Showing posts with label Bayan ng Diyos. Show all posts
Showing posts with label Bayan ng Diyos. Show all posts

Wednesday, July 30, 2025

UTOS DAW NG AMA NA SUMAMBA, MALIBAN SA KANYA?

 


Isa sa mga haligi ng doktrina ng Iglesia Ni Cristo (INC) na pagmamay-ari ni G. Felix Y. Manalo, ay ang SAMBAHIN si CRISTO, KATULAD at KAPANTAY ng Diyos Ama.

Ito raw ay sapagkat "UTOS" daw ng Diyos Ama na sambahin din si Cristo, na para sa INC ay TAO (HINDI DIYOS).

Ang kanilang tanging sandata ay ang mga sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos (2:9-11).

Dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos,
    at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.
 Sa gayon, sa pangalan ni Jesus
    ay luluhod at magpupuri ang lahat
    ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa.[a]
At ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon,
    sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.

PANSININ: Sa unang dalawang salita na versikulo 9 ay ganito ang nakasulat "DAHIL DITO". Iminumungkahi ng verse 9 na MAY DAHILAN kung bakit ITINAMPOK ng Diyos Ama ang KANYANG BUGTONG NA ANAK, na PARANGALAN bilang PANGINOON TULAD NIYA, at DAPAT SAMBAHIN TULAD niya sapagkat MAY DAHILAN.

Ito ay SADYANG INIWASANG BANGGITIN ng mga MANDARAYANG MANGANGARAL sapagkat HINDI NILA TANGGAP na ang ANAK NG DIYOS na si Cristo ay DIYOS DIN katulad ng Diyos Ama.

Sa verse 5-8, ganito ang sinulat ni Apostol San Pablo:

Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus.

Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos,
    hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.
Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos,
    at namuhay na isang alipin.
Ipinanganak siya bilang tao.
    At nang siya'y maging tao,
    nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan,
    maging ito man ay kamatayan sa krus.
Dito, PINAPALIWANAG ni Apostol San Pablo sa Iglesia sa Filipos na SI CRISTO AY TAGLAY ANG KALIKASAN NG DIYOS, ngunit NAGPAKABABA, NAGING TAO at NIYAKAP ang PARUSANG KAMATAYAN sa SALANG HINDI niya GAWA.

At ang TANGING PAGKAKASALANG mayroon ang ANAK NG DIYOS, kung BAKIT siya HINATULAN ng KAMATAYAN ng KANIYANG SARILING BAYAN ay sapagkat SIYA AY TAO na NAGPAPANGGAP RAW na DIYOS.

Hindi dahil sa mabubuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos! Sapagkat ipinapantay mo ang iyong sarili sa Diyos, gayong tao ka lamang. (-Juan 10:32-34)

TINUTULAN ba ni Cristo ang KANILANG PARATANG? Hindi.

Kung MALI nga ang unawa ng kanyang bayan na siya raw ay NAGPAPANGGAP NA DIYOS bagama't tao lamang, SA KATULAD ni CRISTO na MATUWID sa LAHAT ng BAGAY, hindi ba't MAY OBLIGASYON siyang MORAL na itama ito sapagkat ayon sa UNAWA ng isang HUDYO, si Yahweh o ang AMA LAMANG ANG DIYOS?

Ngunit HINDI ito ITINAMA ni Cristo sapagkat SILA'Y TAMA sa kanilang paratang. 

Sa TRILEMA ni C.S. Lewis, isang magaling na debater, ay nagbigay ng tatlong pamantayan upang MAKILATIS kung si CRISTO ba ay TOTOONG DIYOS.

"Sinisikap kong pigilan ang sinuman na magsabi ng talagang kamangmangan na madalas sabihin ng mga tao tungkol sa Kanya: "Handa akong tanggapin si Jesus bilang isang dakilang guro sa moral, ngunit hindi ko tinatanggap ang Kanyang pag-aangkin bilang Diyos." Iyan ang isang bagay na hindi natin dapat sabihin na isang tao lamang at nagsabi ng mga bagay na sinabi ni Jesus ay hindi magiging isang magaling na guro—sa antas ng taong nagsasabing siya ay isang itlog ng impiyerno—o siya ang magiging Diyablo ng Impiyerno dumura sa kanya at patayin siya bilang isang demonyo;

Kami ay nahaharap, kung gayon, sa isang nakakatakot na alternatibo. Itong lalaking ito na pinag-uusapan natin ay kung ano lang ang sinabi Niya o kung hindi man ay baliw, o mas masahol pa.. Kailangan kong tanggapin ang pananaw na Siya ay Diyos.” (p. 55-56)
Sa simpleng pang-unawa, si PAG-AANGKIN ni Cristo bilang DIYOS, isa rito ay maaaring totoo!
  1. SI CRISTO AY NANLINLANG bilang isang DAKILANG SINUNGALING?
  2. SI CRISTO AY NILINLANG ANG SARILI bilang BALIW
  3. SI CRISTO AY PANGINOON AT DIYOS!
"UTOS NG DIYOS NA SI CRISTO AY SAMBAHIN"

Walang duda na ang DIYOS ay HINDI NAGBABAGO. Ito ay inaral ni Manalo sa kaniyang mga kaanib, at tayo'y NANINIWALA rito. 

Nagmula sa SIMULA, HINDI NAGBAGO ang utos ng Diyos na SIYA LAMANG ang DAPAT SAMBAHIN. Walang ibang tao, bagay, hayop o alinmang sa langit, sa lupa o ilalim ng lupa ay dapat sambahin kund TANGING DIYOS LAMANG.

Kung IPAGPAPALAGAY natin na INUTOS ng DIYOS AMA na SAMBAHIN rin si Cristo na KATULAD at KAPANTAY NIYA, PINAPALABAS ni FELIX Y. MANALO na ANG DIYOS AY MANDARAYA O SINUNGALING o NAWAWALA SA SARILI o PANGINOON na hindi nagbabago.

Ngunit alam natin na HINDI NADAYA ang Diyos at lalong HINDI MANDARAYA at HINDI SINUNGALING ang Diyos, kaya't IISA LAMANG ang UTOS ng DIYOS sa mga tao SA PAGSAMBA RIN KAY CRISTO! Na si CRISTO AY DIYOS AT PANGINOON din TULAD NG AMA!

"AKO AT ANG AMA AY IISA!"
-Juan 10:30; 14:19

At HINDI MAGBABAGO si CRISTO ayon sa Hebreo 13:8

 Kung sino si Jesu-Cristo noon ay siya rin ngayon at magpakailanman!
Kung si CRISTO AY DIYOS NOON, siya ay DIYOS PA RIN NGAYON, at DIYOS MAGPAKAILANMAN sa KALUWALHATIAN ng DIYOS AMA!

Amen!

Monday, September 16, 2019

MAITUTURING BANG "BAYAN" NG DIYOS ANG IGLESIA NI CRISTO® NA TATAG NI G. FELIX MANALO SA PILIPINAS NOONG 1914?

Iglesia Ni Cristo flag (the colors represent faith, hope and love while the seven-branched candelabrum or menorah represents the church in the Bible) -Wikipedia
NASA BIBLIA BA ANG KAHULUGAN NG KANILANG BANDILA?

Isa lamang iyan sa maraming tanong sa Iglesia Ni Cristo® Ukol sa kanilang opisyal na simbulo. Narito ang kanilang paliwanag:


Tanong : Maituturing ba ang  Iglesia Ni Cristo® 1914 bilang isang "bayan" o nation? 

Sagot : Hindi po! Hindi po sila isang "bayan" o "bansa". Ang INC™ po ay isang sekta-Protestante na kinaaniban ng halos 99% na mga Pilipino at lahat ng kanilang pag-iral ay napapailalim sa itinatakda ng SALIGANG BATAS NG BANSANG PILIPINAS.

Ang Iglesia Ni Cristo® 1914 ay katulad rin ng maraming nagsulputang mga sekta sa mundo maging sa Pilipinas. Sila po ay MGA KORPORASYON (Corp.) (o inkorporasyon (Inc.)). Ang mga korporasyon/inkorporasyon ay tatag ng tao. WALA silang SOBERANYA (sovereignty) o pagkakakilanlan bilang independent states. Hindi sila nakahihigit sa batas ng ano mang bansa tulad ng Pilipinas. Sila ay umiiral sa ilalim ng batas ng Pilipinas (basahin ang kaibhan ng corporation vs incorporation).

First Part Annex D, Ammended Laws of INC
(Source: alias Benito Afflek)
XXX



XXX

Ang Iglesia Ni Cristo Inc. 1914 ay TATAG ni Ginoong Felix Y. Manalo ayon na rin sa kanilang opisyal na magasing PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Tanong : Ang bandila ba ng INC™ ay maituturing na kapantay ng ibang mga bandila ng alinmang sovereign state o bansa?

Sagot : Hindi po. Ang bandila ng INC™ 1914 ay hindi maituturing na kapantay ng kahit sa alinmang mga bandila ng mga bansa. Kaya't kahit na pilit pang ipantay ito sa alinmang bandila ng bansa, sila ay hindi pa rin maituturing na "bayan" o "nation" lalo't ang pag-ankin na sila raw ay "bayan ng Diyos" o "God's nation". Uulitin po natin, ang INC™ 1914 ay isang SEKTA (religious sect), hindi bayan o nation!

Ambasador ng Mexico at ang Pinunong Pangkalahatan ng sektang INC™ (Photo source: INCMedia)
Katulad ng larawan sa itaas, maling mali na ipantay ng INC™ ang kanilang bandila sa bandila ng Mexico sapagkat tulad ng nasabi na natin, ang INC™ ay HINDI BANSA. Pangalawa hindi pinuno ng bansa si Eduardo V. Manalo kundi tagapangasiwa lamang ng kanilang korporasyon. Mas tama kung ang ilagay ng INC™ na kapantay ng Mexico ay ang BANDILA NG REPUBLIKA NG PILIPINAS!

Pope Francis and President Enrique Peña Nieto, accompanied by First Lady Angélica Rivera, held a meeting in the premises of the Presidential hanger following the Pope's arrival in Mexico. (Photo Source: Wikipedia)
Tanong: Ang bandila ba ng Vatican ay maituturing na kapantay ng ibang mga bayan o bansa?

Sagot: Opo. Sa larawan sa itaas, TAMA po ang pagkakapantay ng bandila ng Mexico at Vatican sapagkat pareho silang mga bansa. Bagamat ang Vatican City State ay ang Centro ng Iglesia Katolika, ITO AY ISANG BAYAN o NATION!

Ayon sa History.com, ang VATICAN CITY po ay ang PINAKAMALIIT NA BANSA sa buong mundo o THE SMALLEST NATION IN THE WORLD. Ito ay may sariling pamahalaan, sariling batas, may sariling gobyerno, at may kasarinlan at soberenya. Ang bawat bansa ay may ambassador sa Vatican at may Papal Nuncio naman sa mga bansang may diplomatic relations tulad ng Pilipinas.

Si Papa FRANCISCO ay isang HEAD OF STATE, at siya rin ay ang VISIBLE head of the Church of Christ. Ito ang dahilan kung bakit ang VATICAN ay may DIPLOMATIC RELATIONS sa maraming bansang kinabibilangan ng UNITED NATIONS. Sa kanyang pagbisita sa maraming mga bansa, ang pagdalaw ng isang Santo Papa ay may katulad na PROTECTION PAGKILALA ayon sa UN Protocol para sa isang VISITING HEAD OF THE STATE.  At sa mga Katoliko, ang kanyang State Visit ay isang Apostolic Visit na rin.


Halimbawa na lamang ang kanyang makasaysayang pagbisita sa United Arab Emirates (UAE) na ginastusan ng Kaharian, ito ay maituturing na isang APOSTOLIC VISIT at isang STATE VISIT.

Ang Iglesia Ni Cristo® 1914, wala po siyang sariling pamahalaan, walang sariling batas, walang sariling gobyerno at walang kasarinlan. Umiiral lamang siya ayon sa itinakda ng Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas na kinapapalooban nito. Ganon din naman sa ibang bansa. Ang kanilang mga LOKAL ay itinuturing ng kanilang mga gobyerno bilang sekta (Inc.) at hindi isang bayan o nation.  Mangyari man na magdeklara sila ng kasarinlan, ito ay maituturing na isang rebelyon o treason.

Sa pagdalaw ni Eduardo V. Manalo sa ibang bansa, hindi po siya binibigyan ng pansin ng lider ng bansang dinadalaw katulad ng isang head of state sapagkat ay hindi siya pinuno ng isang bansa o nation. Kaya't MALABO pong maituturing na BAYAN NG DIYOS o GOD'S NATION ang IGLESIA NI CRISTO® na TATAG ni Ginoong Felix Manalo sa Pilipinas noong 1914.

Sa kabuuan, ang IGLESIA KATOLIKA (ang tunay at nag-iisang Iglesiang tatag ni Cristo bilang KANYA) ay ANG BANAL na BAYAN NG DIYOS. Hindi lamang ito isang kathang isip kundi ito ANG KATOTOHANAN. Hindi lamang ito makasaysayang relihiyon kundi ito ay ang makasaysayang IGLESIA NI CRISTO, ISANG BAYANG dinadalika ng buong mundo. Tunay nga na NATUPAD sa KANYA (Iglesia Katolika) ang mga sinalita ni Apostol San Pablo sa kanyang sulat sa mga KRISTIANO ng ROMA (16:16) na ang "LAHAT NG MGA IGLESIA (NI CRISTO) AY BUMABATI SA INYO (ROMA)"!