Kaawa-awang isipin na sa kabila ng pagkakaroon ng halos parehong katuruan ang Saksi ni Jehova na tatag ni Charles Taze Russell (Naiparehistro sa gobyerno ng USA noong 1884) at ng Iglesia Ni Cristo® na tatag ni Felix Manalo (Naiparehistro sa gobyerno ng USA-Pilipinas noong 1914) ay HINDI pa rin MAGKASUNDO sa kung alin sa kanilang dalawa ang tunay na tatag ni Cristo?
Bukod sa ang kanilang mga tagapagtatag (Charles T. Russell at Felix Manalo) ay nagtatalo kung sino ba talaga sa kanilang dalawa ang TUNAY na mga SUGO raw ng Diyos, sa kanilang mga katuruan, parehong-pareho ang kanilang turo na si raw CRISTO AY TAO LAMANG at kailanman ay HINDI naging DIYOS.
Sa lathala ng mga Saksi ay ganito ang sinasabi:
"Hindi kailanman inangkin ni Jesus na siya'y Diyos, ngunit inamin niya na siya ang ipinangakong Mesiyas, o Kristo. Sinabi rin niya na siya ang "Anak ng Diyos," hindi ang Diyos." (Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, p. 8-9)Sa lathala naman ng INC™ sa kanilang opisyal na magasing Pasugo ay ganito:
“TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoon Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa araw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO ng ipinanganak, TAO ng lumaki na at nangangaral, TAO ng mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyant sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto.” -PASUGO, Enero, 1964, p. 13 (Sinulat ni Emiliano Agustin)
Pero ayon sa Biblia, sinabi mismo ni Apostol San Pablo sa kanyang Sulat sa mga taga-Filipos na si Cristo sa KALAGAYAN ng Tao ay nasa kanya ang KALIKASAN ng pagka-Diyos. Ang sabi niya, si CRISTO AY NASA ANYONG DIYOS, bagay na di niya inangkin, bagkus KANYANG HINUBAD.
"Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: Na siya, bagama't nasa anyong Dios..." (Filipos 2:5-6)
Napakalinaw! Si Cristo ay NASA ANYONG DIYOS ngunit HINDI NIYA INANGKIN ang pagka-Diyos. Kaya't sa kanyang KALAGAYAN bilang TAO, siya ay nasusumpungan sa kanyang mga sinasalita na siya ay totoong Tao nga naman, NGUNIT HINDI NIYA SINABING "TAO LAMANG" siya!
Si Hesus ay NAGPAKABABA. Siya ay NAGING MASUNURIN. Masunuring hanggang sa kamatayan. Hindi lamang natural na kamatayan kundi isang bukod tanging uri ng KAMATAYAN ~ ang kamatayan sa Krus.
Dahil dito, DINAKILA ng DIYOS AMA ang DIYOS ANAK sa Kanyang habang siya ay nasa KALAGAYAN ng TAO sapagkat naging masunurin at GINAMPANAN ang plano ng Ama para sa kaligtasan ng sanlibutan.
"Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesuc isto ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama!" (Filipos 2:9-11)
Nawala ba ang pagka-Diyos ni Cristo noong siya ay nagkatawang-tao? Hindi!
Sinabi ba ng Banal na Aklat na si Cristo ay Tao LAMANG?! Hindi!
Sinabi ba ng Biblia na si Cristo ay LALANG (created) ng Diyos Ama? Hindi!
Ang pagka-Diyos ni Cristo ay hindi naman parang isang damit na kapag hinuhubad ay nawawala. ang kanyang KALIKASAN bilang DIYOS ay hindi parang isang mantsa (stain) na kapag nilagyan ng bleach ay nawala na.
Ang pagiging Diyos ni Cristo ay ang KANYANG KALIKASAN at ang Kanyang PAGIGING TAO ay Kanyang pinili ngunit kailanman ay HINDI nawala ang kanyang pagka-DIYOS mula bago pa lalangin ang sanlibutan hanggang sa kanyang pagparitong muli ay ang kanyang KALAGAYAN.
Sa maikling salita, si Cristo ay TAO sa kalagayan ngunit DIYOS sa kalikasan! Totoong Diyos at Totoong Tao!
"At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon." -Juan 17:5
"...bago pa lalangin si Abraham, ako ay ako na!" -Juan 8:58
Halos mahigit 2,000 ang tanda ni Abraham kay Jesus ngunit sabi ng Hesus ay NAROON na siya bago pa man lalangin si Abraham.
Kung Tao Lamang si Hesus, hindi niya aangkinin ang kanyang pag-iral (existence) 2,000 taon bago pa isilang si Hesus sa kalagayan bilang tao.
Ang sagot naman ng mga INC™ riyan ay si Hesus raw ay PLANO (Verbo) ng Ama kaya't ang plano raw ng Ama ay ang nagkatawang tao at hindi si Hesus (Juan 1:1-3).
Ngunit ang kanilang argumentong ito ay matutunaw sa sinag ng katotohanan ng Biblia. Sapagkat ang sabi ng Biblia ay ang VERBO AY DIYOS (Juan 1:1) ay NAGKATAWANG-TAO (Juan 1:14). At ang VERBONG DIYOS na ito na NAGKATAWANG TAO ay walang iba kundi si Jesus.
"Sapagkat nagkalat sa daigdig ang maraming mandaraya na ataw kumilala na SI JESUCRISTO AY NAGKATAWANG-TAO; ganyan nga ang mandaraya at ang anti-Cristo." -2 Juan 1:7
Kahindik-hindik nga naman ang mga tampalasan, mga sinungaling at mga mandaraya! Mga manlilinlang! Mga kalaban ni Cristo ~ mga ANTI-CRISTO!
Kaya't sa mga sumusuri, huwag magpalinlang. Huwag hayaan ang kanilang mga kasinungalingan at kamangmangan na sumakop sa inyong pananampalataya sa Iglesia Katolika! Sapagkat bago pa sila ay TAYO NA! Sila ay sulpot na mga manlilinlang tulad ng mga hula ng Biblia. Mapagmasid, magdasal upang hindi matangay at mag-aral ng Banal na Biblia ayon sa UNAWA ng Santa Iglesia at hindi ng mga bulaang propeta na ginagamit ang kanilang maling unawa upang ipaliwanag ang Banal na Kasulatan.
MABUHAY PO ANG DIYOS AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO! MABUHAY ANG BANAL NA SANTATLO! MABUHAY ANG NAG-IISANG DIYOS AT ANG KANYANG BANAL NA IGLESIA KATOLIKA!
No comments:
Post a Comment
Comments are posted only when you properly identify yourselves.