Pages

Wednesday, January 3, 2018

Iglesia Ni Cristo® 1914, IPINAGDIRIWANG ang BAGONG TAON ng mga KATOLIKO!

Nakatutuwang isipin na maging ang mga sektang halos lahat ng bagay na Katoliko ay ITINATAKWIL, ay nagsasaya pala at nagdiriwang sa tuwing sumasapit ang bagong taon.

Sa katunayan, taon-taon gusto nilang SUNGKITIN ang Guinness World Record bilang pinakamalaki at pinakamagarbong fireworks display sa tuwing sumasapit ang BAGONG TAON.

Source: GMANetwork
Ang HINDI nila alam, ang kanilang ipinagdiriwang at sinasariwa ay isang PROMULGASYON ni  PAPA GREGORIO XIII (Pope Gregory XIII) ng IGLESIA KATOLIKA noong OKTUBRE 1582, tatlong daan at tatlumpu't dalawang taon (332 years) bago pa man SUMULPOT ang sektang TATAG ni FELIX MANALO, ang INC™.


Ayon sa Wikipedia, si Pope Gregory XIII raw ay ika-226 Papa ng tunay na Iglesia ni Cristo. At hindi lang 'yan, si Papa Gregory pala ay siyang dahilan ng PAGKAKAROON ng CIVIL CALENDAR na ginagamit ngayon sa buong mundo.  

Siya pala ang NAG-REFORMED ng PRESENT CALENDAR na dahilan kung bakit sa tuwing sumasapit ang ENERO UNO (January 1) o BAGONG TAON ay IPINAGDIRIWANG maging ng mga KUMAKALABAN sa Iglesia Katolika!




"Italian. Reformed the calendar (1582); built the Gregorian Chapel in the Vatican. The first pope to bestow the Immaculate Conception as Patroness to the Philippine Islands through the bull Ilius Fulti Præsido (1579). Strengthened diplomatic ties with Asian nations."

Si Pope Gregory XIII rin pala ang nagtakda na ang MAHAL NA BIRHENG IMAKULADA ay PATRONESA ng BUONG PILIPINAS!

Ang tawag pala sa KALENDARYONG ginagamit din ng mga kumakalaban sa Iglesia Katolika ay GREGORIAN CALENDAR. At ang Gregorian Calendar raw ay "... internationally the most widely used civil calendar. It is named after Pope Gregory XIII, who introduced it in October 1582" sabi ng Wikipedia.


Kita niyo! Nakikinabang na pala ang mga kaanib ng kultong INC™ sa pinaghirapan ng Iglesia Katolika na siyang TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO ayon sa Pasugo 1966, pahina 46, eh kinakalaban pa nila sa larangan ng broadcasting sa TV man, radyo at magasin at pinahahambing pa sa diablo para lamang sila ang lalabas na banal at tama. Hindi tama at banal na gawain ang manira ng kapwa para lamang umangat. Hindi po tamang pag-uugali ng isang sumusunod kay Cristo. Ipokrito po ang tawag sa ganon.

Eh bakit nga ba nagkaroon ng Gregorian Calendar? Ito ba ay para sa pagarbuhan at palakihan ng fireworks display? 

Nagkaroon lang daw ng Gregorian Calendar para ayusin ang kakulangan sa bilang ng Julian Calendar na DAHILAN ng PAGLIPAT-LIPAT ng petsa ng PASKO NG PAGKABUHAY o ng EASTER.

"...a calculation that determines the calendar date of Easter. Because the date is based on a calendar-dependent equinox rather than the astronomical one, there are differences between calculations done according to the Julian calendar and the modern Gregorian calendar. The name has been used for this procedure since the early Middle Ages, as it was considered the most important computation of the age... 
"In 1583, the Catholic Church began using 21 March under the Gregorian calendar to calculate the date of Easter, while the Eastern Churches have continued to use 21 March under the Julian calendar. The Catholic and Protestant denominations thus use an ecclesiastical full moon that occurs four, five or 34 days earlier than the eastern one. 
The earliest and latest dates for Easter are 22 March and 25 April. In the Gregorian calendar those dates are as commonly understood. However, in the Orthodox Churches, while those dates are the same, they are reckoned using the Julian calendar; therefore, on the Gregorian calendar as of the 21st century, those dates are 4 April and 8 May."
Sa makatuwid ay RELIGIOUS pala ang dahilan kung bakit na-reformed ang present-day calendar na ginagamit halos na ng buong mundo, at walang kinalaman ito sa Guinness World Record na gustung-gustong sungkitin taon-taon ng INC™ - 1914.

Kaya't sa tuwing BAGONG TAON, alalahanin natin na ito ay isa sa PINAKAMALAKING KONTRIBUSYON ng IGLESIA KATOLIKA sa sangkatauhan, Katoliko man o hindi-Katoliko.  At ito rin ang batayan ng ating International Standardized (ISO) Measurement of Time.

Imbes na AWAYIN at KALABANIN ang IGLESIA KATOLIKA at paratangan ng pagiging "ampon ng diablo" (Pasugo Agosto 1962,  p. 9; Pasugo Oktubre 1956, p. 1), dapat lamang na PASALAMATAN ang NAG-IISA at TUNAY na IGLESIA NI CRISTO. Sapagkat kung hindi dahil sa talinong-angkin ni Papa Gregorio XIII eh malamang walang magarbong fireworks display sa Philippine Arena taon-taon!

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.