Kahabag-habag ang mga umanib sa mga nagsisulputang mga relihiyon na pinamumunuan ng mga bulaang propeta at mga mandarayang mangangaral ngayon sapagkat lahat sila ay umaangkin na sila raw ang totoo at nasa kanila ang kabuuan ng katotohana. Isa na riyan ang Iglesia Ni Cristo®.
Ang isang malaking tanong ay kung PAANO naging sila ang TUNAY kung KAILAN LAMANG SILA ITINATAG?
Hindi maikaila ninuman ang pangunahing katotohanang ito, maging ang mga nasa media na ang Iglesia Ni Cristo® ay tatag ni Ginoong Felix Ysagun Manalo at hindi ni Cristo. Ayon sa kanilang sariling opisyal na limbag na magasing PASUGO, ang INC™ raw ay itinatag ni Ginoong Manalo noong 1914.
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK." -PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
Hindi naman nakagugulat ang mga sinabi nila sa Pasugo sapagkat ito rin naman ay sinasaad din sa kanilang REHISTRASYON sa Securities and Exchange Commission.
Samakatuwid, ang Iglesia Ni Cristo® ay TATAG NG TAO at HINDI NG DIYOS! Ang INC™ ay pagmamay-ari ni Manalo at HINDI ni Cristo!
NATALIKOD NGA BA ANG UNA AT TUNAY NA IGLESIA?
Matalino rin nga naman ang nakapag-isip ng doktrinang "NATALIKOD NA GANAP ANG UNANG IGLESIA" ~ ang IGLESIA KATOLIKA ~ kaya't kinakailangan raw ng mga huling sugo, huling anghel, huling propeta, huling mensahero atb. upang ITATAG MULI ang Iglesia ni Cristo na natalikod.
Ang DOKTRINA ng PAGTALIKOD NG UNANG IGLESIA ay HINDI ekslusibo sa INC™ at lalong hindi po sila ang orihinal. Ito ay noon pang umusbong ang PROTESTANTISMO (1517) ~ ang THE GREAT APOSTASY ngayo'y PINANGANGARAL sa iba't ibang sekta sa Iglesia Protestante.
Si Luther at Calvin ang mga sinaunang TUMALIKOD sa Iglesiang tatag ni Cristo at di kalauna'y nasimulang magturo na ang IGLESIA KATOLIKA bilang UNANG IGLESIA ay siyang tinutukoy (raw) sa Biblia na tatalikod (1689 London Baptist Confession-Chapter 26).
Sa mga katulad nilang naniniwala sa GREAT APOSTASY ay ang mga ANABABTISTS, ang mga MORMONS (The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints), mga SABADISTA (Adventists), mga SAKSI (Saksi ni Jehova), mga CHRISTADELPHIANS, maging ang lokal na tatag sa Pilipinas na mga IGLESIA (Iglesia Ni Cristo) at marami pang bagong sulpot. Lahat sila ay tinatawag na mga RESTORATIONISTS!
Oo nga naman. Papaano naman magiging tunay ang mga nagsisulputang mga sekta ngayon kasama ang lokal na tatag ni G. Manalo ~ ang INC™ ~ kung hindi nila palalabasin na tumalikod ang Unang Iglesia? Kinakailangan o DAPAT nga lang naman na matalikod na ganap ang Unang Iglesia upang sa PANLABAS man lang ay sila ang tunay at ang TUNAY ang peke.
Kung susundin natin ang LOGIC na kanilang argumento, lalabas na SINUNGALING SI CRISTO at Siya ay isang MANDARAYAG ANAK NG DIYOS. Ganito kasi ang PANGAKO NI CRISTO sa Mateo 16:18 UKOL SA KANYANG TATAG NA IGLESIA:
"Ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESYA, at DI MANANAIG SA KANYA ANG MGA PINTUAN NG IMPIYERNO."
Maging sa saling Biblia ng mga Saksi ni Jehova, ang The New World Translation of the Bible Tagalog, ay ganito ang mababasa natin sa parehong bersikulo ng Biblia (Mt. 16:18)
"Sinasabi ko sa iyo, Ikaw ay si Pedro, at sa ibabaw ng batong-bundok na ito ay ITATAYO KO ang aking kongregasyon, at ANG MGA PINTUAN NG HADES AY HINDI MANANAIG DITO."
ISANG PANGAKONG HINDI MANANAIG ANG KAPANGYARIHAN NI SATANAS ~ NI ANG PAGTALIKOD NITO AY HINDI POSIBLE~ sapagkat ito ay ISANG PANGAKO NI CRISTO na makaraan lamang ang 1,517 taon ay MAGLALAHO na lamang. At sinundan pa ng isa pang pandaraya noong 1914.
At dahil alam naman nating mga tunay na taga-sunod ni Cristo na SI CRISTO AY HINDI SINUNGALING, HINDI SIYA MANDARAYA at HINDI MANLILINLANG, Siya ANG DAAN, KATOTOHANAN, AT ANG BUHAY (Juan 14:6), lalong lumalabas na ang mga PROTESTANTENG ITO kasama ang INC™ ay mga SINUNGALING, MANDARAYA at mga MANLILINLANG!
Pinalalagay nilang sinungaling ang ating Panginoong Hesus upang ang kanilang mga tatag na Iglesia kahit sa panlabas lamang ang siyang pinalalabas na tunay ~ ngunit MANANATILI SILANG MGA HUWAD at PEKE.
Pinalalagay nilang sinungaling ang ating Panginoong Hesus upang ang kanilang mga tatag na Iglesia kahit sa panlabas lamang ang siyang pinalalabas na tunay ~ ngunit MANANATILI SILANG MGA HUWAD at PEKE.
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang." -PASUGO Mayo 1968, p. 7
Mismong ang Pasugo na rin ang sumagot sa KATOTOHANAN UKOL SA NAG-IISA AT TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ~ ang IGLESIA KATOLIKA. Kaya't lahat sila, mula noong 1517 hanggang sa kasalukuyan na UMAANGKIN na sila ang tunay ay mga HUWAD LAMANG sapagkat sila'y mga BAGONG SULPOT lamang!
Baka naman sasabihin ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo® na hindi totoong ang Iglesia Katolika ang tinutukoy na Una at Tunay na Iglesiang tatag ni Cristo KUNDI SILANG MGA BAGONG SULPOT, tanging ang kanilang opisyal na magasing Pasugo ang ating pasasagutin (Ang kabuuan ay nababasa rito sa Ang Katotohanan Tungkol sa INK -1914):
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino-- ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sino mang tao-- maging marunong o mangmang, maging dakila o hamak-- ay walang karapatang magtayo ng Iglesia"
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."
PASUGO Mayo 1954, p. 9:
“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."
PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 2:
“Sino ang sinugo ng Dios upang maitatag ang Iglesia sa Pilipinas? Sa Isaias 46:11, ay ganito ang sabi: 'na tumatawag ng ibong mandaragit mula sa silanganan ang taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain" (Si Felix Manalo).
PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5:
"Ayon sa kumakaaway sa INK sinasabi raw ng Rehistro na si Felix Manalo ang nagtatag ng INK."
PASUGO Mayo 1967, 9.14:
“Sa panahong ito ng mga wakas na Lupa na nagsimula sa unang Digmaang Pandaigdig ay tatawag ang Dios ng kanyang huling sugo upang itatag ang kanyang Organisasyon. Kung gayon ang INK na lumitaw sa Pilipinas noong 1914, ay siyang Organisasyong Pinangunahan o Pinamahalaan ni Felix Manalo."
PASUGO Hulyo 1955, nasa panakip:
“Iyon ang Iglesia ni Cristo na dapat pasukan ng lahat ng tao; at ang tanging sugo'y si kapatid na Felix Manalo."
PASUGO Hulyo 1952, p. 4:
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."
PASUGO Enero 1964, p. 6:
“Sino ang tunay na nagtayo ng Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914? Hindi ang kapatid na si Manalo kundi ang Dios at si Cristo."
PASUGO Mayo 1964, p. 15:
“Tinatanggap halos ng lahat na sa Dios at kay Cristo ang INK na itinayo ni Cristo sa Jerusalem noong unang siglo. Datapuwat ang INK sa huling araw na ito na lumitaw sa Pilipinas noong 1914 ay hindi nila kinikilalang sa Dios at kay Cristo. Ito ay nagpapanggap lamang na INK ngunit ang totoo raw ay Iglesia ni Manalo. Walang katotohanan ang kanilang palagay na ito sapagkat walang Iglesiang kanya si Kapatid na Manalo."
Tanong: Totoo ba o hindi na si Felix Manalo ang siyang nagtatag ng INC -1914?
Sagot: PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Tanong: Sino ang may-ari ng Iglesiang itinatag ni Ginoong Felix Manalo?
Sagot: PASUGO Mayo 1952, p. 4
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."
Lalong lumilitaw na si Felix Manalo ang nagtatag at may-ari nitong tinagurian nilang INK na nairehistro sa Pilipinas noong Huly 27, 1914 at hindi sa Dios at kay Cristo kundi nagpapanggap lamang, baka sakali'y makalusot!
Tanong: Mayroon bang karapatan na magtayo ng Iglesia ang isang tao, na katulad ni Felix Manalong tao?
Sagot: PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."
Tanong: Ilan ba ang Iglesiang itinayo ni Cristo, at saang dako ng daigdig niya itinayo?
Sagot: PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
At bilang KABUUAN ng ating talakayan, DITO PINAPATUNAYAN ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na ang TUNAY NA IGLESIANG TATAG NI CRISTO AY UMIIRAL PA (1966) at HINDI PA NATATALIKOD NA GANAP ang UNA AT TUNAY NA IGLESIA sa kanilang lathala sa kanilang opisyal na magasin:
PASUGO, Abril 1966, p. 46:
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
NOTA: Dapat pansinin natin ang katugon na petsa nitong banggit na "kasalukuyan." Ang petsa nito ay noong Abril 1966, sapagkat noon nga napalathala ang sinasabi nilang ito. Kung gayon, maliwanag na hindi pa nawala ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem noong unang siglo. Bakit? Sapagkat pinapasukan pa rin ni Satanas ng kanyang mga maling aral. Malinaw po ba?
No comments:
Post a Comment
Comments are posted only when you properly identify yourselves.