Pages

Friday, June 18, 2021

NASA BIBLIA BA ANG 'HOLY CATHOLIC APOSTOLIC ROMAN CHURCH'?

Sala na naman sa katotohanan ang mga INC™1914 dito sa screenshot natin sa kanan.

Ang KONTEKSTO nito kung bakit GINAMIT ng Catholic Faith Defender ang Confraternity Bible para PATUNAYAN na may NAKASULAT (alinmang salin) sa Biblia na 'HOLY CATHOLIC APOSTOLIC ROMAN CHURCH' ay sapagkat may CHALLENGE question mula sa INC™1914 kung NASA BIBLIA BA ANG PANGALANG 'IGLESIA KATOLIKA APOSTOLICA ROMANA'?
Ang sagot ng Catholic apologist ay, 'MERON'. At BINASA nga nito ang NASUSULAT sa CONFRATERNITY BIBLE. Ang punto rito ay MERON ngang nakasulat sa Biblia.
KATULAD ng PAGGAMIT, EXCLUSIVELY, ng INC™1914 sa LAMSA para lamang patunayan na ang salitang 'iglesia ni Cristo' ay naroon sa Biblia. Yun nga lang, sa ORIHINAL na TEKSTO ng BIBLIA ay 'iglesia ng Diyos' o God's Church (church of God) at HINDI 'iglesia ni Cristo'.
Sa nasabing LAMSA TRANSLATIONS, hindi matanggap ni George Lamsa na ang DIYOS AY MAY DUGO! Kaya't para kay Lamsa, MALI ang nakasulat sa original na Biblia. Sapagkat HINDI DAPAT na MAY DUGO ang Diyos. Dahil para sa kaniya, ang DIYOS ay ESPIRITU at WALA siyang dugo. Kaya BINAGO ni Lamsa. Inalis ang 'iglesia ng Diyos' at pinalitan ng 'iglesia ni Cristo' sapagkat si Cristo raw yung may Dugo at hindi ang Diyos (Ama).
Ang ganitong LIKONG PANANAW kay CRISTO ay BUMENTA sa INC™. Kaya't sa TUWING ginagamit nila ang argumento na ang 'Iglesia Ni Cristo'® raw ay NAKASULAT sa BIBLIA, ginagamit nila ang MGA GAWA 20:28 (Acts 20:28) LAMSA bukod sa ROMA 16:16, kahit alam nilang ang Lamsa ay hindi tinatanggap na batayan ng halos lahat ng Kristiano.
Narito ang ORIHINAL na teksto sa ACTS 20:28
GRIEGO
προσέχετε ἑαυτοῖς καὶ παντὶ τῷ ποιμνίῳ, ἐν ᾧ ὑμᾶς τὸ πνεῦμα τὸ ἅγιον ἔθετο ἐπισκόπους, ποιμαίνειν τὴν ἐκκλησίαν τοῦ θεοῦ ἣν περιεποιήσατο διὰ τοῦ αἵματος τοῦ ἰδίου.
LATIN
Attendite vobis, et universo gregi, in quo vos Spiritus Sanctus posuit episcopos regere ecclesiam Dei, quam acquisivit sanguine suo.
ENGLISH
Keep watch, then, over yourselves, and over the church of God, in which the Holy Spirit has made you bishops; you are to be the shepherds of that flock which he won for himself at the price of his own blood.
TAGALOG
Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Diyos na binili niya ng kaniyang sariling dugo.
HINDI rin MATANGGAP ng Iglesiang TATAG ni Ginoong FELIX Y. MANALO na ang IGLESIA KATOLIKA, HANGGANG sa KASALUKUYAN ay SIYA pa ring TUNAY na IGLESIA NI CRISTO!
PASUGO, Abril 1966, p. 46:
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
Kung HANGGANG sa KASALUKUYAN, ang IGLESIA KATOLIKA PA RIN ang SIYANG IGLESIA NI CRISTO MULA sa PASIMULA pa, ANO ang KAHIHINATNAN ng IGLESIA NI CRISTO® 1914?
Ang sabi ng PASUGO, ang INC™ na TATAG LAMANG nitong 1914 ay HUWAD o PEKE!
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
Bakit naman HUWAD o PEKE ang INC™?
Sapagkat, ayon sa Pasugo, ang mga NAGSISIBANGON daw NGAYON na mga IGLESIA at sila rin ay NAGSASABING mga 'IGLESIA NI KRISTO' (INK), ang mga ito ay HINDI RAW TUNAY kundi mga HUWAD LAMANG!
O SIYA, NAPAKA LINAW!

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.