Kaawa-awang isipin na sa kabila ng pagkakaroon ng halos parehong katuruan ang Saksi ni Jehova na tatag ni Charles Taze Russell (Naiparehistro sa gobyerno ng USA noong 1884) at ng Iglesia Ni Cristo® na tatag ni Felix Manalo (Naiparehistro sa gobyerno ng Pilipinas noong 1914) ay HINDI pa rin MAGKASUNDO sa kung alin sa kanilang dalawa ang tunay na tatag ni Cristo? PAREHO SILANG UMAANGKIN.
Bukod sa ang kanilang mga tagapagtatag (Charles T. Russell at Felix Manalo) ay nagtatalo kung sino ba talaga sa kanilang dalawa ang TUNAY na mga SUGO ng Diyos, sa kanilang mga katuruan, parehong-pareho ang kanilang turo na si raw CRISTO AY TAO LAMANG at kailanman ay HINDI naging DIYOS.
Sa lathala ng mga Saksi ay ganito ang sinasabi:
"Hindi kailanman inangkin ni Jesus na siya'y Diyos, ngunit inamin niya na siya ang ipinangakong Mesiyas, o Kristo. Sinabi rin niya na siya ang "Anak ng Diyos," hindi ang Diyos." (Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, p. 8-9)
Sa lathala naman ng INC™ sa kanilang opisyal na magasing Pasugo ay ganito:
“TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoon Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa araw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO ng ipinanganak, TAO ng lumaki na at nangangaral, TAO ng mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyant sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto.” -PASUGO, Enero, 1964, p. 13 (Sinulat ni Emiliano Agustin)
Pero ayon sa Biblia, sinabi mismo ni Apostol San Pablo sa kanyang Sulat sa mga taga-Filipos na si Cristo ay TAO sa KALAGAYAN ay DIYOS sa KALIKASAN. Ang sabi niya, si CRISTO AY NASA ANYONG DIYOS, bagay na di niya inangkin, bagkus KANYANG HINUBAD.
"Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: Na siya, bagama't nasa anyong Dios..." (Filipos 2:5-6)
Napakalinaw! Si Cristo ay NASA ANYONG DIYOS ngunit HINDI NIYA INANGKIN ang pagka-Diyos. Kaya't sa ANYONG TAO siya ay nasusumpungan. TAO ngunit hindi 'Tao Lamang'!
Sa KALAGAYAN BILANG TAO, si Hesus ay NAGPAKABABA, bagama't SIYA'Y NASA ANYONG DIYOS. Bilang TAO, siya ay NAGING MASUNURIN. Masunuring hanggang sa kamatayan, maging ang kamatayan sa Krus.
Dahil dito, DINAKILA ng DIYOS AMA ang DIYOS ANAK sa Kanyang KALAGAYAN bilang TAO sapagkat naging masunurin at GINAMPANAN ang plano ng Ama para sa kaligtasan ng sanlibutan.
"Kaya siya naman ay pinakadakila ng Diyos, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesuc isto ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama!" (Filipos 2:9-11)
Nawala ba ang pagka-Diyos ni Cristo noong siya ay nagkatawang-tao? Hindi!
Sinabi ba ng Banal na Aklat na si Cristo ay Tao LAMANG?! Hindi!
Sinabi ba ng Biblia na si Cristo ay LALANG (created) ng Diyos Ama? Hindi!
PINAGKAITAN ba ng BIBLIA si CRISTO sa kalagayang TAO? Hindi.
Nawala ba ang Kanyang pagka-DIYOS? Hindi!
TAO sa KALAGAYAN! DIYOS sa KALIKASAN!
TUNGKOL NAMAN sa NEW WORLD TRANSLATION BIBLE ng JEHOVAH'S WITNESSES
Ayon sa ipinagmamalaki nitong Saksi ni Jehova, ang kanilang Bible Translations daw ay may 1028 translations sa buong mundo. Nakalimutan yata nila na ang IGLESIA KATOLIKA ay may 1.3 BILYON na kaanib at sila ay nasa LAHAT NG KONTINENTE ng MUNDO na NAGSASALITA ng halos mahigit 7,000 LENGGUWAHE.
Ibig sabihin lamang nito na ang BIBLIA ng IGLESIA KATOLIKA ay may 7,000 TRANSLATIONS MAHIGIT!
PINAGKAKATIWALAAN ba ang NEW WORLD TRANSLATIONS ng JW?
HINDI PO, dahilan sa mga sumusunod:
HINDI PO, dahilan sa mga sumusunod:
Hindi JEHOVAH ang pangalan ng Diyos kundi YAHWEH
Ang salitang 'Jehovah' ay maka ng 237 beses ginamit sa Bagong Tipan kung saan ang mga umiiral na teksto sa orihinal na biblia ay gumagamit lamang ng mga salitang Greek na kyrios (Lord) at theos (God).
Ang maling pagtawag sa pangalan ng Diyos bilang "Jehovah" ay inamin mismo ng Jehovah's Witnesses sa kanilang 1950 unang edition ng The New World Translation ayon sa The New World Translation Bible Committee ng JW. Ganito ang pagkasulat: “While inclining to the very pronunciation “Yahweh” as the more correct way, we have retained the form “Jehovah” because of people’s familiarity with it since the 14th century. Moreover, it preserves, equally with other forms, the letters of the tetragrammaton JHVH.”
The NWT is a travesty of the Scriptures for two main reasons: First, of the five men who comprised the translation committee–Nathan Knorr, Fred Franz, Albert Schroeder, George Gangas, and Milton Henschel–Franz is the only one who had any knowledge at all of the biblical languages. Franz studied Greek for only two years (not biblical Greek, though), and he was allegedly self-taught in Hebrew. The other four men completely lack any credentials that would qualify them as competent biblical scholars. Second, the text of the NWT is distorted and twisted in a manner to suit the erroneous beliefs of the Jehovah’s Witnesses. Numerous examples could be cited. For instance, John 1:1, in the NWT, reads that the Word was ” a god” (rather than “God”) because JWs deny the divinity of Christ. Similarly, in Colossians 1:15-20, the NWT inserts the word “other” into the text four times because JWs believe that Christ was created. Also, in Matthew 26:26, the NWT reads “this means my body” (rather than “this is my body”) because JWs deny the Real Presence.
Hoekema wrote: "Their New World Translation of the Bible is by no means an objective rendering of the sacred text into modern English, but is a biased translation in which many of the peculiar teachings of the Watchtower Society are smuggled into the text of the Bible itself."
A total of 17 single verses are missing from the bible used by Jehovah’s Witnesses.
British scholar H.H. Rowley calls it “a shining example of how the Bible should not be translated,” classifying the text as “an insult to the Word of God.”
DR. J.R. MANTEY (who is quoted on pages 1158-1159, of the Society's Kingdom Interlinear Translation): "A shocking mistranslation". "Obsolete and incorrect". "It is neither scholarly nor reasonable to translate John 1:1 "The Word was a god."
DR. BRUCE M. METZGER of Princeton University (Professor New Testament Language and Literature): "A frightful mistranslation...", "erroneous...", "pernicious..." "reprehensible...". "If the Jehovah's Witnesses take this translation seriously, they are polytheists."
DR. PAUL L. KAUFFMAN of Portland, Oregon: "The Jehovah's Witnesses [translators] evidence an abysmal ignorance of the basic tenets of Greek grammar in their mistranslation of John 1:1."
IPANGALANDAKAN niyo pa ang 1038 translations niyo kung ang punong-ugat nito ay HALAW sa KATOTOHANAN at MINALING SALIN ng BIBLIA ay HINDI pa rin DAPAT PAGKATIWALAAN. Binaboy nila ang SALITA NG DIYOS, lamang para MANLINLANG at MANDAYA!
No comments:
Post a Comment
Comments are posted only when you properly identify yourselves.