Wednesday, February 29, 2012

Marso: Panalangin para sa mga kababaihan at mga Kristianong inuusig dahil sa kanilang pananampalataya

Makakabili ng aklat RITO
VATICAN CITY - Ngayong buwan ng Marso, makiisa tayo sa panalangin ng banal na Papa Benito para sa mga kababaihan, lalong lalo na ang mga kababaihang naging daan ng kaganapan ng buhay at pag-ibig sa ating mga lipunan.

Inaalala rin natin sa buwang ito ang lahat ng mga Kristiyanong inuusig dahil sa kanilang pananampalataya partikular ang mga Kristianong namumuhay sa pangkalahatang Asia lalong lalo na sa Gitnang Silangan kung saan ang mga Kristianong Arabe ay patuloy na nakakatanggap ng 'Second Class Status" mula sa lipunan ng Islam.

Sila ang mga Kristianong patuloy na namumuhay at sumasaksi sa pag-ibig ng Dios. Idalangin din natin lahat ang mga taong naging instrumento ng kanilang pag-uusig. Na sa pamamagitan ng ating mga panalangin ay maibsan nila ang takot bagkos manahan sa kanila ang banal na Espiritu upang bigyan sila ng lakas at tatag na ipahayag ang kanilang pananampalataya sa kabila ng panganib mula sa mga mapanupil na lipunan o kultura.

Tuesday, February 28, 2012

John Paul II Foundation namahagi ng 2M dolyar sa Sahel Africa

Logo ng John Paul II Foundation
VATICAN CITY - Ang Iglesia ni Cristo na itinatag mismo ni Cristo noong mga siglo 33 A.D. ay patuloy na nagiging ilaw ng katotohanan at pag-ibig sa kabila ng maraming mga kumakaaway sa kanya.

Kamakailan ang Iglesia ni Cristo ay namahagi ng 2 milyong dolyar sa mga bansang nakasakop sa Kanluran at Gitnang pate ng kontinente ng Africa. Ang nasabing tulong ay nagmula sa John Paul II Foundation na pinamumunuan ni Monsignor Giampietro Dal Toso, Secretary of the Pontifical Council Cor Unum.

Layunin ng nasabing tulong na pag-ibayuhin ang pamumuhay ng mga nasalanta ng matinding tag-tuyot at pahirap na dala ng Political Crisis lalong lalo na ang mga mamamayang naghihirap dulot ng sigalot na dala ng mga Islamist.

Ang Edukasyon ang pangunahing layunin ng nasabing tulong.

Ninanais ng John Paul II Foundation na sa pamamagitan ng pagiging ilaw at gabay ng Iglesia ni Cristo sa Africa ang lahat ng sektor ng pamumuhay ng tao ay naaayon sa hustisya (justice), kapayapaan (peace) at pag-ibig (love).

Umaasa ang buong Iglesia ni Cristo sa pamamagitan ng pamumuno ng Santo Papa Benito na ang hidwaan na naghahari ngayon sa nasabing lugar ay mapayapang masolusyunan lalong lalo na ang pakikiabot ng Iglesia sa relihiyong Islam upang manumbalik ang kapayapaan at respeto sa pananampalataya ng bawat isa.

Idalangin din natin na sa pamamagitan ng Santa Iglesia ang kalayaan na dulot ng pag-ibig ni Cristo ay lalong manahan sa bawat puso ng mga tao sa Africa.

Wednesday, February 22, 2012

Ang pagbabalik-loob ni Shannon Kurtz, dating Protestante

Narito ang isa sa napakaraming mga salaysay ng mga nagbabalik-loob sa Iglesia ni Cristo. Purihin at pasalamatan natin si Cristo Hesus na siyang tumawag sa kanyang mga tupa at nakinig. Mula sa Coming Home Network.

Shannon Kurtz
My return to the Catholic Church after twenty years away as an Evangelical Protestant was my heart’s response to Jesus, as He drew me back into full communion with His Church and complete union with Him in the Holy Eucharist.


I was baptized Shannon Mary Kelly, oldest of six children of an Irish-Catholic family in Bay City, Michigan. I made my First Confession and First Communion when I was eight years old. I remember how very close to Jesus I felt as I received Holy Communion for the first time.

I attended Catholic grade school. My grade school years were happy ones. The entire school attended daily Mass and the Stations of the Cross during Lent.

My favorite event was the annual May Crowning. Saturday afternoons usually meant going to Confession. In eighth grade, I was secretary/treasurer of our school’s Legion of Mary chapter... Ituloy ang pagbabasa rito...

Tuesday, February 21, 2012

Miercoles de Cenisa, Umpisa ng Panahon ng Kuwaresma



Ang panahon ng Kuwaresma ay nag-uumpisa sa araw ng Mierkoles de Cenisa (Ash Wednesday). Nilalagyan ng ating mga pari o mga ministro ang ating mga noo ng kurus mula sa abo at pinapaalalahanan tayong lahat na "TAYO'Y ALABOK AT SA ALABOK TAYO'Y BABALIK". At kung minsan sinasabi ng pari o ministro ang "TALIKDAN NA ANG KASALANAN AT SUMUNOD SA EBANGHELYO."

Ang Pangkalahatang Iglesia ni Cristo ang siyang nagtatakda ng Araw ng Kuwaresma ayon sa Liturhiya ng Simbahan. Maliban sa Santa Iglesia Katolika, ang iba pang mga iglesia Protestante ay nakikiisa sa paggunita nitong mga Mahal na Araw.

Halina't tayo'y magtika, mag-ayuno at gumawa ng mabuti hindi lang sa panahon ng Kuwaresma ngunit sa lahat ng panahong tayo'y nabubuhay. Magpasalamat tayo at tayo'y hinirang na maging kabahagi ng Katawan ni Cristo- ang Santa Iglesia Katolika na siyang tunay na Iglesiang kay Cristo Hesus.

Maligayang pagdiriwang ng Kuwaresma!

Sunday, February 19, 2012

Bagong mga Cardinal ng Iglesia ni Cristo hinirang sa Vatican ng Santo Papa


Hinirang ng Santo Papa Benito XVI ang mga 22 bagong mga Cardinal sa Basilika ng San Pedro sa Vatican City. Ang mga nahirang ay amg mga sumusunod (mula sa News.Va):

Archbishop Edwin Frederick O’Brien - Pro-Grand Master of the Equestrian Order of the Holy Sepulchre of Jerusalem

Archbishop Thomas Christopher Collins of Toronto, Canada;

Archbishop Timothy Michael Dolan of New York, United States of America;

Archbishop of Ernakulam — Angamaly for Syro-Malabars, India;

Bishop John Tong Hon of Hong Kong, People’s Republic of China;

Archbishop Fernando Filoni, Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples;

Archbishop Manuel Monteiro de Castro, Major Penitentiary;

Archbishop Santos Abril y Castelló, Archpriest of the Papal Basilica of St Mary Major;

Archbishop Antonio Maria Vegliò, President of the Pontifical Council for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People;

Archbishop Giuseppe Bertello, President of the Pontifical Commission for Vatican City State and President of the Governorate of the same State;

Archbishop Francesco Coccopalmerio, President of the Pontifical Council for Legislative Texts;

Archbishop João Braz de Aviz, Prefect of the Congregation for Institutes of Consecrated Life and Societies of Apostolic Life;

Archbishop Domenico Calcagno, President of the Administration of the Patrimony of the Apostolic See;

Archbishop Giuseppe Versaldi, President of the Prefecture for the Economic Affairs of the Holy See;

Archbishop Dominik Duka, O.P., of Prague, Czech Republic;

Archbishop Willem Jacobus Eijk of Utrecht, The Netherlands;

Archbishop Giuseppe Betori of Florence, Italy;

Archbishop Rainer Maria Woelki of Berlin, Federal Republic of Germany;

H.B. Lucian Mureşan, Major Archbishop of Făgăraş and Alba Iulia for Romanians, Romania;

Monsignor Julien Ries, Priest of the Diocese of Namur, Belgium, Professor emeritus of history and religion at the Catholic University of Leuven/Louvain;

Fr Prosper Grech, OSA, Lecturer emeritus at various universities in Rome and Consultor to the Congregation for the Doctrine of the Faith;

Fr Karl Becker, SJ, Lecturer emeritus at the Pontifical Gregorian University, Consultor to the Congregation for the Doctrine of the Faith.

Thursday, February 9, 2012

Santo Papa bibisita sa Iglesia sa Iran?

Iran President Ahmadinejad at Pope Benedict XVI [Source: Maktoob.Yahoo!(Reuters)]
VATICAN CITY - Ipinabatid ng ambasador ng Iran sa Vatican ang imbitasyon ni Iranian President Mahmoud Ahmadinejad sa Santo Papa upang bisitahin ang kanilang bansa.

Ani Ali Akbar Naseri sa mga mamamahayag "If the pope decides to come, we will welcome him in an excellent way, and, as far as the government is concerned, we will welcome him with enthusiasm."

Ang imbitasyon ng Iran ay nakabinbin sa Vatican. Sa kasalukuyan si Papa Benito ay hindi pa tinatanggap ang usapin ng pagdalaw.

Matatandaan na ang Santo Papa ay tahasang kumukondena sa Iran sa pagsabing "buburahin" nila ang Israel sa mapa ng mundo.

Nananawagan din ang Santo Papa na resolbahin ang lumalaking sigalot sa pagitan ng Iran at ng iba pang mga bansang kasapi ng UN.

Hiling ng Iglesia sa Syria: "Ipanalangin niyo kami."

DAMASCUS, SYRIA - Nananawagan si Melkite Greek Catholic Patriarch Gregorios III sa lahat ng mga kaanib ng Iglesia ng Dios na mag-alay ng taimtim na panalangin para sa bansang Syria. Ang panawagan ng banal na patriarka uumpisahan sa panahon ng Kuwaresma (Lent) kung saan ang lahat ng mga kaanib ng Santa Iglesiang kay Cristo ay inaasahang mag-ayuno o mangilin lalong lalo na sa araw ng Biyernes. Kasama ng panalangin ang ganitong sakripisyo isang debosyon ng lahat ng mga Katoliko upang ang ating pagtitika ay kasihan nawa ng Panginoong Dios para sa Iglesia sa Syria.

Si  Melkite Greek Catholic Patriarch Gregorios III Laham at nasa kanan ay si Armenian Catholic Patriarcha Nerses Bedros XIX Tarmouni (Source: Eastern Rite Filipino Catholics Blog)
Ang panawagan ng butihin Patriarka Gregorios III ay inilathala sa Ingles noong ika-7 ng buwan ng Pebrero, 2012.

“In the current tragic situation of our Arab countries, especially Syria, we invite our priests and faithful to make this Lenten season a time of prayer and intercession and repentance for peace, solidarity, unity, harmony, dialogue and respect among citizens,” ani Patriarka Gregorios III sa kanyang mensahe para sa panahon ng Kuwaresma.

“Ingatan nawa ng Dios ang mga bansang Arabe, lalung-lalo na ang Syria" panalangin ng lider ng Eastern Catholic. "Nawa'y sa panahon ng Kuwaresma didinggin tayo ng Tagapagligtas tungo sa ligayang dulot ng muling-pagkabuhay at ng buhay."

“That is the call that Jesus Christ addressed to his disciples. It is the same call that I address to the sons and daughters of our Melkite Greek Catholic Church at the beginning of this blessed period of Great Lent that is opening wide its doors to us.”

Ang panahon ng Kuwaresma ay mag-uumpisa sa pagpapahid ng abo sa araw ng Miyerkoles ika-22 ng Pebrero 2012 para sa mga Katoliko sa Latin (Roman) Rite at ang mga Katoliko sa Melkite Rite ay mag-uumpisa ng Kuwaresma sa Linggo, ika-19 ng Pebrero na tinatawag na "Forgiveness Sunday."

Wednesday, February 8, 2012

Posibleng Pagbisita ng Santo Papa sa Lebanon ngayong Setyembre 2012

Vatican City - Pinag-iisipan pa ng Vatican ang posibleng pagdalaw ng Santo Papa sa Lebanon sa darating na buwan ng Setyembre ayon kay Rev. Federico Lombardi, spokesperson ng Vatican.

Malaki ang pagtatangi ni Papa Benito XVI sa mga paghihirap na nararanasan ng mga Kristiano sa Gitnang Silangan sa kamay ng mga Islamists na pilit na bumabago sa institusyong kanilang ginagalawan.

Ang pag-aanyaya sa Santp Papa ay ginawa ni Prime Minister Najib Mikati noong siya'y dumalaw sa Vatican noong buwan ng Nobyembre 2011.

Ipanalangin natin ang balaking ito ng Santo Papa upang sa kanyang pagdalaw ay maramdaman ng mga kapatiran ng Iglesia ni Cristo sa Gitnang Silangan ang pagmamahal ng Kahalili ni San Pedro, si Papa Benito XVI.

Wednesday, February 1, 2012

Pacquiao: Hiniling ng Iglesia na amging "Bible Ambassador"

http://www.abs-cbnnews.com/sports/01/30/12/church-asks-pacquiao-be-bible-ambassador

Bagong Pinuno ng Iglesia ni Cristo ng Byzantine Rite

Archbishop William Skurla (Source: Our Lady of the Sign)
Pinangalanan ng Santo Papa Benito XVI noong 19 ng Enero si Most Rev. William Skula bilang bagong Arsobispo ng Pangkalahatang Iglesia ni Cristo ng Byzantine Archeparchy ng Pittsburge sa Estados Unidos.

Ang bagoang arsobispo ang iluluklok sa darating na ika-18 ng Abril, 2012 bilang kapalit ng namayapang si Arsobispo Basil Schott na namatay noong Hunyo ng 2010.

Kinabibilangan ng parokya ng San Pedro at Pablo Byzantine Catholic Church sa Erie at ang parokya ng San Cyril at Methodius Byzantium Catholic Church sa Louisiana at Texas.

Ang Iglesia ni Cristo ay may 21 Rites maliban sa Latin Rite na karaniwang nakikita at napapanood natin sa EWTN at iba pang mga Katolikong istasyon ng TV.

Ipagdasal natin ang Iglesia ni Cristo na laganap sa buong mundo upang lalong dumami pa ang tunay na sumasampalataya kay Cristo Hesus na Panginoon natin at Dios patungo sa kaganapan ng lahat ng pangako niyang "kailanman ay hindi mananaig ang kadiliman" sa kanyang tunay na Iglesia (Mt. 16).

Thursday, January 12, 2012

Dagsaang Pag-anib ng mga Anglicans sa Iglesia ni Cristo

Catholic Church Baltimore
Hindi naman linggid sa kaalaman ng nakakarami na dagsaan pong pag-anib ng mga kaanib sa Anglican Church tungo sa Pangkalahatang Iglesia ni Cristo.

Ang akala ng nakakarami ay ngayong panahon lamang ni Papa Benito XVI ang pag-anib ng mga Anglicans ngunit sa katunayan ay panahon pa ni Beato Juan Pablo II ang pagbabalak ng maraming Anglicans tungo sa Roma.

Ngayon at buo na ang Anglicanorum Coetibus, pormal nang kaanib ng Iglesia ni Cristo ang mga lumipat na mga Anglicans. Kaya't sa kauna-unahang pagkakataon sa Estados Unidos, nagkaroon ng parokya sa Mount Calvary Church sa Baltimore ang mga dating Anglicans na ngayon ay kaanib na ng Iglesia.

Salamat sa malaking pang-unawa ng mahal na Santo Papa sapagkat naging mas lumalim ang kahulugan ng pagiging Kristiano sa Iglesia Katolika.

Thursday, January 5, 2012

Ang Kahalili ni San Pedro ng Iglesia ni Cristo ay dadalaw sa Mexico at Cuba

Katedral ng Iglesia ni Cristo sa Havana, Cuba (Larawan mula sa Reuters.com)
Pinal at tuloy na po ang balak ng Santo Papa Benito XVI, ang ika-266 Papa ng Iglesia ni Cristo.

Ayon sa napagkasunduan, ang Santo Papa ay nasa Mexico at Cuba bago pa man ang pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay. Sa nakuhang talaan ng kanyang pagdalaw, si Papa Benito XVI ay nasa Mexico sa ika-23-26 ng Marso, 2012 at tutuloy sa bansang Cuba, isang Komunistang bansa, mula ika 26 ng Marso bago siya tumulak pabalik ng Vatican.

Ipagdasal natin ang kanyang pagdalaw na sana madatnan ng Santo Papa ang Iglesia sa Cuba at Iglesia sa Mexico ng may paghahandang ispiritwal.

Mabuhay po ang Iglesia ni Cristo sa Cuba at Mexico!

Pakistan: Mga kaanib ng Iglesia ni Cristo inaalipusta


Ipagdasal natin sila sa Panginoon!

Saturday, December 31, 2011

Ika-2012 Taon na po ng Iglesia ni Cristo

Bagong Taon na po!

Alam niyo ba na sa bawat taon, binibilang natin ang taon ng Panginoon - ika 2012 A.D. (Anno Domini).  Ito rin ang pagbibilang nating lahat sa edad ng ating pagiging Kristiano.  Opo, ang Iglesia ni Cristo 33AD po ang nagtalaga ng bilang na ito.

Sa bawat nakasabit ng kalendaryo sa ating mga dingding o nakapatong sa ating mga mesa ay nagpapaalala sa atin na ang Iglesia ni Cristo ay 2012 taon na po.

Para po sa lahat ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo 33 AD, binabati po namin kayo ng maligayang Pasko at malusog at magpagpalang Bagong Taon po sa ating lahat.

Monday, August 1, 2011

Aling Iglesia ba ang binabati sa Biblia: Iglesia sa Roma o Iglesia® sa Pilipinas?

IGLESIA sa ROMA “Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." -PASUGO Abril 1966, p. 46:
Isang komento mula sa post natin na pinamagatang "Iglesia ni Cristo Symbol, nasa Biblia ba ang kahulugan ng kanilang bandila?/

Isang INC member ang pilit sinasaksak ang kasinungalingang natanggap niya mula sa kanilang "sugo" raw. Heto ang pagkasabi:


milzir said (kaanib ng INC-1914)...

--galing yan sa Bibliya translated in Tagalog version yan para sayo. So saan Ba dyan ang sinasabi mong nahanap mo na sa bibliya na ang katolika ay ang tunay na relihiyon? ang dami mong binigay na verse ni kahit isa e wala yung sinasabi mong tunay na relihiyon..Galing pa yan sa bibliya ha..Yang source na ibinigay mo gawa-gawa lang yan.

Tingnan mo yan sa bibliya............

Kung gusto mo talagang makita ang tunay na relihiyon, kung pwede lang e basahin mo ang mga sumusunod:

Efeso 4:4-6 "May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo; 5Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, 6Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.


Efeso 5:27 "Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan.

Colosas 1:18 "At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.

Colosas 1:24- 25 "Ngayo'y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa kaniyang katawan, na siyang iglesia; 25Na ako'y ginawang ministro nito, ayon sa pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios,

Buhat 20:28 "ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo.

Roma 16:16 "Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.

Syanga pala, paki intindi lang po ito ninyo ng maigi ng sa gayon eh malaman nyo talaga ang tunay na relihiyon.

At dahil mapilit itong kaanib ng Iglesia ni Cristo Manalo na SILA RAW ang tinutukoy sa Banal na Kasulatan, balikan natin kung aling Iglesia ba ang BINABATI sa Biblia. Ang Iglesiang nasa Roma o Iglesia raw na itinatag sa Pilipinas ni Felix Manalo?

Isa sa mga pilit INAANGKIN ng INC ay ang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-ROMA (16:16) "Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo."


Ano raw?

Mula sa SULAT ni Apostol San Pablo sa mga Kristiano sa ROMA at hindi sa Pinas.  Sino ang mga Kristianong binabanggit sa ROMA? Mga PINOY ba o mga ROMANO? Natural mga ROMANO dahil taga-ROMA nga eh. Kung sulat ito sa mga Pinoy dapat eh "sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Pilipinas.  Mga INC ba ang mga nasa ROMA? Hindi po maaari. At lalong di tatanggpin ng mga taga-ROMA na sila'y babansaging mga "Iglesia" sapagkat sila'y mga Kristiano Katoliko at hindi "Iglesia." 

Ayon kay Apostol San Pablo, ang LAHAT daw ng IGLESIA NI CRISTO ay bumabati sa IGLESIANG nasa ROMA "Binabati kayo lahat ng mga iglesia ni Cristo."  Kung LAHAT pala ng IGLESIA ni CRISTO ay bumabati sa IGLESIA sa ROMA, bakit may NAG-IISANG "iglesia" (raw) sa Pilipinas ang AYAW bumati sa IGLESIA sa ROMA?

Hindi ba't mismong ROMA 16:16 ang nagsasabing "lahat ng mga iglesia ni Cristo ay bumabati" sa IGLESIA sa ROMA, bakit naman ang INC sa Pilipinas ay ayaw talagang bumati? Dahil ba sa HINDI naman sila TUNAY na iglesia?

Kaya't kung suma-total, ang mga "iglesia" na AYAW bumati sa IGLESIA sa ROMA, bagama't sinasabi ni Apostol San Pablo na LAHAT daw ng mga iglesia ay bumabati, ang HINDI bumabati sa IGLESIA sa ROMA ay hindi dapat itinuturing na tunay na "iglesia" sapagkat NILALABAG nila ang sinasaad sa Roma 16:16 na "lahat ng mga iglesia ni Cristo ay bumabati sa inyo".  Bakit ba ayaw nilang bumati sa IGLESIA sa ROMA tulad ng pagbati ng lahat ng iglesia para sa ROMA?

Sa katunayan, halos lahat ng mga iglesiang kay Cristo sa mundo (pakitingnang ang mapa sa ibaba) ay bumabati nga naman sa IGLESIA sa ROMA.

VATICAN RELATIONS in GREEN COLOR (Source: Wikipedia)
At upang hindi tayo malito kung alin nga ba ang tunay na Iglesia ni Cristo mula pa sa pasimula? Ating hahanguin mula sa kanilang OPISYAL na pahayag ng PASUGO Abril 1966, p. 46:
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
Ang "Iglesia" bang ito ay natalikod ba ayon sa kanilang malimit na paratang?  HINDI PO. Pasugo rin po ang NAGPAPATUNAY na HINDI po ito NATALIKOD!

PASUGO Mayo 1968, p. 5:
"Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man."

PASUGO Hunyo 1940, p. 27:
"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."

PASUGO, Abril 1966, p. 46:
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
Nakita niyo ba? Ayon sa OPISYAL na pahayag nila sa PASUGO, ang Iglesia Katolika na sa pasimula pa ay siyang tunay na Iglesia ni Cristo ay hindi natalikod.  "KAILANMA'Y DI SILA MALILIPOL".  Ang Iglesiang ito ay "NANATILI SA MGA ARAL NG DIOS" na siyang iminumungkahi nilang DAPAT GAWIN. At "HANGGANG SA KASALUKUYAN" pilit pa rin daw pinapasukan ng maling aral ni Satanas ang TUNAY na IGLESIA ni CRISTO-- ang Iglesia Katolika.

At bagamat "patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling araw sa Iglesi Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo" ano ang pangako ni CRISTO sa Mateo 16:18?
At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng impiyerno ay hindi magtatagumpay laban sa kanya."
TUMPAK! Wala na tayong dapat pang pagtatalunan. Biblia na ang nangusap at Pasugo nila ang nagpapatunay!

Kaya't anong kapalaran ang maryoon sa INC na tatag ni Felix Manalo sa Pilipinas? At dahil sila alng ang "iglesa" (raw" na HINDI BUMABATI sa IGLESIA sa ROMA, hindi sila dapat pag-aksayahan ng panahon dahil ayon na rin sa kanlang PASUGO ay hindi sila tunay kung hindi HUWAD LAMANG.

PASUGO Mayo 1968, p. 7:

“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."
Kaya anong IGLESIA nga ulit ang tinutukoy sa Banal na Kasulatan na binabati ng lahat ng mga iglesia ni Cristo?  Iglesia sa ROMA o Iglesiang itinatag ni Felix Manalo sa Pilipinas?

IGLESIA sa ROMA!

At alin ang IGLESIANG nasa ROMA na sinasabi ng banal na kasulatang at Pasugo na "HINDI MALILIPOL"?

IGLESIA KATOLIKA!

Wednesday, July 27, 2011

97 Taon ng Panlilinlang at Pagyurak sa tunay na Iglesia ni Cristo - ang Iglesia Katolika

Source: Wikipedia
Ngayong araw ay isang malaking pagdirawang ang nagaganap sa bansang Pilipinas. Itinalaga ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang natatanging araw na ito ng Hunyo 27, 1914 sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa RA 9645 o mas kilala sa pangalang “Iglesia ni Cristo Day” para ipagdiwang ng mga kaanib ng INC ang kanilang anibersaryo ng pagkakatatag.

Ano ba ang Iglesia ni Cristo? At bakit malaki ang impluwensiya nito sa mga pulitiko? Bakit ginawaran ang kanilang pagdiriwang bilang isang “National Holiday”?

Ang Iglesia ni Cristo or INC ay isang sekta o kultong itinatag ng yumaong Felix Y. Manalo—binyagang Katoliko at dating kaanib ng iba’t-ibang mga sektang Protestante, naging “Pastor” at “Ministro” ng mga ito bago niya itinatag ang kanyang sariling samahang “Iglesia ni Cristo.”

Isa sa mga itinuturong aral ay ang “kaisahan” ng INC sa pagboto tuwing sumapit ang “Election Day” sa Pilipinas. Ayon sa kanilang katuruan, ang pagkakaisa raw ng INC ay makikita kahit sa larangan ng politika kaya’t para sa mga ganid ang laman sa kapangyarihan, ang mga politiko ay nangangarandapang makausap ang sinumang nakaupong angkan ng mga Manalo sa Central Office nito sa may Diliman, Quezon City. Ayon sa sabi-sabi sila raw ay umaabot sa 2-3 milyong kaanib na maaaring magluklok ng isang kandidato sa pwesto. Ngunit sa resulta, lumalabas ang kabaliktaran.

Ayon sa paniniwala ng mga INC, ang Iglesia ni Cristo raw na lumitaw sa Pilipinas noong 1914 ay si Cristo ang nagtatag at hindi si Felix Manalo. Sa larangan ng pukpukan sa debate, sa mga internet forums at sa mga blogs na gawa ng mga kaanib ng INC, ito’y kanilang sinasabi ng walang kaabog-abog ng buong pagmamalaki. Maging ang kanilang opisyal na magasing PASUGO, ito’y kanilang lakas-loob na pinagyayabang.

PASUGO Enero 1964, p. 6:
“Sino ang tunay na nagtayo ng Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914? Hindi ang kapatid na si Manalo kundi ang Dios at si Cristo."
Totoo kayang si Cristo Hesus ang nagtatag ng INC na lumitaw sa Pilipinas noong 1914?

Tuesday, July 19, 2011

IPAGTANGGOL ANG SANTA IGLESIA

Opisyal na Logo ng samahang Iglesia ni Cristo ni Felix Manalo
Nakakalungkot na sa panahon ngayon, marami pa rin ang mga nagsasabing mga “Kristiano” raw sila ngunit makikitang nagsasaya sa mga balitang sinapit ng mga tiwaling paring Katoliko.

Mula taong 2000 nagsimulang nagsulputang parang kabute ang mga balitang may iilang mga paring Katoliko ang inireklamong nagsamantala sa ating mga kabataan. At ang ilan ay napatunayan sa korte.

Nakakalungkot at nakakainis nga naman. Kaya’t nararapat lamang na may hustisya sa mga biktima ng pananamantala sa mga kabataan. At dahil dito, maraming mga parokya sa Estados Unidos ang tuluyang nalugmok sa pagkakautang. Ang ilan sa mga biktima ay ginawaran ng malaking salapi bilang kabayaran sa kanilang mga pagdurusa.