Pages

Sunday, February 28, 2021

Saan LITERAL na Nakatitik sa Biblia ang Pangalan ni Felix Y. Manalo na Sinugo siya ng Diyos?

Sipi mula sa Pasugo Online [https://www.pasugo.com.ph/the-significance-of-gods-sending-of-messengers/] Orihinal na inilathala sa Pasugo: God’s Message magazine, May 2018 

KULANG BA ANG DIYOS AT KAILANGAN PA NIYA NG ISANG FELIX MANALO UPANG MAGING GANAP ANG KANYANG PAGLILIGTAS?
In the last days, God sent Brother Felix Y. Manalo to preach His laws and teachings. There are prophecies in the Bible that were fulfilled in him – proof that God indeed sent Brother Manalo. And just as what previous true messengers did, Brother Manalo also proclaimed the Lord’s laws and teachings to fulfill his mission in bringing God’s righteousness, the gospel, to people in order for them to be saved (Rev. 7:2-3; Isa 41:9-10; 46:11-13; Rom. 1:16-17). [Sa mga huling araw, ipinadala ng Diyos si Kapatid na Felix Y. Manalo upang ipangaral ang Kanyang mga batas at aral. Mayroong mga propesiya sa Bibliya na natupad sa kanya - patunay na sinugo talaga ng Diyos si Kapatid Manalo. At tulad ng ginawa ng mga naunang mga totoong sinugo, ipinahayag din ni Kapatid na Manalo ang mga batas at aral ng Panginoon upang matupad ang kanyang misyon sa pagdadala ng katuwiran ng Diyos, ang ebanghelyo, sa mga tao upang sila ay maligtas.]

NAKAKAPANGILABOT ang PAG-AANGKIN ng Iglesia Ni Cristo® na TATAG ni Ginoong Felix Y. Manalo noong 1914 tungkol sa "PAGSUGO" raw ng Diyos sa kanya bilang PINAKAHULING SUGO sa mga HULING PANAHONG ito. Samantalang BALI-BALIKTARIN man ang BIBLIA, MALINAW na WALANG PANGALANG FELIX Y. MANALO na MABABASA sapagkat WALANG FELIX Y. MANALO na NASUSULAT!

KAHINDIK-HINDIK yung PAG-AANGKININ nilang si Ginoong Manalo raw ay KATUPARAN ng mga HULA sa BIBLIA, PATUNAY na siya raw ay TUNAY NA SUGO!

Kung ANO-ANONG mga TALATA sa BIBLIA ang PINAGTAGPI-TAGPI at PINAGDUGTUNG-DUGTONG para PALABASIN na si Ginoong Manalo ay HINULAAN nga sa Biblia at SIYA NGA ay ang KATUPARAN nito! 

Ilang lamang sa mga ginamit nilang mga talata at PINAGDUGTUNG-DUGTONG, pinagtagpi-tagpi ay ang mga sumusunod: Pahayag. 7:2-3; Isaias 41:9-10; 46:11-13; Roma. 1:16-17, ngunit ganon pa man WALANG 'FELIX MANALO' na NABANGGIT roon!

NAIS nilang PALABASIN na ang DIYOS ay INUTIL, NAGPABAYA, SINUNGALING, KULANG-KULANG at WALANG KAKAYAHANG MAGLIGTAS

Para sa kanila, WALANG GINAWA ang Diyos sa loob ng HALOS LIBONG TAON. Siya ay NATULOG lamang ~ NAGPABAYA, NAKALIMOT, ULYANIN, WALANG NAILIGTAS.

Iminumungkahi rin ng Iglesiang tatag ni G. Manalo ~ ang Iglesia Ni Cristo® na ang Diyos ay KULANG-KULANG at KAILANGAN pa Niyang MAGHINTAY ng LIBONG TAON hangang 1914 upang MAISAKATUPARAN ang Kanyang PAGLILIGTAS ~ sa KATAUHAN ni  Ginoong FELIX Y. MANALO bilang HULI (LAST) sa mga ISINUGO (raw) ng Diyos. 

Sa madaling-sabi si GINOONG FELIX Y. MANALO ANG KAHANTUNGAN, KAGANAPAN, at KATUPARAN ng LAHAT ng sinabi sa Biblia UKOL sa PAGLILIGTAS ng DIYOS! Nakakapangilabot!

Kaya't MAPAPAISIP tayo kung ANO nga ba ang SAYSAY ng KAMATAYAN ng PANGINOONG HESUS sa KRUS kung ang KAGANAPAN at KATUPARANG lang pala ng Kanyang PAGLILIGTAS ay kay GINOONG MANALO lamang pala GANAP na MATUTUPAD? At WALANG NAILIGTAS ang Diyos mula 110 AD. (noong namatay ang huling alagad) hanggang sumulpot ang INC noong 1914 kay Ginoong F. Manalo?

Sa ARAL NALALANTAD kung ang INC ay sa Diyos o sa kalaban.

At sa PAMAMAGITAN raw ni G. Felix Y. Manalo ay 'NAIPAYAHAG' o NAIPANGARAL daw ang mga 'BATAS at ARAL' ng 'PANGINOON'? 

'DALAWANG 'PANGINOON'?  


Kakatwa ang aral ng Iglesia ni Ginoong Manalo na DALAWANG PANGINOON: Isang PANGINOONG Diyos (Ama ayon sa kanilang aral na Siya lamang ang tanging Diyos) at isang PANGINOONG Tao (si Hesus na taong-tao ang kalagayan ayon sa kanilang katuruan).

Sa DALAWANG 'PINAPANGINOON' ng mga INC™ 1914, KANINONG ARAL kaya ang 'PINAHAYAG' ni Felix Y. Manalo: 'BATAS AT ARAL' ng DIYOS (Ama)? O 'BATAS AT ARAL' ng TAO (Hesus)?

Kaya't sa mga NAGSISIYASAT, UNAWAIN ang mga nakakakilabot na katuruang ito, kundi MAPAPAHAMAK ang inyong mga KALULUWA sa DAGAT-DAGATANG apoy!

Dito tayo sa TOTOO: HINDI po SINUGO ng Diyos si Ginoong FELIX Y. MANALO o kahit sino man sa mga NAGSULPUTANG mga bulaang mangangaral. HINDI po siya SUGO na HINULAAN sa Biblia at HINDI po siya kailangan sa KALIGTASAN ng tao!

Ang KAMATAYAN sa KRUS ng PANGINOONG HESUS ay SAPAT-SAPAT na upang ang KANYANG PAGLILIGTAS ay  MAISAKATUPARAN at maging GANAP! 

SI MANALO ANG IPINAGMAMAPURI SAMANTALANG ANG PANGINOONG HESUS AY NIYUYURAKAN
Indeed, God’s purpose in sending His messengers is to make known to people the truth that will lead them to salvation. That is the important mission and duty that God’s messengers carry out for our benefit. The teachings of God that Brother Felix Manalo preached are being faithfully upheld by the Iglesia Ni Cristo (Church of Christ) through the leadership of its Executive Minister, Brother Eduardo V. Manalo. [Sa katunayan, ang layunin ng Diyos sa pagpapadala ng Kanyang mga sugo ay upang ipabatid sa mga tao ang katotohanan na hahantong sa kanila sa kaligtasan. Iyon ang mahalagang misyon at tungkulin na isinasagawa ng mga sugo ng Diyos para sa ating pakinabang. Ang mga aral ng Diyos na ipinangaral ni Kapatid na Felix Manalo ay tapat na itinataguyod ng Iglesia Ni Cristo (Church of Christ) sa pamamagitan ng pamumuno ng Executive Minister nitong si Kapatid na Eduardo V. Manalo.]


Sa Biblia, totoong ang LAHAT ng mga SINUGO ay PINILI at TINAWAG MISMO ng Diyos. Siya ay NANGUNGUSAP sa kanila o kaya'y PINAGBILINAN sa mga ANGHEL at mga PROPETA! 

PINILI sapagkat sila ay TINUKOY mula sa mga lipi! TINAWAG sapagkat sila ay BINANGGIT SA PANGALAN, binigyan ng misyon sa pagliligtas ng Diyos! 

Sa LUMANG TIPAN, nagpadala ang Diyos ng mga sugo tulad nina Moses, Aaron, Isaias, Jeremias, Elisha at iba pa. Tinukoy at tinawag sa pangalan!

Ganon din sa BAGONG TIPAN, ang mga SINUGO ay pinili at tinawag sa kanilang mga PANGALAN. Sa mga APOSTOL ay sina, Mateo, Marcos, Lukas, Juan, dalawang Santiago, Simeon, Judas (Tadeo), Felipe, Bartolome, at Tomas. Tinawag din si Apostol Pablo at ang kahalili ni Judas Iscariote na si Matias. Lahat ay pinili at tinawag sa pangalan!

Ang BUONG KAISAHAN ng LUMA at BAGONG TIPAN ay TUNGKOL sa PAGDATING ng MANUNUBOS na DIYOS at PANGINOONG si HESUKRISTO ~ WALA pong mapagsisidlan si Felix Y. Manalo rito.

Masasabi rin ba ng mga bayarang Ministro ng Iglesia ni Ginoong Manalo na siya ay tinawag at pinili ayon sa pagtawag at pagpili sa mga sinugo ng Diyos sa Biblia? Saan at anong aklat sa Biblia na PINILI at TINAWAG sa PANGALAN si Ginoong Felix Y. Manalo upang siya ay IBILANG sa mga LISTAHAN ng mga SINUGO ng Diyos na pinili at tinawag sa Biblia? WALA!

Wala pong ganon sa Iglesia ni Ginoong F. Manalo. Hindi po si Cristo ang kaisahan ng kanilang turo.  Bagkus, NAKATUON ang kanilang mga aral kay GINOONG FELIX Y.MANALO sa kanyang pagka "HULING SUGO" at si CRISTO sa Kanyang pagka "TAONG-TAO" lamang na kalagayan! 

Patunay nito ang halos LAHAT ng kanilang mga ARI-ARIAN at mga PASILIDAD ay sa mga MANALO NAKATUON, tulad ng NEW ERA UNIVERSITY (mula sa ERA-ÑO anak ni G. Felix); SIUDAD DE VICTORIA (victoria = victory = MANALO); MALIGAYA VILLAGE (FELIX = latin ng maligaya); EAGLE NEWS (Felix Manalo bilang IBONG (agila) MANDARAGIT); FELIX MANALO FOUNDATIONS; EVANGELIZATION (pagdidiin sa EVA, pinaikling daglat na pangalan ni Eduardo V. Manalo) atb.

ITINATAAS nila si MANALO (anghel) at PINABABABA nila ang Panginoong Hesus (taong-tao lamang)!
When a person rejects God’s messengers, the One Whom he is really rejecting is the Lord God who sent them (Luke 10:16). Such is a grievous sin – much worse than the wicked acts committed by the people of Sodom and Gomorrah, which incurred God’s terrifying wrath (Matt. 10:14-15). People should believe in the significance of God’s sending of messengers. The Lord Jesus Christ assures those who will accept and believe in the messengers sent by God that they certainly receive their reward (Matt. 10:42). [Kapag tinanggihan ng isang tao ang mga sugo ng Diyos, ang Kisa-isa talaga niyang tinatanggihan ay ang Panginoong Diyos na nagpadala sa kanila (Lukas 10:16). Ang ganoong ay isang mabibigat na kasalanan - higit na mas masahol kaysa sa masasamang gawain na ginawa ng mga tao ng Sodoma at Gomorrah, na nagdulot ng nakakatakot na poot ng Diyos (Mat. 10: 14-15). Dapat maniwala ang mga tao sa kahalagahan ng pagpapadala ng mga sugo ng Diyos. Tinitiyak ng Panginoong Hesukristo ang mga tatanggap at maniniwala sa mga sugo na ipinadala ng Diyos na tiyak na natatanggap nila ang kanilang gantimpala]

Ang mga TINAWAG at PINILI ng Diyos na mga SUGO sa Biblia ay WALANG KADUDA-DUDANG mga GALING  sa DIYOS! Garantisado yan!

Ngunit ang mga HINDI TINAWAG at HINDI PINILI at LALONG HINDI man lang NABABASA ang mga PANGALAN sa Biblia ay HINDI DAPAT PANIWALAAN bagkos dapat sila ay ITAKWIL.  Sapagkat ang KANILANG PAGDATING at ang kanilang PAGKA-SUGO ay HINDI sa DIYOS at HINDI sa KATOTOHANAN.

SILANG LAHAT ay PINAGPA-UNA na ng PANGINOON at mga APOSTOL na DARATING sa ating panahon upang MAGTURO ng KASINUNGALINGAN at LINLANGIN ang IGLESIA.

Mga PALATANDAAN sa mga HINDI SINUGO ng Diyos na DAPAT ITAKWIL ay ang mga SUMUSUNOD:

SILA'Y TUMIWALAG SA ATIN (MGA NANG-IWAN / TRAYDOR / 'HUDAS')
1 JUAN 2:18-19
Mumunting mga anak, ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras. Sila'y nangagsilabas sa atin, nguni't sila'y hindi sa atin; sapagka't kung sila'y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin: nguni't nangagsilabas, upang sila'y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin.
Si Ginoong Felix Y. Manalo ay dating kaanib sa Iglesia Katolika (na ayon sa Pasugo Abril 1966, p. 46 ay 'siyang Iglesia ni Cristo'). 

Si Ginoong F. Manalo ang TUMALIKOD / UMALIS sa tunay na Iglesia ni Cristo ~ ang Iglesia Katolika. Siya ay 'LUMABAS SA ATIN'! Siya ang nang-iwan! Siya ang nag-traydor! Siya ang nanghudas sa Iglesia at kay Cristo. 

Si Ginoong FELIX Y. MANALO ay LUMABAS sa IGLESIA, UPANG MAHAYAG na SIYA ay HINDI SA ATIN! Natupad nga sa kanya ang mga talatang ito.

ITATAKWIL NILA SI CRISTONG NAPARITO SA LAMAN
2 JUAN 1:7
Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo.
Ang mga MANDARAYA at ANTI-CRISTO ay ang mga sumusunod:
  • Hindi TINATANGGAP si Cristo na NAGMULA sa PAGKA-DIYOS (Juan 1:1-4)
  • Hindi TINATANGGAP si Cristo [na DIYOS] ay NAGKATAWANG TAO (Juan 1:1-4)
  • Hindi TINTANGGP si Cristo na ay DIYOS na NASUSUMPUNGAN sa ANYONG TAO. (Filipos 2:5-8)
Pasok si Ginoong Felix Y. Manalo sa kategoryang ito. Samakatuwid, NATUPAD nga sa kanya ang talatang ito. 

Wednesday, February 24, 2021

Beautiful Catholic Church of St. Paul in Abu Dhabi, UAE

The United Arab Emirates recognizes the Supremacy of the Catholic Church as First among all Christian churches, both historically and biblically, granting her with utmost rights and privileges and allow its adherents from different countries working as overseas workers, to worship and give glory to the One God we all pray and give our supreme praise. 

In 2007 the Holy See (Vatican State) and the United Arab Emirates signs its "bonds of mutual friendship" sealing a diplomatic ties between the two states.  With the Holy See's efforts, other Christian churches benefited from it with more freedom and tolerance to worship as they please. -CD2000

The St. Paul's Church is a religious building affiliated with the Catholic Church which is located in the area of Mussafah in Abu Dhabi, the United Arab Emirates. Its importance is that it is the second Catholic church to be built in the emirate since 1965 when the St. Joseph Cathedral was built. Its history dates back to November 2011 when the municipality granted land in the industrial area of Mussafah, after a work of 18 months of consultation. That same year the first stone of the temple was laid. It was inaugurated and blessed with the presence of local authorities as the Shaikh Nahyan bin Mubarak Al Nahyan and religious (Cardinal Pietro Parolin) in June 2015. -Wikipeda

Wednesday, February 17, 2021

Miyerkoles ng Abo ~ Umpisa ng 40 Araw na Pag-aayuno

[Mula sa Apolohetiko Blog]


Sa darating na Miyerkules, muli nating gugunitain ang Miyerkules ng Abo sa naiibang paraan, bilang pag-iingat sa banta ng pandemya ng COVID-19. Iminumungkahi ang pagbubudbod ng abo sa ulo, o di kaya'y ang pagpapahid pa rin ng abo sa noo sa pamamagitan ng bulak (na siyempre'y papalitan sa kada tao na papahiran). May mungkahi rin na bigyan ng maliit na supot ng nabasbasang abo ang mga maninimba, upang maiuwi nila ito at malagyan ang mga kapamilyang hindi makapagsisimba.1

Hindi nag-iisa ang Simbahang Katolika sa pagdiriwang ng Miércoles de Ceniza. Isinasagawa rin ito ng mga sektang Anglikano, Luterano, Metodista, at ng iba pang mga grupong Protestante at independienteng Katoliko. Bagama't hindi ito ipinagdiriwang ng karamihan sa mga Simbahang Ortodoksa (ipinagdiriwang ito ng mga Ortodoksong kabilang sa Western Rite), hindi naman nila ito tinutuligsa, at kinikilala nila ito bilang isang lehitimong pamamaraan ng pagsisimula ng Kuwaresma.

May ilang mga anti-Katolikong tinututulan ang tradisyong ito dahil anila, taliwas daw ito sa diwa ng Sola Fide, at sa tunay na diwa ng pagsisisi na hindi dapat nakasalalay lang sa mga gawaing panlabas. Malimit nilang gamiting sipi sa Biblia ay ang Mateo 6:16, at tila ba hindi nila nababatid na bahagi ito ng mismong pagbasa ng Ebanghelyo tuwing Miércoles de Ceniza!

Dalawang bagay lang ang maipapayo ko sa mga anti-Katolikong ito:

  1. Bago ninyo tuligsain ang halos lahat ng gawain ng kabanalan sa Simbahang Katolika batay sa sukatan ng erehiya ng Sola Fide, tiyakin muna ninyong nabasa na ninyo ang sagot ng Council of Trent sa naturang erehiya (Council of Trent, Session VI), at pati na rin ang "Joint Declaration on the Doctrine of Justification" ng Lutheran World Federation at ng Simbahang Katolika. Nakasusuya ring makinig sa mga erehiyang paulit-ulit na ipinagsasangkalan, habang nagbibingi-bingian sa tugon ng Simbahan, at ng iba pang mga di-Katolikong bagama't hiwalay sa Simbahan ay marunong namang makipag-usap nang maayos upang lutasin ang mga pagkakaiba sa doktrina.
  2. Bago ninyo tuligsain ang Miércoles de Ceniza, tiyakin muna ninyong minsan na kayong nakadalo o nakapanood sa Misa na isinasagawa sa araw na ito, o di kaya'y nakapagbasa man lang ng isang missalette. Hindi nakasentro sa ritwal ng pagpapahid ng abo ang araw na ito, kundi sa makatotohanang pagsisisi at pagbabalik-loob. Hindi itinuturo ng Simbahan na "kailangan-sa-kaligtasan" ang paglalagay ng abo, o "sapat na" ang paglalagay ng abo para maging matuwid ka sa harap ng Diyos, o tuwing Kuwaresma lang tayo dapat magsisi sa ating mga kasalanan, o kung ano pa man. Oo, may mga Katolikong hindi pinahahalagahan ang araw na ito, at nagagawa pang ipagmalaki sa social media ang krus na abo sa mga noo nila, subalit malinaw naman na hindi sila kumakatawan sa tunay na diwa ng pagiging Katoliko.

Hinggil sa Mateo 6: 16-18, tunghayan natin:

"Kapag nagfa-fasting kayo, wag kayong magmukhang malungkot gaya ng mga pakitang-tao. Hindi sila nag-aayos ng itsura para makita ng mga tao na nagfa-fasting sila. Tandaan nyo, tinanggap na nila ang reward nila. Instead, pag nagfa-fasting ka, ayusin mo ang buhok mo at maghilamos ka para di mapansin ng mga tao na nagfa-fasting ka. Ang Ama mo lang, na hindi nakikita, ang makakaalam nun. Sya, na nakakakita ng ginagawa mo in secret, ang magri-reward sayo." (PVCE)

Una sa lahat, hindi naman tayo "nagmumukhang malungkot" tuwing Miércoles de Ceniza. Hindi naman tayo pinagbabawalang ngumiti, mag-ayos ng buhok, at maghilamos. Maaari mo ngang tanggalin na agad ang inilagay na abo sa iyo pagkatapos ng Misa, kung ibig mo. Hindi "pagluluksa" ang araw na ito kundi isang "pagdiriwang". Sabi nga ni Fr. Jboy Gonzales, SJ:

"May kakaibang saya ang Panahon ng Kuwaresma. Sa kabila ng mga pag-aayuno at pagsisisi, panatag ang ating kalooban. Alam nating mahal tayo ng Diyos at patatawarin niya tayo. Hindi tayo nagsasakripisyo sa wala; nag-aayuno tayo sa meron—may pinatutunguhan ang ating mga ginagawa para sa Diyos... Ang Diyos ay mapagpatawad, walang hanggan ang kabaitan at hindi kailan ma'y mabilis magalit. Pinapangako ng Maykapal ang kapatawaran at pagbabagong-buhay sa mga taong tunay ang pagsisisi. Sa Kuwaresma pinagdiriwang natin ang ganitong ugali ng Panginoon."

Pangalawa, hindi laban ang Panginoon sa mga panlabas na tanda ng pagsisisi:

"Kawawa kayong mga taga-Chorazin! Kawawa kayong mga taga-Bethsaida! Dahil kung sa Tyre at Sidon ginawa ang mga miracles na ginawa sa inyo, matagal na sanang nagsuot ng sako at naglagay ng abo ang mga tao dun bilang sign ng pagsisisi nila." (Matthew 11: 21 PVCE)

Hindi ba't ang binyag ay isang ring tanda ng pagsisisi (Mateo 3: 11)? Sa talinghaga ng Pariseo at ng Publikano (Lucas 18: 9-14), minasama ba ng Panginoon ang ginawa ng nagsisising publikano: "di man lang sya makatingin sa langit, sinusuntok ang dibdib" (PVCE)? Oo, masama ang pagpapakitang-tao, subalit kung nagtutugma naman ang kilos mo sa nilalaman ng puso mo at sa idinidikta ng Pananampalataya mo, walang masama sa pagsasagawa ng mga panlabas na tanda (CCC 1430).2 Kinalulugdan din Panginoon ang mga panlabas na tanda ng pagmamahal sa kanya, kung talagang sa puso mo'y minamahal mo siya: ikinalugod niya nang may babaeng binasa ng luha ang kanyang mga paa at pinunasan ito ng kanyang buhok, hinagkan, at binuhusan pa ng pabango (Lucas 7: 36-50). Sinaway ba niya ito at pinatahan, sinabihang "pakitang-tao" ang kanyang mga ginawa, at dapat ay mag-ayos ito ng buhok, maghilamos, at magmukhang masaya dahil pinatawad na siya sa mga kasalanan niya?

Ang paggamit ng abo bilang tanda ng pagsisisi sa kasalanan ay isang karaniwang paggawing Biblikal (Job 42: 6; Jonas 3; Jeremias 6: 25-26). Kung tutuligsain mo ito, ano namang iminumungkahi mong gawin ng tao bilang tanda ng kanilang pagsisisi (Santiago 4: 7-10)? Maraming katarantaduhang naiisip ang makabagong lipunan para ipakita ang "pagsisisi" nila: magpapapansin sa social media, maglalasing, magvi-videoke, magpapakapagod sa trabaho o sa mga gawaing-bahay, tutunganga sa TV o sa computer, magsusugal, susubok ng mga extreme sports, titikim ng droga, magpapakabusog sa mga pagkaing di mabuti sa katawan, maglalakad sa kalsada nang hubo't hubad, maglulustay ng pera, makikipagbalikan sa ex, at kung anu-ano pang mga sadyang pagpapariwara sa sarili. Tigilan natin ang mga ganyang kalokohan! Sa darating na Miyerkules, magsimba ka, magpalagay ka ng abo sa ulo, at pagnilayan ang mensahe ng araw na iyon: "Magbagong-buhay ka at sa Mabuting Balita sumampalataya... Alalahanin mong abo ang iyong pinanggalingan at abo rin sa wakas iyong babalikan."


  1. CBCP Episcopal Commission on Liturgy, "Notes on the Ash Wednesday Celebration: The Distribution of Ashes in the Time of Pandemic", 04 February 2021 [BUMALIK]
  2. "Jesus' call to conversion and penance, like that of the prophets before him, does not aim first at outward works, 'sackcloth and ashes,' fasting and mortification, but at the conversion of the heart, interior conversion. Without this, such penances remain sterile and false; however, interior conversion urges expression in visible signs, gestures and works of penance." (CCC 1430) [BUMALIK]

Tuesday, February 16, 2021

Catholic News Agency: Catholic missionary priest nominated for Nobel Peace Prize

The church of Felix Y. Manalo ~ the Iglesia Ni Cristo® never strives to be recognized by Nobel Piece Prize but  are doing fancy activities to snatch a piece of the Guinness World Records.
 
By Courtney Mares  Catholic News Agency
Rome Newsroom, Feb 11, 2021 / 12:00 pm MT 

Fr. Pedro Opeka. Credit: Anne Aubert/Amici di Padre Pedro via Wikimedia (CC BY-SA 3.0)

(CNA).- A Catholic missionary priest in Madagascar known for serving the poor living on a landfill has been nominated for this year’s Nobel Peace Prize. 

Fr. Pedro Opeka, 72, is a Vincentian priest from Argentina who has worked with the poor in Madagascar for more than three decades. He founded the Akamasoa humanitarian association in 1989 as a “solidarity movement to help the poorest of the poor” living on the site of a garbage dump. 

 Janez Janša, the Prime Minister of Slovenia, has announced that he nominated Opeka for the 2021 Nobel Peace Prize for his dedication to “helping people living in appalling living conditions.” 

The Akamasoa association (meaning “good friend”) has provided former homeless people and families with 4,000 brick houses and has helped to educate 13,000 children and young people. 

Pope Francis visited Opeka’s “City of Friendship” built atop a rubbish dump on the outskirts of the capital city of Antananarivo during his apostolic visit to Madagascar in September 2019. 

Pedro Pablo Opeka was born in Buenos Aires, Argentina, in 1948. His parents were refugees from Slovenia who emigrated after the inception of the communist regime in Yugoslavia. 

At the age of 18, he entered the seminary of the Congregation for the Mission of St. Vincent de Paul in San Miguel, Argentina. Two years later, he traveled to Europe to study philosophy in Slovenia and theology in France. He then spent two years as a missionary in Madagascar. 

In 1975, he was ordained a priest at the Basilica of Lujan, and in 1976 he returned to Madagascar, where he has remained to this day. 

Upon seeing the desperate poverty in the capital city of Antananarivo, especially at the landfills where people live in cardboard boxes and children compete with pigs for food, he decided to do something for the poor. 

With help from abroad and the work of the people of Madagascar, he founded villages, schools, food banks, small businesses, and even a hospital to serve the poor through the Akamasoa association. 

During the coronavirus pandemic, Opeka has been working to help families who have fallen even deeper into poverty as a consequence of coronavirus measures. 

“The situation is difficult for families, for the poor who have many children. We do not have rice. We do not have water. We need water and soap,” Opeka told Vatican Radio in April 2020. 

Madagascar is one of the world’s poorest countries. Opeka expressed his gratitude to Pope Francis for his appeal for rich countries to cancel the debt of poor countries in light of the pandemic. 
 
“It is necessary if we want to live in dignity,” he said. 

This is not the first time that Opeka has been ominated for the peace prize. Slovenian Parliament representatives also nominated the priest in 2012. 

Among the other nominees for the Nobel Peace Prize this year are the Black Lives Matter movement, the World Health Organization, Greta Thunberg, Donald Trump, Stacey Abrams, Jared Kushner, Russian dissident Alexei Navalny, and Belarusian opposition leader Sviatlana Tsikhanouskaya. 

A Catholic lawyer who helped found the pro-democracy movement in Hong Kong has also been nominated to receive the Nobel Peace Prize. Martin Lee Chu-ming, 82, has been demonstrating for universal suffrage in Hong Kong for nearly 40 years. 

Lee was the founding chairman in 1990 of Hong Kong’s first pro-democracy party, the United Democrats of Hong Kong, and led the party’s successor, the Democratic Party, while serving in the territory’s legislature for more than two decades. 

Last year’s Nobel Peace Prize winner was the United Nations World Food Program. This year’s winner is expected to be announced next fall.

Sunday, February 14, 2021

Si Kupido nga ba ang Dahilan ng Valentine's Day Ayon sa Bintang ng mga kaanib sa Iglesia ni Manalo 1914?

HAPPY VALENTINE'S DAY po sa lahat ng mga kaanib sa tunay na Iglesia ni Cristo ~ ang Iglesia Katolika! 

Maasim na naman ang mga mukha ng mga kaanib sa Iglesia ni Manalo ~ ang Iglesia Ni Cristo® 1914 ~ paano ba naman, SUMASAPIT ang ARAW ni SAN VALENTINE sa tuwing Pebrero 14 na mas kilala sa Pilipinas bilang ARAW NG MGA PUSO.

Ang NAKAKALUNOS sa mga kaanib sa IGLESIA NI MANALO ~ ang Iglesia Ni Cristo® 1914 ~ GALIT sila sa PAGDIRIWANG sa MALING UNAWA tungkol rito.

Ang AKALA nila eh si KUPIDO raw ang dahilan ng Valentine's Day eh ang LINAW naman ang PAGKASABI kung ANO ang IPINAGDIRIWANG ~ SAINT VALENTINE'S DAY.

Narito ang sinasabi ng BRITANNIA ENCYCLOPEDIA:

Valentine’s Day, also called St. Valentine’s Day, holiday (February 14) when lovers express their affection with greetings and gifts. Given their similarities, it has been suggested that the holiday has origins in the Roman festival of Lupercalia, held in mid-February. The festival, which celebrated the coming of spring, included fertility rites and the pairing off of women with men by lottery. At the end of the 5th century, Pope Gelasius I forbid the celebration of Lupercalia and is sometimes attributed with replacing it with St. Valentine’s Day, but the true origin of the holiday is vague at best.

Walang banggit si kupido sa araw ni SAINT VALENTINE kundi SIYA ang dinadakila rito.

Sino si ST. VALENTINE?

Ayon sa OPISYAL na TALAMBUHAY niya sa DIOCESE ng TERNI (ITALYA), si San Balentin po ay isang OBISPO, isinilang sa Interamna at siya ay PINAKULONG, PINAHIRAPAN at PINATAY, panahon ni Emperor Claudius Gothicus noong PEBRERO 14, 269.

Dahil sa PAGSUWAY ni San Balentin sa kautusan ng emperor na HUWAG MAGKASAL lalo na sa mga KRISTIANO. Noong panahon, ISANG KRIMEN ang TUMULONG sa mga KRISTIANO at dahil si San Balentino ay NAHULING nagkakasal at tumutulong sa mga Kristiano kaya's siya ay pinarusahan at pinatay sa araw na PEBRERO 14, 269!

Bakit Naging Araw ng mga Puso ang Araw ng Kamatayan ni San Balentin (Pebrero 14)?

For obvious reasons, si San Balentin ay naging instrumento ng PAGPAPATIBAY ng PAGMAMAHALAN ng mga Kristiano noong panahong SILA ay INUUSIG. Sa kabila ng pagbabawal ng emperor ng Roma, hindi inalintana ng butihing santo ang banta sa kanyang buhay hanggang siya nga ay pinapatay noong Pebrero 14.

Emperor Claudius II had banned marriage because he thought married men were bad soldiers. Valentine felt this was unfair, so he broke the rules and arranged marriages in secret. When Claudius found out, Valentine was thrown in jail and sentenced to death. -BBC

Galit sa Maling Unawa ang Iglesia ni Manalo ~ ang Iglesia Ni Cristo® 1914

Source: https://iglesianicristoibongmandirigma.wordpress.com/2019/01/24/valentines-day-another-pagan-catholic-feast/

Ayaw na ayaw ng mga kaanib sa Iglesia ni Manalo ~ ang INC™ 1914 ~ na ipagdiwang ang kahit alinman sa mga KAPISTAHAN ng mga SANTO at SANTA sa Iglesia Katolika ~ ang tunay na Iglesia ni Cristo~  sapagkat PARA SA KANILA ito raw ay PAGAN ORIGIN.

At ang GINAMIT na SOURCE ay Wikipedia (Tagalog) upang hanapin ang tungkol sa Valentine's Day.

Ayon sa nasaliksik niya mula sa Wikipedia, ang Valentine's Day daw ay:

  • Ipinasya lamang (na ipagdiwang) noong 496
  • Iniutos daw na ipagdiwang ni Papa Gelasius I mula sa pagdiriwang ng "Lupercalia"
  • Si kupido raw ang dahilan ng araw na ito
  • Wala raw nabanggit sa Biblia tungkol sa 'Valentine's Day'

Nakapagtataka kung bakit kaya HINDI HINANAP si FELIX MANALO sa parehong Wikipedia at nang PATAS ang kanyang KAALAMAN.


Ayon din sa Wikipedia, si Ginoong FELIX Y. MANALO ay ang TAGAPAGTATAG ng Iglesia Ni Cristo®

Si Felix Y. Manalo ang NAGREHISTRO nito sa pamahalaan noong Hulyo 27, 1914 bilang isang KORPORASYON!

Si G. Felix Y. Manalo ay BINYAGANG KATOLIKO, BINIGYAN ng PANGALAN sa IGLESIA KATOLIKA bilang FELIX MANALO YSAGUN ngunit mas pinili niya ang apelyido ng kanyang ina na NAMATAY na HINDI UMANIB sa iglesiang kanyang tatag!

INAKUSAHAN at NILITIS si G. Felix Y. Manalo dahil sa kasong PANGGAGAHASANG isinampa ng TINIWALAG niyang si ROSITA TRILLANES

NAPATUNAYAN ng korte ang dinulog na sumbong ni Trillanes at NAHATULANG MAYSALA si G. Felix Y. Manalo sa nasabing kaso!

Iyan po ang sabi sa Wikipedia na siyang GINAMIT nitong kaanib ng INC™ upang patunayan na ang Valentine's Day ay sa pagano at hindi sa Kristianismo.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

May batayan ba ang mga Bintang ng mga kaanib sa Iglesia ni Manalo ~ ang Iglesia Ni Cristo®?

Wala pong basyahan ang mga bintang ng mga kaanib sa iglesiang tatag ni G. Felix Y. Manalo. At halatang HINDI naman po properly quoted ang kanilang mga sources.

  • Ang araw ni Lupercalia ay para sa mga pagano. Wala pa si St. Valentine noon.
  • Ipinagdiriwang si Lupercalia sa loob ng tatlong araw 13-15 Pebrero, ang Valentine's Pebrero 14 lamang.
  • Madugo ang pagdiriwang ng Lupercalia, nagkakatay sila ng tupa at aso, pinapahid ng mga hubo't hubad na batang lalaki sa kanilang katawan ang dugo at ginagamit ang parte ng hayop bilang latigo sa mga batang babae upang itaguyod ang pagyayabong o fertility.
  • Pagano pa ang Roma noong ipinagdiriwang ang Lupercalia
  • Pinapatay ni Emperor Claudius Gothicus (214 - 270 A.D.) si San Balentin noong Pebrero 14, 269 A.D.
  • Naging Kristiano lamang ang Roma noong 313 A.D. panahon ni Emperor Constantine
  • Ang kapiestahan ng ST. VALENTINE'S DAY ay ipinagdiriwang lamang noong PEBRERO 14, 496 noong KRISTIANO na ang ROMA sa panahon ni PAPA GELASIUS I.
  • IPINAG-UTOS ni Papa Gelasius noong ikalimang siglo ang PAGBABAWAL sa pagdiriwang ng Lupercalia, kundi ang kapistahan sa ARAW MISMO ng KAMATAYAN ni SAN BALENTIN

O kita niyo na kung paano MAGSINUNGLING ang mga  kaanib ng INC™ para MANLINLANG! Di bale kung di kayo naniniwala kay San Balentino dahil HINDI rin kami NANINIWALA kay Felix Manalo at sa mga katuruan ng INC sa sumusunod na kadahilanan.

  • Ipinasya lamang ni G. Felix Y. Manalo na siya ay sugo raw ng Diyos na hindi naman binanggit sa Biblia.
  • Ipinasya lamang ng pamamahala ng INC™ na ipagdiwang ang Hulyo 27 taon taon na wala naman sa Biblia
  • Hindi tatalikod ang ang tunay na Iglesiang tatag ni Cristo. Ang tumalikod ay tao, tulad ni Felix Manalo, tinalikdan niya ang tunay na Iglesia at nagtatag ng kanyang iglesia at pinangaral na ito ay kay Cristo.
  • Si G. Felix Manalo ang may-ari, siya ang ulo, at siya ang nagtatag ng INC™ 1914
  • Ang Iglesia Ni Cristo® ay isang korporasyong pagmamay-ari ni Manalo
  • Walang binabanggit sa Biblia na kailangang may isang Felix Manalo upang maging ganap ang pagliligtas ng Panginoong Hesus! Hindi na kailangan si Felix sapagkat ang pagliligtas ni Cristo ay SAPAT at GANAP na!

Saturday, February 13, 2021

Hindi Bayan ang INC™ 1914 at Hindi Totoong Sugo si Ginoong Felix Y. Manalo


Heto na naman po tayo. Makailang beses na po nating PINATUNAYAN na HINDI po totoong SUGO ng Diyos si Ginoong Felix Y. Manalo, sa kadahilanang (basahin dito)

  • Walang malinaw na titik at talata sa Biblia na tumutukoy kay Felix Y. Manalo.
  • Walang binanggit ang Biblia na magsusugo pa ng isang Felix Y. Manalo.
  • Walang masusumpungang patunay mula sa Biblia na si Felix Manalo ay isinugo ng Diyos.

Seoul Archdiocese: Cardinal Andrea Soo-jung Ordains 20 Men to the Priesthood

Cardinal Andrea Yeom Soo-jung ordained 20 men to the priesthood for Seoul archdiocese on February 5, 2021. The ordination ceremony was held at Myeongdong Cathedral. The Catholic Church in South Korea has been growing steadily and currently 11% of the population are Catholics. Image Credits: Seoul archdiocese #Catholic #ShalomWorld #Seoul #Faith #Hope #SouthKorea #Priesthood (Source: Shalom TV)





Thursday, February 11, 2021

Mali at Isang Kasinungalingan ang Ibintang sa Santo Papa sa Roma ang 666: Bro. Eliseo Soriano

 Bago namatay si Ginoong Eliseo Soriano ng Ang Dating Daan, ITINAMA niya ang mga KAMALIAN minsan niyag ITINURO sa kanyang mga tagasunod ukol sa BINTANG na ang Santo Papa sa Roma ay ang katuparan ng anti-Kristo o 666. Panoorin niyo...

Wednesday, February 10, 2021

PANLILINLANG ang mga ARAL na NABUO mula sa TAGPI-TAGPING Talata ng Biblia

Malinaw na PANLILINLANG lamang ang pakay ng isang mangangaral na ang mga itinuturo ay mula sa mga TAGPI-TAGPI at PINAGDIDIKIT na TALATA ng Biblia upang MAKABUO ng MAPANLINLANG na doktrina.

Mula sa mga SITAS ng talata ng Biblia, INAKAL nating makatotohanan ang kalalabasan nito dahil BANAL ang pinagmulan. 

Depende sa paggamit ng mga Salita ng Diyos. Maging si Satanas na ama ng panlilinlang ay gumamit din ng mga talata ng Banal na Kasulatan, hindi upang magturo ng liwanag kundi upang LINLANGIN ang Panginoong Jesus (Mateo 4).

Ang Iglesia Ni Cristo® na TATAG ni G. Felix Y. Manalo sa Pilipinas noong 1914 ay GUMAGAYA rin sa ginawa ng ama ng panlilinlang. Gumagamit sila ng talaga ng Biblia, hindi upang ituro ang katotohanan kundi upang ILIHIS ang mga tao sa TUNAY na TURO ni Cristo ukol sa kaisahan ng Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo.

HALIMBAWA, upang PALABASIN ng INC™ 1914 na si CRISTO raw ang NAGTATAG ng Iglesia Ni  Cristo® PAGTATAGPI-TAGPIIN nila ang ROMA 16:16; ang MGA GAWA 20:28 (tanging ginagamit nila rito ay ang LAMSA Translations); ang MATEO 16:18 at marami pang iba.

ROMA 16:16
"... [L]ahat ng mga iglesia ni Cristo ay bumabati sa inyo," ang sabi ni Apostol San Pablo sa mga TAGA ROMA. Sa titulo pa lamang ng sulat ni Apostol San Pablo, malabong mga Pilipino ang tinutukoy ni niya na BINABATI ng "mga iglesia ni Cristo". Malinaw po, mga TAGA ROMA.  Saan ba ang CENTRAL ng INC™? Nasa Roma po ba? Hindi po! Nasa Diliman, Quezon City, Philippines.  Ang NASA ROMA ay ang VATICAN CITY STATE na Sentro ng Iglesia Katolika?  Samakatuwid, ang IGLESIA KATOLIKA ang tinutukoy ni Apostol San Pablo na BINABATI ng LAHAT ng mga IGLESIA NI CRISTO

MGA GAWA 20:28
"Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Diyos na binili niya ng kaniyang sariling dugo." Iyan naman ang payo ng mga Apostol sa buong Iglesia na TINUBOS ng DIYOS sa PAMAMAGITAN ng KANYANG DUGO.

Sa Lamsa, iba ang mga nakasulat. Imbes na 'iglesia ng Diyos', ito ay pinalitan ng 'iglesia ni Cristo'. Sapagkat para kay Lamsa, walang dugo ang Diyos. Si Cristo lamang ang may Dugo. Kaya't para sa INC™ pasok na pasok sa kanilang aral ang ganitong BINALUKTOT na talata ng Biblia.

Para sa INC™ 1914, WALANG DUGO ang DIYOS kundi si CRISTO. Ang hindi maunawaan ng mga INC™ ay TOTOONG WALANG DUGO ANG DIYOS. Ngunit NOONG SIYA'Y NAGKATAWANG-TAO, SIYA ay NAGKAROON ng DUGO (Jn 1:1-4); NAGKAROON ng ANYO (Filipos 2:4-8)!

MATEO 16:18
At kapag nabuo na nila ang kanilang "PATUNAY" raw na nasa Biblia nga ang salitang "iglesia ni Cristo", AARIIN na nila ang TALATA at PAPALITAN ng "Iglesia Ni Cristo": Mula sa 'common noun' (iglesia), papalitan at PALALABASIN na 'PROPER NOUN' (Iglesia) para sasabihin nila sa atin na "Ang pangalang 'Iglesia Ni Cristo' ay nasa Biblia". Samantalang ang Iglesia Katolika ay hindi. Di ba KASINUNGALINGAN ito pero ginagamit para sa PANLILINLANG at marami na ang nalinlang sa mga tagpi-tagping aral na ito?

Pagdaka'y ITATAGPI nila ang talaga mula sa MATEO 16:18; "At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia."  At ang IDIDIIN ang salitang "AKING IGLESIA".

At ipapaliwanag nila ang GRAMATIKA ng salitang 'AKIN' o 'MY'. Na ito raw ay nangangahulugan ng "POSSESSION AND OWNERSHIP" (Pasugo January 1974, p.8).

At ang ang MABUBUO nilang KONKLUSYON ay GANITO: 'SAMAKATUWID ANG IGLESIA NI CRISTO AY SI CRISTO ANG NAGTATAG AT SIYA ANG MAY-ARI.'

TAGPI-TAGPING ARAL na NABUO, MAPANLINLANG ngunit mananatili itong HUWAD na aral na HINDI dapat SINASALIGAN ninuman!


 

Monday, February 8, 2021

Katiwalian sa INC™ ayon sa Yumaong Ka Eraño G. Manalo

“Kung ang isang manggagawa kakampi sa katiwalian hindi pwedeng manindigan. Kung ang isang maggagawa siya pang nagtuturo ng katiwalian eh lalong masamangmanggagawa ito. Wala nang sariling paninindigan ay siya pang kasangkapan ng diablo. Eh sino ho ‘yang ganyang manggagawa? Maraming manggagawa natin halos lahat ganyan.” -Eraño G. Manalo [listen to In Defense of the Church]


Si Felix Y. Manalo ba ay Sugo Ayon sa Isaias 46:11 at Juan 10:16?

Nakabatay ang aral ng Iglesia Ni Cristo® na tatag ni  G. Felix Y. Manalo sa Sitio, Punta Sta. Ana, Maynila noong 1914 sa isang KASINUNGALINGAN laban sa tunay na KALIKASAN at KALAGAYAN ng ating Panginoong Hesus.

Para kay Ginoong Felix Y Manalo, HINDI DIYOS si CRISTO (https://www.pasugo.com.ph/is-christ-god-part-2/), patunay na hindi sya Diyos sapagkat siya'y nasumpungan sa anyong tao!

https://www.pasugo.com.ph/is-christ-god-part-2/

Hindi matanggap ni G. Felix Manalo na ang isang Diyos ay makakaranas ng mga bagay na PANG-TAO lamang tulad ng pagkagutom, pagkauhaw, sakit at kamatayan.

Hindi maunawaan ni G. Felix Y. Manalo na ang Diyos ay MAKAPANGYARIHAN at KAYA niyang gawin ang Kanyang naiisin; maging ang PAGIGING TAO!

Sa kabila ng pagkakatawang-TAO ng Panginoong Hesus ay may mga KATANGIAN ang Panginoong Hesus na HINDI lang siya basta TAO kundi DIYOS.

Patunay raw na HINDI DIYOS si Cristo sapagkat SIYA at NASA ANYONG TAO. 

Hindi ba't malinaw na sinasabi ng Biblia na si CRISTO ay NAGKATAWANG-TAO? DIYOS sa KALIKASAN ngunit TAO sa KALAGAYAN?!

"Sa pasimula ay Salita, at ang Salita ay nasa Diyos at ang SALITA AY DIYOS... at NAGKATAWANG-TAO ang SALITA at nakipamuhay sa atin." (Juan 1:1,14)

Ang sabi nga ni Apostol San Pablo sa kanyang Sulat sa mga Taga-Filipos (2:2-8) ay ganito:

"Bagama't Siya [si Cristo] ay  Diyos, hindi niya inaring kapantay ng Diyos. Bagkus hinubad niya ang pagka-Diyos at NAGING TAO..."

At sa pangalawang sulat ni Apostol San Juan, (2 Juan 1:7) ganito ang kanyang sinabi:

"Sapagka't maraming MANDARAYA na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga HINDI NANGAGPAPAHAYAG na si JESUCRISTO ay napariritong NASA LAMAN. Ito ang magdaraya at ang anticristo."

Malinaw ang KAISAHAN ng Biblia tungkol sa KALIKASAN at KALAGAYAN ni Cristo. Na SIYA ay DIYOS sa KALIKASAN at TAO sa KALAGAYAN!

At ang pinakamalaking balakid kay G. Manalo upang HINDI MAUNAWAANG si Cristo ay Diyos ay sapagkat hindi niya maunawaan ang doktrinang may IISANG DIYOS sa TATLONG PERSONA o Banal na Trinidad (Basahin ang opisyal na Katekismo ng Iglesia Katolika ukol sa TRINIDAD) Pinamimilit nilang ang aral daw ng mga Katoliko ay tatlo ang Diyos! Hindi lang sila manlilinlang kundi sila'y nagpapalinlang at naniniwala sa panlilinlang ng mga bayarang ministro!

FELIX MANALO: HULING SUGO?

Isaias 46:11

Una, WALANG MALINAW at LITERAL na BINABANGGIT ang BIBLIA tungkol kay G. FELIX Y. MANALO, lalo na ang kanyang pag-aangkin bilang 'HULING SUGO' raw ng Diyos. Hindi siya nabanggit at lalong hindi naitala ang kanyang tungkuling bilang sugo sa mga huling araw.

Ngunit pinamimilit nilang si G. Felix Y. Manalo raw ay ang KATUPARAN sa HULA sa Biblia. 

Sinong HUMULA? Si Propeta Isaias daw [46:11] 

'Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.'

Itong 'Ibong Mandaragit' daw ay walang iba kundi si G. Felix Y. Manalo! Ang labo.

At dahil WALANG LINAW na literal na si Felix Manalao nga ang tinubumbok at tinutukoy ni Propeta Isaias sa nabanggit na talata, wala silang ibang magawa kundi PAGTAGPI-TAGPIIN ang kanilang aral mula sa mga OUT OF CONTEXT na SIPI mula sa IBA'T IBANG TALATA ng Biblia upang MAKABUO ng SAKNONG at PANGUNGUSAP at nang MABUO ang aral na si G. FELIX MANALO nga ay ang siyang HULING SUGO ng Diyos.

Simpleng paliwanag ukol sa doktrina ng 'Santatlo'

Sino ba si Propeta ISAIAS? Siya ba ay tinawag ng Diyos bilang propeta upang PAG-UKULAN ng ORAS si G. Felix Y. Manalo? Malabo!
 
Si PROPETA ISAIAS ay PROPETA ukol sa PAGDATING ng 'EMMANUEL' na MESIAS na si HESUS. 

Siya rin ay HUMULA ukol sa SASAPITIN ng ISRAEL sa PANANAKOP ni CYRUS ng ANZAN.  Bagamat siya'y MABAGSIK, si CYRUS ang IBONG MANDARAGIT na tinutukoy sa Isaias 46:11. 

Upang maunawaan kung sino ang tinutukoy na 'ibong mandaragit', ang tamang konteksto ay mababasa sa unahan ng Isaias 46:11.

Isaias 41:2 ~ malinaw na tinutukoy si Cyrus mula sa silangan bilang 'nasa katuwiran'; pinagpuno siya sa mga hari.

Sa Isaias 45:1 ~ si haring Cyrus ang pinahiran ng Diyos 

Isaias 45:13 ~ si haring Cyrus ang muling magtatayo ng bayan ng Diyos, siya ang kakalag sa mga napiit

At pagdating sa Isaias 46:11, biglang si FELIX MANALO ang aako ng inatas ng Diyos kay haring Cyrus? Imposible!

Juan 10:16

"At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor."


Si G. FELIX Y. MANALO raw ang tinutukoy na 'PASTOR' sa talata sa itaas (PASUGO Mayo 1961, p. 22)


"Papaano magiging kawan o Iglesia ni Cristo itong mga tupa ni Jesus na nagmumula sa Pilipinas, hindi naman naparito si Cristo noong 1914? Ang sabi ni Jesus, Juan 10:16, 'magkakaroon sila ng isang Pastor'. Sino itong isang Pastor ng Iglesia na lilitaw sa Pilipinas? Ang pinagsabihan ng Dios: 'Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo: (Isaias 43:5)." 

"Sino itong pastor ng Iglesiang lilitaw sa Pilipinas? Ito ang huling tinatawag o sugo na kasama ng Dios. Ito ang Kapatid na Felix Manalo. Noong sabihin ni Cristo na siya'y mayroon pang ibang mga tupa na wala sa kulungan at sila'y gagawing isang kawan at magkakaroon ng isang pastor, noon pa'y mayroon na siyang karapatan."

Hindi ba't ang TINUTUKOY na IISANG PASTOR ng KAWAN (Iglesia) ay walang iba kundi ang ATING PANGINOONG HESUKRISTO (Juan 10:11)? At magkakaroon lamang ng IISANG PASTOR na gagabay sa kawan (Ezekiel 34:23).

AYON KAY G. FELIX MANALO, SI CRISTO ANG TINUTUKOY SA JUAN 10:16 AT HINDI SIYA!

Sa isang aklat ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na pinamagatang SULO, 1947 p.58, na AKDA ni G. FELIX Y. MANALO, INAAMIN at PINATUTUNAYAN niyang ang ating Panginoong Hesus ang tinutukoy sa Juan 10:16 SALUNGAT sa katuruan ng INC™ ngayon na si Felix Y. Manalo raw ang tinutukoy na 'pastor' sa Juan 10:16!

"Itinuturo din ng Iglesia Katolika na ang Papa ang siyang "Kataas-taasang Pastor". (Question 169). Ito ay salungat din sa turo ni Jesus at ng mga Apostol, sapagkat sinabi ni Cristo: "Ako ang tanging Pastor" (Juan 10:16)"

O di ba, isang ARAL na SALU-SALUNGATAN ang kanilang KATITISURAN?!

Hula ng Biblia na Akmang-akma kay G. Felix Y. Manalo at Sila'y TATALIKOD sa tunay na Iglesia ni Cristo!

Maraming hula ang nagkatotoo at NATUPAD kay G. Felix Manalo. At ito ay ang kanyang pagiging 'sugo'. Iyon lamang hindi siya sugo ng katotohanan kundi siya ay sugo ng panlilinlang at kasinungalingan laban sa ating Panginoong Hesus.

"Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo." -Mateo 24:24

"Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha." -2 Timoteo 4:3-4 

"Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Diyos na binili niya ng kaniyang sariling dugo. Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan; At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan." -Mga Gawa 20:28-30 

"Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak. At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang daan ng katotohanan. At sa kasakiman sa mga pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo: na ang hatol nga sa kanila mula nang una ay hindi nagluluwat, at ang kanilang kapahamakan ay hindi nagugupiling." -2 Pedro 2:1-3

ANG ANTI-KRISTO!

Pangalawa, sinasabi ni Apostol San Juan (2 Juan 1:7) na ang mga MANGANGARAL na HINDI TINATANGGAP si HESUS [DIYOS] na naparito sa LAMAN, ay mga MANDARAYA ~ mga ANTI-KRISTO!

"Sapagka't maraming MANDARAYA na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga HINDI NANGAGPAPAHAYAG na si JESUCRISTO ay napariritong NASA LAMAN. Ito ang magdaraya at ang ANTICRISTO." -2 Juan 1:7

"Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios: At ang bawa't espiritung HINDI IPINAHAHAYAG SI JESUS, AY HINDI SA DIYOS: at ITO ANG SA ANTICRISTO, na inyong narinig na darating; at ngayo'y nasa sanglibutan na." -1 Juan 4:2-3

Kahindik-hindik ang mga aral ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na pilit IBINABABA ang Panginong Hesus bilang 'tao lamang' sa kabila ng MALINAW na PAHAYAG sa Biblia na Siya nga ay DIYOS na nagkatawang-tao. Samantalang pilit na ITINATAAS naman si G. Felix Y. Manalo na TAO, bilang 'anghel o huling sugo' na MALABONG NABABANGGIT at MALAYONG TINUTUKOY sa Biblia kahit kailan!

At kahit kailan, HINDI MANANAIG ang mga aral na MAPANLINLANG! Iwaksi ang mga mapanlinlang na doktrina. Talikdan ang mga huwad na sugo at lisanin ang nagpapanggap na kay Cristo!

Sunday, February 7, 2021

Kaanib sa Iglesia Ni Cristo® 1914 Lumalago?

 

Source: https://www.eaglenews.ph/giving-back-glory-to-god-thousands-baptized-in-iglesia-ni-cristos-grand-baptism-at-ciudad-de-victoria/
'The “Grand Baptism” of the Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ) today, Saturday, Sept. 7, 2019, where thousands of new members, coming from different religions and various races, have started at the Ciudad de Victoria in Bocaue, Bulacan. 

'The INC’s Grand Baptism today also coincides with the 10th year of Brother Eduardo V. Manalo as Executive Minister of the INC. The Church has now reached 152 countries and territories, with its members belonging to 147 nationalities, races and ethnicities."' -Eagle News

Taon-taon sa tuwing sumasapit ang kanilang taunang pagdiriwang ng PAGKAKATATAG, ang Iglesia Ni Cristo® 1914 ay nagsasagawa ng "Malaking Pamamahayag" kung saan sila ay nag-iimbita ng mga di-kaanib upang mahikayat na umanib sa iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo noong 1914. Ang tawag natin dito ay 'mass deception' sapagkat hindi sila nagsasabi ng tapat sa kanilang mga bagong recruits tulad ng mga sumusunod:
  • Si Cristo (raw) ay 'HINDI' Diyos (walang sinasabi ang Biblia na HINDI Siya Diyos kundi sinasabi ng Biblia na si Cristo ay NAGKATAWANG-TAO mula sa PAGKA-DIYOS!)
  • Si Felix Y. Manalo (raw) ay ang 'Huling Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw' (na wala namang binabanggit ang Biblia tungkol kay Felix o sa huling sugo maliban kay Cristo na siyang Huli at Katuparan ng mga isunugo.
  • Natalikod (daw) ang tunay na Iglesia ni Cristo (wala ring binanggit ang Biblia na ang Iglesia ay matatalikod kundi ang TAO ang TATALIKOD tulad ng PAGTALIKOD ni Felix Y. Manalo sa tunay na Iglesia ni Cristo ~ ang Iglesia Katolika)
Kasunod nito ay ang kanilang "mass baptism". Dinaraos kalimitan sa kanilang mga malalaking kapilya at sa pang-sanlibutang Philippine Arena (na naging dahilan upang itiwalag ni Ka Eduardo V. Manalo, apo ng nagtatag na si Ginoong Felix Y.Manalo, ang kanyang inang si Ka Tenny at mga kapatid na si Ka Lotty at Ka Angel ~ basahin ang Philippine Inquirer).

Sa kabila nito "PAGDAMI" raw ng UMAANIB sa INC™ HINDI NAGBABANGGIT ang Iglesia Ni Cristo® 1914 ng OPISYAL at TAMANG BILANG ng kanilang mga KAANIB hanggang sa kasalukuyan.

TOTOONG BILANG NG IGLESIA NI CRISTO® 1914

Dahil walang maibibigay na opisyal na bilang ang pamunuan ng INC™ ating sangguniin ang Philippine Census at kung available data na makukuha natin sa internet.
Google Search Results: INC™ has 2.64% (2015) = 2,695,440 members in 2015

Kaya't dito, mapapatunayan natin na hindi nagsisinungaling ang bilang ika nga. 

Mula 1914 - 1936 ang INC™ ay may kabuuang 85,000; 1954 ay 285,000; at umabot sa 500,000 noong 1970 (ulat ng MB sa ika-96 taon ng pagkakatatag ng INC™ 1914). 

Sa datos ng Philippine Statistics Yearbook 2018, p. 62, ang kabuuang KAANIB sa Iglesia Ni Cristo® ay 2,664,498 lamang! 

Sa datos na available sa Wikipedia, ang datos ng kaanib noong 2015 ay 2,695,440 (2.64%) ng kabuuang populasyong 102.1 milyon.

Sa ulat naman ng International Religious Freedom Report, ang INC™ ay kabilang 9% kabilang sa iba pang mga iglesia protestante sa Pilipinas. At ang Iglesia Katolika ay nasa 79.5% (2015).

Sa 106 taon ng kanilang pag-iral, 'ESTIMATED' na nasa 3 MILYON DAW ang kanilang mga kaanib ayon sa Wikipedia page. Bakit 'ESTIMATED' lamang ang kayang ibigay na ulat? Marahil ay sapagkat wala silang opisyal na datos at wala rin silang sapat na bilang upang mapatunayang sila'y umabot sa 3 milyon!

Sa Iglesia Katolika na 'siyang [tunay] Iglesia ni Cristo sa pasimula' (Pasugo Abril 1966, p. 46) MALINAW ang DATOS. Ito ay makukuha sa isang simple INTERNET SEARCH na 'CATHOLIC POPULATION', tama at most accurate data. Opisyal na inuulat ito ng Annuario Pontifico (Pontifical Yearbook 2020) na sa huling ulat nito, ang mga Katoliko sa buong mundo ay 1.3 bilyon! (read Catholic by country by Wikipedia)

Tunay nga na kung ang ILAW ay sa IBABAW ng ILAWAN, maraming MAKAKAKITA ng LIWANAG  nito (Mateo 5:15) Ganyan ang IGLESIA KATOLIKA na TUNAY na IGLESIA NI CRISTO, hindi nandaraya kundi NAKALAHAD LAHAT ang kanilang mga ARAL at BILANG ng KAANIB na hindi itinatago!