Ang tradisyon ng pag-aalaala sa mga banal na kaanib ng tunay na Iglesia ay hindi na bago sa mga kaanib sa tunay na Iglesia.
Sa tunay na Iglesiang tatag ni Cristo, inaalaala ang isang lider hindi dahil sa pagiging pastor o ministro o papa nito. Ang batayan upang alalahanin ang isang lider ay ang kanilang KABANALAN. Sapagkat sa bawat sinugo ng Diyos siya ay DAPAT na MAMUHAY nang may KABANALAN.
Halimbawa, inaalaala natin ang BUONG BUHAY ng Panginoong Jesus, mula nang Siya ay IPINAGLIHI ng Mahal na Birheng Maria hanggang sa Siya ay Pahirapan, Ipako sa Krus, Namatay, Inilibing at sa Kanyang PAGKABUHAY na mag-uli at sa Kanyang pagparito sa wakas ng panahon.
Sunod na inaalaala natin ay ang buhay ng Kanyang Mahal na Inang si Maria, at ang kalinis-linisang esposo ng Mahal na Birhen, na si San Jose; inaalaala rin natin ang mga alagad ni Cristo at nang mga unang Kristiano nagbuwis ng buhay upang SUMAKSI sa katotohanan ng ating PANANAMPALATAYA ~ SILANG LAHAT AY NAMUHAY NG MAY KABANALAN hanggang sa kamatayan!
At sa PAGSAKSI ng mga BANAL, dumami ang mga kaanib na ginawang HALIMBAWA ang kabanalan ng mga Santo at Santa, tulad ni Santa Teresa ng Calcuta at ni San Juan Pablo II
Tinupad nila ang habilin ng Banal na Biblia sa Hebreo 13:7:
"Remember your leaders who spoke the word of God to you. Consider the outcome of their way of life and imitate their faith!" [Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios; at sa pagdidilidili ng wakas ng kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya.]
[Narito ang TALAMBUHAY ng mga BANAL na inaalala natin sa Santa Iglesia.]
Sa samahan ni Ginoong Felix Manalo ~ ang Iglesia Ni Cristo® 1914, inaalaala nila ang kanilang kasaysayang sa pamamagitan ng kanilang "sugo" ~ si Ginoong Felix Manalo. Ito ay nagsimula sa taong 1914. Sunod na humalili kay Ginoong Felix Manalo ay ang kanyang anak na si Eraño G. Manalo. Sunod nito ay ang anak ni Eraño na si Eduardo V. Manalo at kung sakali, ay si Angelo Eraño V. Manalo ang susunod na kahalili. Sila'y namuhay...
Photosource: Iglesia Ni Cristo FB Page |
Malamang, walang kinikilalang CRISTO ang Pilipinas sa kasalukuyan! Maging ang INC™ ni Ginoong Felix Manalo ay mahihirapang ipahayag ang kanyang sariling iglesia. Sapagkat bago pa man nangaral si Felix Manalo, buhay na buhay na ang TUNAY na IGLESIA.
Pilit man nilang angkinin ang pagiging tunay, ngunit sila'y mananatili pa ring PEKE tulad ng paghatol sa kanila ng kanilang opisyal na magasing Pasugo:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang." -PASUGO Mayo 1968, p. 7
No comments:
Post a Comment
Comments are posted only when you properly identify yourselves.