Pages

Thursday, April 12, 2018

Kung Wala sa Biblia, PEKE?

Bukam-bibig lagi ng mga kaanib sa pekeng INC™ -1914 ni Felix Manalo eh, kapag WALA raw sa BIBLIA ay hindi na totoo o PEKE.


At ginamit pa ang SULAT ni Apostol San Pablo sa mga TAGA-ROMA! Bakit, taga-Roma ba sila?! Libre ang mangarap!

DIRECT QUOTE FROM ROMANS 16:16

Mga AMPON ng PANLILINLANG. 

Ang katusuan ng mga INC™ -1914 ay Nilalagyan nila ng CAPITAL LETTERS ang "I" sa iglesia para lalabas na PROPER NOUN ito. Pero sa totoo lang, ang nakasulat sa ADB (Ang Dating Biblia) ay ganito:





SULAT ni Apostol San Pablo sa mga Kristiano sa ROMA at hindi sa Pinas. Kaya sino ang mga Kristianong binabanggit sa ROMA? Mga PINOY ba o mga ROMANO? Natural mga ROMANO dahil taga-ROMA nga eh. Kung sulat ito sa mga Pinoy dapat eh "sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Pilipinas".

Mga INC™ ba ang mga nasa ROMA?

Hindi po maaari. At lalong di tatanggpin ng mga taga-ROMA na sila'y babansaging mga "Iglesia" sapagkat sila'y mga Kristiano Katoliko at hindi "Iglesia."

Ayon kay Apostol San Pablo, ang LAHAT daw ng IGLESIA NI CRISTO ay bumabati sa IGLESIANG nasa ROMA "Binabati kayo lahat ng mga iglesia ni Cristo."

Kung LAHAT pala ng IGLESIA ni CRISTO ay bumabati sa IGLESIA sa ROMA, bakit may NAG-IISANG "Iglesia" (raw) sa Pilipinas ang AYAW bumati sa IGLESIA sa ROMA?

Hindi ba't mismong ROMA 16:16 ang nagsasabing "lahat ng mga iglesia ni Cristo ay bumabati" sa IGLESIA sa ROMA, bakit naman ang INC™ sa Pilipinas ay ayaw talagang bumati? Dahil ba sa HINDI naman sila TUNAY na iglesia?

Kaya't kung suma-total, ang mga "iglesia" na AYAW bumati sa IGLESIA sa ROMA, bagama't sinasabi ni Apostol San Pablo na LAHAT daw ng mga iglesia ay bumabati, ang HINDI bumabati sa IGLESIA sa ROMA ay hindi dapat itinuturing na tunay na "iglesia" sapagkat NILALABAG nila ang sinasaad sa Roma 16:16 na "lahat ng mga iglesia ni Cristo ay bumabati sa inyo".

Sa katunayan, halos lahat ng mga iglesiang kay Cristo sa mundo (pakitingnang ang mapa sa ibaba) ay bumabati nga naman sa IGLESIA sa ROMA.

Mula sa Wikipedia

Nakakapagtataka nga kung bakit FLAG ng ITALY ang kanilang pinag-kopyahan ng kanilang official symbol?  Tapos PINAGMAMALAKI pa nila sa kanilang PASUGO 2014 Special Centennial na "NAKABALIK" na raw ang "TUNAY" na "IGLESIA" sa ROMA?? Pero hanggang ngayon DI MAKAALIS-ALIS sa Pilipinas ang kanilang CENTRAL.

Sa totoo lang, walang INC™-1914 saan man sa mundo ang bumabati sa kanilang Lokal sa Roma. Kabaliktaran pa nga, kundi sa ang kanilang Lokal sa Roma ang BUMABATI sa CENTRAL sa PILIPINAS. Ang Local sa Roma pa ang nagpapadala ng abuloy nila sa CENTRAL sa Pinas. 

Kaya't huwag na lamang nilang linlangin ang kanilang mga kaanib. Ang ROMA 16:16 ay hindi INC™ ang tinutukoy doon ni San Pablo. Kundi mga KRISTIANONG KATOLIKO po!


Pero balikan natin ang kanilang pamantayan, na kapag WALA SA BIBLIA ay PEKE.

Una, HINDI naman sila ang pinapatungkulan ng Roma 16:16 kundi ang Iglesia Katolika na nasa Roma.

Pangalawa, wala sa saling Tagalog ang mga salitang "IGLESIA KATOLIKA" nasa GREEK VERSION ng Biblia sa Mga Gawa 9:31

"Ἡ μὲν οὖν ἐκκλησία καθ' ὅλης τῆς Ἰουδαίας καὶ Γαλιλαίας καὶ Σαμαρείας εἶχεν εἰρήνην, οἰκοδομουμένη καὶ πορευομένη τῷ φόβῳ τοῦ κυρίου, καὶ τῇ παρακλήσει τοῦ ἁγίου πνεύματος ἐπληθύνετο." [I mén oún ekklisía kath' ólis tís Ioudaías kaí Galilaías kaí Samareías eíchen eirínin, oikodomouméni kaí porevoméni tó fóvo toú kyríou, kaí tí paraklísei toú agíou pnévmatos eplithýneto.]

Ayon pala. May IKKLISIA KATH'OLIS pala sa Mga Gawa 9:31!


Kaya IBALIK natin ngayon sa kanila ang kanilang pamantayan!



No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.