Pages

Saturday, February 13, 2021

Hindi Bayan ang INC™ 1914 at Hindi Totoong Sugo si Ginoong Felix Y. Manalo


Heto na naman po tayo. Makailang beses na po nating PINATUNAYAN na HINDI po totoong SUGO ng Diyos si Ginoong Felix Y. Manalo, sa kadahilanang (basahin dito)

  • Walang malinaw na titik at talata sa Biblia na tumutukoy kay Felix Y. Manalo.
  • Walang binanggit ang Biblia na magsusugo pa ng isang Felix Y. Manalo.
  • Walang masusumpungang patunay mula sa Biblia na si Felix Manalo ay isinugo ng Diyos.
Ang mga katotohanan ukol sa pagka-SUGO ni G. Felix Manalo (basahin dito)
  • Siya (Felix Y. Manalo) ang nagsabing siya ay sugo.
  • Siya ang nagsabing hinulaan siya sa Biblia.
  • Siya ang nagsabing siya ang tinutukoy sa Isaias na "ibong mandaragit".
  • Siya ang nagsabing si Cristo ang tinutukoy na PASTOR sa Juan 20:28 at hindi siya.
  • Siya ang gumagawa ng mga leksyion at propaganda na itinuturo ng mga ministro ng INC™.
  • Siya ang nagtatag at nagrehistro sa Iglesia Ni Cristo bilang Corporation Sole.
  • Siya ang ulo at tagapagtatag ng Iglesia Ni Cristo na sumulpot sa Pilipinas noong 1914.
  • Siya ang tumalikod at tumiwalag sa tunay na Iglesia at hindi ang Iglesia ang tumalikod.
  • Siya ang naligaw at hindi ang mga alagad ng mga apostol.
  • Siya ang nagtakwil kay Cristo bilang Diyos at siya ang nagtaas sa sarili bilang anghel.
  • Siya ang katuparan ng mga hulang darating ang mga bulaang propeta. 
Hindi bayan ang Iglesia Ni Cristo® 1914
  • Hindi maituturing na 'bayan' ang INC™ sapagkat hindi naman sila hiwalay sa bayang Pilipinas
  • Sekta ang tawag sa INC™, katulad ng iba pang mga sektang Protestanteng sumulpot.
  • Ang tunay na bayan ng Diyos ay ang Iglesia Katolika na may sariling batas, may sariling bansa, may sariling kasarinlan, may sariling alituntunin at ang kanyang mga paniniwala, tradisyon at kultura ay siyang humubog sa kultura at tradisyon ng buong mundo tulad ng Pasko, Valentines, mga Piesta at iba pang mga larangan sa Siyensia o Agham, Astronomia, at Karapatang-Pantao! Tanging ang Iglesia Katolika lamang ang nag-iisang institusyon sa buong mundo na may boses sa larangan ng Human Rights, Morals at Pro-Life issues. Ang INC™ wala!

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.