Pages

Tuesday, June 25, 2019

Sa Wikang Tagalog Naiparehistro ang Iglesia Ni Cristo ~ Samakatuwid Ito ay Hindi kay Cristo!

TANONG: Bakit kahit sa wikang Ingles ay TAGALOG pa rin ang pagkakabanggit sa INC™, hindi ba't dapat sumasabay ang salin nito sa kung anong wika ang kasalukuyang ginagamit?

SAGOT: Sapagkat ang "Iglesia Ni Cristo" ay rehistrado sa wikang Tagalog (Filipino). At sa tuwing makikita ninuman sa Pilipinas o ibang bansa ang mga gusaling "sambahan" na may TAGALOG na pangalang "Iglesia Ni Cristo" ay hudyat na ito ay ang Iglesiang TATAG ni G. FELIX Y. MANALO sa PILIPINAS noong HULYO 27, 1914. Ang iba pang mga rehistrong may pangalang "CHURCH OF CHRIST" o "THE CHURCH OF JESUS CHRIST OF THE LATTER-DAY SAINTS" o ang "CHURCH OF CHRIST 4TH WATCH" ay hindi po maaaring isalin sa wikang Tagalog sapagkat, katulad ng INC™, ang mga nabanggit po ay sadyang nairehistro sa wikang Ingles.

Samantalang ang tunay na Iglesiang tatag ni Cristo noong 33 AD ~ ang IGLESIA KATOLIKA ayon sa PASUGO Abril 1966, p. 6, PASUGO Hulyo-Agosto 1988 pp. 6, PASUGO Marso-Abril 1992, p. 22 ~ ang kanyang pangalan ay sumasabay at sumusunod sa ano mang wikang ginagamit.

Samakatuwid, ang INC™ ay HINDI kay CRISTO. Ito ay kay MANALO!

Source: Vicarius Filii Dei

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.