Pages

Sunday, February 7, 2021

Kaanib sa Iglesia Ni Cristo® 1914 Lumalago?

 

Source: https://www.eaglenews.ph/giving-back-glory-to-god-thousands-baptized-in-iglesia-ni-cristos-grand-baptism-at-ciudad-de-victoria/
'The “Grand Baptism” of the Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ) today, Saturday, Sept. 7, 2019, where thousands of new members, coming from different religions and various races, have started at the Ciudad de Victoria in Bocaue, Bulacan. 

'The INC’s Grand Baptism today also coincides with the 10th year of Brother Eduardo V. Manalo as Executive Minister of the INC. The Church has now reached 152 countries and territories, with its members belonging to 147 nationalities, races and ethnicities."' -Eagle News

Taon-taon sa tuwing sumasapit ang kanilang taunang pagdiriwang ng PAGKAKATATAG, ang Iglesia Ni Cristo® 1914 ay nagsasagawa ng "Malaking Pamamahayag" kung saan sila ay nag-iimbita ng mga di-kaanib upang mahikayat na umanib sa iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo noong 1914. Ang tawag natin dito ay 'mass deception' sapagkat hindi sila nagsasabi ng tapat sa kanilang mga bagong recruits tulad ng mga sumusunod:
  • Si Cristo (raw) ay 'HINDI' Diyos (walang sinasabi ang Biblia na HINDI Siya Diyos kundi sinasabi ng Biblia na si Cristo ay NAGKATAWANG-TAO mula sa PAGKA-DIYOS!)
  • Si Felix Y. Manalo (raw) ay ang 'Huling Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw' (na wala namang binabanggit ang Biblia tungkol kay Felix o sa huling sugo maliban kay Cristo na siyang Huli at Katuparan ng mga isunugo.
  • Natalikod (daw) ang tunay na Iglesia ni Cristo (wala ring binanggit ang Biblia na ang Iglesia ay matatalikod kundi ang TAO ang TATALIKOD tulad ng PAGTALIKOD ni Felix Y. Manalo sa tunay na Iglesia ni Cristo ~ ang Iglesia Katolika)
Kasunod nito ay ang kanilang "mass baptism". Dinaraos kalimitan sa kanilang mga malalaking kapilya at sa pang-sanlibutang Philippine Arena (na naging dahilan upang itiwalag ni Ka Eduardo V. Manalo, apo ng nagtatag na si Ginoong Felix Y.Manalo, ang kanyang inang si Ka Tenny at mga kapatid na si Ka Lotty at Ka Angel ~ basahin ang Philippine Inquirer).

Sa kabila nito "PAGDAMI" raw ng UMAANIB sa INC™ HINDI NAGBABANGGIT ang Iglesia Ni Cristo® 1914 ng OPISYAL at TAMANG BILANG ng kanilang mga KAANIB hanggang sa kasalukuyan.

TOTOONG BILANG NG IGLESIA NI CRISTO® 1914

Dahil walang maibibigay na opisyal na bilang ang pamunuan ng INC™ ating sangguniin ang Philippine Census at kung available data na makukuha natin sa internet.
Google Search Results: INC™ has 2.64% (2015) = 2,695,440 members in 2015

Kaya't dito, mapapatunayan natin na hindi nagsisinungaling ang bilang ika nga. 

Mula 1914 - 1936 ang INC™ ay may kabuuang 85,000; 1954 ay 285,000; at umabot sa 500,000 noong 1970 (ulat ng MB sa ika-96 taon ng pagkakatatag ng INC™ 1914). 

Sa datos ng Philippine Statistics Yearbook 2018, p. 62, ang kabuuang KAANIB sa Iglesia Ni Cristo® ay 2,664,498 lamang! 

Sa datos na available sa Wikipedia, ang datos ng kaanib noong 2015 ay 2,695,440 (2.64%) ng kabuuang populasyong 102.1 milyon.

Sa ulat naman ng International Religious Freedom Report, ang INC™ ay kabilang 9% kabilang sa iba pang mga iglesia protestante sa Pilipinas. At ang Iglesia Katolika ay nasa 79.5% (2015).

Sa 106 taon ng kanilang pag-iral, 'ESTIMATED' na nasa 3 MILYON DAW ang kanilang mga kaanib ayon sa Wikipedia page. Bakit 'ESTIMATED' lamang ang kayang ibigay na ulat? Marahil ay sapagkat wala silang opisyal na datos at wala rin silang sapat na bilang upang mapatunayang sila'y umabot sa 3 milyon!

Sa Iglesia Katolika na 'siyang [tunay] Iglesia ni Cristo sa pasimula' (Pasugo Abril 1966, p. 46) MALINAW ang DATOS. Ito ay makukuha sa isang simple INTERNET SEARCH na 'CATHOLIC POPULATION', tama at most accurate data. Opisyal na inuulat ito ng Annuario Pontifico (Pontifical Yearbook 2020) na sa huling ulat nito, ang mga Katoliko sa buong mundo ay 1.3 bilyon! (read Catholic by country by Wikipedia)

Tunay nga na kung ang ILAW ay sa IBABAW ng ILAWAN, maraming MAKAKAKITA ng LIWANAG  nito (Mateo 5:15) Ganyan ang IGLESIA KATOLIKA na TUNAY na IGLESIA NI CRISTO, hindi nandaraya kundi NAKALAHAD LAHAT ang kanilang mga ARAL at BILANG ng KAANIB na hindi itinatago!

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.