Pages

Sunday, April 8, 2018

KALIKASAN NI CRISTO AY DIYOS SA KALAGAYANG TAO!

(Edited from Ang Pagbubunyag ng Katotohanan of the INC™ "Ang Likas na Kalagayan ni Cristo")


Sa pamagat pa lamang mula sa Facebook article nila sa itaas na pinamagatang "Ang Likas na Kalagayan ni Cristo" MALING-MALI na ito at puno ng PANDARAYA sapagkat binibigyan nila ng impresyon ang kanilang mga mambabasa na ang mga salitang KALIKASAN at KALAGAYAN ay pareho.

Linawin natin sapagkat marami na silang mga natisod at nadaya. Ang KALIKASAN (LIKAS) ni Cristo ay DIYOS sa KALAGAYAN bilang TAO! (Juan 1:1-6;14)

BIBLIA ang NAGPAPATUNAY na itong si CRISTO JESUS ay DIYOS - VERBO na NAGKATAWANG-TAO. Ang mga tagapangaral ng iba’t ibang pekeng relihiyon tulad ng INC™-1914 na naniniwalang si Cristo ay isang TAO LAMANG ay HINDI dapat PINANINIWALAAN  sapagkat SALUNGAT ang kanilang mga turo sa mga turo ng mga unang mga Cristiano.


NAUNAWAAN NATIN MULA Bagong Tipan na tinaglay ng mga unang Cristiano ang paniniwala na ang Ama ang kaisa-isang tunay na Diyos (Juan 17:3, Salita ng Buhay) at si JesuCristo naman ang Kanyang BUGTONG NA ANAK, DIYOS na NAGKATAWANG-TAO (Juan 1:1-14), IISANG DIYOS sa TATLONG PERSONA.  Ang katotohanang ito ay pinalaganap ng mga uanang Cristiano na si Cristo ay UMIIRAL NA bago pa Siya ipanganak ni Maria BILANG TAO kaya't Siya ay Diyos na nagkatawang-tao. Ito ang aral na sinampalatayanan ng mga Unang Cristiano, dahilan kung bakit Siya ay HINATULAN ng kamatayan dahil sa paratang ng mga Hudyo ng "pag-aangkin" ng pagka-Diyos. Bagay na naunawaan ng mga Hudyo noong Siya ay nais na BATUHIN, hindi dahil sa mabubuting gawa kundi dahil sa PAKIWARI nilang NAGPAPANGGAP NA DIYOS si Cristo sa kalagayan bilang TAO!


Sa kabila nang pag-iisip ng mga Hudio kay Jesus na "nagpapanggap" na Diyos, pansinin natin ang naging tugon ni Cristo. Hindi man lang niya sila itinama kung mali man ang kanilang hinala. Hinayaan niya ang mga Hudiyo sa kanilang mga INIISIP bilang SIYA AY DIYOS sapagkat iyon ang TUMPAK at TAMA at iyon ang KATOTOHANAN tungkol sa kanya!

Sa PAGNANAIS ng INC™-1914 na IDIIN ang PAGKATAO Niya at BALEWALAHIN ang pagka-DIYOS Niya, sinipi nila ang isang iskolar na Protestante na si George E. Ladd:
“Binabasa natin ang mga Ebanghelyo at mga aklat ng mga Gawa sa liwanag n gating pagkaunawa sa pre-eksistensiya at sa pagkakatawang-tao ng Diyos Anak. Suabalit, ang mga unang Cristiano ay walang gayong konsepto sa kanilang mga isipan. Wala silang doktrina tungkol sa pagka-Diyos ni Cristo…” (The Young Church: Acts of the Apostles, p. 48)1
Bagama't malinaw ang pagdidiin ni G. Ladd ukol sa paniniwala ng mga unang mga Cristiano ukol kay Cristo bilang tao, hindi maiwawaglit na siya, bilang pastor ng Baptist Church ay NANINIWALANG si CRISTO ay DIYOS na totoo at TAONG totoo ayon sa paniwala ng mga unang mga Cristiano!

Upang lalo pang MAPAWALANG SAYSAY ang PAGKA-DIYOS ni Cristo, sinipi naman ng INC™-1914 ang mga sinulat ng isang paring Katoliko na is Richard P. McBrien na hindi RAW Diyos ang pagtuturing ng mga manunulat ng Bagong Tipan kay Cristo:
“Ni hindi man lamang karaniwang binabanggit ng mga manunulat ng Bagong Tipan ang tungkol kay Jesus bilang ‘Diyos’…” (Catholicism, p. 346)2
Palibhasa, ang aklat ni Richard P. McBrien ay HINDI sumasang-ayon sa katuruan ng Iglesia Katolika. Ang kanyang aklat na "Catholicism" ay hindi nagkaroon ng NIHIL OBSTAT at IMPRIMATUR upang tanggapin itong lehitimong aklat-Katoliko. Ganon pa man, ang sinabi rito ni McBrien ay hindi naman labag sa katotohanang si Cristo ay Diyos bago pa siya umiral na Tao.
McBrien's Catholicism sold over 150,000 copies in its original two volume, 1980 edition. Together with its revised, one volume edition (1994), Catholicism was a widely used reference text and found in parish libraries throughout the United States.Nevertheless, sections within the text have been a matter of contention. Critics have noted that Catholicism does not bear a Nihil Obstat and Imprimatur declarations from the Church that state the book is free of moral or doctrinal error. [Wikipedia]
Hirit pa ng mga kalaban ng katotohanan sinabi raw ng paring Jesuita na si Pedro Sevilla ay hindi raw tinawag na Diyos sa mga kauna-unahang araw ng Cristianismo: (Ang Kabanalbanalang Isangtatlo: Ang Diyos ng mga Kristiyano, p. 32).

Idinugtong naman nila ang mga pahayag raw ni Shirley C. Guthrie ng Presbyterian Church na sumulat raw ng aklat na pinamagatang Christian Doctrine: “Hindi tuwirang sinabi ng mga pankaunang Cristiano na is Jesus ay Diyos o na ang Diyos ay si Jesus” (p. 94). Ang sagot natin rito ay dahil sa ito ay COMMON BELIEF na sa mga unang Kristiano ang pagka-Diyos ni Cristo!

At ang kanilang PABORITONG protestanteng si George Lamsa, na hindi naniniwala sa pagka-Diyos ni Cristo ay nagsabi raw na: “Si Jesus ay hindi tinawag na Diyos sa mga unang araw na yaon…” (New Testament Commentary, p. 149).

Hindi totoong tinatanggap kapuwa ng mga teologong Katoliko at Protestante na TAO lamang si Cristo, kundi DIYOS na NAGKATAWANG-TAO. Hindi inisip ni Cristo na Siya ay Diyos sapagkat SIYA nga ay DIYOS! Katulad nating mga tao, iisipin pa ba natin ang pagkatao natin kung 'yan na ang ating kalikasan at kalagayan?

Isaalang-alang din natin na noong UNANG 1500 TAON ng Kristianismo, TANGGAP na ng mga Kristiano na DIYOS si Cristo at WALANG nangahas na paghinalaan ang likas na pagka-Diyos ni Cristo sa kalagayan niya bilang tao maliban sa mga pahayag ni Arius (250 - 336 AD) at Nestorius (386-450 AD) na kapwa pinagdudahan ang pagka-Diyos ni Cristo mula pa sa una.


Dahilan rito, NAGPULONG ang tunay na Iglesia ni Cristo upang PAG-USAPAN at TULDUKAN ang PAGDUDUDA sa KALIKASAN ni Cristo. Dahilan upang maganap ang UNANG KONSILIYO SA NICAEA.


Sa Konsilio ng Nicaea PINAGTIBAY ang  UMIIRAL nang PANINIWALA na si CRISTO ay DIYOS na totoo at TAONG totoo (One Person, Two Natures)

The council condemned Arius and, with reluctance on the part of some, incorporated the nonscriptural word homoousios (“of one substance”) into a creed (the Nicene Creed) to signify the absolute equality of the Son with the Father. The emperor then exiled Arius, an act that, while manifesting a solidarity of church and state, underscored the importance of secular patronage in ecclesiastical affairs. [Britannica Encyclopedia]
Dito nabuo ang NICEAN CREED na dinarasal ng mga kaanib sa tunay na Iglesia sa tuwing Linggo sa lahat ng mga Simbahan.

Kaya't sa PAGLAGANAP ng PROTESTANTISMO noong 1517 sa pangunguna ni Martin Luther, NAGLIPANA at NAGSULPUTAN ang mga EREHE at mga MALING ARAL ng iba't ibang mga sangay ng Protestantismo kasama na riyan ang Iglesia Ni Cristo®- 1914 ni Felix Manalo!


Pinagdidiinan ng mga kalaban ng katotohanan si John A. T. Robinson isang Anglican na itinuro raw niyang hindi kailanman itinuro ni Cristo na Siya ay Diyos. 

“Kailanman’y hindi personal na inangkin ni Jesus na siya ang Diyos: gayunman lagi niyang inaangkin na dinadala niya ang Diyos nang lubusan …” (Honest to God, p. 73)
Dahil sa hindi naman kilala ng mga kaanib ng INC™ si Cristo at ng kanilang mga ninunong mga Protestante na sumulpot lamang noong 1517 A.D., malamang hindi nila talos ang tunay na kalikasan ni Cristo sa kanyang kalagayan bilang tao.


ANG PALAGAY NG UNANG IGLESIA KAY CRISTO

Ano ang napansin ninyong mga Quotes o SINIPI ng mga kalaban ng katotohanan? SINISIPI nila ang mga OPINYON ng mga Protestanteng SULPOT lamang nitong mga ika-20 Siglo. HINDI nila sinisipi ang mga ARAL ng mga UNANG KRISTIANO ukol sa pagka-Diyos ni Cristo.

Ating sipiin naman ang mga PAHAYAG ng mga UNANG MGA KRISTIANO ukol sa paniwalang si CRISTO ay DIYOS! Mula sa mga Apostol at sa mga immediate followers nila.

"Panginoon ko at Diyos ko!" -Apostol Santo Tomas

"Siya (Cristo) bagama't siya ay nasa anyong Diyos..." -San Pablo sa mga taga-Filipos 2

"Sa pasimula ay Verbo at ang Verbo ay sumasa Diyos at ang Verbo ay Diyos ... At nagkatawang tao ang Verbo..." - Apostol San Juan 1:1;14

"Tayo ay sumasa katotohanan, sa kanyang Anak na si JesuCristo. Siya ang Diyos na tunay at buhay na walang hanggan." -Unang sulat ni Apostol San Juan 1:20b-21a

"Sapagkat nagkalat sa daigdig ang maraming mandaraya na ayaw kumilala na si JesuCristo ay nagkatawang-tao; ganyan ang mga mandaraya at ang anti-Cristo." -Ikalawang sulat ni Apostol San Juan 1:7

"Ako (Cristo) ang Alpa at Omega, wika ng Panginoong Diyos, na nabubuhay ngayon, noon una at paririto, ang Makapangyayari sa lahat... nang makita ko siya (Jesus), nawalan ako ng malay sa kanyang paanan, ngunit ginising ako ng kanyang kanang kamay na ang wika, "Huwag kang matakot, ako ang simula (alpa) at wakas (omega), ang nabubuhay. Ako ay namatay at nariritong buhay magpakailan man at magpasawalang-hanggan." - Apostol Juan sa kanyang pangitain sa Pahayag 1:8;17-18

"Si Ignatius, tinatawag din na Theophorus, sa Iglesia sa Efeso sa Asya ... na itinakda mula sa kawalang-hanggan para sa isang kaluwalhatian na walang hanggan at hindi nababago, nagkakaisa at pinili sa pamamagitan ng tunay na paghihirap sa pamamagitan ng kalooban ng Ama kay Jesucristo na ating Diyos." -Sulat ni San Ignatius sa mga taga Efeso 1 [A.D. 110]

"Sapagkat ang ating Diyos, si Jesu-Cristo, ay ipinaglihi ni Maria ayon sa plano ng Diyos: sa binhi ni David, ito ay totoo, ganon din ng Banal na Espiritu." -ibid 18:2

"Sa minamahal at napaliwanagan ng Iglesia pagkatapos ng pag-ibig ni Jesucristo, ang ating Diyos, sa pamamagitan ng kalooban niya na nagnais ng lahat ng bagay na..." -Sulat ni San Ignatius sa mga taga-Roma 1 [110 A.D.]

"[Mga Kristiyano] sila na, higit sa lahat ng mga tao sa mundo, ay nakasumpong ng katotohanan, sapagkat kinikilala nila ang Diyos, ang Lumikha at gumagawa ng lahat ng bagay, sa bugtong na Anak at sa Banal na Espiritu" -Aristides (Apology 16 [A.D. 140]).

"Hindi namin nilalaro ang mga palalo, kayong mga Griego, ni hindi kami makipag-usap ng mga bagay na walang kapararakan, kapag iniulat namin na ang Diyos ay ipinanganak sa anyo ng isang tao." -Tatian the Syrian (Pahayag sa mga Griego 21 [A.D. 170]).

"Hindi na kailangan ang pakikitungo sa mga tao ng katalinuhan na idudulot ang mga pagkilos ni Kristo pagkatapos ng kanyang binyag bilang patunay na ang kanyang kaluluwa at ang kanyang katawan, ang kanyang katauhan, ay katulad ng sa atin, totoo at hindi palaisipan. Ang mga gawain ni Cristo pagkatapos ng kanyang binyag, at lalo na ang kanyang mga himala, ay nagbigay ng pahiwatig at katiyakan sa mundo ng Diyos na nakatago sa kanyang laman. Ang pagiging Diyos at gayon din ang perpektong tao, nagbigay siya ng mga positibong indikasyon ng kanyang dalawang katangian: ng kanyang pagka-Diyos, ng mga himala sa loob ng tatlong taong sumusunod pagkatapos ang kanyang binyag, ng kanyang sangkatauhan, sa tatlumpung taon na bago dumating ang kanyang binyag, kung saan, dahil sa kanyang kalagayan ayon sa laman, itinago niya ang mga palatandaan ng kanyang pagka-Diyos, bagaman siya ay totoong Diyos na umiiral bago pa ang mga panahon." -Melito ng Sardis (Fragment in Anastasius of Sinai’s The Guide 13 [A.D. 177]).

"Sapagkat ang Iglesia, kahit na kalat sa buong mundo hanggang sa mga dulo ng mundo, ay tumanggap mula sa mga apostol at mula sa kanilang mga disipulo ang pananampalataya sa isang Diyos, Ama na Makapangyarihan sa lahat, ang lumikha ng langit at lupa at dagat at lahat ng natatagpuan, at kay Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos, na naging laman para sa ating kaligtasan, at sa Banal na Espiritu, na nagpahayag sa pamamagitan ng mga propeta ang mga kapahayagan ng pagdating, at ang kapanganakan mula sa isang Birhen, at ang simbuyo ng damdamin, at ang muling pagkabuhay mula sa mga patay, at ang pag-akyat sa katawan sa langit ng minamahal na si Cristo Jesus na ating Panginoon, at ang kanyang pagparito mula sa langit sa kaluwalhatian ng Ama upang muling maitatag ang lahat ng mga bagay, at ang pagtataas muli ng lahat ng laman ng sangkatauhan, upang kay Jesu-Cristo na ating Panginoon at Diyos at Tagapagligtas at Hari, ayon sa kapasyahan ng hindi nakikitang Ama, lahat ng tuhod ay luluhod sa mga nasa langit at sa lupa at sa ilalim ng lupa." -San Ireneous (Against Heresies 1:10:1 [A.D. 189]).

"Ang Salita, kung gayon, ang Kristo, ay ang dahilan ng ating sinaunang simula-sapagkat siya ay nasa Diyos-at sa ating kagalingan. At ngayon ang parehong Salita ay lumitaw bilang tao. Siya lamang ang Diyos at tao, at ang pinagmulan ng lahat ng ating mabubuting bagay." -Clement ng Alexandria (Exhortation to the Greeks 1:7:1 [A.D. 190]).

"Ang mga pinagmulan ng parehong mga pag-iral ay nagpapakita sa kanya bilang tao at bilang Diyos: mula sa isa, ipinanganak, at mula sa iba, hindi ipinanganak." -Tertulian (The Flesh of Christ 5:6–7 [A.D. 210])

"Bagama't siya ay Diyos, naging siya ay laman, at sa kanyang pagiging tao, nanatili siya kung ano siya: Diyos" -Origen (The Fundamental Doctrines 1:0:4 [A.D. 225])

"Sapagkat si Cristo ay Diyos sa pangkalahatan, na nag-ayos upang hugasan ang kasalanan ng sangkatauhan, na nagpabago sa matanda.." -Hypolitus ng Roma (Refutation of All Heresies 10:34 [A.D. 228])

"Ang sinumang tumatanggi kay Cristo bilang Diyos ay hindi maaaring maging kanyang templo [ng Banal na Espiritu] ..." -Cyprian of Carthage (Letters 73:12 [A.D. 253]).

"Siya ay ginawa parehong Anak ng Diyos sa espiritu at Anak ng tao sa laman, iyon ay, parehong Diyos at tao" -Lactantius (Divine Institutes 4:13:5 [A.D. 307]).

"Sumasampalataya ako sa iisang Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak ng Diyos, sumilang sa Ama bago pa nagkapanahon. Diyos buhat sa Diyos, liwanag buhat sa liwanag, Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo. Sumilang at hindi ginawa, kaisa ng Ama sa pagka-Diyos: at sa pamamagitan niya ay ginawa ang lahat. Dahil sa ating pawang mga tao at dahil sa ating kaligtasan, Siya ay nanaog buhat sa kalangitan. (lahat ay yuyuko hanggang sa “naging tao”) Nagkatawang-tao..." -Konseho ng Niceae I [A.D. 325]

"Si Jesu-Cristo ang Panginoon at Diyos na pinaniniwalaan natin, at ang darating na inaasahan natin ay malapit nang maganap, ang hukom ng mga buhay at mga patay, na magbibigay sa lahat ayon sa kanyang mga gawa" -San Patrick ng Ireland (Confession of St. Patrick 4 [A.D. 452]).




Kaya't huwag po kayong maniwala sa mga EREHENG MANGANGARAL na sumulpot lamang noong 1914 sapagkat KAAWAY sila ng KATOTOHANAN at HINDI nila TANGGAP si Cristo (Diyos) na NAGKATAWANG-TAO! Sila ang ang mga  MANDARAYA at mga ANTI-CRISTO ayon kay Apostol San Juan (2 Juan 1:7); MAG-INGAT raw tayo sa mga ganoong mga mangangaral (2 Juan 1:8); Huwag raw silang batiin at HUWAG TANGGAPIN ayon sa 2 Juan 1:10!

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.