Pages

Friday, June 8, 2018

Ang Kasaysayan ng Tunay na Iglesia ni Cristo ay Hindi Nagsimula Noong 1914 A.D.

“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." -PASUGO Abril 1966, p. 46

Ang video na gawa ng INC™ sa ibaba ay isang kasinungalingan. HUWAG MAGPALINLANG!

Sa mga katulad nito, paalala ng isang DALUBHASA sa KASAYSAYAN ng KRISTIANISMO, ay ganito:
"Protestants advocate myths about this era because their movement depends on the belief that the Catholic Church is a corruption of the early Church, and hence that the Reformation was a return to the apostolic faith. One of the main anti-Catholic historical myths embraced by many Protestants is the belief in a Great Apostasy, which allegedly occurred when Constantine favored the Catholic Church in the fourth century and "Romanized" it to the point where it became so contaminated that it ceased to be Christian.  

Yet we know that the early Church was the Catholic Church and the real story of history illustrates the continuity of the Faith through the centuries." -(Steve Weidenkopf) The Real Story of Catholic History, Answering Twenty Centuries of Anti-Catholic Myths
Hindi ba't sounds familiar ang ganitong mga argumento ng mga INC™?


Ang tinutukoy po nilang kasaysayan ng Iglesia ni Cristo ay walang iba kundi ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang tunay na Iglesia ni Cristo.

Ayon sa mga mangangaral ng INC™ na tatag ni Felix Manalo noong 1914, naging "tunay" na raw sila sapagkat ang UNANG IGLESIA ni Cristo ~ ang IGLESIA  KATOLIKA ay NATALIKOD daw na "GANAP".  Kaya't noong sinimulan ni Ginoong Felix Manalo ang Iglesia Ni Cristo® na tinawag niyang "MY CHURCH" (FreePress, February 11, 1950) ay NAWALA na raw na ganap ang UNANG IGLESIA ni Cristo at ang KANYANG IGLESIA na raw ang tunay.

Hokus-pokus nga naman ang kasaysayan ng Iglesia Ni Cristo®. Bulag nilang tinatanggap ang isang malinaw na kasinungalingan na ang nais lamang ay linlangin ang mga kaanib sa TUNAY na IGLESIANG KAY CRISTO ~ walang iba kundi ang IGLESIA KATOLIKA at sila'y magsitalikod.

Hindi naman tayo dapat magtaka sapagkat bago pa man Mayo 10, 1886, ang araw ng pagsilang ng kanilang sugo, HINULAAN na ng Banal na Kasulatan ang PAGDATING ng mga MANDARAYA ~ silang mga mangangaral (kuno) na HINDI TANGGAP si Cristo (bilang Diyos) na naparito sa laman (tao).

"Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo." -2 Juan 1:7
Malinaw tayong binabalaan ni Apostol San Juan na ang mga mangangaral na TAONG-TAO LAMANG daw ang Panginoong Jesucristo ay mga ANTICRISTO o mga KALABAN ni Cristo.

At ano naman ang mangyayari sa pagdating ng mga MANDARAYANG mga MANGANGARAL na mga ANTICRISTO?

"At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami." -Mateo 24:11
Marami raw silang mga MADADAYA at sila ay TATALIKOD sa TUNAY na Iglesia! TAO po ang TATALIKOD at HINDI ang IGLESIA! Isang malaking kasinunglaingan ang sasabihin nilang NATALIKOD na raw na GANAP ang Unang Iglesia. Kaya't ang paglitaw ng INC™ sa Pilipinas ay isang katuparan ng mga hula sa Biblia. Ang pagdating ng mga bulaang propeta at ang pagtalikod ng marami ay natupad sa kanila.


No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.