Ano nga ba ang mga mahahalagang pangyayari sa loob ng iglesiang tatag ng Ka Felix Manalo sa loob ng 110 taon?
Sa kabuuang populasyon ng mga Pilipino, 2.6% lamang ang kaanib. Sa ibang bansa, ay hindi rin naman sila nakakahigit sapagkat ang mga Overseas Filipino Workers halos lahat ang laman ng kanilang mga kapilya o lokales.
Pangalawa, hindi pa rin malinaw kung binawi na ba ng Ka Eduardo V. Manalo ang kanyang pagtitiwalag sa kaniyang ina at kapatid sa laman.
Matatandaan na noong Hulyo ng taong 2015, itiniwalag ng kasalukuyang Executive Minister ang sarili niyang ina at mga kapatid sa laman, sa INC 1914, hudyat na ang kanyang pamilya ay masusunog sa dagat-dagatang apoy ayon sa kanilang aral at doktrina.
Sa talaan ng mga propeta at mga sinugo ng Diyos na nasusulat sa Biblia, wala ni isa sa kanila ang nagtakwil sa kanilang mga magulang-- tanging si Ginoong Eduardo V. Manalo pa lamang ang gumawa nito. Hudyat ba ito na hindi nga tunay na sugo ang pinagmulang ninuno ni Ginoong EVM?
Pangatlo: kahit na makailang beses pang ituro at ipangaral ng mga ministro ng INC 1914, maging ng kanilang mga kaanib na si Cristo RAW ang NAGTATAG ng kanilang INC, lumalabas sa mga pahayagan sa twing sumasapit ang ika-27 ng Hulyo bawat taon na si Felix Manalo ang may-ari at nagtatag ng INC sa Pilipinas, tulad ng balitang nitong Huly 27 2024 mula sa The Manila Times:
Ang sabi ng pahayagang ito ay si Ginoong Felix Y. Manalo ang nagtatag nito bilang isang SOLE RELIGIOUS CORPORATION noong 1914. Sa pagbibilang natin hanggang sa kasalukuyan, TUNAY nga na SUMULPOT lamang itong iglesiang ito, taong 1914 kaya't sila ay 110 taon pa lamang sa kasalukuyan.
Kaya't binabati namin ng Maligayang 110 Taon ng Pagkakatatag ni Felix Manalo sa Iglesia Ni Cristo!
No comments:
Post a Comment
Comments are posted only when you properly identify yourselves.