Napakalinaw na sa episode na ito ng mga kaibigan nating mga ministro ng INC na doon sa screen na ipinakita nila kung saan nagbigay ako ng komento na MALI na nilagyan ni Ventilacion ng "Far East" ang word na "Mizrach" sa Aleppo Codex ay tama naman talaga ang pahayag ko.
Noong sabihin ko na mali na nilagyan ng "Far East" ay yung sa screen mismo mula sa Aleppo Codex.
Ngayon, Hebrew ang pinag-uusapan, bakit gagamit ng translation na moffatt [sic] at good news [sic] para patunayan na May "Far" sa Hebrew ng Isaiah 43:5?
Translation ba ang ipinakita ni Ventilacion sa screen? Saan sa hebrew [sic] text ng Isaiah 43:5 ang hebrew [sic] word na "Rachoq"? Natapos lang ang programa nila na puro translation ang ginamit at hindi tinalakay sa hebrew [sic].
Ngayon, hintayin natin kung may ipapakitang hebrew [sic] text ang mga ministro ng INC kung saan naroroon ang hebrew [sic] word na "Rachoq" sa Isaiah 43:5. Ang Hebrew word na Mimizarch ay hindi rin “Far East”. Ang Mi ay tinatawag na "preposition," ibig sabihin ay "from". -Bro. D. Cartujano
Watch INC Video here!
No comments:
Post a Comment