel not far from the John Hopkins Hospital in Baltimore, Maryland, where he would seek treatment. There he continued to receive reports from Manila. President Ramon Magsaysay phoned his concern and best wishes. Then Manalo changed his mind and decided to proceed to New York instead, and entered the Presbyterian Medical Center on September 2, 1955. The doctors who examined him advised surgery of the stomach after curing his diabetes. On September 9, he was successfully operated on for ulcers.

A month later he returned to manila and was once again welcomed by a huge throng led by President Magsaysay. Without having fully rested, Manalo, then 69, resumed the killing pace of his work attending and addressing rallies.

It was only after many years later, in February 1963, that Manalo fell gravely ill. He was rushed to St. Lukes hospital in Quezon City where doctors decided to remove immediately “an intestinal obstruction”. Manalo rejected the surgery, saying, “Doctors can cure only those who are not yet to die, not those whose time has come.” By March 21, 1963, his incapacitation was total and he was transferred to Veterans Memorial Hospital. Doctors operated on him but failed to give him relief from pain.

On April 2, the doctors worked on Manalo again to sew back part of his intestines which had burst and hemorrhaged. On April 11, they performed a third surgery on him. It proved to be the last.

The following day, April 12, 1963, at 2:35 oclock in the morning, the brilliant, tireless and courageous Filipino religious leader who had brought the Iglesia ni Cristo to great heights of glory and prominence, breathed his last. He was 77 years old. It was his 49th year as chief steward of the Church.” -Isabelo T. Crisostomo, Pasugo May-June 1986

Tuesday, October 23, 2018

A Church in Seattle Which Originated in the Philippines Founded by Felix Manalo was Attacked


The Iglesia Ni Cristo®-1914 is again in the international headlines after an attacker threw an explosive material believed to be a Molotov in front of their church building in Seattle USA while more than 50 church members were having church activities inside. 

As the news was reported, the said church was correctly and factually described as "ORIGINATED FROM THE PHILIPPINES"

"Iglesias Ni Cristo originated in the Philippines, according to the organization's website. On Friday, some members of the Filipino community in Seattle expressed concern that the church was targeted." -King5.com
And in another news, the INC™-1914 was described as "FOUNDED BY FILIPINO FELIX MANALO."

"During the evening service in the Church Iglesia Ni Cristo was thrown several bottles of flammable liquid. 
"International Christian Church was founded in 1914 by Filipino Felix Manalo." -Sivpost.com



Sunday, June 24, 2018

ITAKWIL ANG MANGANGARAL NA SI CRISTO AY 'TAO LAMANG'! SILA AY MGA KALABAN NI CRISTO ~ MGA ANTI-CRISTO!

ANG TURO NG NAGPAPANGGAP NG TUNAY RAW NA "IGLESIA" NI CRISTO!


TALIWAS ITO SA TURO NG TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO ~ ANG IGLESIA KATOLIKA ~ SALUNGAT ITO SA BIBLIA!


KAYA'T SA MGA DI TUMATANGGAP NG KATOTOHANANG ITO TINUKOY SILA NI APOSTOL SAN PABLO BILANG MGA KALABAN NI CRISTO O MGA ANTI-CRISTO! SILA AY MGA MANDARAYA AT MGA MANLILINLANG NA MGA MANGANGARAL!


AT MAY BABALA SI APOSTOL SAN PABLO SA MGA TAONG TUMATANGGAP SA MGA MANDARAYANG MANGANGARAL NG LABAN KAY CRISTO!



Friday, June 15, 2018

TAO 'LAMANG' BA SI CRISTO? ATING ALAMIN!

Video Courtesy of INC Ang Taman Daan Program

Ayon sa video sa itaas ng Iglesia Ni Cristo® na sumulpot lamang noong 1914, hindi lamang daw nila kino-consider na "TAO LAMANG" si Cristo kundi ITO ANG ITINUTURO at SINASAMPALATAYANAN ng lahat ng mga kaanib ng INC™ - 1914.

Sa katunayan, ito ang PINAGDIINAN ng isa sa kanilang mga manunulat (sa Pasugo) na Ministro na si Ginoong Emiliano Agustin (PASUGO, Enero, 1964, p. 13) na ang sabi ay ganito:
“TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoon Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa arw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO ng ipinanganak, TAO ng lumaki na at nangangaral, TAO ng mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyant sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto.”
Ang tinutukoy ng bulaang mangangaral na ito ay ang KALAGAYAN ni CRISTO (tao), at hindi ang  KALIKASAN nito (Diyos).  Mula sa KALIKASAN niya bilang DIYOS, nagkatawang-tao  sa KALAGAYAN ng TAO!

Malinaw na itinuturo ito ng Biblia ~ mula sa pagka-Diyos ~ isinilang na katulad natin sa lahat ng bagay ~ nagutom, napagod, nauhaw, nalungkot, masaya at maging ang sakit at hirap hindi siya naiba sa mga tao (Heb. 2:14-18)! Tao sa lahat ng bagay maliban sa kasalanan (Heb. 4:15).

Sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos, malinaw niyang sinabi roon na si JESUS AY NASA ANYONG DIYOS, nagpakababa, kinuha ang ating wangis na tao, nagpakasakit hanggang kamatayan ~ oo maging kamatayan sa Krus!  (Filipos 2:5-8)

KAYA'T ANG NGALAN NI CRISTO AY DINADAKILA NG LAHAT NG SUMASAMPALATAYA (bilang Diyos at Taong totoo), sa langit, lupa, maging sa ilalim ng lupa MANINIKLUHOD at MAGPATOTOO ang lahat na si JESUS AY PANGINOON sa kadakilaan ng Diyos Ama! (Filipos 2:9-10)

Isa sa kanilang pinaghuhugutan ng talata sa Biblia ay sa  JUAN 8:40 na ganito ang sinasabi:
"Ngunit pinagsisikapan ninyong patayin ako na isang taong nagsabi sa inyo ng katotohanang narinig ko sa Diyos..."  (New Pilipino Version)

Maliwanag raw po ang pagpapakilala ng PANGINOONG JESU-CRISTO sa kanyang sarili. Ayon daw kay Jesus, SIYA AY TAO na nagsasabi ng katotohanang narinig niya sa PANGINOONG DIYOS!

Tama! Pero HINDI SINABI ni Jesus na Siya ay "TAO LAMANG"! Ang sabi niya, "ako na isang tao".  Ang laki ng pagkakaiba, di po ba?

ISA LANG ANG PINATUTUNAYAN NG JUAN 8 NA DIYOS SI CRISTO

Putol-putol kung sumipi ang mga manlilinlang na mangangaral ng INC™-1914.  Ito ay para HINDI malalaman ng mga nakikinig sa kanila ang BUONG KWENTO sa Kapitulo 8 ng Juan.

Estilo ng mga bulaang mangangaral! Piling-pili lamang ang kanilang sitas sa Biblia na aakma lamang sa gusto nilang palabasing  'TAO LAMANG' ang ating Panginoong Jesucristo.

Ang mga bulaan at mandarayang mangangaral na ito ay kaya nilang BALUKTUTIN ang SINASABI ng BIBLIA LABAN KAY CRISTO. Ginagamit nila ang BIBLIA LABAN KAY CRISTO! Kahit malinaw na sinasabi ng Biblia at malinaw na ITINURO ng UNANG IGLESIA na si CRISTO ay DIYOS NA TOTOO at TAONG TOTOO, para sa Iglesia Ni Cristo® - 1914, si CRISTO AY TAO LAMANG kaya ang sitas nila ay iyong nababasa lamang sa TALATA 40 ng  Juan 8.

Iminumungkahi namin sa mga nagsusuri na basahin ng malaliman ang  CAPITULO 8 (the whole of Chapter 8) ng JUAN at masusumpungan niyo roon ang katotohanang si Cristo ay tao sa kalagayan ngunit NAGPAPAHIWATIG ng kanyang PINAGMULAN ~ DIYOS!

Halimbawa, sa TALATA 23 mababasa natin ang ganito:
Kaya't sinabi ni Jesus, “Kayo'y mula dito sa ibaba, AKO'Y MULA SA ITAAS. Kayo'y taga-sanlibutang ito, ngunit AKO'Y HINDI..."
NAGPAPAHIWATIG si Cristo na HINDI lang Siya tao lamang.  Malinaw na ipinapakilala niya ang SARILI NIYA na MULA SA ITAAS at HINDI galing sa sanlibutang ito.

Kung HINDI SIYA TAGA-SANLIBUTAN ano nga ba siya bago siya BUMABA mula sa itaas? Siya nga ay DIYOS! (Juan 1:1;14 "...sa pasimula ay Salita at ang Salita ay nasa Diyos at ang Salita ay Diyos... at NAGKATAWANG-TAO ang Salita...")

MALINAW! Ang ATING PANGINOONG JESUCRISTO ayon kay Apostol San Juan ay ang SALITA ~ DIYOS ~ NAGKATAWANG-TAO! Kaya't bakit tayo magtataka kung si Cristo ay NAGPAPAKILALANG TAO?! Tunay nga naman siya ay Tao pero hindi 'Tao Lamang'!

Basahin natin ang nakasulat sa katapusan ng JUAN 8:56-59 malinaw na sinasabi ni CRISTO na Siya (ang SALITA) ay UMIIRAL NA KAHIT NOON PA! Sapagkat sa kanyang pakikipag-usap sa mga Hudyo, sinasabi niyang AKO NA (bago pa si Abraham ay isilang). SIYA ay MAYROON NANG KAMALAYAN (Consciousness o Conscious Being) kaya't HINDI Siya PANUKALA o PLANO! Siya ay UMIIRAL KASAMA NG DIYOS (Ama).
"Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa. Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio,
Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham?
Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga. Sila nga'y nagsidampot ng mga bato upang ihagis sa kaniya: datapuwa't nagtago si Jesus, at lumabas sa templo."
Para malaman natin kung gaano kalayo ang henerasyong naghihiwalay kay Abraham sa panahon ni Jesus noong siya ay naging-tao na?

Ayon sa quora.com ay 42 henerasyon ang pagitan ni Abraham at ni Jesus (bilang tao)!
Kaya't ang lahat ng salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David ay labing-apat na salinlahi; at mula kay David hanggang sa pagdala sa Babilonia ay labing-apat na henerasyon; at mula sa pagdadala sa Babilonia patungo kay Cristo ay labing-apat na henerasyon. Kaya iyon ang 42 na henerasyon.
Sa madaling salita, may halos 490 years ang pagitan ni Abraham kay Jesus (bilang tao), pero ang sabi ni Jesus ay na NAROON NA SIYA BAGO PA MAN SI ABRAHAM?!

Parang  kasing-layo ng pagsibol ng Protestantismo (1517) hanggang sa sumulpot ang pekeng Iglesia Ni Cristo® (1914), ganon kalayo ang pagitan ng panahon ni Abraham sa panahon ni Jesus.

TAMA ang JUAN 1:1; 14 ~ SIYA SI CRISTO NGA ANG SALITA ~ DIYOS ~ NAGKATAWANG-TAO!

BUOD NG KAPITULO 8 NG JUAN

TANONG: Bakit dumampot ng bato upang ihagis kay Jesus?
SAGOT: Sapagkat pinalalagay ni Cristo na siya ay kapantay ng Diyos o Siya ay Diyos!

TANONG: Kung matuwid si Jesus at alam niyang 'tao lamang' siya, bakit di niya itinama ang maling pag-iisip o pananaw ng mga Hudyo tungkol sa Kanya?
SAGOT: Sapagkat alam ni Cristo KUNG SINO SIYA! Alam niya na tama nga ang kanilang iniisip o pananaw tungkol sa kanya! Na SIYA AY DIYOS!

At bilang pangwakas, may paalala si Apostol San Juan (2 Juan 2:7) sa mga DI TANGGAP SI CRISTO BILANG DIYOS NA NAGKATAWANG-TAO. Sila raw 'yung mga taong MANDARAYA, MANLILINLANG at KALABAN NI CRISTO!


Pahabol pa ni Apostol San Juan, HUWAG RAW SILANG TANGGAPIN maging sa inyong mga tahanan! Ni ang BATIIN sila ay IWASAN raw! Ang bumabati raw sa mga ganitong mga bulaang mangangaral ay nakikibahagi sa kanilang masasamang gawain!

Kaya't MAGSURI! Lisanin na ang samahang KALABAN NI CRISTO at BUMALIK sa TUNAY at NAG-IISANG TATAG NI CRISTO ~ Ang IGLESIA KATOLIKA na sa PASIMULA ay siyang [tunay] IGLESIA NI CRISTO! (Pasugo Abril 1966, p. 46)!

Sunday, November 5, 2017

May bago nang 'Jesus' ang mga INC™-1914 sa katauhan ni Felix Y. Manalo

Hindi nakapagtataka kung bakit ang turing ng mga kaanib ng INC™-1914 kay Felix Manalo at kahalintulad ni Cristo Jesus ay sapagkat ito ang kanilang paulit-ulit na ikinakabit sa pangalan ng kanilang 'huling sugo' sa kanilang mga pangangaral, maging sa pananalita o sa imprenta.


PASUGO Hulyo 1965, p. 12:

“Parehong-pareho ang espiritu ni Cristo sa diwa ni Kapatid na Felix Manalo sa pamamaraan ng pagdadala ng tungkuling tinanggap sa Dios."

PASUGO Mayo 1964, p. 1:

“Inihandog ng Dios ang kanyang sarili sa kanyang huling sugo upang dumiyos sa kanya. Samakatuwid, ang tanging may Dios na huling araw na ito'y ang huling sugo -- si Kapatid na Felix Manalo."

JUAN 10:16 - SI FELIX MANALO ANG TINUTUKOY NA PASTOR

PASUGO Mayo 1961, p. 22:
“Papaano magiging kawan o Iglesia ni Cristo itong mga tupa ni Jesus na nagmumula sa Pilipinas, hindi naman naparito si Cristo noong 1914? Ang sabi ni Jesus, Juan 10:16, 'magkakaroon sila ng isang Pastor'. Sino itong isang Pastor ng Iglesia na lilitaw sa Pilipinas? Ang pinagsabihan ng Dios: 'Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo: (Isaias 43:5).

“Sino itong pastor ng Iglesiang lilitaw sa Pilipinas? Ito ang huling tinatawag o sugo na kasama ng Dios. Ito ang Kapatid na Felix Manalo. Noong sabihin ni Cristo na siya'y mayroon pang ibang mga tupa na wala sa kulungan at sila'y gagawing isang kawan at magkakaroon ng isang pastor, noon pa'y mayroon na siyang karapatan."

VS.


JUAN 10:16 - SI CRISTO ANG TINUTUKOY NA PASTOR

SULO pahina 58:

“Itinuturo din ng Iglesia Katolika na ang Papa ang siyang "Kataas-taasang Pastor". (Question 169). Ito ay salungat din sa turo ni Jesus at ng mga Apostol, sapagkat sinabi ni Cristo: "Ako ang tanging Pastor" (Juan 10:16)".

Wednesday, July 26, 2017

July 27 2017 - ang Ika-103 Taon ng Panlilinlang


ANG KASAYSAYAN NG SAMAHANG IGLESIA NI CRISTO® NA TATAG NI G. FELIX Y. MANALO

Ayon sa opisyal na website ng INC™:

The Iglesia ni Cristo was first preached by the late Brother Felix. Y. Manalo in the Philippine capital city of Manila. Its first local congregation was established in Punta, Sta. Ana. On July 27, 1914, the Church was registered with the Philippine government. In 1915, Brother Felix Manalo, as the first Executive Minister of the Church, started training ministers to assist him in the propagation of the gospel. By 1918, ministers and volunteer preachers were being sent to provinces around Manila. In its tenth year, the first ecclesiastical district was organized in Pampanga province.

Ayon sa Wikipedia:
Iglesia ni Cristo (Tagalog pronunciation: [ɪˈgleʃɐ ni ˈkɾisto], abbreviated as INC or Iglesia; English: Church of Christ) is an international Christian church that originated in the Philippines and has been accused of being a cult[3]. It was registered in 1914 by Felix Y. Manalo, who became its first Executive Minister.

Felix Manalo was the FOUNDER of the Iglesia Ni Cristo®

Iglesia Ni Cristo
Seal of the Iglesia ni Cristo
Seal
Classification Restorationism
Theology Unitarianism
Governance Hierarchical/monarchical
Executive Minister Eduardo V. Manalo
Headquarters No. 1 Central Avenue, New Era, Quezon City, Philippines
Founder Felix Y. Manalo (as the registrant for the Philippine Government)
Origin July 27, 1914
Punta, Santa Ana, Manila, Philippines
Members No official disclosure of number of members
Hospitals New Era General Hospital
Aid organization Felix Y. Manalo Foundation
UNLAD International
Tertiary institutions New Era University
Iglesia ni Cristo (Church of Christ) School for Ministers
Other name(s) INC, Iglesia
Official website iglesianicristo.net incmedia.org

Ayon sa mga NEWS MEDIA FELIX MANALO FOUNDED the Iglesia Ni Cristo®:

Felix Manalo tells the story of the founder of the Iglesia ni Cristo. The trailer, which was shown on Sunday, August 16, shows Manalo's life from his days as a young boy to the establishment of the INC, which numbers more than a million followers. -Rappler

The INC just recently celebrated its 100 years of existence in 2014. I see this as a testament to the stability of its fundamental tenets among their believers. When this biographical film about INC founder Felix Manalo was announced, I really wanted to watch it to learn more about this homegrown religion. -ABS-CBN News

If you’ve seen the trailer of Felix Manalo, and if you hadn’t seen the founder of Iglesia ni Cristo (INC), a Christian sect in this country... -The Manila Standard

[image] Artist Dante D. Hipolito with his painting "Centennial" poses for a picture at the Perpetual Village in Bacoor, Cavite on Sunday, July 27, 2014. The 18" x 24" oil on canvas painting portrays founder Felix Manalo's image and the Iglesia Ni Cristo Church in Tondo, Manila, and the Templo Central in Tandang Sora in Quezon City. -GMA News

The Philippine Postal Corporation recently issued a special commemorative stamp in honor of Bro. Eduardo’s father, Bro. Eraño G. Manalo, or Ka Erdy, who was mainly responsible, after inheriting the seat from his father and founder, Bro. Felix Manalo, for the phenomenal expansion and influence of the Iglesia ni Cristo here and all over the world wherever there are Filipino workers, devotees and immigrants … Today, the Council of Elders of the Iglesia ni Cristo will meet to decide on crucial matters of national interest of which one of them is the coming May, 2010 elections … The Iglesia ni Cristo (INC) was founded by Bro. Felix Manalo in 1914 …" -Manila Bulletin

[image] Angel Manalo, the grandson of Iglesia ni Cristo founder Felix Manalo. -CNN Philippines


Felix Manalo, who founded the INC in 1914, was the grandfather of Angel and Eduardo. Their father, Eraño, took over the church’s top post until his death in 2009. -YahooNews

The powerful and influential Iglesia ni Cristo was founded by Felix Manalo on July 27, 1914. -Philippine Daily Inquirer

Tuesday, March 7, 2017

INC®-1914 NEWS SA AFRICA: 8 NAMATAY DAHIL SA STAMPEDE


Zambia: 8 dead, 28 injured in stampede for free Church food

By Abdur Rahman Alfa Shaban with Mwebantu 06/03 - 11:12 (Africa News)

ZAMBIA - Zambian police have confirmed the death of eight people and injuries sustained by 20 others during a stampede after a church event in the capital, Lusaka.

The stampede occured when organizers of a prayer event, started distributing free food parcels to the crowds that had attended the event – an outreach program at the Church of Christ’s Olympic Youth Development Center (OYDC) – on Sunday, March 5.

Local media portal, Mwebantu, quoted a police spokesperson, Esther Mwaata Katongo as disclosing that among the dead were six females, one male adult and one male juvenile. Five died on the spot while three died at hospitals where they were rushed for medical attention.
"The victims are among the 35,000 which the group called Lesedi seven, had invited for prayers at OYDC. The group had also organized food hampers to distribute to people. This Lesedi seven is a grouping under Church of Christ."


The injured persons are said to be receiving treatment at Chingwere first level hospital and Chipata clinic while the bodies of the deceased have been taken to University Teaching Hospital mortuary.

“We have since dispersed the gathering and an inquiry into the matter has been instituted,” the police spokesperson added.